《Reaching the Sky》36
Advertisement
helloooo!! miss niyo ba ako? HAHAHAHAHA chz, sorry for being absent nitong mga nakaraang araw and sa mga araw na walang update. i just had to take a rest, and kayo rin from all the pain, a win win situation afterall HAHAHAHAHA dapat wala pa akong update today, pero as a thank you gift for 80k reads, sompraaaayz!! here's your ayuda HAHSJDHAHA thank u for patiently waiting. i said iaannounce ko if mag uupdate pero somprayz nga so wala hehe thank you so much and enjoy, readers!
ps: quotes of the day "bagong chapter, bagong theory" & "bagong chapter, bagong overthink" good luck!
"For Arki po!"
Nang marinig namin ang sigaw nung barista sa coffee shop ay akmang tatayo si Cha pero pinigilan ko siya.
"Ako na,"
Dumiretso ako ron sa cashier at kinuha 'yong order. The girl at cashier smiled at me at siniko naman niya 'yong katabi niyang lalaki. When I was about to leave, the guy talked.
"Arki,"
I looked at him. "Yes?"
"May tanong lang po sana," aniya at kinamot ang likod ng ulo niya, mukhang nahihiya pa.
"Sure, what is it?"
"Single po ba.. 'yong kasama niyo?" he asked and looked at Cha who's sitting at our table peacefully while swaying her feet.
I looked at the guy na nag tanong. Mukhang maayos naman.
"She is," maikling sagot ko.
Agad na nag liwanag ang mukha nung lalaki at ngumiti. "Salamat, Arki! Balik po kayo again with.. Ma'am..?"
The way he said that, it's like he's asking Cha's name.
"I can't give her name to someone we don't personally know, I respect her privacy and I don't have the rights to decide for her," I said. "You can ask her if you want, thank you. Have a great day."
After I said that, nginitian ko sila at saka tuluyang tinalikuran para mag lakad pabalik sa table.
"Ang tagal mo naman," Cha said at tinulungan akong ilapag sa lamesa 'yong mga kape.
"One of the crew is really maharot," I said.
She laughed. "You're so conyo!"
"Akala mo naman siya hindi,"
"Excuse me, Architect pero hindi ako ganiyan kaconyo. Highest level na 'yang sayo," sagot niya at umirap. "Anyway, the who ang maharot?"
"Marites ka,"
"Khit, diba we will never say no sa chika!" she said. That's true tho, Cha is my chika buddy. "So, hinarot ka ba ni ate girl?" tanong niya at inginuso 'yong babae sa cashier.
Umiling ako. "The guy,"
"Omg! Hinarot ka ng guy!?"
Napairap ako at natawa, grabe talaga 'to pag nag chichika ako.
"Ikaw ang hinaharot. He's asking if you're single, and your name,"
"And? What did you say?"
"Uh yes, you're single?" I said. "I didn't mention your name since I don't have consent from you,"
Sinipa niya ako sa ilalim ng lamesa at agad naman akong napaaray.
"Deserve,"
"What did I do!?"
"Why did you say that I am single!?"
"Because you are?"
"I am not!" she argued.
Natawa ako. "Bakit? May jowa ka na ba na imagination mo?"
"Bastos ka! Wala no," sagot niya. "But.."
"But what?"
"Someone already have my heart," she said and looked at me before smiling. "So, I'm considering myself taken!"
I gulped. Hindi ko alam ang isasagot, alam naman namin pareho kung sino ang tinutukoy niya.
"Drink your coffee, tunaw na 'yong ice," pagiiba ko sa usapan.
She happily opened the coffee and took a sip. Kumunot ang noo niya nang matikman ito.
Advertisement
"You don't like it?" I asked. "Akala ko ba ay red velvet ang gusto mo?"
Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang tissue. "Mas masarap pa rin 'yong sa Legazpi na coffee shop, 'yong lagi natin pinupuntahan!"
"True tho," pagsangayon ko. "Bet ka rin nung mga crew doon,"
Natawa siya at tumingin sa kape ko. "Can I tikim?"
I nodded with out hesitations at agad naman niyang tinikman 'yon. Nag liwanag ang mukha niya nang makainom sa kape ko.
"You like it?" tanong ko.
Vanilla lang 'yon pero parang mas nagustuhan pa niya kaysa sa red velvet na favorite niya.
"I love it!" sagot niya at ibinalik sa harap ko 'yon.
I smiled. Kinuha ko 'yong kape niya at ipinalit ito sa kape ko.
"You can have it,"
"What? E, you want vanilla lang! You don't want red velvet naman!"
"Sudden change of heart, sige na,"
Masaya niyang kinuha 'yon at uminom. Cha loves coffee so much, lalo kapag iced kaya sobrang magkasundo kami.
Habang pinagmamasdan ko si Cha, I can't help but to see my Ate sa kaniya. Ang dami nilang pagkakapareho sa iba't ibang bagay, pero ang nangingibabaw ay 'yong pagiging palangiti nila pareho. And just like my Ate, Cha may be that person na mahilig mag overthink at palaging negative ang nakikitang side ng story, pero kapag sa ibang tao ibang iba siya. Just like what happened earlier, to me and Tricia.
Kapag ibang tao, never nag focus si Cha sa negative side. Palagi siyang nag hahanap ng positive side, dahil naniniwala raw siya na lahat ng nangyayari ay may dahilan. At mahalaga raw na maintindihan ang parehong side ng story o ng dalawang tao. Kaya kanina, nasermonan pa niya ako.
Cha may look so softie and baby, pero she really is a matured one when it comes to serious matters. No matter how many times niyang ideny, I can really see it.
And I adore her for that.
"Cha, do you want to meet my Ate?" I asked out of nowhere.
Agad na dahan dahang napaangat ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko, kasusubo niya lang nung cheesecake na kinuha niya.
"How.. don't tell me.."
I smiled. "Let's go to her. Let's visit her grave."
Years have already passed and yet, hindi ko pa rin kayang pumunta sa puntod niya.
I can't, it's breaking me until now.
But now, with Cha I suddenly felt like I can.
"Sigurado ka ba?" nag aalalang tanong niya.
I slowly nodded.
"Will you be okay?"
"I need to be okay, for Ate."
Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa sasakyan, sa cemetery na ang diretso namin. Hindi 'yon gaano kalayo rito kaya palagay ko ay maakakarating kami agad lalo kung walang traffic.
When I was about to start the engine, a car parked right beside us at nang bumaba ang sakay nito ay nagulat ako.
Ibinaba ko ang bintana ko at sumilip. "Tita!"
Agad niyang inilibot ang tingin para tingnan kung saan nanggaling 'yon at nang madako ang tingin niya sa akin ay agad siyang napangiti.
I looked at Cha. "Tara, Tita is here also, ipakilala kita," I said and smiled at her.
Lumapit kami ni Cha kay Tita at agad naman niya akong niyakap.
"Namiss kita, nak ang tagal mong nawala," she said at hinaplos ang mukha ko. "Ang gwapo/ganda pa rin ng anak kong ito!"
"Kayo rin po, walang kupas ang ganda. Mas lalo pong bumabata, ah." asar ko.
Natawa kami pareho at nang mapatingin siya sa katabi ko ay nawala ang ngiti niya pero agad din naman niya 'yong ibinalik.
Advertisement
Weird.
But maybe, gulat lang.
"Tita, this is Charhy po," pakilala ko. "Doctora Charhy," dagdag ko.
"Oh, like my daughter Tricia," aniya. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yon ipinahalata.
"She's from Bicol also po,"
"Hello po," bati ni Cha at kinamayan si Tita.
She's lowkey bowing her head pa. Cutie.
"It's such a pleasure to meet you, Pres."
Natawa si Tita at tinapik ang balikat ni Cha. "You can call me Tita na lang," bulong niya. "What's your relationship with Arki, anak?"
Both Cha and I was too shocked to speak. Hindi namin inexpect ang tanong na 'yon galing kay Tita.
Pareho kaming hindi alam ang isasagot dahil wala namang alam sa lahat ng nangyari si Tita.
"Oh, is that a private thing?" she asked. "I'm sorry, that's not important naman,"
"No, Pre—"
"Tita," pagtatama ni Tita sa kaniya at hinaplos ang braso ni Cha.
"Tita, hindi naman po ganoon kaprivate kaya hindi niyo po need mag sorry," Cha said. "Arki and I, we're.. good friends po,"
"Really? A new found friend, I see," Tita answered and looked at me bago ginulo ang buhok ko pabiro. "That's good, Y/N. Nakikipagfriends ka na sa iba ngayon," she said at ngumiti.
"Noon po ba ay hindi?" Cha asked. Mangaasar na naman 'to.
"Nako, noon ay si Jill lang ang kaibigan niya. Tsaka 'yan sina Aika at Tricia, mga anak ko," Tita proudly said.
She's so proud of her daughters.
"Talaga po? E, siya nga po una lumapit sa akin," I heard Cha said at napatingin naman ako sa kaniya.
"That's a lie, Tita 'wag kang maniwala," laban ko. "Siya 'yong nauna,"
Natawa silang dalawa. Inasar pa nila ako na napakadefensive ko raw. I'm just telling the truth?
"You both are so cute. I can see kayo ni Jill noon, Y/N sa inyo ni Doc Charhy ngayon," Tita suddenly said. "Hindi ko na kayo madalas makita na magkasama, or baka busy lang ako talaga?"
Tipid akong ngumiti. "Busy schedules, Tita hindi po mag tama 'yong samin ni Jill,"
Tita just nodded, napatigil siya saglit at nang may maalala ay agad akong tiningnan. "Oo nga pala, nak Y/N,"
I hummed as an answer.
"Alam mo na ba?"
Huh?
"Ang alin po?" I asked. I tried to remain calm kahit na kinakabahan.
May dapat pa ba akong malaman? Grabe na po ang araw na 'to, Lord.
She smiled. She held my hand and rubbed it.
"Tricia is married."
Oh.
I couldn't talk. Hindi ko alam kung dahil ba nagulat ako o sadyang hindi ko alam ang sasabihin.
She's married.
She really is.
"Ah, Tita we actually saw Doc Tricia earlie—"
"Mama!"
Cha was trying to save me when we heard someone shouted.
Tumakbo siya palapit kay Tita at niyakap ito, hindi yata kami napansin.
Nang kumalas siya sa yakap ay saka lang siya napatingin sa amin. Napatitig siya sa akin nang matagal bago dahan dahan na nilingon si Cha.
"Bubb—Y/N,"
It's Jill.
"H-Hey," I can't help but to stutter. Hindi ko inaasahang nandito rin siya dahil mag isa sa sasakyan si Tita.
Cha looked at me and gave me a comforting smile.
Suddenly, I feel okay.
Jill was about to talk nang isang babae pa ang lumapit sa amin at yumakap kay Tita.
"Ate Aiks," banggit ko sa pangalan niya.
Gulat siyang napatingin sa amin. "Huy! You're here na?"
Lumapit sa akin si Ate Aiks at umakto na parang ngayon lang niya ako nakita. She hugged me and whispered something.
"You're sweating and shaking a bit. Relax, Arki," she said and rubbed my back. "You got this."
Tumingin siya kay Cha at nag panggap na parang hindi niya kilala ito. "And you are?"
"Doctora Charhy po," Cha formally said at inabot ang kamay ni Ate Aiks.
"Hello, Doctora Charhy," Ate Aiks greeted her at natawa nang bahagya before looking at Jill. "Come here, bb."
Mula pa pag dating ni Jill ay hindi ko pa siya naririnig na magsalita ulit. Tahimik lang siya sa gilid habang nagbabatian kami nina Ate Aiks.
When Ate Aiks called her, agad naman siyang lumapit. Inakbayan siya ni Ate at tinuro humarap sila kay Cha.
"Doctora Charhy, this is our bunso, Jillian." pakilala niya.
Hindi agad nakapagsalita si Jill kaya inilagay ko nang bahagya ang kamay ko sa likod ni Cha bago nag salit.
"Jill, this is Cha,"
"Finally, we met," Cha said and smiled at Jill before offering her hand.
Jill slowly took it at pilit na ngumiti.
Matapos naming mag kwentuhan pa nina Tita nang konti ay nagpaalam na rin ako.
"Tita, I think me and Cha should go. May kailangan pa po kaming puntahan,"
"Ayaw.. ayaw niyo sumama mag kape sa loob?" Jill offered bago pa makasagot si Tita.
"We're already done," sagot ko.
Agad siyang napaiwas nang tingin at kinurot naman ako ni Cha. Doon ko lang narealize na baka double meaning ang dating sa kaniya.
"Thanks for the offer tho," dagdag ko para kahit papano ay mawala 'yong awkwardness.
Tumango sila at niyakap kami ni Tita and Ate Aiks bago nag paalam sa isa't isa.
Jill and Cha hugged each other.
When Jill was about to come near me, napatigil siya. I nodded at her and she just did the same before smiling a bit.
"Ingat kayo." she said.
Hinintay namin silang makapasok sa loob ng coffee shop bago kami bumalik ni Cha sa sasakyan.
"Let's go?" I asked her.
Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko at tiningnan ako, nagaalala. "Are you sure about this? You know it's okay if you're not ready ye—"
"Cha, it's okay. I'm ready," sagot ko. "And besides, I want you to meet my Ate na, matutuwa 'yon sayo for sure,"
"Paano ka naman sure?"
Pinaandar ko 'yong sasakyan at umalis na kami ron sa parking ng coffee shop. "You both like modelling,"
I smiled when I remembered those good times.
(flashback)
"Ate! Dali! Malalate tayo!" I shouted.
Anong oras na at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Malalate kami nito sa fashion show niya.
"Why don't you chill?" Jill said at tinawanan ako.
"Bubby, how can I chill?" sagot ko at napahawak sa sentido ko. "Mag bibihis pa 'yan doon, mag reretouch pa 'yan. Nako, ngarag na naman tayo niyan mamaya," I said at nag face palm.
Tinawanan na naman niya ako. "Mas stressed ka pa ron sa rarampa, bub!"
"Syempre, Ate ko 'yon!"
"Oo na nga, Ate mo n—"
"Ate kong super.." I slowly walked towards my Ate who's walking down the stairs. "Pretty,"
"May gusto ka na naman, no?" Ate said.
"Meron 'yan, Ate for sure!" Jill agreed.
Inirapan ko sila. "Grabe kayo! Kapag ako pupuri sa inyo, may kailangan ako agad?"
"Oo."
Natawa silang dalawa dahil sabay pa nila sinagot 'yon.
Ako talaga kawawa sa dalawang 'to lagi, akala mo others ako. Sakit niyo.
"Pero kidding aside," putol ko sa asaran. I looked at Ate and made her look at me. "You're so pretty,"
Ate showed me her smile and pinched my nose. "You're bolero, pero mahal na mahal kita!"
She hugged me tight. With Ate, I really am in peace.
"Jill, anong ginagawa mo d'yan? Halika rito!" Ate said at ibinuka ang isang braso para makasali si Jill sa yakap namin.
Jill ran papunta sa amin at nagyakapan kaming tatlo.
Oh, how lucky I am to have these girls sa buhay ko.
Nang palabas na kami ay napansin kong pare pareho kami ng sapatos. Hindi 'to planado pero sadyang may sapatos kaming tatlo na pare parehas.
"Same same tayo ng shoes!" pansin ko ron sa mga sapatos natin.
"Oh, hindi ako nanggaya, ah." Jill said.
"Ako rin, ah. Mag papalit pa nga ako heels mamaya,"
They both looked at me.
"Ano? Ako na naman?"
Natawa sila at tinapik ang balikat ko habang umiiling. Inaya ko silang mag picture with our matchy shoes. Memories din 'to, for keeps.
Dumiretso kami ron sa venue. Ginawa ni Ate 'yong mga kailangan niya pag dating doon, at syempre kami ni Jill 'yong nandito sa unahan at nangunguna sa pag cheer sa kaniya.
Habang hinihintay namin si Ate, I can't help but to stare at Jill na nasa tabi ko at tutok na tutok ang tingin sa unahan.
"Why are you looking at me like that?" agad akong umiwas ng tingin nang marinig 'yon. "Come on, nahuli kita! What is it?"
Nagkunwari akong walang narinig pero nakatitig siya sa akin. I slowly looked at her.
"You're.. pretty," I said.
"What? Hindi ko narinig! Lakasan mo naman!"
"I said, you're pretty," pag uulit ko.
"Ano?" tanong niya muli at inilapit pa ang tenga sa akin.
"I said, I love you."
She looked at me and giggled. "I love you, too."
Tsk, this girl.
We continued to show our support to Ate lalo na nung turn na niya. Halos mawalan kami ni Jill ng boses kakasigaw. Tho it's all worth it after all.
After that event, everything went so well. Naging maayos ang buhay namin at tuwing may fashion show si Ate, palagi namin kasama si Jill.
Kahit halos sa lahat ng bagay na nga, si Jill ang kasama namin ni Ate. Halos sa amin na rin tumira si Jill.
Everything is going on so well.
Everything is okay.
Until that one night came, Jill and I was sitting at the couch while watching movies nang biglang mag ring ang cellphone ni Jill. Sabay kaming napatingin doon.
I paused the movie and Jill answered the call.
"Mama? Si Y/N po? Nandito po,"
Nakikinig lang ako sa usapan nila when suddenly Jill looked at me and handed me the phone.
"Ikaw daw,"
Kinuha ko naman 'yon at binati si Tita. "Tita! Hello po!"
"Y/N.."
The way Tita talked, it's not normal. It's like she's worried.
"Tita? Okay lang po kayo?"
"Listen, anak I have to tell you something, ha?"
"Opo, sige po. Nakikinig lang po ako rito,"
Tita stopped for a moment and then I heard her sighed.
"Your Ate.."
When I heard the word Ate, my ate.. my heart beat started to race. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko.. kaba, takot, pagaalala.
Masaktan na ang lahat, 'wag lang ang kapatid ko. Huwag lang si Ate.
"Tita.. what about Ate? What happened po?" I asked despite of the very kaba feeling.
I felt Jill held my hand. Trying to comfort me.
"We're here at the hospital right now,"
"Ospital po? Bakit?" dali dali kong tanong. "Tita, si Ate ko po ano nangyari?"
Sa sobrang kaba ay nanginginig na ako. But thankfully, Jill is here with me right now.
"Khit?"
Nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Cha.
"Ha?"
"Hatdog, Khit!" sagot niya at natawa. "Are you okay?"
I smiled at her before nodding. "Naalala ko lang 'yong mga happy moments with Ate,"
"I'm sure miss ka niya,"
Advertisement
Blood Elf Monarch
Abandoned since birth, mistreated, exploited, betrayed, and hurt. This was all society had offered to Tristan.
8 2863Not another zombie apocalypse role playing game
Ji Aleksy wakes up in his stasis chamber. The room is dark, the floor is wet and filthy, this is unexpected. After finding his bearings, waking up from his sluggish, depravated state, Ji browses what looks like a holographic screen. This screen holds information about some of his statistics. And it includes an optional option, to turn on a narrator. Ji travels with his antagonistic narrator, trying to find a way to cure his ailments. And in turn alleviate his sufferings.
8 176The Misadventures of Ray in an Alternate Universe
Ray, a strategy game nut, self-proclaimed master of the genre was offered a chance to play in a new VRMMO game known as War of Aetheria. A game based around grand war in an RPG setting, with the laws of war being changed through magic and different races. Along the way Ray will gather companions, get hurt, abused and get cursed by gods. Why does he suffer so much? The author likes it, don't ask me. Authors Note: I like it. Will Ray be able to survive? Maybe. Enjoy your read. (Discontinued until whenever I wanna torture this version of Ray. Currently torturing second Ray in my other weird story.)
8 150Everyday Magic: Diary of a Shadow Worker
After trying and failing to come up with an original story that she could feel proud of, Iona Malcolm decided to write her own life as fiction. Shouldn't be too hard, considering her best friends were Trickster Spirits. However, in order to communicate with them enough to understand what they were talking about, she had to face the daunting task of completing her Shadow Work. Suddenly, she finds herself at the precipice of finally changing her circumstances for the better, building her own personal paradise, with the help of the gods willing to aid her in her journey towards finding Elysium on Earth. All she has to contend with are the demons.
8 120first love.. (Child tord X reader) Part 1/3 (discontinued)
(discontinued) I'm no good with descriptions... but the Title says it all.This is a child reader x child Tord.⋘ 𝑙𝑜𝑎𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑡𝑎... ⋙1/3 books𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠fighting (gasp.)Minor cussing.𝕯𝖎𝖘𝖈𝖑𝖆𝖎𝖒𝖊𝖗I do not own any of the eddsworld charactersall eddsworld themed rightfully owned by eddsworldcredits to the person who owns the art on the cover.I do not own any of the art in the story credits to the owner.
8 149Kindred Spirits
Zola Fay Saltzman never knew if she would live pass 10, with that little heart murmur that is looming over her 24/7; never letting her forget it's there.She never felt like she belong. Always going between her father and mother, and not being able to make friends because she doesn't want many to mourn her if she suddenly drops dead.But what happens when things start to shake up a little in the weird town of Mystic Falls and she meets the reason she is alive. The reason she feels belong somewhere now.Based in The Vampire DiariesAll rights go to Julie Plec and the writers of The Vampire diaries. I only own Zola and any other characters I put in here.
8 205