《Reaching the Sky》34
Advertisement
good morninggg! i feel like most of you are still sleeping kapag pinublish ko 'to, so sana maganda gising niyo! ito na yata ang inaabangan niyong part HAHAHAHAHA anw, hindi na ako magtalk. take care today sa mga lakad niyooo! have a good sleep and enjoy, readers!
"Get out," I said while looking at her.
"I need to talk to yo—"
"I don't need to talk to you," sagot ko at tinalikuran siya.
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Agad ko 'yong inalis at hinarap siya.
"Who gave you the rights to touch me?"
"Y/—"
"Architect," pagtatama ko sa kaniya. "Architect Y/N,"
"Fine, Architect Y/N atleast hear me out,"
"You're not the one I need, can't you understand that?"
"I'm representing Engr. Valdez for today," she said.
Nag lakad ako papunta sa upuan ko at umupo ron bago siya tiningnan ulit. "Representative? Gaano ba kahirap intindihin 'yong sinabi ko na si Engr. Valdez ang gusto kong makausap, hindi representative?"
"Engr. Valdez is busy right now,"
"Busy or.." kinuha ko 'yong ballpen ko at nilaro laro iyon. "Scared?"
She didn't talk.
Sumandal ako sa upuan. "Hmm, threatened?"
"I'm not here para makipagaway,"
"And so am I,"
"Then care to explain why you're talking like that?"
"I think it's not required to explain, so why would I?"
She sighed. I smirked.
Talo ka.
Binuklat niya 'yong bag niya at kinuha 'yong mga folders na nandoon bago inilapag sa table ko.
"What's this?" I asked at tinaasan siya ng kilay.
"Files," maikling sagot niya. "Important files,"
Kinuha ko 'yong nasa ibabaw na folder at tiningnan iyon.
Natawa ako. "It doesn't look like that important naman," I said.
The paper, mukhang nabasa at pinatuyo lang.
"Deeply sorry for that, natapunan niya ng tubig habang ginagawa,"
I nodded at ibinalik 'yon sa lamesa. "Lazy enough to print another one?"
"Arki,"
"What?"
She sighed. "Bakit ba ayaw mo akong kausapin?"
"I'm talking to you right now, Tricia." I said at inilagay ang baba ko sa kamay ko.
"See, the way you answer,"
"I can't see anything wrong with it. As far as I know, ikaw 'yong biglang pumunta kahit hindi naman ikaw ang hinahanap?"
Hindi siya nakasagot.
Let's see hanggang saan ang kaya mo.
"Bakit kaya ganon, no? Bakit ang hilig sumulpot ng mga tao kapag hindi sila hinahanap tapos kapag kailangang kailangan sila, doon pa nawawala?"
"If this is something persona—"
"Oh, this is not something personal, Tricia. Unless?"
"Architect, please."
I gulped.
Parang mas okay na 'yong Y/N lang kanina, ah.
I faked a cough and brushed off my thoughts. "I'll read those files, you can go now,"
"Then can I get your number so that I can text you to check if nabasa mo nga?"
I glared at her. "You can talk to my secretary,"
"Architect, those files are important to my husband,"
Husband.
"Hindi porket importante sa.." napatigil ako pero agad ding tinuloy. "Sa asawa mo, importante na rin sa akin,"
"Architec—"
"Arki? Excuse me po," naputol ang sasabihin ni Tricia nang biglang kumatok 'yong secretary ko at sumilip.
"Yes?" sagot ko.
"Kailangan ka raw po sa meeting room,"
Tumango ako at tumayo. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko, inayos ko nang bahagya ang buhok at damit ko.
But for some reason, I feel so distracted.
When I saw Tricia's reflection sa salamin, kita ko kung paano niya ako titigan.
Advertisement
Kung kanina habang kaharap niya ako at kausap ay sobrang palaban ng mga mata niya, ngayon..
Her soft eyes are back.
She's looking at me as if.. she missed me.
Hindi ko 'yon pinansin, dumiretso ako sa pinto at binuksan 'yon. When I was about to go out, I stopped.
"Tricia," I called her with out looking back.
"Arki," sagot niya. "What is it?"
Naramdaman kong tumayo siya at akmang lalapit sa akin nang bigla akong magsalita.
"Congratulations on your wedding,"
This time, nilingon ko siya.
Saktong may pumatak na luha galing sa mga mata niya.
I gave her a sarcastic smile.
"Best wishes to the both of you.. Mrs. Valdez."
After I said that, tuluyan na akong lumabas. Habang naglalakad ako papunta sa meeting room ay mas binibilisan ko ang bawat hakbang ko.
Kung gaano kabilis ang pagtakbo ng mga bagay bagay sa isip ko, ganon din kabilis ang tibok ng puso ko.
I already knew that this day would come, that I would meet her again. Hindi ko lang inexpect na ganito kaaga.
Nang makapasok ako sa meeting room ay agad nila akong sinalubong.
"Welcome back, Arki!" one of the Architects like me greeted at kinamayan ako.
"Good day, everyone. Shall we start?" I said at naupo.
Buong meeting ay lipad ang utak ko. I can't focus. Umaga pa lang ay grabe na ang mga nangyayari, umaga pa lang winiwish ko na agad na matapos na ang araw na 'to.
"Just to give you an update, Arki 'yong building po na gumuho noong nakaraan, okay na po ngayon," the Engineer said.
"That's good," sagot ko. "I'll visit it once may free schedule ako,"
Natahimik silang lahat at nagtinginan. 'Yong iba ay nagsisikuhan pa.
"What?" tanong ko. "May gusto ba kayo sabihin?"
"Ah, Arki kasi po.."
I looked at the girl who talked and raised a brow. Napayuko naman siya dahil doon.
"That building is under Engr. Miguel's name na po kasi,"
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko.
"Paano nangyari 'yon?" I asked them.
"Binili po nila ng daddy niya. Wala na po kasi kayo kaya no choice kung hindi mag yes po sa kanila,"
"Hindi ba't dito rin naman nagtratrabaho ang isang 'yon?"
"Lumipat na po,"
I laughed, a sarcastic one.
After taking everything that's mine, tumakas si gago.
"But I heard, hindi na nila maicontinue ang construction dahil ang laki masyado ng ginastos nila para maipaayos 'yong mga nasira at mabili 'yong building," the head of Engineering department said.
I sighed.
"Magkano budget natin as of now?"
"Malaki, Arki. Habang wala ka po, someone's taking care of your position po, hindi namin alam kung sino pero ang laki rin po ng naitulong niya para hindi tayo mapabagsak nila Engr. Valdez, 'yon nga lang po hindi niya kinaya 'yong sa building issue po,"
"Kung tutuusin, Arki kaya nating bilhin ulit 'yon since hindi na nila kaya,"
I saw how they all agreed.
"Then let's buy it," sagot ko.
"But Ark—"
"No buts, let's buy it. I don't care how much, kahit sariling pera ko ilalabas ko basta maibalik sa atin 'yon, you get me?"
Lahat sila ay agad na tumango.
"I want it to be as early as possible," dagdag ko. "Isa isahin natin lahat ng meron sila hanggang sa dumating sa point na wala nang matitira ni isa at magmamakaawa na sila,"
I smiled. "Let's take them down,"
Nang matapos ang meeting ay nagsilabasan na sila at ako ay nagpaiwan sa loob.
Advertisement
The audacity of that fu—argh!
Ang kapal kapal ng mukha niya to think na hahayaan ko lang siyang makuha ang lahat.
Kung akala niya ay susuko ako dahil halos lahat ay nasa kaniya na, pwes hindi.
Hindi ko siya hahayaang maging masaya sa mga bagay na meron siya ngayon na dapat ay sa akin, sa amin.
Hindi na lang ako ang usapan dito, dahil pati ang mga katrabaho ko ay nadadamay.
Diyos na ang bahala sa kaniya.. pagkatapos ko.
Nakaramdam na naman ako ng galit nang maalala ko kung gaano ako kasira noon.
It's scary to be in that position again.
Kung hindi dumating si Ate Aiks, baka wala na rin ako ngayon.
(flashback)
The moment I stepped out of the hospital, naramdaman ko ang panghihina, sa lahat ng aspeto.
Sakit dahil ng paa ko, dahil ng lagnat, at dahil sa lahat ng nangyari.
Until now, hindi mag sink in sa akin 'yong mga nangyari.
Akala ko..
Akala ko wala lang si Miguel sa kaniya?
Bakit siya sumama ron?
'Yong mga mabubulaklak na salitang sinasabi niya sa akin, wala lang ba 'yon para sa kaniya?
Bakit.. bakit ganoon kadali para sa kaniya na iwan ako?
Patuloy lang ako sa paglalakad kahit na hirap na hirap.
Gusto kong takasan lahat.
Gusto kong lumayo at magpahinga sa lahat ng sakit.
Gusto kong palayain ang sarili ko.
Alam kong nagkamali ako, hindi ko agad naipaliwanag sa kaniya. Pero paano naman 'yong side ko?
'Yong nangyari nung araw na 'yon, walang may alam at may gusto non.
And I was not the driver that time. It was my Ate.
Alam kong may mali ako, pero alam ba niya kung gaano rin kahirap sa akin lahat? Kung paano ako nagdudusa halos araw araw dahil sa nangyari?
Because I lost someone whom I really love. I lost that someone na palaging naniniwala sa akin bukod kay Inay. I lost that someone na tanging kakampi ko sa lahat.
I lost my Ate.
Lakad ako nang lakad, hindi alam kung saan pupunta.
Bawat hakbang ko ay pabigat nang pabigat, nakakapanghina ang lahat.
Ang daming tao na nakasalubong ko ang gustong tumulong sa akin, pero lahat sila ay itinaboy ko.
Pakiramdam ko, lahat ng taong magtatangkang pumasok sa buhay ko ay sasaktan lang din ako.
Malayo layo na ang narating ko at ramdam ko na rin ang sobrang panghihina. Para akong kinakapos sa hininga.
Sa sobrang panghihina ay napaupo na lang ako, I tried to stand up pero nanghihina na pati na rin ang tuhod ko.
Para akong nakainom na umiikot na ang mundo.
When I saw someone walking, I slowly crawled towards that person. I tried standing up again at nang magawa ko ay mas lalo akong nahilo.
"Y/N?" I heard the woman said.
Hinawakan niya ang balikat ko and she gently tapped my cheeks. "Y/N, hey! Kuya, tulong!"
Nanlalabo na ang pandinig at paningin ko, but I still tried to look at her. Trying to recognize her face, dahil familiar ang boses niya.
Nang makilala ko kung sino 'yon, I gave her a sad smile.
"A-Ate Aiks.."
Right after I said that, everything went black.
"Salamat, Doc." I heard someone talked.
I slowly opened my eyes. Bumungad sa akin ang napakaliwanag na ilaw at naramdaman kong kumirot ang paa ko.
"Ah!" reklamo ko.
I suddenly felt someone held my arms.
"Hey, it's okay. 'Yong paa mo 'yon," she said.
When I looked at her, nagulat ako.
"Ate Aiks,"
"You owe me an explanation, Arki. But for now, your safety and health is our priority," sagot niya.
She's in her serious mode. Wala akong nagawa kundi tumango dahil wala rin akong lakas para makipagtalo sa kaniya.
"Can I ask for a favor?" I asked her.
"Spill,"
"Can you.. can you not tell anyone about this?"
"What do you mean?"
"I ran away from everyone. Ayoko muna sanang may makaalam.. especially Jill, kailangan niya rin ng pahinga at hindi niya 'yon magagawa kung palagi niya akong makikitang ganito,"
Ate Aiks crossed her arms. "You do know that you're hurting my sisters, right?"
"I know, Ate Aiks pero 'yong isa.. 'yong isa wala na,"
Matapos kong sabihin 'yon, I cried again.
"Alam ko 'yong sa inyo ni Jill kaya nasasaktan ako tuwing naririnig kong sinasabi mo na gusto mo 'yong isa. Alam kong mali ni Jill 'yong past niyo, and I would never tolerate such thing. You can ask her kung paano ko siya sinermonan kahit na umiiyak na sa akin," she said. "Pero now, I don't have any idea what's happening Y/N," pagpapatuloy niya.
I couldn't answer, hinahayaan ko lang na pumatak ang mga luha ko.
"At kapag nalaman kong sinaktan mo na naman maging sino man sa dalawa kong kapatid, hindi ko na alam kung kaya pa kitang ipagtanggol," Ate Aiks said. "Mahal kita bilang kaibigan pero alam mong mas mahal ko ang mga kapatid k—"
"Tricia left me,"
Napatigil si Ate Aiks sa pagsasalita at napatitig sa akin.
"W-What?"
"Your sister left me," paguulit ko.
Dahan dahan siyang lumapit at niyakap ako. Doon ako mas lalong umiyak.
"It's my fault.." dagdag ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko bago naupo sa tabi ko.
"Listen to me, I know what Tricia did is so wrong, but for sure may reason siya sa lahat. You know Tricia, Y/N matalinong tao 'yon,"
"Kami 'yong dahilan, Ate Aiks."
"Dahilan ng ano?"
"Kami 'yong dahilan bakit naaksidente si Tricia noon,"
Napatakip si Ate Aiks sa bibig niya at dahan dahang tumayo. She tried talking pero walang lumalabas na salita mula sa bibig niya.
"I can explain, Ate please," I said.
She nodded, but I saw na umiiyak na rin siya. "Let me hear it, let me understand you, too."
I explained everything to Ate Aiks, kung paano nangyari lahat. Kung saan nagsimula, at kung saan natapos. I also told her some informations about my Ate who passed away because of what happened. Hindi siya sumasagot at panay lang ang iyak habang nag kwekwento ako.
"Y/N," she finally said and hugged me. "Bakit hindi ka hinayaan ni Trish mag explain,"
"Sumama siya kay Miguel, Ate Aiks." sagot ko at natawa. "Nalason na yata ng gagong 'yon ang utak ni Tricia,"
She rubbed my back. "Do you want me na ipahanap si Tricia?"
Agad akong umiling. "You said it yourself, Ate matalino si Tricia. That choice.. 'yong iwan ako at sumama ron kay Miguel, she's responsible for that. Pinili niya 'yon.. panindigan niya,"
"Arki.."
"I would never beg anyone to stay anymore, ayoko na.. nakakapagod na,"
"But.. what if," napatigil siya, she looked at me. "What if one day balikan ka niya?"
"Arki," naputol ang pagiisip ko nang bigla akong tawagin nung secretary ko.
When I looked at her, nasa likod niya si Tricia.
"Salamat," I heard Tricia thanked my secretary. Lumabas siya at iniwan kami rito sa loob.
"What are you doing here?" I asked her at umayos nang upo.
Hindi siya sumagot. Lumapit lang siya sa akin at tumigil sa harap ko.
"How are you?"
Napatigil ako sa paglalaro ng ballpen na hawak ko nang marinig 'yon.
"Where did you get the confidence to ask me that question?"
"Y/N.."
"Stop, Tricia. Kung akala mo ay madadala mo ako sa ganiyan," I looked at her. "Hindi."
"Y/N, that day hindi ko ginust—"
"Stop,"
"Hindi ko ginustong sumama sa kaniya, masyadong magul—"
"Please stop,"
"Masyadong magulo ang lahat para sa akin, and the only thing na pumasok sa isip ko non ay tumakas sa lahat. I don't have any choic—"
"I said stop!" sigaw ko at hinampas 'yong lamesa. Tumayo ako at lumayo sa kaniya. "You do have a choice that night, Tricia we both know that,"
"Ark—"
"For fuck's sake can you stop saying that you don't have a choice!? Dahil meron, Tricia!" I said. "Nong nagdecide kang sumakay sa putanginang sasakyan 'yon, nahabol pa kita. Nahabol pa kita, e."
Tahimik lang siya pero kita kong umiiyak na siya.
"You witnessed how I begged you to step out and let me explain, nakita mo kung paano ako nagmakaawang piliin mo ako," I said. My voice is starting to crack.
No, I can't cry here.
Not in front of her.
"May choice ka non na bumaba," I continued. "Pero hindi mo ginawa,"
Nakayuko pa rin siya at umiiyak.
"Sana hindi mo na lang ako pinaasa na kaya mo akong panindigan," I walked towards the door, pero tumigil ako sa harap niya. "Sana nanatili na lang tayong magkaibigan,"
When I reached the door, I quickly opened it. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino 'yong bumungad sa akin.
A fine lady, her brown with highlights colored hair down, wearing her favorite outfit; a black bralette, covered with her blue button down flannel jacket, her left shoulder being exposed, paired with her jeans and sneakers.
She smiled at me and waved her hand.
Advertisement
- In Serial10 Chapters
Mistball Academy
Autumn Town is packed with witches. But, not the type in storybooks. No warts or long pointed noses, no cackling laugh or claws for fingers. The sight of a candle burning above your newborn’s head is considered a blessing. A sign that your daughter will be something great. A chance for her to flourish at the most prestigious witch school. The Mistball Academy. No one suspects that a rebellion might be brewing right under those very grounds. No one suspects where the monsters come from. In the center of it all, 14-year-old Lucinda Mist stands. She was born on the day of the blue moon, a day that happens once every ten thousand years. A prophecy had predicted that she would gain unimaginable powers. The burden that comes with the gift was left unspoken, for fear it may be true. On the first day of Mistball Academy, she meets Hexa Luckberry. A girl just like her. Two powerful girls, residing in the same place. Innocent. Weak. Unprotected. How could the monsters resist the chance for revenge? To take back what is rightfully theirs? Lucinda and her friends try to navigate their way through a maze of questions and possibilities as strange things start to happen. Glowing red eyes. Moving shadows. Scattered corpses. Clues head to dead ends and pursuing the one important lead they have might mean death.
8 128 - In Serial37 Chapters
Mecha Dragons of Mars
It's the not-too-distant future and Earth is no more; the planet was accidentally blown up by explosives expert Cole Rapp after being deemed no longer habitable. Humanity (or at least what remains of it) has relocated to nearby newly terraformed Mars to try to start anew.Other than the recent immigrants, no signs of terrestrial life have been found on the fourth rock from the sun. But recent strange sightings and unexplainable fires seem to suggest that Earthlings are not alone. Could it be Martians, mysterious and hostile? Or is it something far more dangerous? (Cover Art Credit: gej302)
8 172 - In Serial16 Chapters
Cracked
Werewolves, vampires, fey, horrors with no names but way too many teeth - they live among us in secret, preying upon humanity. But what does it mean to actually be a monster? One young woman is dragged into the centre of a struggle as old as humanity itself, and she and her friends must decide for themselves what good and evil truly mean.
8 146 - In Serial20 Chapters
The Man Ruined by The Gods
Eric is an ordinary highschool boy, everything about him is ordinary, if he were to disappear no one would notice. One day while in the middle of detention after being framed of something he didn't do Eric was suddenly wrapped up in light and sent to a white space. Here Eric was given a mission by the old man who appeared before him, he was sent to countless worlds suffering countless tragedies. He experience multiple lives and learned a lot of things, but... even with this he is still unable to break free. A hundred years have passed and Eric was now a broken dark soul, the old man who made him go through hell called himself god, after making Eric suffer he freed him. Feeling happy of being freed Eric was ecstatic at having to be able to rest but as he was going to be revived a message popped up in his head. > With anger consuming his soul Eric promised to himself and to the dark void that he would kill the god who made him suffer, he would erase Vincentius from existence and with those thoughts his mind faded into darkness.
8 127 - In Serial25 Chapters
Piece By Piece
Y/n Maximoff- One of the triplets. Experimented on by Hydra along with her brother and sister, she gained incredible and dangerous powers. Pietro's death in the battle against Ultron crushed Y/n and her sister, but while everyone comforted Wanda, Y/n was blamed for his death. She had watched, as a her big brother by 31 minutes ran to save Clint and a child, knowing he would be filled with bullets. As her brother was being a hero and sacrificing himself, Y/n watched, frozen in fear, as he died. It didn't even cross her mind to use her powers to protect him. Now, six months later, Bucky joins the group, and to Y/n's surprise, actually speaks to her. Against the Avenger's advice and warnings of Y/n being a traitor and coward, Bucky grows close to her. They grow to comfort each other and slowly, heal each other. However, as Y/n's mental state slowly unravels itself, it begins to look like not even Bucky can save her from herself.
8 130 - In Serial35 Chapters
Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)
Highest rank #1 in Ricci#2 in brencci#10 in lasalle#17 in dlsu#218 in Fan Fictionwhen love fails, would you still give it a try?Does love really deserves a endless chance?what happens when you fall in love with a player?does love hurts?How long should it takes to finally move on?is it too late to give it a try?Sabi nila "first cut is the deepest."Siguro nga tama sila, kase ikaw na una kong minahal hindi ko parin makakalimutan kahit gaano man katagal.Kase kahit na may dumating pang iba, ikaw at ikaw parin talaga...Ricci.
8 251