《Reaching the Sky》33
Advertisement
note: good eveee!! sksksks ang tagal kong sinulat 'tong chap 33 dahil hindi ko talaga kinaya ang mga kaganapan kagabi at kanina paggising HAHAJAJAHA anw, exciting part na ba again etu? goodluck! and hello doon sa mga new readers, including doc rj! eat your dinner, sleep early and enjoy, readers!
ps: ang daming gumagawa ng playlist for this story, you can check them out sa twitter ko (@ksimpfort) nandon lahat made by the readers also! thank you sm!
"Kumusta? Nag kita kayo?"
Pagbalik ko ng hotel ay sinalubong ako ni Ate Aiks. She's asking me calmly kung ano ang nangyari pero kitang kita ang pagaalala sa mga mata niya.
Dahan dahan akong tumango, hinawakan niya ang kamay ko habang nagaayos nung mga binili ko.
"Okay ka lang?" she asked.
I rubbed her hand bago tinuloy ang pagaayos. "Bakit naman hindi?"
"I'm worried.. you saw Jill again matapos nung lahat ng nangyari,"
"It's all goods," I smiled at her. "Wala na 'yon,"
She gave me a worried look at I just nodded at her.
"You should contact Jill, kailangan niya ng Ate ngayon," I said.
I'm aware that I somehow hurted Jill after the incident kanina. At kahit papano, nagaalala rin ako sa kaniya, kaya mas maayos kung si Ate Aiks ang kakausap sa kaniya.
"Tinawagan na niya ako kanina, kasama raw niya si Keith,"
I nodded. "Kausap ko nga 'yon kanina sa text, hindi ko na naabutan sa parking,"
Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita kay Ate Aiks 'yong usapan namin ni Keith kanina.
Sa totoo lang, walang sense 'yong usapan namin dahil dinogshow lang niya ako. Kailangan ko kaya makakausap matino 'yon?
"She's a cutie," Ate Aiks said while smiling and reading our convo.
"Tsk, delikado ka na," asar ko.
Hinampas naman niya ang braso ko. "Paissue ka! Funny lang niya,"
"Sus, d'yan nag simula lola at lolo ko," biro ko at natawa naman kami pareho.
Tinulungan niya akong mag ayos nung mga binili kong pasalubong sa bag ko. Nang matapos ay hinarap ako ni Ate Aiks at niyakap.
"You fought well, Arki."
She caressed my hair. "I'm so proud of you,"
A tear escaped my eyes.
Ate Aiks is the second person who told me that words after what happened.
Cha was the first one.
"Don't cry na!" saway niya at pinunasan ang luha ko.
Natawa naman kami pareho. She cupped my face.
"I don't want to see you again sa posisyon na ganon, okay?" she said. "Mahalaga ka, at worth it ka, you get me?"
Tumango tango ako at ngumiti.
"I didn't save you that night para lang hayaan mong masira ka ulit," she continued. "Mahalin at piliin mo ang sarili mo, ako na bahala sa mga kapatid ko,"
She patted my head bago ako tinalikuran at inayos naman 'yong bag niya.
"Ate Aiks," tawag ko.
Agad siyang lumingon sa akin.
"I've been wanting to ask you this question noon pa,"
I gulped.
"What is it? Spill na, pakaba ka!" aniya at tumawa.
"Why.. did you save me that night?"
Napatigil siya sa ginagawa niya. She look straight into my eyes before giving me a genuine smile.
"Kasi mahalaga ka at mahal ka ng mga kapatid ko," she answered.
"Ate Aiks.."
"Sige na, mag ayos ka na d'yan," aniya at tinalikuran na ako ulit. "Sabay ka ba sa akin pauwi ng Manila?"
Umiling ako. "Hindi na muna, baka may makakita sa atin,"
"Sabagay, aalis na ako maya maya. Mag ingat k—"
Advertisement
Naputol ang sasabihin ni Ate Aiks nang mag ring 'yong cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at sinagot.
"Hey, Cha." bungad ko.
"Khit! Sorry wasn't able to text back kagabi, very hectic sched,"
"It's alright, I understand. How's your day?"
"Tiring sobra! Pauwi pa lang ako actually, kakatapos lang ng duty ko," I heard her sighed. "Ikaw? Kumusta?"
"I'm with Ate Aiks right now, wanna say hi?"
"Omg, sure!"
Iniabot ko kay Ate Aiks 'yong cellphone ko at binigyan niya ako ng mapangasar na tingin bago tanggapin iyon.
"Hi, Doctora!" masiglang bati ni Ate Aiks sa kaniya.
"Ate Aiks! Marhay na aldaw!" I heard Cha said. "Kumusta na? Miss na rin kita po!"
"Asus, bolera pa rin 'to!" sagot naman ni Ate Aiks at natawa sila pareho. "May balak ka ba lumuwas Manila? Kain tayo if ever,"
"Nako, super hectic ng sched ko, Ate. Pero once lumuwag luwag, I'll visit you two!"
"Sabi mo 'yan, ah. Libre niyo ako ni Arki since bigatin kayo,"
"Si Khit lang,"
"Si Doctora lang,"
Natawa kaming tatlo nang sabay kaming magturuan ni Cha. Nag kwentuhan pa sila saglit bago ibalik ni Ate Aiks sa akin 'yong cellphone.
"Nabanggit ni Ate Aiks, nagkita na raw kayo ni Jill?" she asked.
Napakagat ako sa labi ko bago nagsalita. "Uhuh, sa store kanina. Aksidente lang naman,"
"Anong nararamdaman mo ngayon?"
Napangiti ako. Charhy being Charhy, always making sure that I am okay.
"Wala," maikling sagot ko.
"Anong wala? Sapakin kita d'yan, e."
"Violence is never the key, Doctora."
"Then answer me, Arki."
Natawa ako dahil napakapalaban talaga niya. Never na yata ako mananalo sa Doctora na ito.
I sighed. "Shocked," sagot ko at natawa nang bahagya. "Hindi pa rin siya nag babago, she's still that Jill na kaibigan ko ng ilang taon,"
"Since luluwas ka na ng Manila, hindi na maiiwasan na magkita kayo ni Jill," she said. "Will you be okay?"
"I need to be okay, Cha."
"Kay Jill, yes okay ka ngayon. How about kay Doc Trici—"
"Cha, 'wag na natin pagusapan 'yong taong matagal nang wala,"
"Khit, anong palagi ko sinasabi sayo?" she asked me.
Napahinga ako ng malalim at napapikit. "Hindi.. hindi ko puwedeng takasan ang reyalidad,"
"Exactly, wether you like it or not, incident man o hindi.. hindi mo matatakasan 'yong fact na may connection ka na kay Doc Tricia," she explained.
Cha has always been like this. Kahit na alam namin pareho na may nararamdaman siya para sa akin, palagi niyang pinapaalala sa akin na darating 'yong araw na magtatagpo muli ang landas namin ni Tricia.
Palagi niya akong nireremind sa maraming bagay, pero kalmado niya ako sabihan. Never yata ako sinigawan ni Cha kahit gaano ako kakulit.
"Khit, listen to me," she said. "Ang tagal ng oras na nilaan mo para maging okay ka, kung sasayangin mo lang lahat ng 'yon.. para mo na ring sinaktan 'yong mga taong tumulong sayo. Si Nanay Siony, si Diane, ako.. si Ate Aiks na kasama mo ngayon, at maging ang sarili mo mismo," aniya. "Lahat kami ang gusto ay 'yong makabubuti sayo. At hindi ka makakaalis sa phase ng buhay mo na 'yan kung patuloy kang iiwas sa mga bagay na malaki ang posibilidad na mangyari,"
Hindi ako makaimik. Cha do have a point actually. Alam kong tama si Cha pero my makulit self ay pilit itinatanggi ang mga bagay.
Bahala na.
"Khit, let me ask you a question," she said.
Advertisement
I hummed as an answer. Ilang segundo siyang natahimik bago nagsalita muli.
"Mahal mo pa ba?"
This is the first time someone asked me that question.
"Cha, I—"
"Doc Cy! Doc Cy! Patulong daw po ron kila Ate Tess!" I heard someone shouted.
"Khit, I need to go, emergency. Don't forget my paalalas, okay? Mahalaga ka sa akin,"
Matapos niyang sabihin 'yon ay hindi na ako nakasagot dahil ibinaba na niya. Sobrang busy ni Cha pero kahit ganoon, ni minsan ay hindi siya nawalan ng oras para sa akin, maliban na lang kung ganitong emergency at naiintindihan ko 'yon.
"Oh, tapos na kayo?" Ate Aiks asked nang makitang ibinaba ko na 'yong cellphone.
I nodded. "May emergency siya,"
"Akala ko ba ay tapos na duty niya?"
"You know Cha, Ate Aiks kahit hindi na nakaduty ay pumupunta pa rin sa kung saan saan kapag may emergency,"
"Sabagay, oo nga," pagsangayon niya. "Cy is a very amazing woman, no?"
I nodded and smiled. "Wala yata sa vocabulary non ang magalit,"
"True, plus sobrang chill lang kausap," Ate Aiks said. "Lalo na pag ikaw kausap," dagdag niya at kinurot ako.
Natawa na lang ako at habang nagaayos ng bag ay aksidenteng nahulog 'yong isang box. Inabot 'yon ni Ate Aiks at nagulat nang makita 'yong laman.
Binigyan niya ako ng nangaasar na tingin habang iniaabot sakin 'yong box. "Hmm, a bracelet with Doc Cy's name, I see right there,"
"Cha gave that to me,"
"Oh wow, couple bracelet yorn?"
Natawa ako at ibinalik sa bag 'yong box. "Nagpagawa siya ng dalawang ganiyan, 'yong isa may pangalan ko, tapos 'yong isa ayan may name niya,"
"Ay, ang taray naman! Kaya pala pansin ko may suot siya na bracelet tapos parang Khit 'yong name, I forgot to ask," she said. "E, bakit hindi mo suot 'yan?"
I gave her a sad smile. "She said I should wear it if and only if.. I'm ready to take a chance with her na,"
"Ang sakit sakit niyo na!" drama niya at nag act pa na umiiyak. "Pero bakit suot niya 'yong isa?"
I shrugged. "Ako pa rin daw.. kahit never naging siya,"
Matapos namin mag kwentuhan at magasaran ay nagpaalam na siya na aalis na. Sumabay na lang ako sa pagalis niya dahil ayoko rin maiwan mag isa rito lalo na't wala si Keith.
Speaking of Keith, ano kaya balita sa isang 'yon?
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero hinayaan ko na lang, mamaya ay dogshowin na naman ako nito.
Habang nasa byahe ay naisipan kong tawagan 'yong secretary ko.
I guess, it's time to take back what's mine.
"Hello, who's this po?" bungad niya.
"Good day, it's Y/N.. Architect Y/N,"
I smirked.
I heard her gasped. "Arki!?"
"How are you?"
"Arki! Ikaw nga! Okay po ako!" excited na sagot niya. "Ang tagal niyo po nawala! Buti na lang po nabanggit sa akin ni Ma'am Aika,"
"I'm glad nahandle mo nang maayos kahit wala ako, you did a great job,"
"Natuto lang sayo, Arki!" aniya. "Babalik na po ba kayo? Should I contact everyone na po?"
This is it.
"No, not everyone."
"Po?"
"Engr. Valdez," I said. My smile faded. "Engineer Miguel Valdez."
"What should I tell him po?"
"Let him know that.. Arki is back."
After that, I dropped the call. Saying his name, nakakasuka.
He made me suffer, I'll make him suffer more.
Cha is right, I'm not coming back just for nothing.
"Arki, saan po diretso natin?" I heard the driver asked.
"Sa bahay, sa pamilya ko."
Buong byahe ay makatingin lang ako sa labas ng bintana.
I missed this place.
Habang patagal nang patagal ang byahe ay palapit kami nang palapit sa bahay.
My heart beat started to race the moment we entered the garahe.
Nang tumigil ang sasakyan ay hindi agad ako makababa. Nakatitig lang ako sa harap ng bahay.
"Arki, nandito na po tayo," the driver said.
I looked at him and nodded.
"Miss ka na ni Inay, Arki." he said and smiled.
Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan at nagsimulang maglakad papasok. My eyes are starting to water, so many beautiful memories are coming back.
Nang makarating ako sa front door, I held the doorknob. I closed my eyes and took a deep breath before finally opening it.
"Arf!"
Si Toffee ang sumalubong sa akin at nung makita niya ako ay agad siyang tumahol.
Lumuhod ako and I patted his head.
"I missed you, baby."
Nakatitig lang siya sa akin, I think he can't recognize me.
Sakit mo naman, Toffee.
Binuhat ko siya at agad naman niya akong inamoy amoy. Puro laway na naman ako ng batang 'to.
"Kilala mo na ako, huh?" I asked him and laughed a bit.
Kung kanina ay hindi siya malikot at nakatitig lang sa akin, ngayon ay grabe siya kung makapangkulit sa akin. Clingy Toffee is back.
"Toffee! Shh! Bakit ba tahol ka nang taho—"
Napatigil siya nang makita ako na buhat buhat si Toffee habang nakatayo rito sa sala.
"Inay.."
"A-Anak.." she said and slowly walked towards me, without breaking our eye contact. "Nandito ka na.."
The moment Inay reached me, she hugged me. Real tight.
Finally.
I'm home.
A tear escaped my eyes. Finally, the feeling of peace. How I miss this.
I hugged her back at pareho kaming naiyak. After a very long time, ngayon ko na lang ulit nakita at nakausap si Inay.
And nothing changed, siya pa rin 'yong nakakapagbigay ng peace sa akin.
Alam kong kay Inay, I can cry with out being judged.
Kay Inay, I can be myself.
I can be fragile, because Inay is that one person who I know won't hurt me just like what others did.
"Namiss kita, Nak.." I heard her said.
I smiled. "Namiss ko rin po kayo, hindi kumpleto umaga ko Nay pag wala ikaw na gumigising sakin at nagsesermon dahil late na,"
Hinampas niya ako at natawa kami pareho. I wiped her tears. "Ngiti na, namiss ko rin po makipagtawanan sa inyo,"
She nodded. "Marami kang ikwekwento sa akin, pero sa ngayon ay unahin mo 'yong bata, miss na miss ka na non,"
Right, si Lian.
Sumunod ako kay Inay pataas, papunta sa kwarto ko.
"Sa kwarto ko pa rin po pala si Lian?"
"Oo, kapag sa kwarto ko o sa sarili niyang kwarto ay hindi matigil ang iyak, doon lang sa kwarto mo nakakatulog ang batang 'yan," Inay answered. "Kanina nga ay pinapatulog ko tapos 'yang isa mo pang anak na si Toffee tahol nang tahol kaya bumaba ako,"
Inay opened the door and the moment I entered my room, my heart ached. Walang nagbago sa itsura ng kwarto ko, ganon pa rin.
We slowly walked towards Lian's crib.
When I saw him, I cried.
Ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo.
"Lian, baby.." I whispered, my voice cracked.
I felt Inay rubbed my back. Dahan dahan kong kinarga si Lian. Kahit na anong ingat ko, nagising pa rin siya.
The moment he opened his eyes, tinitigan niya ako. Akala ko ay iiyak siya pero nagulat kami ni Inay nang bigla siyang tumawa.
Nahawa kami sa ngiti ni Lian and when I gently pinched his cheeks, hinawakan niya ang daliri ko.
"You recognized me agad," I said.
"Mula nung ipanganak si Lian, ikaw na ang tumayong magulang niya, kaya pamilyar na sayo ang puso ng bata,"
I nodded while still looking at Lian.
"Mas lalo kang nagiging bonjing ah," biro ko at pinanggigilan ang hita niya.
Lian giggled.
Makita lang siyang masaya, pakiramdam ko okay na ako.
Ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Ako na ang nagpatulog kay Lian at nang ibalik ko ito sa crib niya, agad akong niyakap ni Inay.
"Magpahinga ka na muna," she said. "Dito lang ako, samahan ko kayo,"
"Salamat, Nay. Kayo na lang ni Lian ang dahilan bakit ako nagpapatuloy,"
"Basta lagi mo lang tandaan na iwan ka man ng lahat, anak kami ni Lian 'yong palaging mananatili,"
I smiled, sila na lang 'yong meron ako. Kung pati sila mawawala, hindi ko na alam.
Pinagpahinga na ako ni Inay. For the first time, makakatulog ako ulit sa kwarto ko. It feels weird pero siguro ay masasanay din ako ulit.
Mabilis akong nakatulog dahil na rin sa pagod.
Advertisement
Reborn From the Cosmos
Lourianne Tome is a mildly talented, underachieving, slightly lecherous summoner who wants nothing more than to live a simple life away from her father's expectations. Those dreams are waylaid when a madman knocks her carriage off the road and sacrifices her to power a summoning. After a fateful encounter with a powerful elemental, Lou becomes something other than human and embarks on a journey to live happily and bring a little amusement to a god tired of the world's status quo. This is a mainly slice of life story with a bit of action/adventure. A few tags that need to be added here: 18+, yuri (wlw, lgbt), NSFW (and it doens't really have dedicated chapters, it is very much a part of the story), shapeshifter (and everything that comes with that). Fair warning.
8 1081In the House of a Witch
While hiking during an extended weekend from grad school, the slightly airheaded Rose Snyder slips through a gap between worlds and encounters a witch.. With no way to return, she must adapt to the strange world of magic and danger, and find her place in a land where those who lose their grasp on reality fall. Shared Universe with my other story, https://www.royalroad.com/fiction/41575/the-archivists-petty-revenge Also posted on Scribblehub. Based on the description of traumatizing content, it's worth noting that this series normalizes tax evasion and other such crimes. Also is vaguely GirlsLove-ish.
8 292Worthless (jeff the killer x fem reader)
Kidnaped at 12 I'v lived at slender mansion for four years now. I work and maintain the grounds during the days while the creepypasta sleep. Ingrained in my head over the years:"I (Y/N) am worthless"
8 219Crossing Seventies With Space
Not my story. For non-commercial purposes only. https://www.shubaow.net/185_185676/Author: Tenderness in the RainAction: Join the bookshelf , vote for recommendations , go straight to the bottomPosting time: 2021-04-07Latest chapter: Chapter 675 (Chronology) Rebirth and revenge, waiting for the end of the world with space, but traveled to the 70s.In the face of another world, Ye Yuxuan said that soldiers came to cover the water and earth, and space was in hand, so there was no worries about eating and drinking.When he first saw that he was threatened, the man hated Ye Yuxuan's teeth and vowed to take care of her, but he didn't expect to lose himself.
8 136Rebirth in the 70s as a Group Pet Boss
This story is not mine. Credits to the author and our friend https://www.69shu.com/txt/31717.htmAuthor: Blue and White GridCategory: Romance Novels1017406 words | full text[Space + Age + Sweet Pet] The boss of the apocalyptic research institute regenerates the small village flower in the 1970s. A few years later, the upper circle of Beijing became a sensation, and the rebellious Gu Yue actually fell in love with a village flower. They heard that this village flower is still a village tyrant, lazy, fierce and uncultured, and the whole family is the best! How can a village girl compare with the girls in the upper circle? Everyone ridiculed Song Chu. However... big coffee farming and planting; catering industry tycoons; founders of educational institutions; the richest man in the country... rushing to say: "To have today's achievements depends on my sister Song Chu!" Everyone is stunned: Really? I do not believe! Who would have thought the same day, the highest domestic bio-pharmaceutical Research Institute official declared: "Congratulations to Dr. Song Chu got the international pharmaceutical Gold Award, and thank Dr. Song lead us to become the world's most advanced pharmaceutical institutions." Followed by the article published in the pattern of praise, but also There is a picture of her holding a trophy. Seeing Dr. Song, who had a fair complexion and outstanding temperament, everyone was shocked to lose their glasses. What about the good, earthy and uneducated village girl? This is clearly a beautiful, handsome and talented winner in life... The prince of the Gu family and a tech tycoon also approached Song Chu at the same time: "Dare to take responsibility for me first..."Update: 2020-10-29
8 69In the Sky with Diamonds » s. hyde
"Why do you only call me when you're high?""But I'm always high."that seventies showseason one-season six + epiloguehighest rankings: 1 in 70s 1 in 1970s 1 in hydefanfic 1 in stevenhyde 2 in that70sshow 563 in fanfiction completed 12.31.182017 © an_intellectual
8 73