《Reaching the Sky》30
Advertisement
good eveninggg!! yez nemern very aga update coz paalis ako later HAHAHAHA updated nanaman kayo opo yes po. anw, ayaw niyo maniwala na magaan lang 'tong chap na ito. huhu sige, basahin niyo na lang! ito na nga bawi sa sunod sunod na pananakit huhu kain dinner and enjoy, readers!
"Arki! Arki!"
Napatigil ako sa pag lalakad nang marinig 'yong sumisigaw. Nang lumingon ako ay nakita ko si Nanay Siony na tumatakbo at mukhang hinahabol ako.
Ako na ang lumapit sa kaniya para hindi na siya mahirapang habulin ako. Nang makalapit ako ay napayuko siya sa sobrang hingal.
Hinawakan ko ang balikat niya at nagmano sa kaniya. "Marhay na aga tabi, Nay Siony ayos lang ho kayo?" tanong ko. (Magandang umaga po, Nay Siony..)
Hindi na niya magawang sumagot dahil sa pagod. Kinuha ko 'yong bag ko sa likod at hinanap 'yong tumbler na dala dala ko.
Nang makuha ko 'yon ay agad kong inabot iyon kay Nanay Siony. "Ito po, uminom muna kayo,"
Tinanggap naman niya 'yon at uminom doon.
"Naku kang bata ka talaga," reklamo niya at pinunasan ang pawis. "Masain ka?" (Saan ka pupunta?)
"Paalis na po, hindi ba ay nag paalam na po ako sa inyo kagabi?" sagot ko.
"Oo nga, pero hindi mo naman nabanggit na ganito kaaga pala? Kung hindi pa nabanggit sa akin ni Diane," aniya at parang nagtatampo pa siya.
Inakbayan ko siya at sinabayan niya akong mag lakad.
"Nakalimutan ko po," sagot ko at kinurot naman niya ang tagiliran ko. Natawa kami pareho. "Ay, tutal nabanggit niyo na po si Diane, nasaan ang batang 'yon? Bago ako umalis ay tulog pa 'yon, ah."
Napakamot si Nanay Siony sa ulo niya. "Ayon, oh? Hindi ba't si Diane 'yon?" turo niya ron sa isang babaeng naglalakad habang may kasamang lalaki.
"Siya nga, Nay. Ang aga aga, kasama na naman 'yong jowa niya,"
"Diane! Halika rito!" tawag ni Nanay Siony sa kaniya. "Aalis na ang kapatid mo!"
Agad na tumakbo palapit sa amin si Diane at nag mano kay Nanay Siony.
"Ikaw na bata ka," I said at kinurot ang ilong niya.
"Ah! Aray ko, Arki!"
Binitawan ko siya at natawa naman kami pareho. "Napakaaga pa, kasama mo na naman 'yong jowa mo,"
"Mag aalmusal lang kami, Arki anong masama ron!?" sigaw niya.
Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang ingay mo, tulog pa 'yong ibang kapitbahay!"
"Ay, sorry!" aniya at inalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Nagpaalam ka ba rito kay Nanay Siony bago ka lumabas?" tanong ko.
Diane just gave me an awkward laugh at umiling.
"Ang kulit mo talaga! Hindi ba sabi ko sayo ay lagi kang mag papaalam bago umalis? Lalo na kung lalaki ang kasama mo," paalala ko.
Halos araw araw ko na 'yon sinasabi pero hanggang ngayon ay nakakalimutan pa rin niya.
"Si Carl naman kasama ko, Arki!" she said, pertaining to her ka-fling.
"Sa inot lang man 'yan maugma," I whispered. (Sa umpisa lang naman iyan masaya,)
Advertisement
Agad naman akong hinampas ni Diane. "Nakakauyam ka!" (Nakakainis ka!)
"Ay, narinig mo?" asar ko at natawa.
"Garo kapay!" (Parang siraulo/baliw!)
Natigil lang siya sa pag hampas sa akin nang dumaan 'yong kapitan ng barangay.
"Marhay na aga, Arki! Saan ang punta natin ngayong araw?"
Kinamayan ko siya at ngumiti. "Marhay na aga tabi, Kap! Uuwi na po ako,"
"Ha? E, bakit d'yan ang punta niyo? Hindi ba't doon kayo sa kabilang kanto?"
"Kap, uuwi na 'tong Arki natin sa kung saan siya nang galing talaga," Nanay Siony said.
"Ah, taga Batangas ka, diba?"
"Taga Maynila po ako pero sa Batangas po ang diretso ko muna," sagot ko naman.
"Hindi ka ba didiretso sa Maynila? Ano pang gagawin mo ron sa Batangas?" tanong ni Nanay sa akin.
"May mga kailangan lang po ayusin doon, pero babalitaan ko naman po kayo,"
Tumango tango sila at nagpaalam na si Kap dahil may aayusin pa raw siya sa opisina. Inihatid ako nina Nanay Siony sa terminal ng van at bago ako sumakay ay nagpaalam muna ako sa kanila.
"Oh, paano Nay? Aalis na po ako," I said.
Nagsimulang lumuha si Nanay Siony at agad ko namang 'yong pinunasan.
"Babalik po ako rito, promise yan!" sabi ko. "Magtetext pa rin po ako sa inyo o kay Diane,"
Niyakap ko siya and she did the same.
Mahirap din para sa akin na iwan sila rito pero sa tingin ko ay oras na para balikan ko naman 'yong mga naiwan ko noon. Gusto ko nang pakawalan lahat ng sakit.
Sobrang laki ng utang na loob ko kina Nanay Siony, sila 'yong kumupkop sa akin nung mga panahon na nagdesisyon akong dumito muna sa Bicol, away from everyone.
Si Diane ang panganay at nagiisang anak ni Nanay Siony. Kakalegal age lang non at ang nakakatawa pa niyan, saktong birthday pa niya inamin sa amin na may jowa na siya. Legal age na nga naman kaya raw okay na magkajowa.
Kahit ganoon ay sinuportahan namin silang dalawa pero hindi kami nagkulang sa paalala sa kaniya araw araw, kahit na inaasar ko siya ay napamahal na rin ako sa kaniya at ayokong masaktan siya dahil sa pag ibig.
"Mag iingat ka ron, ha?" Nanay Siony reminded me at hinaplos ang buhok ko. "Mamimiss ka namin dito," aniya.
"Mamimiss ko rin po kayo.. at 'yong Arki na ganito,"
She smiled at me and nodded. "Tandaan mo 'yong palagi kong sinasabi sayo, ha?" inilapat niya ang kamay niya sa dibdib ko. "Huwag na huwag kang magpapasakop sa sakit. Radikal ang mag mahal, anak kaya sana ay palagi pa ring manaig sa puso mo ang pag mamahal na walang kinatatakutan,"
"Ang hirap na po ulit umasa sa konsepto ng pag mamahal na 'yan," I said and held her hand.
"Kahit maging gaano ka katigas sa kanila ngayon, alam kong darating ang araw na kusang lalambot at magbubukas muli 'yang puso mo para sa panibagong pahina ng buhay mo,"
Advertisement
She hugged me once again.
"Magpatawad ka, anak. Dahil ang nag mamahal, nagpapatawad. Ang nag mamahal, lumalaban. At ang nag mamahal.. naniniwala." Nanay Siony said before letting go of our hug.
I smiled at her. "Dios mabalos tabi sa lahat, Nanay Siony." (Salamat po sa lahat, Nanay Siony.)
Hinintay kong makasakay siya ng jeep bago ako sumakay sa van. Nang makahanap ako ng upuan ay naupo ako ron at kinuha ang cellphone ko, my old phone.
Pag bukas ko nito ay agad na sumabog ang notifications, texts and calls. Kasabay nito ay paglaho ng mga ngiti ko.
I'm coming back.
Wala akong pinansin ni isa doon at dumiretso sa contacts. Agad kong hinanap ang number niya at tinawagan ito.
Wala pang ilang ring ay nasagot na niya 'yon.
"Marhay na aldaw," I greeted her. (Magandang araw,)
A smirk crept across my face.
"Wow, ganap na ganap sa pagiging bicolano yarn?" she said and laughed. "Kamusta ka?"
"Hmm, haven't heard that question for quite a while now," I said. "You're the first one to ask me that. Thank you, Ma'am," I joked around.
"I missed you, Y/N."
"I missed you, too. But do know that I'm a much more different person now,"
"Ayan ba epekto ng bicol sayo?" she asked, joking.
"Nope, ito epekto ng lahat ng sakit na dinanas ko," I said and closed my eyes, trying to brush off the thoughts and flashbacks sa utak ko. "I'll see you later."
Matapos kong ibaba 'yong tawag ay saktong puno na ang van at nangongolekta na ng bayad 'yong driver.
"Gurano man tabi an pamasahe?" I asked. Ang tagal ko nang hindi nakakasakay ulit ng van pauwi kaya hindi ko alam kung magkano. (Magkano po ang pamasahe?)
Nang sabihin niya kung magkano 'yon ay nagulat ako dahil tumaas na ito. "Mahalon na, Kuya ito po," inabot ko sa kaniya 'yong bayad ko. (Mahal na, Kuya ito po,)
"Sus, marami ka man kwarta, Arki!" aniya at tatawa tawa naman akong umiling.
Halos lahat ng tao sa loob ng van ay natawa at bigla namang nagsalita 'yong isa. "Nako, nakay Arki na lahat. Mayaman, mabait, magalang, at magayon!" aniya.
"Pero ang tanong ng bayan.. available pa kaya ang Arki natin? Ang daming single na dalaga rito, Arki oh umaasa," tanong naman nung isa.
Natawa ako at nilingon sila. "Dios mabalos tabi saindo gabos," I said. (Salamat po sa inyong lahat) "Pero sa ngayon ho, e mukhang kailangan ko munang mag focus sa trabaho," I smiled at them. "Marami man iba d'yan! Mas magayon man sa akin, swear!"
"Tapos na ang pila, may Doctora na 'yan si Arki," one of the girls na nasa likod said.
"Sila na ba ni Doctora Cy!?
"Kaibigan ko lang tabi si Cha," sagot ko naman at natawa.
"Sus, bagay kayo, Arki!"
"Ano ba 'yan, bakla na nga ako kay Doctora Cy, crush pa kita!"
Nauwi sa tawanan ang pagaasaran at nang umalis kami sa terminal ay nagsitahimik na sila. Napalapit na rin ako sa mga tao rito, bukod sa taga rito ang tatay ko noon, nag trabaho ako bilang volunteer na Architect sa lugar na 'to para kahit papano ay may mapagkaabalahan ako. Nalibang na ako, nakatulong pa. It's a win win situation afterall.
Habang nasa byahe ako ay naalala ko bigla si Keith. Miss ko na rin siya at mukhang wala namang masama kung kakausapin ko na siya. Kinuha ko muli ang cellphone ko at tinext siya.
Sa tagal ng reply niya ay sumandal muna ako sa bintana at hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.
"Arki?"
I hummed as an answer.
"Nag stop over po, gusto niyo po ba mag wiwi?" She asked.
Doon ko lang narealize na nakatigil ang sasakyan sa isang gas station. "Hindi na, salamat."
Nang tingnan ko ang cellphone ko ay ang daming reply ni Keith mula sa isang text ko kanina.
Hala siya, nabuang na siya.
Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko na alam kung ano ang irereply. Masyado siyang nag panic. Mukha ba akong humimlay na at may Lord Amen pa siya?
Hindi ko na siya nireplyan at nag decide akong matulog na lang ulit. Maaga akong nagising para maabutan 'tong van at inaantok pa ako. Ipinasak ko ang earphones ko sa tenga at isuot ang hood ng hoodie na suot ko.
Lahat na yata ng malas sa mundo ay nasalo ko.
Nag play 'yong Eroplanong Papel ng December Avenue.
And I want to slap myself because the moment I heard the song,
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
Pinilit kong ipikit muli ang mata ko at natulog.
Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at agad na sinagot.
"Hello.. Arki?"
It's Keith.
"AHA! ANG TAGAL SUMAGOT! SINASABI KO NA NGA BA HINDI IKAW SI ARKI, AYAW MO MAG SALITA KASI AYAW MONG MAHULI KO NA HINDI KABOSES NI ARKI, GRABE KA NA!"
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw ni Keith.
Kawawa anak nito sa future, rapper mama nila.
"Keith, ano ba? Hindi ka pa rin ba kumakalma,"
"Okay, kalma na ako, Arki. Ikaw nga 'yan," she said. "Sorry, naexcite lang. Tagal kitang hindi nakasama, Arki!"
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at ang lapit na pala namin.
"Malapit na ako," I said.
"HUY!? ARKI!? ANO 'YAN!?"
"WHAT THE FUCK, KEITH!" napamura ako nang marealize ko kung ano ang iniisip niya, napatingin sa akin 'yong mga pasahero at nginitian ko lang sila. "Ang dumi ng utak mo! Malapit na ako sa bababaan!"
"Ang seryoso mo kasi masyado, Arki para kang si Jil—ay, sorry po. Ito na nga tatahimik na,"
"Nand'yan ka na ba?" pagiiba ko ng topic.
"Opo, Arki! Kayo na lang po inaantay ko," sagot niya.
"I'll be there in a bit," I said at ibinaba 'yong tawag.
Advertisement
Blood of the Sun
This story begins in Hevaria, the land of the sun. Princess Stella Solare is adventuring with her friends in the catacombs of Citta Della, the capital city. She hopes to find something to help her become a knight. However, they find a sealed door. Little do they know that opening it will set in motion the greatest journey of all time. One with love, war and death.
8 166The Adventures Of Heegan, Bleegan, Hoogan, and Bloogan: The Search For The Enchanted Toad Of Delarmir
This is a tale of four young goblin brothers, whose adventures and calamities are told as legends and jokes throughout the land. But they were first inspired by legends they heard, before ascending into one themselves; a reminder that simple beginnings can be the start of something great. Written for my D&D 5e party after they demanded I write an actual story about a children's book they found in one of our sessions, so I wrote it as it would appear in game as a childrens story. I took a very different approach on writing it, so do not be too disappointed when you find out it's not written at first grade reading level. Feedback is much appreciated, as I have never produced anything like this and I do hope I manage to entertain at least a few of you. New chapter releases to be within 3-5 days of one another (Work is now complete, do not expect new chapters).
8 98The Shadows Of The Lost
Astrid is at a loss, after the death of one of her best friends and crossing unspeakable limits to find her birth family. In an effort to make things right for her past mistakes, she stumbles upon the rumored international federal agency and government organization Knightwatch. She is thrust into a world of espionage and superpowers. While trying to balance her life as a spy and superhero, she faces threats bigger than herself, tries to protect the world at a young age and finds out the true story behind her powers and the connection to the universe. All while keeping a big family secret. Upload Schedule: Every Tuesday and Thursday
8 154Project Ordinal
In a world where energy flows through the streams in the air and are given life by gemstones, a group of scientists find the Source. A unique object with the ability to change the world. Betrayals and failures errupt from within the group however and the empire is thrown into chaos. This story follows the ripple effects of the disasters that ensue.
8 178Qinrock
A series of short standalone (mostly) stories taking place in a world of darkness and sorcery, monsters and demons, faeries and witches, knights and nobles. A new story every week written following certain rules: 1. Once a story is started it must be finished 2. There can be no written plans for the story except for the story itself 3. A story cannot be edited or changed significantly while it is being written 4. Anything goes in Qinrock
8 118Tumse Na Jaane Kyuin✓
Past.. Is a tricky word. It's past, The past which has already occurred. Yet, The same past has the power to affect the beautiful present and future of oneself. Arnav doesn't come for the remarriage. Reason? Is it really needed? Khushi is heartbroken She has done nothing but cry all these days One incident of the past had overpowered her love. He had blamed her, Though not directly, But he had.. Even when she had no control over the happenings of that day. But... There's more to the story than meets the eyeCover by MeghaMiglani
8 280