《Reaching the Sky》29

Advertisement

annyeong annyeonggg!! wala ako masyado ilalagay dito dahil shet hindi ko rin alam ano sasabihin HAHAHAHAHA basta walang mangaaway sakin after nito dahil nasaktan din naman ako. anw, kapag hindi ako active rito, nasa twitter ako (if want niyo ako makainteract don, you can follow @ksimpfort) hehe tamang promote lang, emz. tama 'yong nagsabi sa twitter na isang buwan tayong iiyak dito, chariz HAHAHAHAH have a good sleep and enjoy, readers!

"Ma'am Jill,"

I felt someone tapped my shoulders. It's Keith.

"Nandito po si Doc, nakatulog na po kayo," she said.

Kakahintay ko na matapos si Y/N ay nakatulog na pala ako sa balikat ni Keith, pero hindi niya ako inabala. Hinayaan niya lang akong makatulog at magpahinga.

Agad akong tumayo at humarap doon sa doctor na gumamot kay Y/N.

"Kumusta po? Okay na po ba?" I worriedly asked.

"Naayos ko na 'yong paa niya, kailangan niya 'yong ipahinga at kung maaari ay huwag na munang ilakad," the doctor explained. "At mukhang kailangan siyang i-admit dahil ang taas ng lagnat niya,"

Both Keith and I nodded. "Thank you, Doc."

"No problem, Ma'am Jill. Puwede niyo po siyang bantayan doon, natutulog siya. Maya maya ay ililipat na siya sa room niya, I'll be back."

Agad kaming dumiretso ni Keith sa kung nasaan si Y/N at dahan dahang binuksan 'yong curtain.

I saw Y/N na nakahiga at balot na balot sa kumot, tulog at nanghihina. 'Yong paa niya naman ay may benda.

Dahan dahan akong naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. I gently kissed the back of his/her hand and closed my eyes.

Nagising siya dahil doon at agad na inilibot ang paningin.

"Jill.. si Tricia? Nandito na ba siya?" Y/N asked.

Gusto kong masaktan kasi..

Pero mas mahalaga si Y/N at 'yong nararamdaman niya ngayon.

"Shh, magiging maayos din ang lahat," I comforted Y/N and kissed his/her forehead.

Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa kaniya.

"Si Tricia, Jill nasaan?" paulit ulit niyang tanong.

Tumitig siya sa akin at dahan dahan akong umiling habang naluluha.

Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na wala pa rin si Ate Tricia.

Hindi ko kayang sabihin na hindi pa rin siya binabalikan nung taong mahal niya.

Y/N didn't talk. But I saw a tear escaped his/her eyes.

"Leave," Y/N suddenly said.

Nagkatinginan kami ni Keith at hindi malaman ang gagawin.

"Bubby, kailangan mo ng kasam-"

"I said leave," ulit niya. "Hayaan niyo na muna akong mag isa.. tutal sinanay niyo naman ako sa ganito, diba?"

"Bubb-"

"Please," he/she begged without looking at me.

Naramdaman kong hinawakan ni Keith ang braso ko.

"Ma'am Jill, tara na po muna.."

I gave her a worried look and she just nodded at me. "Doon lang po tayo sa labas, mababantayan pa rin natin siya," she whispered.

Lumapit ako kay Y/N at hinalikan siya sa noo. "Let me know if you need or want anything, hmm?"

Hindi niya ako pinansin at nakatitig pa rin sa kawalan.

This is not my Y/N.

Bago kami tuluyang makalabas ni Keith ay nagsalita siya.

"My phone,"

Kinuha ko 'yon sa bag ko at dahan dahang inilapag sa tabi niya.

"I can stay if you wan-"

"I want to be alone, I don't need anyone," pagputol niya sa akin.

Hindi na ako sumagot at tuluyan na kaming lumabas ni Keith. Nang maisara namin 'yong curtain ay dumiretso siya ron sa upuan namin kanina. Pero pinili kong magstay dito sa harap, hindi ako umalis.

"Inay.. please answer," I heard Y/N said.

Sumilip ako and what I saw really broke my heart. Kung kanina ay wala siyang emosyon nung nasa harap niya kami. Ngayon ay kitang kita ko ang panghihina niya. Kitang kita ko kung paano siya umiyak at masaktan.

Advertisement

"Nak?" narinig kong sagot nung kabilang linya.

Inay finally answered.

"Nay.." Y/N broke down at hindi makapagsalita.

"Anak.. bakit? Anong nangyari?" Inay asked, worried.

"Ano bang.. mali sa akin?" tanong niya. "Bakit iniwan na naman ako?"

"Nasaan ka, Nak?"

"Ospital, Nay. Funny how ospitals should heal those people who's in pain.. pero bakit hindi naman nawala 'yong sa akin?" Y/N tried to laugh.

"Ospital? Bakit ka nandiyan? Ayos ka lang ba?"

"Nasugatan po kakahabol sa taong iniwan lang din ako.."

I can hear pain sa kung paano siya magsalita.

"Si Tricia ba?"

Y/N didn't answer. Mas lalo siyang naiyak nang marinig niya ang pangalan ni Ate Tricia.

"Ayoko na, Nay.. nawawalan na ako ng pag asa," Y/N ranted. "Nawawalan na ako ng paniniwala sa pagmamahal,"

After he/she said that, pinunasan niya ang luha niya at saka nagsalita muli. "Hindi po muna ako makakauwi, pakibantayan po muna si Lian nang maayos, Nay. Mahal ko po kayo."

Hindi na niya hinayaang makasagot si Inay at ibinaba na niya 'yong tawag. Nagulat ako nang makitang inaalis niya 'yong swero niya.

Agad akong lumapit sa kaniya at pinigilan siya. "What are you doing?"

Y/N looked at me. His/her eyes are so empty.

"Bitaw," utos niya dahil hawak ko 'yong kamay niya para hindi niya tuluyang maalis 'yong swero.

"Don't do this to yourself, bubby please," I begged.

"Bitaw, Jill."

Umiling iling ako at mas lalong hinawakan ang kamay niya.

Silence.

I saw Y/N smiled. "Hanggang dito ba naman sasaktan niyo ako?"

Hindi ako makasagot, lalo pa nung makita ko ang mga mata niya.

Para 'yong nagmamakaawa na bitawan siya.

"Jill, kailangan mong maintindihan na minsan kailangan mong piliin na bumitaw.." I felt Y/N slowly removing my hands na nakakapit sa kaniya. "Kasi habang kumakapit ka, mas lalong sumasakit,"

Alam namin pareho na hindi na lang 'yong swero ang tinutukoy niya.

Nang maalis niya nang tuluyan ang kamay ko ay 'yong swero ang isinunod niya. Alam kong masakit 'yon pero hindi niya 'yon ininda.

Dahan dahan siyang tumayo at nang muntik na siyang matumba ay agad ko siyang hinawakan.

"I can handle myself," he/she said at inalis ang pagkakahawak ko.

Kahit na may sugat sa paa ay nagawa niyang mag lakad palayo.

"Arki!" I heard Keith shouted.

Nilapitan niya si Y/N. "Saan ka po pupunta? Hindi ka pa po okay, ah?"

Hindi siya sinagot ni Y/N. Keith looked at me.

Lumapit ako sa kanila at hinarap si Y/N.

"Go back there, please naman bubby," pagmamakaawa ko dahil hindi pa siya okay.

"Hindi ako magiging okay d'yan,"

"You need to rest,"

Finally, Y/N looked at me. "Ibang pahinga ang kailangan ko, Jill gaano ba kahirap intindihin 'yon?"

"What do you mean?"

Napahilamos siya. "Kailangan kong magpahinga mula sa lahat, Jill. Pagod na pagod na ako.." kahit na hindi siya umiiyak ay ramdam na ramdam ko 'yong sakit. "Ubos na ubos na ako.. parang awa mo na, Jill hayaan mo akong magpahinga,"

I cupped Y/N's face. "You can rest to me, bubby alam mo naman 'yon,"

"Jill," inalis niya ang pagkakahawak ko sa mukha niya. "Hindi ikaw ang pahinga na kailangan ko," he/she said. "Dahil tuwing tinitingnan kita.. ang sakit sakit. Gusto mo malaman kung bakit?"

I slowly nodded.

"Dahil bumabalik sa akin lahat. Bumabalik sa akin kung paano mo akong iniwan.. at kung paano ginawa ng Ate mo 'yong parehong bagay na ginawa mo sa akin noon,"

"Bubby.."

"Hindi na kita kayang tingnan katulad nung dati, Jill."

Advertisement

"I love you," I hugged him/her pero hindi niya ako niyakap pabalik.

"Let me rest for a while. Babalik ako kapag okay na.. kung magiging okay pa."

"Please,"

"Pahinga na nga lang ang hinihingi ko, Jill hindi na pagmamahal.. pati ba naman 'yon ipagdadamot niyo pa? Maawa naman kayo sa akin,"

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at tinalikuran ako.

"Arki 'yong.. salamin po ni Doc Tricia," Keith said.

"Keep it, I don't need that,"

Y/N started to walk away.

Habang ako, para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin.

Gusto ko siyang pigilan.

Gusto ko siyang habulin.

Pero alam ko rin na kailangan niya 'yon.

Gaya ng sinabi niya, pahinga na lang ang hinihingi niya. Anong karapatan kong ipagkait 'yon sa kaniya?

"Jill," Y/N called me.

Agad akong napaangat ng tingin. Nakatalikod pa rin siya sa akin pero tumigil siya sa paglalakad.

After saying that, Y/N continued walking.

Nakakapanghina 'yon. Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko, muntikan na akong matumba pero mabuti ay nasalo ako ni Keith.

Ganito pala 'yong pakiramdam.

Ganito pala 'yong naramdaman niya nung panahon na wala siyang nagawa kundi panoorin akong maglakad palayo sa kaniya.

Kaya pala hindi na niya ako matingnan tuwing aalis ako..

Iyon ang huling beses na nakita at nakasama ko si Y/N. Sa ospital na 'yon natapos at nawala lahat. Mag iisang taon na rin ang nakakalipas mula nung nangyari, at mula non ay wala akong natanggap na balita mula kay Y/N.

Kahit anong text o tawag ko, wala siyang sinasagot. Maging sina Inay, Ate Aiks at Keith hindi alam kung nasaan siya. Wala ni isa sa amin ang nagkaroon ng pagkakataon na makausap ulit si Y/N matapos nung nangyari.

Kahit 'yong twitter niya ay hindi na rin niya nagagalaw. Masyado siyang nasaktan at nasira dahil sa amin ni Ate Tricia, kaya naiintindihan ko kung bakit mas pinili niyang lumayo.

Speaking of Ate Tricia, hanggang ngayon ay wala rin kaming balita sa kaniy-

"Omg, anak you're back!"

When I heard Mama said that, agad na nanlamig ang mga kamay ko.

Dalawang tao lang ang puwedeng sinalubong ni Mama.

It's either Y/N or.. Ate Tricia.

Dahan dahan akong nag lakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Hinawakan ko 'yong doorknob at pumikit bago tuluyang binuksan ito.

Sabay kami ni Ate Aiks na lumabas at pareho kaming nagulat sa nakita namin.

"Trish?" Ate Aiks said.

Halata sa mukha niya ang gulat at alam kong pareho kaming hindi makapaniwala.

"Ate Aiks," I heard Ate Tricia talked and smiled bago lumapit kay Ate Aiks at niyakap ito.

Tulala at gulat pa rin si Ate Aiks pero dahan dahan niya ring niyakap pabalik ito.

Nang magawi ang tingin ni Ate Trish sa akin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Galit. Inis. Tampo. At pangungulila.

Nag halo halo na lahat sa loob ko. At mas lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib ko nang tawagin niya ako.

"Jillian,"

I couldn't talk.

Ate Tricia started to walk towards me. And I automatically took one step backward.

Napatigil siya at nawala ang ngiti sa labi nang mapansin iyon.

Bago pa siya tuluyang makalapit ay tumakbo na ako papasok sa kwarto ko.

"Jill!" I heard Ate Tricia called me.

The moment I closed the door, I locked it at napasandal doon. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko dahil hindi ko mapigilang maiyak.

"Jill, open the door, please." Ate Tricia knocked.

Hindi siya tumitigil sa pagkatok kaya pati tenga ko ay tinakpan ko na rin.

Ayoko siyang marinig.

Hindi ko siya kayang makita.

"Trish, ako na," I heard Ate Aiks this time. "Jill, open this for Ate Aiks, please? Let me in,"

"Ate.. Aiks,"

"I know, bb. Let me in, please?" pag pilit niya.

Dahan dahan akong tumayo at binuksan 'yong pinto. When Ate Aiks was about to enter, agad niyang pinigilan si Ate Tricia dahil balak nitong pumasok din.

"Let me handle this, Trish. Ilang buwan kang walang paramdam, what do you expect na reaksyon ni Jill?" Ate Aiks said.

She's not mad but I know she's not happy either.

It's Ate Aika's serious mode on.

At walang nagawa si Ate Tricia kung hindi ang sunod. I saw her going back sa sala habang nakatingin pa rin sa akin hanggang sa maisara ni Ate Aiks ang pinto.

I quickly hugged her and cried.

"Akala ko okay lang.. pero ang sakit pa rin pala, Ate." I said in between my sobs.

Ate Aiks didn't talk. She continued rubbing my back and head lang, assuring me that I have her and she's not going anywhere.

"She's really back.." I heard her said, hindi makapaniwala until now.

"Hindi ko kaya, Ate Aiks hindi ko siya kayang makita,"

"I get it, Jill. Naiintindihan kita," she said. She cupped my face and made me look at her. "Pero 'wag mong alisin sa isip mo na kapatid mo pa rin si Tricia, hmm?"

Hindi ako matigil sa pag iyak. Noon akala ko ay handa na akong harapin si Ate Tricia. Akala ko lang pala.

"Kapatid pa rin natin siya, at kung sino man 'yong kailangan niya ngayon, tayo 'yon, Jill. Despite of what your Ate Tricia did, bumalik siya kasi mahal niya tayo, do you get my point, bb?"

Kahit na alam ko sa sarili kong naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, I slowly nodded.

I remembered what Y/N said before.. na kahit anong mangyari, we only have each other at the end of the day.

"That's good, and you know na hindi magugustuhan ni Y/N kapag nalaman niyang hindi kayo okay ng Ate mo dahil sa kaniya, diba? You know your bestfriend more than I do, Jill."

That's true. Y/N wouldn't like this.

She caressed my hair and smiled at me. "So let's go and kamustahin natin si Tricia, okay? Kailangan niya rin ng pangangamusta natin,"

I tried to stop myself from crying dahil ayoko ring mapansin ni Mama na umiyak ako.

Walang alam si Mama sa nangyayari. Ang alam niya kay Ate Tricia ay nagbakasyon ito sa ibang bansa kasama si Y/N kaya naging madali para sa amin na itago ang lahat. Ang naging mahirap para sa akin ay 'yong patago at tahimik kong pagiyak halos gabi gabi dahil sa nangyari, good thing nandito si Ate Aiks at Keith palagi para sa akin.

Sabay kaming lumabas ni Ate Aiks sa kwarto ko at naabutan namin si Mama at Ate Tricia na nakaupo sa sala.

Naupo ako sa tabi ni Mama at yumuko. Hanggat maaari ay iniiwasan kong tingnan si Ate Tricia kahit ramdam na ramdam kong sa akin siya nakatitig.

"Trish, where's Y/N? Akala ko ay magkasama kayo?" Mama suddenly asked.

Sabay sabay kaming lumingon sa kaniya. Hindi alam kung ano ang isasagot.

Ate Aiks gulped before talking.

"Ah, Ma baka nag stay si Y/N doon to unwind more, diba?" She said and laugh awkwardly.

"Oh, yes yes," Mama said. Nakahinga kami nang maluwag dahil nadala siya sa palusot ni Ate Aiks. "Kamusta, anak?"

"Oo nga, namiss ka namin. Kwento ka naman," Ate Aiks agreed and looked at me before nodding.

"How.." I heard my voice cracked. I faked a cough. "How are you, Ate Trish?"

Pakiramdam ko ay anytime babagsak na naman ang luha ko.

Iiyak na naman ako.

Ang sakit sakit tanungin kung kumusta siya kahit siya mismo.. hindi kami nagawang kamustahin noon.

Ate Trish smiled.

Napatitig ako sa kaniya.

I know my Ate Trish.

I know how to differentiate her smiles.

Her smile just now, it was not a genuine and happy smile.

It was a painful one and I saw how her eyes are starting to water.

She slowly raised her hand at lahat kami ay napatingin doon, maliban sa kaniya na sa akin nakatuon ang atensyon.

"A.. ring?" Mama said.

"What's this, Tricia?" Ate Aiks asked.

I looked back at her matapos kong makita 'yong singsing sa daliri niya.

Malinaw pa ang mata ko kaya alam ko kung ano 'yon.

Kung hindi ako nagkakamali, it's a..

a tear escaped her eyes.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click