《Reaching the Sky》25
Advertisement
oki oki oki another oneeee!! HAHAJSJSJDJD hindi na 'to alam nung mga nakafollow sa akin sa twitter :P feeling ko kulang 'yong dalawa kaya tinatlo ko na hihihi dasurv so much! wala nga lang sisihan, ah! HAHAHAHAHA nandito na tayo sa exciting part, kapit lang! do eat ur dinner and enjoy, readers!
ang dami pa rin na randomly nagppriv message sa akin saying na my story is their stress reliever :(( and i don't know how to thank all of you enough. lalo pa't you don't have any idea how those messages are helping me sa anxious moments ko. so, ibabawi ko na lang sa updates ko hehe and hindi ako magsasawang magpasalamat at sabihin na you are all really appreciated by me. do rest kapag pagod and don't stress yourself too much. love ko kayo so much!
also to those na nagccomment dito, sa tiktok, and sa twitter, thank you so much sa inyong lahat!!
"Nagsisimula pa lang ang gabi. Let us all have fun! Maraming salamat po!"
Tricia finished her speech with those words and quickly ran towards me after. Sinalubong ko siya ng yakap.
"Congrats, Doc. You did a great job there," I complimented.
"Thank you, lovie feeling ko n'yan ang galing ko na bigla,"
"Magaling naman talaga,"
"Nambobola ka na naman," she slapped my arms at sakto namang dumating si Keith.
"Doc! Ang galing niyo po ron!"
"Isa ka pa," Tricia said at inakbayan si Keith. "Nagsalita lang naman ako, anong magaling don?"
"Ewan ko, Doc basta magaling!" Keith answered. "Kahit tanungin niyo pa po iyang mga tao," tinuro niya 'yong mga tao sa venue.
Natawa kaming tatlo and this time, Keith slapped my arms.
"Grabe, Arki ah nakakaangat ka sa buhay!"
I gave her a confused look.
"Nawa'y lahat hindi tinatago! Isa kang malaking sana all, Arki!"
"Broken ka ba, Keith?" Tricia asked at natawa.
"Hayaan mo na 'yan, Trish. Mukhang mahal pa 'yong ex niy—"
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya and gave Tricia an awkward laugh.
"Ano 'yon, ha?"
"Wala, Doc grabe 'tong si Arki mema talaga,"
Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nasa bibig ko parin ang kamay niya. Both of them laughed and suddenly, Tricia became silent.
She's looking at our back at nang lumingon kami ni Keith..
"Nice to see you, Arki,"
"Miguel," I said.
Bakit nandito 'to?
Keith let go of me at lumapit kay Miguel.
"Kuya!" She shouted and hugged Miguel.
Nagkatinginan kami ni Tricia, both of us ay walang idea sa nangyayari. I held her waist at masamang tiningnan ni Miguel 'yon.
"You.. know him, Keith?" I asked her.
Humarap siya sa amin at ngumiti. "Opo, Arki! Paano ko po hindi makikila, e kapatid ko po 'to? Kuya ko po," she said. "Magkakilala naman na po kayo, diba?"
"Yes, Keith. Magkakilalang magkakilala kami ni Arki, right?"
I looked at Keith at mukhang wala siyang alam sa nangyayari. Ayoko na siyang idamay sa kawalanghiyaan ng Kuya niya.
I was about to come near Miguel when Tricia held my hand. I looked at her and nodded.
Pinakawalan niya ako at saka ako lumapit kay Miguel para bumulong. "Why are you here?"
He smiled. "Supporting my girl," tinuro pa niya si Tricia.
"Stop being delusional, Tricia is not yours,"
"And sayo ba?" Ganti niya. "Ah, oo nga pala. Both of you pulled a little show kanina, what a very touching moment,"
"Stop this at umalis ka na lang, huwag kang manggulo rito,"
Advertisement
"Hindi ako manggugulo. I just want to ask, Arki bakit ba ayaw mong pakawalan si Tricia?" I saw him smirked. "Ah, dahil ba nagagawa niya 'yong mga bagay na hindi nagawa ni Jill noo—"
"Sir, kung maaari po ay bumaba na kayo," the guard at his back interrupted us.
It's one of Tricia's guard with us. Miguel looked at him.
"Bakit niyo ba ako pinapaalis? I'm just giving my support,"
"Sir, gawin po natin ito sa magandang usapan, bumaba na po kayo," the guard held Miguel's shoulders pero tinabig lang niya 'yon.
"I can handle myself," he looked back at me at lumapit. "Hindi pa tayo tapos,"
Nang bumaba siya ay binigyan kami ni Keith ng tingin na confused sa nangyayari. "Ano 'yong pinagusapan niyo, Arki? Bakit po biglang bumaba si Kuya?"
"Nothing important, Keith," I answered. Tumango tango naman siya. "Paanong.. paanong kapatid ka niya? Ang alam ko ay isa lang ang kapatid niya,"
"Secret lang kasi, Arki iba po kasi nanay ko," she explained. I saw sadnesss sa mata niya for the first time. "Sila po 'yong unang pamilya ni Engineer,"
Tricia rubbed Keith's arms and gave her a smile. "Okay lang 'yon, Doc! Sanay na ako!"
I really do appreciate how she tried to change her mood dahil ayaw niyang masira 'tong gabi. Keith really is a great girl, hindi niya deserve 'yong mga nangyayari sa kaniya.
Nakakagago ang mundo minsan. Kung sino pa 'yong mabait at sobrang puro and genuine ng intention, sila pa 'yong nasasaktan. They deserve the world.
"Lovie, Keith, I just need to go there, ha?" Tricia suddenly said at tinuro 'yong kabilang side ng stage. "Stay lang kayo here, babalik ako,"
Kinurot ko si Keith. 'Yong plano namin.
"Ah, Doc ipapasyal ko po muna si Arki! Pahiram po muna saglit!" She said.
Tricia smiled. "Sure, pakisumbong sakin if humarot, ah."
Natawa kami and she hugged both of us bago umalis. Nang naging busy siya ron ay saka kami pasimpleng umalis ni Keith. We need to buy flowers for Tricia.
"Arki, grabe A for effort, ha!" Keith said habang naglalakad kami.
"For Tricia," sagot ko at hinila siya. "Come on, bilisan natin!"
Tumakbo kami papunta sa sasakyan at agad na umalis papunta ron sa bibilhan namin. Nakatawag na ako ron kanina kaya ippickup na lang 'yong bulaklak. I need Keith for the direction lang since hindi ko saulo rito, baka mamaya ay hindi na ako makabalik nang buo.
Mabilis kaming nakarating doon sa bilihan at nang pumasok kami ay sinalubong kami nung owner.
"Arki, Keith! Pasok po kayo," she welcomed us.
"Manong Fed! Magandang gabi po!" Keith greeted him. "Si Arki po," pakilala niya sa akin.
Kinamayan naman niya ako at nagmano naman ako sa kaniya. "Magandang gabi po," bati ko.
"Nako, magandang gabi rin sa inyo! Halina kayo, nandito 'yong bulaklak ni Arki,"
Sumunod kami sa kaniya papunta sa may dulo ng store niya.
"Pasensya na ho kayo, closed na po kayo kanina pa pero nandito ako ngayon. Nakaabala pa po ako," I apologized.
Nang umorder ako ay ang sabi hanggang 7pm lang sila pero ngayon ay almost 10pm na at nandito pa rin si Manong Fed para ibigay sakin 'yon. Tinanggap niya pa rin dahil para rin daw 'yon kay Tricia at solid supporter daw siya ni Tita.
Nang makita ko 'yong flowers ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaganda. Bagay na bagay 'to kay Tricia. Keith and Manong Fed helped me with the color choice kaya grabe rin ang pasasalamat ko sa kanila.
Advertisement
Nang makita ko 'yong comment ni Ate Aiks ay ipinakita ko 'yon kay Keith.
"Nagpaparinig, oh." biro ko.
"Nako, hayaan mo, Arki magpapadala rin ako sa kaniya!"
"Seryoso ka ba?" I asked dahil mukhang seryoso siya.
"Opo! Mukhang wala naman pong pagasa na maibigay ko personal, kaya ipapadala ko na lang sa inyo pauwi," she said and smiled. She tapped Manong Fed's shoulder. "Sa inyo rin po ako papagawa, ah! Gandahan niyo po so much dahil napakaganda rin nung bibigyan!"
Natawa kami dahil sobrang simp niya talaga kay Ate Aiks. Willing siyang gumawa ng paraan para mabigyan siya ng bulaklak. Nagbayad ako at binigyan ng tip si Manong Fed dahil na rin sa abala na nacause ko sa kaniya. I offered him a ride pauwi pero tumanggi na siya dahil may aayusin pa raw siya.
Habang pabalik sa venue ay may tumawag kay Keith. Sinagot niya agad ito.
"Ano? Okay na?" She asked.
She looked at me and gave me a thumbs up.
"Goods goods! Papunta na rin kami d'yan maya maya! Salamat, teh!"
Hindi ko na narinig 'yong ibang pinagusapan nila. Binaba rin naman ito agad, ang alam ko lang ay okay na 'yong venue.
Everything is okay now.
Kami na lang ni Tricia ang kulang doon. Sana kahit papano ay mapasaya siya at mawala ang stress kahit saglit.
"Arki, halatang kabado ka," Keith said at natawa.
"This is the first time I'm gonna surprise her with something like this," sagot ko naman.
"Magiging successful 'yan, Arki! Tiwala lang!"
I'm glad that Keith is with me. Kahit papano ay kumakalma ako dahil na rin inaassure niya ako na magiging maayos ang lahat.
Nakatingin lang siya sa harap nang bigla siyang humarap sa akin. "Arki, what do you think about second chance?"
Nagulat naman ako sa biglaang tanong niya. Bukod sa random ay napakabigat na tanong non para sa akin.
"Second chances are given to those who deserve it,"
"Paano Arki kung.. kung mahal mo pa? Dapat ka bang manghingi ng second chance sa inyong dalawa?"
"You're so serious," biro ko at natawa naman kami. "But honestly, it depends. Do you want some story time?"
She nodded and I did the same. I started to narrate the story.
"Mama cheated sa tatay ko," panimula ko.
"Arki!?" gulat na reaction niya.
"Uhuh, with her first love," I said. Pinipilit niyang kumalma at makinig lang sa akin. "Kahit may Papa na, may connection pa rin sila nung first love niya. Imagine how painful that is kay Papa nung mga panahon na 'yon," I explained at napahawak naman siya sa bibig niya.
"But, look until now mahal niya si Mama,"
"Nasaan na po sila ngayon? Sila na po ba ulit?"
"Papa died, car accident. Si Mama, wala na akong balita sa kaniya, wala rin naman siyang paramdam sa akin," I said.
"Sorry, Arki," she apologized.
"No, it's okay. It's been a while rin since the last time I kwento about their painful love story," I gave her a smile, assuring that it's all okay. "After all nung nangyari, Papa was so ready to give Mama a second chance.. pero ayaw na ni Mama,"
"Huh? Sorry, Arki ano po? Mama mo 'yong tumanggi?"
I slowly nodded.
"Papa found the love of his life.." I stopped for a moment nang maalala ko kung paano umiyak si Papa noon. "But for Mama, it's still her first love."
"Ang lungkot naman non, Arki! 'Yong gusto mo pa, pero ayaw na nung isa,"
"Ganun naman ang buhay, Keith. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo,"
"Sabagay. Ikaw, Arki? Kung nandon ka sa sitwasyon na 'yon, bibigyan mo ba ng second chance 'yong nanloko sayo?"
Shoot.
Napaisip ako.
"If.. I have someone na, why would I bother to go back sa pain na 'yon?"
Nagchikahan pa kami konti ni Keith hanggang sa makarating kami ulit sa venue. Inilipat ko sa isang sasakyan 'yong bulaklak at binalikan namin si Tricia sa stage.
Sinalubong niya ako ng yakap, same with Keith.
"Hey, mauuna ka sa hotel, ah?" I said at napatingin naman siya sa akin. "Keith will assist you, right?" Pasimple kong kinurot si Keith.
Tumango tango naman siya. "Opo, Doc! I got you!"
"Where are you going ba? Hindi ako puwedeng sumama?" Tricia asked at nag cling sa braso ko habang pababa kami sa backstage.
"Uh.. ano, may sinuyo sa akin si Tita," palusot ko.
"Ano 'yon? Bakit hindi sa akin sinuyo?"
"Ah, Doc! Meron din po kasing gustong bumati sa inyo sa hotel, kailangan po kayo ron!" Keith helped me.
Tricia nodded. "Balik ka agad, ha? Sabay na tayo kumain,"
"Ay, sabay po talaga," Keith whispered at agad ko naman siyang siniko.
"What?"
"Ah, wala po 'yon, sabi ko po tara na kasi gabi na po, oh."
Napangiti ako dahil sa pagsalo ni Keith sa akin sa mga alanganin na sitwasyon. Kahit gaano kasama ang tatay at kapatid niya, napakabuting tao ni Keith sa lahat.
Inihatid ko si Tricia sa sasakyan at nang makasakay siya ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Akala mo ay hindi magkikita maya maya.
I nodded at Keith at alam na niya ang ibig sabihin non. I closed the door ng sasakyan nila at hinintay na makalayo sila bago ako sumakay sa isa pang sasakyan na papunta na ron sa beach.
Natawa ako sa usapan namin ni Keith. Hindi talaga niya makalimutan si Ate Aiks sa kahit anong bagay.
Naging mabilis lang ang byahe papunta sa beach dahil na rin siguro sa kaba ko, hindi ko na namalayan na nandito na. Nang pumasok ako sa entrance ay sinalubong agad ako nung isang babae.
"Good evening, Arki! Ako po 'yong kakilala ni Keith dito," pakilala niya.
I smiled at her at binati rin siya. Inaya niya ako papasok at inassist papunta ron sa pinaset up ko.
"Dito po, Arki," aniya habang naglalakad, ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.
Nang makarating kami sa mismong table, nalanghap ko ang malamig na hangin mula sa dagat.
When I looked around, I can't help but to smile. This is so romantic. Madilim ang paligid at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay 'yong mga kandila na nakapalibot dito sa lamesa.
Umupo ako sa buhangin habang nagaantay na dumating si Tricia.
Habang hinihintay ko siya, I found a stick sa gilid. Inabot ko 'yon at sinimulang isulat ang pangalan ni Tricia sa buhangin. Napangiti ako nang matapos kong isulat 'yon.
Delikado na ako, pangalan lang naman niya pero kinikilig ako.
"Good evening, Ma'am,"
When I heard the staff greeted someone, agad akong tumayo at kinuha 'yong bulaklak. Inayos ko nang bahagya ang damit ko bago humarap sa kung saan siya manggagaling, sa entrance.
Ako lang naman ang nagpareserve kaya sigurado akong si Tricia na 'to.
When I looked at the girl walking, my heart beat started to race.
I smiled.
She's slowly walking towards me.
Eventhough it's dark and I can only see her siIhouette, I can see her hair being blown by the wind.
Unti unti siyang tinatamaan ng liwanag mula sa mga kandila.
Habang lumiliwanag, mas lalo ko siyang naaaninag.
The moment she reached the table, my smile faded.
Advertisement
- In Serial161 Chapters
My Career is Useless in this World!!
A heartwarming yet bloody story about an alexithymia actress (A person incapable of feeling emotions) reincarnating into another world to restart her life all over again. Unbeknownst to her, there was something else seriously wrong with her body plus this world wasn't peaceful like her former world! What can, she, an actress, do but grit her teeth to become stronger! She can't just die again! On her last breath, she thought, "it wouldn't matter if I died." But when her eyes opened again, a baby clung onto her out of nowhere. They said it was her twin sister!?-Cross that- She became a baby? -Cross that- A whole bunch of clingy family members popped out of nowhere! After her brain started functioning as- per-normal she realised…. ‘My career is useless in this world.’‘What nation’s most beloved actress?’ USELESS USELESS USELESSSS!She’ll be killed if she doesn’t fight! But as the years went by… ‘CAPTAIN! Your younger sister got caught in a minefield!’‘WHATTTTTTTT!!!!!!’ ‘COLONEL! Your brother’s hair is caught on fire!!’‘WATER! WATER! GET WATER!’ But why…Can they not leave her alone!?! Before you read, you can expect: Grammar mistakes, and spelling mistakes in the recent chapters. Also! This version of the book might not be for you if you don't like fluff!
8 245 - In Serial24 Chapters
Z City Neighbors
Long before the start of what would become the story known as One-Punch Man, someone ended up within the world and has gone on to have his own adventures. Now with the 'story' about to start he attempts to guide the main players from the sidelines until such a time as they might need his assisstance. Unfortunatley as with most plans things don't go accordingly for long.
8 143 - In Serial45 Chapters
World Of Monsters
In order for Alyssa to survive the Zombie Apocalypse, she was going to have to trust another kind of monster.
8 86 - In Serial40 Chapters
The Emergence Of Spheres
Sciolyn is the central continent in a large disconnected world where the art of magic lies dormant, disappearing thousands of years ago in a great war between Men and Elves. Many of the ancient Elves left the broken land, disappearing in portals and never to return, until now... Tycon is a wanderer - a bounty hunter who makes a living bringing in degenerates and criminals to face the full extent of the law. He takes a job as he would any other, it seemed simple enough; Capture or kill three criminals but he soon finds himself following a spiral of events that lead to the re-emergence of monsters and magic and the return of the ancient Elves. The world will burn before they see Men above them once again.With dreams that follow him like a shadow and a looming threat incoming, will he decide to stop it or turn his back on the humans after a lifetime of prejudice against the remaining elves? The cover image was commissioned by me and drawn by Abesdrawings, you can find him on Facebook https://www.facebook.com/AbeDaSquid.
8 220 - In Serial49 Chapters
Fto Oneshots [ FINISHED]
this book will have oneshots of the minecraft series called Fairy tail Origins so I hope you enjoy it.
8 86 - In Serial28 Chapters
Reid and the awkward girl | S.R.
Reid comes in to teach in Danny's college class. Danny, easily embarrassed and socially awkward, has a massive crush on the BAU agent. Student/teacher romanceI do not own the criminal minds characters. The pictures that I use are from Pinterest or the internet.#1 in criminalminds#2 in drreid#3 in aaronhotchner #1 in daviddrossi#1 in penelopegarcia#1 in EmilyPrentiss
8 56

