《Reaching the Sky》22

Advertisement

hemlo again hihihi nasabi ko na 'to noon pero sasabihin ko ulit. kayo humiling neto ah, walang sisihan talaga HAHAHAHAHA anw, quick chika na nawalan kami kuryente while im writing pero dahil lahamz ko kayo so much, i-push natin 'to HAHAHAHA advance sorry and goodluck! sleep well and enjoy, readers!

ps: doon sa reader na graduation daw kanina, congrats and happy graduation to you! all the hardworks ay worth it sa huli, keep fighting everyone! and if you think na no one is proud sa inyo, im here! supporting all of u silently!

Matapos 'yong ganap sa baba ay dumiretso na rin kami sa kwarto ni Tricia dahil pareho rin kaming pagod sa mahabang byahe.

"Where are you going?" Tricia asked nang mapansin na didiretso ako papunta sa kwarto ko.

"Uh sa room ko?"

"Bakit ka pupunta ron?"

"Bakit hindi?"

Umirap siya at yumakap sa akin. "Sa room ko na lang ikaw mag stay," she said and gave me a sad look.

Hay, Lord. Ang rupok ko po so much sa babaeng 'to.

"How can I say no to you, cutie?"

Agad na nagliwanag ang mukha niya at ngiting ngiti na tumitig sa akin. "I'll get something lang sa room, then punta na ako d'yan,"

Tumango siya at naunang pumasok sa kwarto niya. Nginitian pa niya ako bago tuluyang isinara ang pinto.

Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay doon ako nanghina. Napahawak ako sa pader at dahan dahang nag lakad papasok sa kwarto ko.

I made sure na nailock ko ang pinto bago naupo sa kama at kinuha 'yong gamot sa bag ko. I took two tablets this time.

Hindi ko kinakaya.

Mabuti ay naitago ko kanina nung nasa baba pa kami at kasama ko pa si Tricia.

I quickly called someone at mabuti na lang ay agad niya 'yong sinagot.

Our talk lasted for a few minutes and it somehow made me calm a bit. I had no to choice but to call her dahil ayokong humarap ako kay Tricia nang ganito. At mabuti na lang ay kahit papano kumalma ang utak ko at nabawasan ng isipin.

I will always be thankful for her.

Nang mabasa ko 'yong reply ni Tricia ay agad kong inayos ang sarili ko. Nagpalit na rin ako ng damit bago lumabas at pumunta sa kaniya.

Isang beses pa lang ako nakakakatok ay bumukas na agad 'yon.

"Bakit ang tagal mo naman?" Bungad niya.

"Uh sorry, may.. may inayos lang ako saglit, you know work related," I lied. "Are you sure about this? Lagot tayo sa Mama mo," I asked her regarding this thing na rito ako mag stay sa kwarto niya.

Advertisement

"Wala naman siya rito," she answered and giggled.

"You're kulit,"

"Ikaw din, e halika na."

Wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya sa loob dahil hinila na niya ako.

Magkatabi kaming nahiga sa kama at agad siyang humiga sa dibdib ko. I started to caress her hair gently while kissing her head.

"I'll wait for you lang na makatulog, ha?" I said at napaangat naman siya ng tingin.

"Huh? And then what?"

"And then I'll go back sa room ko,"

"But why!? Ayaw mo ba rito?" She asked.

"No, it's not that, Trish come on you listen to me," I said and tried to make her look at me. "Pinagkatiwalaan ako ni Tita to be with you here sa Batangas. And she booking two different rooms for the both of us, may reason 'yon, and we need to respect that, hmm? Kahit na wala siya rito, I don't want to break Tita Vp's trust sa akin,"

She still didn't talk at iniiwas lang ang tingin sa akin.

"I'll be with you naman until you fall asleep and the moment you wake up,"

"Promise?"

"Promise, Trish. Nandito na ako bago ka pa magising. Let's just sunod yung want ni Tita, hmm?"

She slowly nodded.

Natahimik kami pareho at akala ko ay nakatulog na siya nang bigla siyang magsalita.

"Do you.. sing?"

Nagulat ako sa tanong niya. "I do, before.."

"Can you sing for me? Gusto kitang marinig na kumakanta," she requested.

"Sigurado ka ba d'yan, ha? Ang tagal ko nang hindi kumakanta,"

"Oo, para hindi ako makatulog, pampawala antok ganon," sinamaan ko siya ng tingin. "Joke," habol niya at tumawa.

Bakit naman ang ganda kahit tumatawa???

"Wow, ganda ng joke mo, ah!"

"Sus, pero hindi ka naman tumawa!"

"Nahulog ako, e ganda mo kasi,"

Natahimik naman siya bigla at natawa ako sa reaksyon niya. "Kilig yarn? Anong kanta gusto mo?"

"Kahit ano,"

"Walang ganon!"

"Ang pangit mo naman kabonding!" Reklamo niya at hinampas ako.

Nag isip ako ng kanta na babagay sa kaniya at napangiti ako nang maalala ko 'yong kanta na gustong gusto ko rin noon pa.

I don't want another pretty face

I don't want just anyone to hold

I don't want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

I started singing it at dinadama bawat salitang binibitawan ko.

I know that you are something special

To you, I'd be always faithful

I want to be what you always needed

Advertisement

Then I hope you'll see the heart in me

I felt Tricia hugged me tighter. I kissed her forehead and I saw her slowly closing her eyes.

, you're the one I wanna chase

You're the one I wanna hold

I won't let another minute go to waste

I want you and your.. beautiful soul

Matapos kong bitawan ang huling linya, I checked Tricia and she's already sleeping.

I smiled. The last time na kumanta ako nang maayos..

Si Jill ang kinantahan ko.

I suddenly remembered those days na maayos kami ni Jill. I mean, maayos din naman kami ngayon.. pero nung mga oras na wala pang nasasaktan sa amin. Mga panahong..

Mahal na mahal pa namin ang isa't isa.

"Bubby, dali! Sing a song for me na, dali!" pilit ni Jill sa akin.

"I don't sing, bub. Nakakahiya,"

"Sus, sa akin ka pa ba mahihiya! Ilang taon mo na akong kasama," sagot niya at patuloy sa paghila sa braso ko. "Sige na, isipin mo na lang for me since love mo naman ako!"

"Yes, I do love you, bubby pero I'm shy," tanggi ko.

Kanina pa niya ako pinipilit kumanta sa harap dahil nandito kami sa parang kainan na may nag jajamming. As usual, nakilala kami agad dito dahil na rin kasama ko si Jill, pinakanta siya kanina at ngayon naman ay ako ang pinipilit niya na kumanta ron.

"Sige na, bubby please?" she said at nagpacute pa sa akin.

She's using her very baby voice.

Baby talk lang ni Jill ang tatanggapin ko.

I sighed. "Fine,"

She clapped her hands at inihatid pa ako sa harap. She let me sit down doon sa upuan at iniabot 'yong gitara.

Lumapit siya sa mic at nagsalita. "Everyone, can I have your full attention here?" she said. "My bubby right here," Jill tapped my shoulders. "Will sing a song for us!"

"Sus, Ma'am Jill para sayo lang 'yan!"

"Oo nga po!"

"Bagay po kayo!"

"Duet! Duet!"

"Nako, tapos na ako kanina. Let's give the spotlight to my Arki right here," she said and laughed.

Habang ako rito ay nakaupo lang at nakatitig sa kaniya habang nagsasalita siya.

Jill's laugh is addicting.

Sanay na si Jill na ganito ako, everytime magsasalita siya ay hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Deserve niyang titigan at tingnan na may paghangang nakikita sa aking mga mata.

"Stop looking at me na, I know naman you love me so much! And you should start, dali I'm excited!" she whispered and kissed my cheeks.

Bago siya makaalis ay hinila ko ang kamay niya at sinalubong ko siya ng yakap. Agad na naghiyawan ang mga tao, ang iba ay dahil sa kilig at 'yong iba ay inggit daw sila.

"Guys, this is the clingy side of my bestfriend!" she said and laughed, she hugged me back and rubbed my back.

Bestfriend.

"I love you, bubby." I whispered.

She nodded. "I do, too."

Nang makaalis siya sa harap ko ay hinabol siya ng tingin ko. Naupo siya sa lamesa namin at inilabas ang cellphone niya, ready to record me.

I started strumming the guitar nang hindi inaalis ang tingin kay Jill. I was just looking straight into her beautiful eyes.

Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago

Ikaw lang ang iibigin ko

Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako

Asahan na 'di maglalaho

All of them clapped their hands but my attention, nasa kaniya pa rin. She's smiling at me while holding her phone.

Sa lahat ng taong nanonood at nasa harap ko ngayon,

Siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Kung kaya, giliw, dapat mong malaman

Sa ilang taon naming magkasama, Jill has always been my number 0 fan. Yes, number 0, why? She said number 0 para walang katapusan at walang dulo. Dahil hindi raw siya magsasawang suportahan ako sa lahat ng bagay na gagawin ko.

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan ay magpakailanman

She's my cheerleader sa lahat. She motivates me to do things na sa isip ko ay hindi ko kayang gawin pero dahil sa kaniya, dahil nandyan siya, nagagawa ko.

Minsan lamang sa buhay ko ang 'sang katulad mo

Ako rin ba'y iniibig mo?

Dinggin, puso'y sumasamo, sinusumpa sa 'yo

Ikaw ang tanging dalangin ko

Jill also became my crying shoulder. Through ups and down, through chaos, hindi siya umalis sa tabi ko. Pinanindigan niya 'yong palagi niyang sinasabi na..

Mananatili siya. Sa lahat ng sitwasyon at sa lahat ng pagkakataon.

Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Kung kaya, giliw, dapat mong malaman

I gave her my sweetest smile.

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan.. ay magpakailanman

After the song, I mouthed "I love you".

Binitawan niya 'yong cellphone niya at saka pumalakpak bago lumapit sa akin. She hugged me tight before talking sa mic.

"Thank you so much sa inyong lahat! So galing, right?"

Palaging proud si Jill sa lahat ng gagawin ko. Mag fail man ako o hindi, palagi niya akong pinagmamalaki.

We were so okay.

The only problem is.. yes, mananatili..

Pero hindi siya handang piliin ako palagi.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click