《Reaching the Sky》19

Advertisement

note: hellooooo!! this is a late update again ik but let me explain! wag niyo ako hiwalayan agad HAHAHAHA chz. anw, the reason behind my late update for today is my reqs ahsjdjdjd nagkaroon ako ng req na need ipasa before 12 so inuna ko siya hehehehe but yorn, despite of my pagod and stress, kayo ang pahinga ko. so here's ur ayuda for today!! hehehe sleep early and enjoy, readers!

ps: to those readers na consistently ang pangangamusta sa akin thru priv message or even sa comments, thank you so much and all of u are really appreciated by me! take note that your author is also always here para sa inyong lahat! you all can rant, vent out or what so ever sa akin! thank you sm again and ily!!

"Y/N, anak wake up,"

When I heard someone talked, agad akong napabangon at hinanap si Tricia.

"Si Tricia po?" I asked Inay.

"Nauna ko nang gisingin, pinalipat ko ron sa kwarto niya kanina," sagot niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. "Nakatulog na kayo pareho magkatabi, baka makita kayo nina Vp,"

I smiled at her. "Thank you, Nay,"

She nodded. "Kailan n'yo balak sabihin?"

I gave her a confused look. Hindi ko alam kung antok lang ba 'to o hindi ko talaga magets, all of the above na lang siguro.

"Yung sa inyo ni Tricia," she said. "At 'yong sa inyo ni Jill,"

Napatingin ako sa kaniya. "Alam.. alam niyo po 'yong samin ni Tricia?"

"Anak, ilang taon mo na akong kasama. Alam ko kung paano mo itrato ang kaibigan lang at 'yong.. hindi na kaibigan lang," she explained at hinaplos ang ulo ko. "Ayokong itanong 'tong bagay na 'to pero.."

I hummed as an answer, waiting for her to continue.

"Paano 'yong isa, nak? Paano si Jill?"

"Inay.."

She sighed. "Kausapin mo siya, kailangan n'yo 'yon," aniya at hinawakan ang kamay ko. "Palayain n'yo ang isa't isa. Kung talagang gusto mo si Tricia, gawin mo rin 'yon para sa kaniya,"

Napayuko ako and Inay started to rub my hand.

"Sigurado ka ba kay Tricia, nak?"

"Siya ang nag iisang tiyak sa isang libong duda, Nay."

"Kung ganon, tama nga ako," niyakap niya ako. "Panahon na para harapin mo ang nakaraan,"

I can't talk. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako habang ang utak ko ay patuloy na nag iisip ng mga bagay na dapat gawin.

"Palayain niyo ang mga sarili niyo sa dilim at sakit na bumabalot sa inyo," she hugged me tighter. "Nahanap mo na ang liwanag mo, ibigay mo kay Jill 'yong liwanag na kailangan niya."

Sa dami ng bagay na hindi ako sigurado, Tricia is the only exception.

"Ako ba ang makakapagbigay non sa kan'ya, Nay?"

"Oo, bakit? Kasi.." she looked at me. "Ikaw laman ng puso niya. Mula noon.. hanggang ngayon,"

She hugged me once again bago tumayo at bumalik sa ginagawa niya. Nagplaplantsa siya ng mga damit na gagamitin mamaya. Ngayong araw kasi ang alis namin ni Tricia. Kasabay namin sina Tita but of course, ibang sasakyan sila dahil iba ang pupuntahan nila.

"Itatak mo sa isip 'yong mga sinabi ko," Inay said. "At bumangon ka na d'yan,"

I groaned. Tiningnan ko ang oras at sobrang aga pa.

"Ang aga pa po, tulog muna ako ulit saglit," I said and was about to higa again nang hilahin ni Inay ang kamay ko.

Advertisement

"Juskong bata ka! Napakaantukin mo, huwag ka nang humiga para hindi ka antukin," saway niya. "Kumilos ka na. Magaling na 'yong ikaw ang nag aantay kaysa sila,"

Pipikit pikit akong naupo at pinipilit ang sariling tumayo pero napapaupo lang ulit ako. Gosh, I hate waking up early.

"Hindi ka talaga tatayo d'yan?" tanong niya at mukhang may plano.

Umiling iling ako at pumikit ulit.

Nag taka ako nang ilang minuto na ang nakakalipas ay walang nagsasalita nang biglang..

"Y/N,"

Agad akong napatayo. "Ito na, nakatayo na, oh."

"Si Tricia lang pala katapat mo ah," Inay said at sabay silang natawa.

Mukhang tinawag pa niya si Tricia para mapatayo ako. Nang tingnan ko siya ay nandon pa rin siya sa harap ng pinto niya, nakasandal doon.

"Uh.. you can sleep na again," I said dahil mukhang binabantayan pa niya ako. "Hindi na ako hihiga, promise!"

"Pumasok ka na sa cr," utos niya.

Nginitian ko siya. "5 more minutes,"

"Pasok."

I slowly walked papasok sa cr habang nag kakamot ng ulo.

"Under," narinig kong sabi niya bago ako tuluyang makapasok sa cr.

Sumilip akong muli. "Kung sayo magiging under, why not?" banat ko.

"Ang landi mo!" aniya at tinaasan ako ng kilay bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Tatawa tawa naman akong pumasok sa banyo at nakita kong umiiling si Inay habang natatawa rin.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maisip 'yong mga napagusapan namin ni Inay kanina. Tama nga, hindi puwedeng ako lang ang makakalaya, kailangan siya rin.

Binilisan ko ang pag ligo dahil mukhang nag tagal na ako rito sa loob kakaisip sa mga mangyayari. Mukhang may magandang epekto rin naman yung maagang pag gising sa akin, ang haba ng oras ko para makapagisip kanina. Pero inaantok pa rin ako, ano ba 'to.

Mabilis kami kumilos lahat kahit na medyo maaga pa naman. Kung ayaw ko ng late, mas ayaw ng pamilyang 'to. And besides, ang layo ng byahe.

Nang maayos na kaming lahat ay nagpaalam kami kay Inay bago sabay sabay na bumaba sa parking.

"Sigurado kayo ayaw niyong mag van?" Tita Vp asked.

"No na, Ma. Both me and Y/N decided na mag car na lang. Besides, both of us can drive naman, so we can switch if ever,"

Tita nodded at inakbayan si Jill. "Let's go na?"

Tita and Ate Aiks hugged me and Tricia. Hinintay namin sila makasakay and when Jill was about to enter the van, she stopped and looked at us.

"Are you sure, Ate Trish you're good with Y/N?"

"She's safe with me. Don't worry, Jill," sagot ko.

Tricia on the other hand nodded at niyakap ang kapatid.

"Text kita from time to time. Ingat kayo ni Mama, ha?"

Nang makaalis ang sasakyan nina Tita and Ate Aiks, saka lang kami sumakay ni Tricia. We checked all the things sa likod bago tuluyang umalis.

Nag decide kami na ako muna ang magmamaneho at sa kalagitnaan ng byahe ay magpapalit kami. Pero wala akong balak makipagpalit dahil ayoko namang mapagod pa siya sa pag mamaneho, lalo na't may rally siya kinabukasan.

"Jill is really clingy sayo 'no?" She suddenly asked.

Napaubo ako. "Uh.. she's always like that kahit sa inyo diba? You know your sister naman,"

"Makes sense," sagot niya at ngumiti. "Pero malapit na kami magtampo kasi parang mas gusto kang kasama sa rally!"

Advertisement

"Maybe because you know I don't usually attend Tita Vp's rally because of my schedule," I said. "Ngayon lang din ako naging active,"

Tumango tango na lang siya at kapansin pansin na kanina pa siyang patingin tingin sa kamay ko.

"Why are you looking at my hand?" Tanong ko at natawa dahil umiwas siya agad.

"Huh? No, ah!" Tanggi niya.

Hindi niya ibinalik ang tingin sa akin at binuksan ang bintana ng kotse. Agad na pumasok ang malamig na hangin at tumatama ito sa mukha ni Tricia. Napapikit siya habang dinadama ang hangin habang nalilipad nang bahagya ang buhok niya.

A very fine lady kahit saang anggulo.

Kung hindi lang ako nag mamaneho ay baka hindi ko na inalis ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko na lang siya titigan buong oras tuwing mag kasama kami.

I smiled and offered my hand to her. Alam kong napansin niya iyon pero hindi niya tiningnan.

"Trish," I called her at saka naman siya tumingin. "You can hold my hand, come on," sabi ko at natawa.

She gave me a confused look pero maya maya rin ay naramdaman kong unti unti nang nag didikit ang palad namin.

I intertwined our hands at hinayaang ganon lang buong byahe. Binibitawan ko lang ito kapag kailangan pero agad ding ibinabalik.

Napansin kong humihikab si Tricia. "Do you want to sleep?"

"I want to eat," reklamo niya.

Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Agad naman niyang hinampas ang braso ko at sinamaan ako ng tingin.

"What! Bakit tawang tawa!?"

"You're funny," sagot ko at lalong natawa. "Humihikab pero kain ang gusto,"

"So what? Lovie, listen to me," aniya at humarap pa sa akin. Sobrang seryoso pa ng itsura niya.

"Alright, I'm listening,"

"Once makakain tayo, I'll be gising na again!" she explained and clapped her hands. "I need food to keep me awake! So pakainin mo ako!"

"Ganon ba 'yon? Kapag antok ako, natutulog lang ako tapos okay na," asar ko.

"Ikaw yon, iba ako sayo,"

"Hindi, pareho lang 'yon na antok din,"

"Pakakainin mo ba ako o hahayaan kita mag isa sa Batangas?"

"Lagot ka kay Tita,"

"Alam mo," she sighed. "Fine! Don't talk to me, ah."

"Okay,"

"What!?"

"I said, okay?"

"Why you say okay?"

"You said don't talk to you, edi okay?" Pangaasar ko lalo. Tiningnan niya ako at mukhang paiyak na. "Hindi na, sige na, joke lang. Kakain tayo, may madadaanan tayo d'yan Jollibee,"

"Really?" She said making sure na kakain kami.

I nodded and smiled at her.

"Thank you, lovie!" she thanked me. "I know you can't tiis me,"

"Gutom lang din ako,"

Inirapan lang niya ako and she patiently waited na makarating kami sa Jollibee. Sa sobrang excited niya ay nauna na siyang bumaba at hindi na inantay na pagbuksan ko siya.

Dali dali akong bumaba at tinawag siya. "Tricia! Wait for me!"

Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Nang makapasok ako ay pinagkakaguluhan na siya ng mga tao sa loob.

"Sir, paassist naman po," suyo ko ron sa guard na nasa tabi ko.

"Excuse me," patuloy ako sa paghawi sa mga tao. "Tricia!"

Nang makita niya ako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit doon. Tinulungan naman siya nung mga bodyguard na kasama namin.

Nilapitan ko 'yong isang kasama namin bumyahe at bumulong. "Tricia wants to eat, tell them they can have a picture with her later,"

Tumango naman 'yong lalaki at unti unting nabawasan ang tao na nagkakagulo. Ang iba ay bumalik sa sari sariling upuan pero ang mga camera ng cellphone ay nakatapat pa rin sa amin.

Inalalayan ko si Tricia papunta sa counter. "What do you want?"

Sinabi niya ang gusto niya at umorder ako para sa amin. Nang magbabayad na ay ayaw tanggapin ang card ko at wala ring dalang cash si Tricia sa loob.

"Can you try it again?" I asked the girl sa cashier.

"Wala po talaga," sagot niya.

"I think I have cash sa kotse, kuhanin ko lang saglit," paalam ko kay Tricia.

She nodded at me at lumapit ako ulit don sa lalaking nilapitan ko kanina. "Pakisamahan si Tricia humanap ng upuan, make sure she's comfortable,"

Habang palabas ay ang dami pa ring nakasunod kahit hindi naman ako ang anak ni Vp. Maybe they're familiar na sa akin dahil palagi akong nakikitang kasama ni Jill.

Kinuha ko sa kotse 'yong isang wallet ko na may cash at nang kapain ko ang cellphone ko sa bulsa ko ay wala 'yon doon.

"Have you seen my phone?" I asked the bodyguard na kasama ko.

"Parang hawak po ni Doc Tricia kanina,"

At doon ko lang naalala na oo nga pala, kinuha ni Tricia saglit 'yong phone ko dahil magbabayad nga.

Bumalik ako sa loob at nagbayad bago hanapin si Tricia. Nakaupo siya sa may bandang gitna at nakatitig sa akin. I waved my hand at her at nginitian siya.

But she didn't wave back.

Nang makalapit ako sa kaniya ay tumayo rin siya agad na ikinagulat ko. Iniabot niya ang cellphone ko sa akin.

"Where are you going?"

"I lost my appetite, i-takeout mo na lang," she said at kinuha 'yong bag niya. "I'll wait for you sa car."

After she said that ay iniwan na niya ako ron.

"Trish, wait!" I shouted pero hindi na niya ako nilingon pa ulit.

I looked at my phone para sana i-text siya pero hindi ko na 'yon mabuksan. Nalowbat na yata, wala 'tong charge kaninang umaga, e.

I patiently waited sa order namin at nang dumating ito ay dali dali rin akong lumabas para puntahan si Tricia.

Nang pumasok ako sa sasakyan ay hindi niya ako pinansin o tiningnan man lang.

"Do you want to eat here na?" I asked her at umiling lang siya. "You said you're gutom na, ayaw mo pa kumain ngayon?"

"Stop asking, just drive." She coldly replied.

This is so not Tricia.

Gaya ng sinabi niya, nag tuloy ako sa pagmamaneho at hindi nag salita. Kahit na hindi ko alam kung ano ang nangyayari ay tumahimik na lang din ako dahil baka lalo siyang mawala sa mood.

"Lovie,"

Agad ko siyang nilingon.

"Yes?"

"Please do tell me the truth," she said and held my hand.

Nagulat ako nang yumuko siya at nakita kong may tumulo na luha galing sa mukha niya.

Itinigil ko saglit sa tabi ang sasakyan at humarap sa kaniya.

"Hey, look at me. What is it?" I said pero hindi niya ako sinunod at nanatiling nakayuko.

A moment of silence ang bumalot sa amin. I'm waiting for her to continue talking.

"Lian's mom.." she started.

This time, she looked at me.

I felt my heart beat started to race.

"Is it my sister? Is it Jillian?"

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click