《Reaching the Sky》18

Advertisement

note: good midnight to all of you! hajsjdkd i really am sorry for this late update :( your author just got home from tags kaya hindi ako makawrite and update kanina. but the moment i got home, nag write agad me since naisip ko kayo hehe ayoko kayo i-ghost dahil lahamz ko kayo so much. anw, updated na kayo kung saan ako nanggaling and kailan nakauwi, ah HAHAHAHAH usto niyo yorn? kayong lahat na lang jowa ko hihi para walang lamang. please stay safe since maulan na again and enjoy, readers!

ps: tagaytay is a very pretty place talaga kaya hindi ako mananakit now hehehe mga slight lang, emz.

Matapos nung nangyari kanina ay walang nag tangkang mag simula ng usapan sa pagitan namin ni Jill. Tahimik lang kami buong byahe at hindi namin matingnan ang isa't isa.

Jill's eyes.. it's looking at me like I'm the love of her life.

But I can't look at her the same way.

I can never look at her like that again.

Nagulat kami pareho nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagaalarm iyon. Nang kuhanin niya 'yon ay nakita ko ang oras.

11:11

I heard her giggled. "11:11, Y/N," she said and looked at me. "Ikaw pa rin."

Matapos niyang sabihin 'yon ay saktong cellphone ko naman ang tumunog at tumatawag si Tricia.

I quickly answered it.

I faked a cough. "Trish, hey!" bati ko.

"Lovie, hello!" I heard excitement sa boses niya. "Are you pauwi na po?"

I slowly nodded na animo'y nakikita niya. "Yes, on the way na. I have your subway here with me rin,"

Tumawa siya. "Bumili ka talaga! Sabi ko na, e. Crush mo ako!"

"I do, Trish," sagot ko.

I saw Jill secretly wiped her tears.

"You're not denying it anymore, ha!"

"Why would I?"

She giggled na parang kinikilig pa. "Alright, you should focus sa road!" she said. "I'll drop the call now, okay? I'll talk to you later here again sa condo,"

"Okay. I'll focus, Ma'am!"

"You're a cutie!" Natawa naman siya. "Naghihintay lang ako sayo rito,"

"I'll be there few minutes from now, Trish,"

"Okay!" She said.

I thought she's gonna baba the call na pero nag salita siya ulit.

"Y/N?"

I hummed as an answer.

"Nothing, I can't wait to see you again."

After saying that, I heard her giggled at binaba ang tawag. Wow, nahiya pa siya niyan?

Natawa naman ako pero agad ding natigil nang maalala kong hindi nga pala ako mag isa rito.

Advertisement

"Are you happy with her?" Jill suddenly asked without looking at me.

"I am,"

She smiled. "I'll be okay, don't worry about me," she assured me, napansin niya siguro na nag aalala rin ako sa kaniya tuwing sasagot ako sa mga tanong niya tungkol kay Tricia. "You know naman na you're happiness is my happiness also,"

"Jill, 'wag mo idepende sa akin yung kasiyahan mo,"

"Sayo kasi ako masaya, e." sagot niya at natawa.

Matapos 'yon ay hindi na ako makasagot at hindi na rin naman siya nag salita pa.

Nang makarating kami sa condo ay sinigurado niyang maayos na ang mata niya bago bumaba ng kotse.

I offered her my handkerchief at kinuha naman niya iyon bago ngumiti.

"Thank you, bubby."

Hearing our cs from her made me stop for a moment. Bumabalik lang sa akin na noon kinikilig ako ron, pero ngayon..

Ngayon wala na.

"Huy! Tara na?" Jill called me.

"Sorry, lutang moments again, you know me," I said.

Natawa naman siya.

This time, a genuine laugh.

Huling beses kong narinig 'yon ay kanina pa sa ice cream shop.

"You need to bawas your lutang moments,"

"Bakit? I feel like I look good pa rin naman kahit lutang, diba?" I joked.

"Hindi, ang pangit mo!" sagot niya at tumakbo para maabutan yung elevator. "Bilisan mo!"

Napailing ako at humawak sa dibdib ko na kala mo'y masakit 'yon. "Grabe, ang sakit mo na, Therese!"

Tumakbo rin ako papasok doon at tatawa tawa naman siya. Inirapan ko siya at lalo siyang natawa.

Nang makarating kami sa floor ng unit nila ay nauna siyang lumabas at nilingon ako.

"Hindi ibig sabihin nito binibitawan na kita," she said and smiled. "Break my heart kahit ilang beses mo gustuhin, sayo naman 'yon."

She then continued walking at sumunod naman ako. Nang mahawakan niya ang doorknob ay natigil siya.

"Break it a thousand times, it will still beat for you," nilingon niya ako.

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot dahil binuksan na niya ang pinto at bumungad sa amin si Rocco. Jill was suprised when Rocco ran directly towards me at hindi sa kaniya.

Agad akong lumuhod and patted Rocco's head.

"Ate Trish, ano 'tong si Rocco? Ayaw na sakin!" Sigaw ni Jill na animo'y batang nag susumbong.

Kinuha niya yung paperbag na hawak ko dahil bubuhatin ko si Rocco.

"Pinagpapalit ka na, Jill," asar ni Ate Aiks.

Lumapit naman si Tricia sa amin at niyakap si Jill bago ngiting ngiti na lumapit sa akin.

Advertisement

"Lovieee!" she mouthed while running towards me with her arms open, ready to hug me.

I hugged her back using my other hand dahil buhat ko si Rocco sa kabila.

"I missed you," she whispered.

Tricia's breath na tumatama sa leeg ko is sending shivers throughout my whole body.

"Bakit parang may dayaan dito?" Ate Aiks suddenly said at napabitaw naman kami ni Tricia sa isa't isa. "Bakit parang mas close pa si Y/N kay Trish kaysa sa akin?"

Natawa naman kaming apat.

"Pati ba naman dito hindi ako favorite?" pagdradrama niya.

Inakbayan naman siya ni Jill. "Hayaan mo, Ate favorite ka naman ni—"

"Wow, ano dala niyo for us?" pagiiba ni Ate Aiks sa usapan.

"Hay nako, Ate ha! Need i-chika 'yan sa amin!" Tricia said.

"Alam na namin ni Jill actually," sagot ko at napatingin naman siya sa akin bago ibalik sa mga kapatid niya ang tingin.

Jill shrugged at nilapitan naman sila ni Tricia. "Ang daya n'yo!"

Nag kulitan silang tatlong magkakapatid at tawa ni Jill ang nangingibabaw. And here I am, watching them.

They look so happy with each other. Even after what happened and what will happen pa, they only have each other at the end of the day. Uuwi pa rin sila sa isa't isa.

Natigil lang sila nang biglang lumabas ng kwarto si Tita.

"Oh, nandito na pala kayo," she said and niyakap kami ni Jill. "Kumain na ba kayo?"

"Yes, Ma. Never naman ako ginutom niyang isa," sagot niya, pertaining to me. "And may dala rin siya para sa inyo!"

Tita smiled at me and tapped rubbed my arms. "You really treat my daughters well,"

When I looked doon sa tatlo, they're smiling at me. Ate Aiks is nodding pa.

"I am very blessed to have a family like this, kaya deserve po nila itreat nang tama,"

"Family hug! Family hug!" Jill shouted at agad naman silang lumapit sa akin para yumakap.

Having and being a part of their family really is a big blessing for me. Hindi man ako swinerte sa sarili kong pamilya, nasira man nila ako, Robredo Family completed me again. And I will always be thankful and grateful for that.

Matapos nung moment namin ay kumain sila ng dala namin bago nagsipasok sa mga kwarto nila.

"Trish, ikaw?" Ate Aiks asked Tricia dahil hindi siya tumayo.

"Maya maya, Ate papaantok lang,"

Ate Aiks gave her a nangaasar look at pinanlakihan lang siya ni Tricia ng mata. They both laughed.

Lumapit si Jill kay Tricia para yakapin ito and she did the same sa akin. Mas matagal nga lang.

"I love you still. Good night, Y/N." she whispered.

Sabay silang pumasok ni Ate Aiks sa sari sarili nilang kwarto at nang isasara na ni Ate Aiks ang pinto niya ay sumilip siyang muli.

"Anong gagawin n'yo d'yan?" She asked.

"Uh.. chika?" I answered, not sure also.

"Lambing," Tricia whispered at kinurot ko naman ang tagiliran niya.

Ate Aiks nodded. "Pashare ng chika bukas, inaantok na ako," she said at humikab.

Natawa kami pareho ni Tricia at nang tuluyang makapasok si Ate Aiks ay agad na yumakap sa akin si Tricia.

"Why did you kurot me!" She asked.

I laughed. "Mukha ka na namang batang naapi," sinamaan niya ako ng tingin. "Joke lang,"

"Ang ganda ng joke mo, ha. Dami kong tawa, Y/N mga tatlo,"

"Kulit mo," I said and pinched her nose. "And your tawa is mga five, I bilang,"

She poked my neck at agad naman akong napaiwas don.

"Ah, ganito ba gusto mo?" Hamon ko at agad naman siyang tumakbo papunta sa kabilang side ng sofa. "Hindi, 'wag ka tumakas, halika rito,"

Sumunod ako sa kaniya at kiniliti rin siya. Tawa lang namin ang naririnig at ang tanging ingay sa tahimik na unit.

"Shh! Don't laugh masyado, magigising sila," saway ko.

"Then stop sa pangingiliti!"

And I realized, oo nga. Paano 'to titigil kung kinikiliti ko?

Tumigil ako sa pangungulit at pagod na pagod na umupo sa tabi niya.

"Napagod ako ron, ah," reklamo ko.

"Do you want water?" alok niya, napansin yata na hiningal ako.

Very maalaga, Lord.

Umiling ako at lumapit naman siya sa akin para humiga sa balikat ko. Iniakbay ko sa kaniya ang kaliwang braso ko.

Tahimik lang kaming pumikit at ninanamnam ang warmth ng yakap ng isa't isa.

"You're always the risk I am willing to take," she suddenly said.

Napamulat ako at tiningnan siya, nakapikit pa rin siya habang nakarest ang ulo sa balikat ko. Mas lalo lang niyang isiniksik ang sarili niya sa akin.

"They said, home is a person. And for me," I held her face at inangat ito habang nakaakbay pa rin sa kaniya. "That's you." I said and kissed her lips.

We both smiled habang magkadikit pa rin ang labi.

Muli siyang yumakap sa akin and I kissed the side of her head.

This feeling.

This is home.

She's my home.

pps: the kiss while both of u ay smiling really is sweet, right!? umagree kayo! emz HAHAHAHA ang point ko lang naman is when, Lord? joke huhu ang kalat so much.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click