《Reaching the Sky》12

Advertisement

note: sompraaayz! hehe decided to post two chapters again today. a small token of gratitude for all of u, i am beyond happy because of u, guys! last time i said sa note ko mag 3k na, and then now 8k na, never did i imagined na dadami like that. thank you sm and ily!! walang iiyak for tudeis videyow. you are all worth it. enjoy, readers!

After what happened, Tricia and I decided to go home. Ako na ang nag maneho dahil alam kong masakit 'yong sugat n'ya.

Tahimik lang kami the whole ride. I don't know what to say also. Gusto ko s'yang kausapin pero hindi ko rin magawa kasi wala naman ako masabi na may sense. Puro walang kwenta 'yong naiisip ko.

Mabuti na lang at biglang tumunog 'yong phone ko. Tumatawag si Inay. Sinagot ko agad 'yon at hindi ko na iniloud speaker.

"Y/N, nak pauwi ka na ba?" Bungad n'ya.

"Yes, Nay. Medyo malapit na po, bakit po?"

"Hindi ko napansin wala na pala gatas 'yong bata, makakadaan ka ba saglit sa tindahan?"

"Sige po, may madadaanan naman po kaming mall dito. Pasok na lang po ako saglit, ano pa pong kailangan?" Tanong ko para isang bili na kapag bumaba ako. "Yung diaper po, Nay?"

"Meron pa, nak. Yung gatas lang ang wala na,"

"Sige po, nand'yan na rin po kami maya maya."

Pagkababa ng tawag namin ni Inay ay saktong nag ring ulit ang phone ko, and it's Jill this time.

"Hey," bati ko.

"Bub, where are you na? Wala pa rin kayo sa bahay?" she's still worried.

"Malapit na, Jill. Tho I need to daan sa mall saglit, I'll buy milk ni Lian, then diretso na rin sa bahay,"

"I see. Mama is worried also so I decided to call and i-check kayo," she explained. "Don't daan na sa mall, I'll suyo na lang one of our guards na sila na mag dala ng gatas ni Lian, less hassle for you,"

"Jill, no need. Malapit lang naman din yung mall dito,"

I stopped dahil nag red yung light. When I looked at Tricia, she's still looking sa bintana. Mula pagsakay n'ya ay hindi pa niya ako nililingon ulit.

I feel like there's something wrong.

"Bubby?" Jillian suddenly called.

"Yes yes, I'm sorry. Had to stop kasi nag red yung light. What are you saying again?"

"I said, dumiretso na kayo sa bahay. I'll padala na lang yung milk ni Lian,"

Advertisement

"Jill, you don't need to do th—"

"Let me do this, bubby. Please? Kahit ito lang, just let me. This is for Lian naman,"

I sighed. I guess I have no choice. Ayoko rin naman s'yang alisan ng karapatan na mag mahal o mag alaga kay Lian.

Afterall, Jill is Lia—

"Y/N,"

My thoughts were interrupted when Tricia suddenly talked. Agad akong lumingon sa kaniya, I hummed as an answer at agad din ibinalik ang tingin sa daan.

Ramdam kong nakatitig lang s'ya sa akin, not saying anything.

"Do you uh.. have something to say?" I asked.

"Nothing, ingat sa pag drive, please." sagot n'ya at ibinalik ang tingin sa bintana

I nodded. Alam kong may trauma si Tricia sa ganito kaya hindi n'ya rin kaya na mag drive mag isa. Tricia got into an accident few years ago, car accident. Kaya doble ang ingat ko sa pag mamaneho.

"I will. You're safe with me, Trish."

Tumahimik ulit sa loob ng sasakyan, nakakabinging katahimikan. I decided to turn on the radio para kahit papano ay may ingay kaming naririnig.

You are the one girl

And you know that it's true

I'm feeling younger

Every time that I'm alone with you

We were sitting in a parked car

Stealing kisses in the front yard

We got questions we should not ask but

It's How Would You Feel by Ed Sheeran. One of my favorites.

How would you feel, if I told you I loved you?

It's just something that I want to do

"I'll be taking my time, spending my life," I started na makisabay sa kanta. "Falling deeper in love with you."

"So tell me that you love me too."

I froze in my spot when I heard Tricia. Nagkasabay kami sa part na 'yon ng kanta.

Her voice.. it's angelic.

"Don't judge my voice, hindi naman ako singer," she said when she realized na napasabay din s'ya sa kanta.

"Mukha nga," I joked kahit na maganda naman talaga ang boses n'ya, para lang matawa s'ya.

And she did. She finally laughed a bit.

"Hindi mo man lang ako plinastic kahit konti talaga?"

"Sorry, wala sa nature ko makipagplastican,"

Natawa naman kami at bigla s'yang sumeryoso. "Can I borrow your phone for a minute? Wala ako load, tawagan ko lang si Mama,"

"Sure," sagot ko at inabot sa kaniya 'yong phone.

"What's the password?" She asked, hindi ko nga pala nasabi dahil kanina sa office ay bukas na 'yon nang ibigay ko sa kaniya.

Advertisement

"0 2 2 6"

Tinype naman n'ya 'yon at nang mag bukas ang phone ay dumiretso s'ya sa contacts at tinawagan si Tita.

"Ma, si Tricia ako,"

Natawa ako sa bungad ni Tricia. Hinayaan ko silang mag usap mag ina, si Tricia lang ang naririnig ko dahil hindi ko masyado maintindihan si Tita.

"Ma, si Rocco po."

"Opo,"

"Huwag n'yo po kalimutan pakainin, baka rin po itabi 'yan ni Ate Aiks sa kaniya,"

"Po? Sige, Ma bili ako bukas. May nakita ako sa mall last time, ang cute nung design,"

I think they're talking about Rocco, Tricia's dog. Lagi namin 'yon kasama kapag nasa condo kami. Mas nauna ko pa s'yang makilala at makita personal kaysa kay Tricia.

"Malapit na kami, Ma text na lang po namin kayo."

Matapos niyang ibaba ang tawag ay ibinalik n'ya sa akin 'yong cellphone.

"I'll go shopping bukas ng damit ni Rocco, my pasalubong pag uwi. You want to come?" Alok n'ya. "If you're not busy,"

"I can cancel my schedules for.. for Rocco," sagot ko at ngumiti.

Naging mabilis lang ang oras at nakarating din kami sa bahay. As usual, pinagbuksan ko si Tricia. When I was about to walk papunta sa front door. Hinawakan n'ya ang damit ko.

"Ang ganda ng buwan ngayon," she said while looking up the sky.

I did the same. Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan din 'yon. Sumandal kami ni Tricia sa unahan ng kotse.

"It's so pretty. I can spend the whole night yata looking at this lang," she said with full of admiration in her eyes.

"Indeed. The night sky is one of the many things I find beautiful," Pag sangayon ko sa sinabi n'ya. "Sometimes, ayoko na lang mag umaga, you know? Gusto kong gabi na lang para hindi nawawala iyang mga bituin," I pointed sa mga stars na tinitignan namin ngayon.

"Umaalis man 'yan, bumabalik naman,"

"Pero pano kung.. pano kung pag balik, hindi mo na gusto? Napagod kang mag hintay,"

"Hmm, napapagod ba ang pusong mag hintay? For me, no. It's our body and mind na napapagod. Napapagod mag hintay na ibigay 'yong gusto natin, napapagod mag mahal kung hindi tayo minamahal pabalik,"

I listened to her habang nakatingin pa rin sa sky. Trying to understand anong sinasabi n'ya. "Tingnan mo ako, when Papa died, up until now I'm waiting for him to come back. Napagod ako mag hintay, napagod ako mag hintay sa wala. But my heart, it's holding on, Y/N it keeps on holding on. Our heart, it will always hope and crave for something we know we can't have na. It's okay mapagod, ang mahalaga hindi ka mag dwell sa feeling na 'yon. Accept and move forward, Y/N."

Natahimik ako. Tricia do have a point. I know I already accepted the fact na wala na, I just want clear answers sa mga tanong sa isip ko. I want to stop blaming myself for everything. For once, I want to be free.

She then looked at me. "Can you see that?" She pointed sa isang star na pinakamaliwanag.

"That's Papa, our brightest star."

I saw a tear dropped from her eyes. She's crying.

"Pero alam mo? Wala naman talaga tayong hinihintay. Kasi they're always in our hearts naman, right? Wala namang tao ang mawawala sa puso natin kung hindi sila mahalaga,"

While Tricia's talking, I'm also looking at the brightest star shining this night for me.

I'm looking at her.

I'm looking at Tricia.

I slowly stretched my arm at ipinatong 'yon sa balikat n'ya. She cried lalo. Inihiga n'ya ang ulo niya sa balikat ko at doon tahimik na umiyak. Hinayaan ko s'yang ilabas lahat and I'm just rubbing her shoulders gently.

We stayed in that position for a while hanggang sa s'ya na mismo ang lumayo. Pinunasan n'ya ang luha niya at nginitian ako.

"I'm okay now, tara na sa loob?" Aya n'ya. "Baka hinihintay ka na ni Lian,"

"Are you sure you're okay?"

"Yes!" Sagot n'ya at ngumiti lalo. "Look I'm smiley!"

Natawa ako kasi ngiting ngiti talaga s'ya. "That's good, mas maganda ka kapag nakangiti. Baka isipin pa ni Inay pinaiyak kita,"

"Oo, sabihin ko ikaw may kasalanan," pananakot n'ya habang nag lalakad kami papasok.

"Hindi maniniwala sayo 'yon." Ganti ko.

Hinampas n'ya ang braso ko at tatawa tawa kaming nag lakad. Kala mo mga baliw.

May tinatagong kulit din naman pala s'ya.

Nang makarating kami sa harap ay may sasakyan na nakapark doon.

"Ito na siguro 'yong sinuyo ng kapatid mo," I said dahil mukhang nag taka rin s'ya.

I opened the door for Tricia at nauna s'yang pumasok. Sinara ko ang pinto at pag harap ko ay nakatigil s'ya. Looking straight sa sala.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko.

Tiningnan ko kung saan s'ya nakatitig.

And there I saw a girl sitting sa couch while carrying Lian.

She smiled at us.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click