《Spoken Poetry》Magkabilang Mundo

Advertisement

Dalawang tao subalit pinag-isa

Pinag-isa ang kanilang puso't kaluluwa

Iisa ang nararamdaman sa bawat-isa

Ito ay ang pag-ibig na kanilang nadarama.

Ilang kilometro man ang kanilang layo

Subalit magkadugtong naman ang kanilang mga puso

Iisa ang mga pintig at tibok nito

Para sa dalawang taong nagiibigan balewala ito.

Magkasalungat man ang kanilang oras

Kahit na ang ngayon para sa isa ay bukas

Subalit hindi ito alintana para sa pag-ibig na wagas

Pag-iibigan ng dalawang taong hindi tulad ng isang kwentong may wakas.

Sa bawat oras na lumilipas sa kanilang buhay

Pag-iibigan ng dalawang tao ay lalong tumitibay

Ang lakas nila ay sa bawat-isa nakasalalay

Sa bawat paglipas ng segundo pag-ibig ang natatanging gabay.

Sa bawat pagsubok na sakanila'y dumarating

Bawat pagtangis ng puso at mga daing

Tanging pagmamahalan ang susi upang makatulog ng mahimbing

Ipinapaubaya sa mga tala sa langit ang kanilang hiling.

Hiling na sana balang araw isat-isa ay mahagkan

Na sana balang araw pagtagpuin ng kapalaran

Ang agwat sa isat-isa ang hadlang sa pag-iibigan

Hiling na sana mapaglapit at kamay ng bawat-isa ay mahawakan.

Dalawang taong nag-iibigan mula sa malayo

Sabay na pinagtitibay ang pagmamahalang itinayo

Sa mga tala sa kalangitan ay sabay na nangako

Na sana dumating ang takdang oras na sila ay magtagpo.

by: Juanito Alfonso (Antipatiko)

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click