《Spoken Poetry》Oo nga pala, wala palang tayo

Advertisement

"Oo nga pala, wala palang tayo"

By: Carlo Geronilla

Oo nga pala wala palang tayo.

Yung tayo na tutupad sa sarili nating mga pangako.

Yung ikaw at ako na kukumpleto sating pagkatao.

Pero yung salitang TAYO malabo palang magkatotoo.

Gusto kasi kita, mahal na nga ata kita.

Kasi sabi mo gusto mo rin ako makasama.

Kaya naman nagkaroon ng sigla ang buhay ko.

Nagkaroon ng pag asa sa salitang tayo.

Kumapit ako sa iyong mga pangako.

Na sana ikaw at ako bandang dulo.

Kaya naging masaya ako dahil sayo.

Yung tipong ikaw at ako pa lang.

Pero parang meron ng tayo na walang makahahadlang.

Pero may isang bagay akong naalala.

Na kahit anong iyong pangako, wala paring tayo na hanggang dulo.

Ang tanging meron lang pala ay salitang IKAW at AKO.

Lalo na nung sinabi mong baka hindi pa ngayon.

Parang hindi ko alam kung paanong muling bumangon.

Pasensya kana dahil ako'y umasa.

Pasensya ka na dahil ako'y nag assume.

Sino nga naman ba ako.

Eh ako lang naman itong nangangarap na mapasayo.

Pasensya ka na di kasi ako yung kasing gwapo na hinahanap mo.

Pesensya ka na.

Kaya pinapalaya na kita, kahit na ako lang namn tong nagkulong sayo saking puso.

Pasensya ka na ako lang naman tong pilit na umasa pa.

Na kahit ilang ulit mong masaktan ng di sadya.

Di pa ring magawang limutin ka.

Sana masaya ka na sa kanila o di naman kaya sa kanya.

Di ko malilimutan kung paano moko napasaya.

Sana maalala mo rin minsan kung paano kita napasaya.

Pasensya ka na ah minahal na kasi talaga kita ng buong puso.

Sana balang araw matupad ang iyong mga pangako.

Na sana magkaroon ng salitang TAYO.

Pero wag na lang pala kasi kahit na anong mangyare, malabo talagang magkatotoo.

Oo nga naman pala, Wala palang tayo.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click