《Spoken Poetry》Doon sa paglubog ng araw

Advertisement

" Doon Sa Pag-lubog Ng Araw "

-Juanito Alfonso

Kung sakali mang nais mong tapusin ang pag-ibig na sabay nating itinayo

Nais ko sanang sa paglubog ng araw doon natin tatapusin ito

Sapagkat nais kong itatak sa'king isip at puso

Na hindi lahat ng natatapos ay lungkot ang iniiwan nito.

Sapagkat nais kong sumabay ka sa paglubog ng araw

Nang makangiti ako habang kayo ay tinatanaw

Tinatanaw habang unti-unting naglalaho

At iisipin kong tulad ka rin ng araw at bukas maghihintay sa pagbalik mo.

Kahit na alam kong hindi ka talaga tulad ng araw sa kalangitan

Subalit pipilitin kong itatak sa'king isipan

Na tulad ka nga ng araw na kung minsan ay hindi masilayan

Sapagkat nakatakip ang ulap na hudyat ng pag-ulan.

Dahil hindi naman pare-pareho ang timpla ng panahon

Kung minsan hindi masilayan ang araw at hindi alam kung saan pumaroon

Dahil sa pagtakip ng ulap sa langit na hudyat ng pag-ambon

Kaya sumabay ka lang sa paglubog ng araw at huwag ng lumingon.

Doon sa paglubog ng araw kasabay ng iyong paglisan

Kung saan ako nakangiti habang ikaw ay pinagmamasdan

Pipilitin kong ngumiti at umastang hindi nasasaktan

At ituturing kitang isang magandang ala-ala ng aking nakaraan.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click