《Spoken Poetry》Nakaw na Sandali

Advertisement

❝ NAKAW NA SANDALI ❞

-Juanito Alfonso

Nang unang tagpo at tama ng ating mga mata

Kasabay ng pagpilantik ng tinig mo sa'king tainga

At ang pagtarak sa puso ko ng dalawang kataga

Katagang nagpahihiwatig ng aking nadarama.

Ang unang pagbuka at pagbigkas ng iyong bibig

Na naging dahilan kung bakit puso'y nayanig

Ang malambing na halinghing at tinig

Doon ko nabatid na ikaw ay akin ng iniibig.

Kasabay ng pagbitaw ng katagang mahal kita

At ang matamis mong OO na labis na nagpasaya

Ang mga sandaling ikaw ay aking kasama

Mga sandaling pinuno ng kilig ang bawat-isa.

Ngunit itong mga sandali ay tila ba'y minadali

Ang kasiyahan ay kalungkutan na ang kumandili

Nagulumihanan ang puso at hindi mapakali

Nasaan na ang mga pangako ano na ang nangyari?

Ang dating ikaw ang dahilan ng mga ngiti

Ang noong dahilan kung kaya pagod ay napapawi

Subalit ngayon ikaw na ang dahilan kung bakit sawi

Ikaw na ang dahilan ng gabi-gabing paghikbi.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click