《Spoken Poetry》LUNUKIN MO NA

Advertisement

" LUNUKIN MO NA "

-Juanito Alfonso (Antipatiko)

Binibini batid kong malamig ang iyong umaga

Kaya maaari bang lunukin mo na

Isubo at lunukin habang nakapikit mga mata

Lunukin mo at huwag ng mag-alinlangan pa.

Lunukin mo itong aking isusubo

Isusubong nag-aalab na pag-suyo

Isusubo sa nanlalamig mong puso

Lunukin mo nang mag-init tayo.

Lunukin ang pag-ibig na aking iaalay

Sa puso mong lugmok at matamlay

Lunukin mo nang muling mabuhay

Ang puso mong malamig pa sa bangkay.

Nanlamig dahil sa iyong mga nakaraan

Nakaraang naging dahilan ng kabiguan

Kabiguang dala ng mapaglarong kapalaran

Lunukin mo nang panlalamig mo'y maibsan.

Lunukin mo ang pagmamahal na inaalay ko sa'yo

Lunukin mo upang mag-ugat sa'yong puso

Mag-ugat at muling sumigla ito

Lunukin mo nang magbunga ang pag-ibig na alay ko.

Matapos lunukin asahan mong tayo ay iinit

Mawawala panlalamig na dulot ng nakaraang sakit

Mawawaksing lahat ng kalungkutang nakaipit

Binibini lunukin mo na nang makangiti kang 'di pilit.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click