《Spoken Poetry》ITAMA ANG HINDI TAMA

Advertisement

"ITAMA ANG HINDI TAMA"

-Ligaya

Noong bata ako, madalas akong mangialam sa kusina

Nais kong matuto't tumulong sa pagluluto

"MALI KA"

Tinulak ko ang umaaway sa kaibigan ko

Natumba siya't nagsumbong

"MALI KA"

Umuwi ako ng bahay ng maaga dahil ayaw kong mapagalitan

Nakaligtaan ko ng saglit ang sinaing, nasunog

"MALI KA"

Inutusan ako ni ina na magipon ng tubig

Binuksan ang gripo

Nakatulog ako, umapaw ang tubig

"MALI KA"

May pagsusulit kinabuksan

Naglaro sa labas ng patintero

Napagod, di nakapag aral

"MALI KA"

Humingi ng pampalakas ng loob na mga salita

"Wala kong pake sa iyo" iyan ang natanggap

"MALI KA"

Nagbigay ng regalo

Maluwag sa puso

Walang natanggap na "salamat sayo"

"MALI KA"

Namamalimos ng pag-ibig

O kahit Isang yakap lang na mahigpit

"MALI KA"

Hanggang kailan ako magiging mali

Hanggang kailan ako hindi magiging tama

Hanggang kailan ako maghahanap ng pagmamahal

Tao lang

Nagkakamali

Di sinasadya

Wag mong husgahan

Pagmamahal ang kailangan

Hindi materyal

Ibigay ang hiling

Huwag naman sanang pagkaitan

Ma, Pa, Itama na natin ang hindi tama.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click