《Spoken Poetry》BITIN NA BITIN AKO

Advertisement

❝ BITIN NA BITIN AKO ❞

ni : Juanito Alfonso (Antipatiko)

Minsan ako'y nalulungkot at nangungulila

Nang bigla kang dumating at umiksena

Binulabog mo ang natutulog kong alaga

Sumunggab ka at hindi na nag-alinlangan pa.

Ginising mo ang natutulog kong

pagkatao

Ginising sa pamamagitan ng haplos mo

Ako ay nagpaubaya at hindi kumibo

Buong pagkatao ko ay ipinaubaya ko sa'yo.

Ang alaga kong pusong nais ng ipahinga

Binulabog mo ng halimuyak at ganda

Kung kaya ito ay nagising mula ng masilayan ka

Muling mabuhayan at nagkaroon ng sigla.

Ginising mo ang natutulog na munting puso

Gamit ang nakaa-akit na ganda at tinig mo

Tinig na tumatarak sa munting puso ko

Malambing na tinig na nagmumula sa'yo.

Sa bawat haplos ako ay marahan mong hinubaran

Hindi ako nagpumiglas kilos mo'y pinabayaan

Hanggang sa nag-iba na ang timpla ng aking nararamdaman

Lahat ng kilos at galaw mo'y aking napagmamasdan.

Hinayaan kitang ako ay hubaran mo

Hubaran ng sakit na nakaukit sa'king puso

Dahan-dahan mong hinubad ang sakit na nakabalot rito

Hinayaan kita sapagkat nasasarapan din ako.

Habang ako'y iyong hinuhubaran kasàbay ng iyong pagsalat

Sinalat mo at hinaplos itong nagu-ugat

Hindi ka nag-alinlagan kahit ito'y maalat

Ipinagpatuloy mo parin at iyong inilapat.

Sinalat mo ang aking pusong

nangungulila

Hinaplos ang nagu-ugat sa sakit na nadarama

Itong dating matamis na puso'y naging maalat na

Ipinagpatuloy mo at inilapat ang alay na pag-ibig mo sinta.

Nang ako ay nasisiyahan at malapit ng labasan

Labasan ng tiwala sa iyong nararamdaman

Hinayaan kong ipagpatuloy mo sapagkat ako'y nasasarapan

Nasasarapan sa sinabi mong pag-ibig na walang hanggan.

Ako nga ay malapit ng labasan ng tiwala at hindi na naghinala

Kaya naman hinayaan kitang ipasok ang nag-aalab na pag-ibig mo sinta

Hinayaang ipasok sa puso kong noon ay sinalanta

Sinalanta dahil sa pagkabigo ng pag-ibig kong una.

Ngayon nga batid kong ako'y lalabasan na talaga

Subalit sa hindi inaasahan bakit mo binunot sinta

Binunot ang pag-ibig mong naipasok mo na

Binunot at iniwan mo akong bitin at ikaw'y naghanap ng iba.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click