《Spoken Poetry》Salamat at nagmahal ako

Advertisement

Ang pagkakataong pinahiram

Maari bang angkinin?

Mga ala-alang tatangayin

Palayo sa baybayin

Kung saan pinangako natin

Ang mga pangarap na aabutin

Sa kinabukasang haharapin

Ika'y aking pasasalamatan

Sa iilang pagkakataon

Na pilit pa ring iniingatan

Kahit ako ay nasasaktan

Ikaw ay di kalilimutan

Sa puso man at isipan

Salamat at nagmahal ako

Kahit ngayo'y nasa kabilang dako

Pangako man ay napako

Ako man ay iyong niloko

Magpapasalamat ako

Na maaga mong pinakita ang dulo

Ng hindi na ako umasa

Ng kasalang gaganapin sa pulo

Na maraming bisitang dadalo

Sa araw na tayo'y magsasalo

Sa simula't hanggang dulo

Pero ito'y di mo iningatan

Na mas pinili mo akong iwan

Na basta nalang pinabayaan

Nang walang pakundangan

Nasasaktan ako pero

Di ito magiging rason para ako sumuko

Ang simula ay makikita sa pagtatapos

Puso ko man iyo'y ginapos

Sa alaalang kapos

At pahinang malapit ng maubos

Sa larawang kumupas

At sa panghuling kumpas

Ang pag-ibig na inilaan ay walang katumbas

Salamat at nagmahal ako

Nagmahal ako kahit na nasasaktan

At nasasaktan dahil nagmamahal

Salamat

Paulit ulit na pero ako ay di titigil

Hanggang sa masabi ko ang lahat

Hanggang maubos ang lahat ng letra

Hanggang sa mapunit ang papel na aking sinusulatan

Hanggang sa wala nang luhang lalabas sa aking mga mata

Hanggang sa mapagod ako

Nakakapagod pero hindi ako titigil

Uubusin ko ang lahat ng nasa isip ko

Papakawalan ko ang lahat ng salita

Isisigaw ko ang nararamdaman ko

Hanggang sa masabi ko ang lahat

Hanggang maubos ang lahat ng letra

Hanggang sa mapunit ang papel na aking sinusulatan

Hanggang sa wala nang luhang lalabas sa aking mga mata

Hanggang sa mapagod ako.

-Fedelyn

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click