《Spoken Poetry》Nagbago

Advertisement

Nasan na yung sinabi mo?

Yung pangakong binitawan mo

Na kahit noo'y hindi pa tayo

Ano mang mangyari walang magbabago

Ngunit bakit tila'y agad kang nag iba?

Noong sinabi mo ang katagang "mahal kita"

Ako ay nagulat at nagtaka, sapagkat

Ilang buwan pa tayong nagkakakilala

Maaaring totoo ang pagtapat mong pagsinta

Pasensya naman at ako'y nag aalangan pa

Hindi ko lang kasi matantya kung ang

Pag ibig mo'y totoo nga ba

Ngunit maaari naman siguro dba?

Na maghintay ka ng ilang sandali pa

Para mapag isipan ko pa ang desisyon ko sinta

Konting panahon lang sana

Pero ano ba iyong pagtapat mo?

Naloloka mo na tuloy ako

Parang feeling ko napaglaruan mo lang ako

Parang feeling ko konti nalang lalagapak na ako.

Hindi lang kita nasagot agad sa nararamdaman ko

Sinukuan mo kaagad ako,

Hindi ka na nangungumusta kung okay pa ba ako

Hindi mo na tinatanong kung kumain na ba ako.

Sinta, ako ay naninibago sa pag bago mo

Nasanay lang siguro ako sa pag aalala at atensyon mo

Na sa bawat galaw ko ay alam mo

Na sa bawat gabi ay nababasa ko ang goodnight mo

Nakakaiyak lang isipin na baka yung sinasabi mo ay hindi totoo

Dahil kung talagang mahal mo ako

Hindi ka agad susuko

Hindi mo hahayaang mamimiss kita ng ganito.

Wag kang mag alala

Hindi na kita guguluhin pa.

Huling mensahe ko ay nabasa mo na

Pag reply man lang ay di ka nag abala

Sa pagbitaw moy lilimutin na kita

Lilimutin? Hindi, Malilimutan.

Hindi ko pipiliting kalimutan ka

Mas magmumukha lang akong tanga

Nakakatawa lang isipin diba?

Sakin nagsimula ang usapan

Saking din pala ang katapusan.

-Lovely

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click