《Spoken Poetry》OFW ang nanay ko

Advertisement

Bago ka magbitaw ng Masasakit na salita sa Nanay mo,

Isipin mo muna kung Gaano sya nagsasakripisyo para sa kinabukasan mo.

Dahil lahat ng paghihirap nya ay Hindi para sa kanya, kundi para mismo sayo.

"Kaya ko ng wala ka sa tabi ko,sanay naman na ako"

Mga salitang pumapasok sa isip ko.

Mga salitang Hindi ko napigilang Sabihin sayo

Mga salitang alam kong Magpapadugo sa puso mo.

Nasasaktan ako..

Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko kung ilang taon ang tiniis ko noong nangungulila ako sayo..

"Asan ka nung Kailangan kita!"

"Asan ka noong Inaapi ako!"

"Asan ka noong Nangungulila ako sa yakap mo!"

Mga tanong.

Mga tanong sayo na puno ng Galit, paninisi, pagdaramdam at tampo.

Hindi ko mapigilan.. Hindi mapigilan ang bawat salita na lumalabas sa aking bibig, basta't masabi ko lamang sayo ang nararamdaman.

Imbis na pasasalamat ang isukli sayo, wala nakong ibang ginawa kundi sisihin ka sa pangungulila ko.

Pero sa bawat salita na binibitawan ko... Ay Ang pilit mong pag ngiti at pagiging malakas sa Paningin ko.

Kahit sa likod nito ay ang pagod, gutom at pawis na tinitiis mo. Maibigay lamang ang pangangailangan ko.

Nangungulila.. pilit kong isinusumbat sayo, na hindi ko dapat isinumbat sayo. Dahil sa ating dalawa, pareho lang tayong nangungulila sa yakap at halik ng isa't isa. Pareho lang tayong umiiyak gabi gabi habang nangangarap na sana'y katabi ka na. Yakap yakap ka.

Tuwang tuwa sa mga tsokolate, damit, sapatos, gadgets na iyong ipinadadala habang ika'y pagod na pagod na at nais na lamang magpahinga..

Pero heto ka lumalaban, tinitiis ang gutom basta't magampanan lang ang iyong pagiging ina kahit milya milya ang ating distansya.

Pasensya Ina..

Pasensya kung naging makasarili ako..

Kung mas inisip ko ang sarili ko kesa sa mararamdaman at paghihirap mo..

Pasensya kung sakit ako sa ulo. Pero lahat ng pangarap ko ay tutuparin ko para sainyo.

Lahat ng pagod mo ay hindi mapapariwala.

Dahil magsusumikap ako dahil alam kong mapapawi lahat ng pagod at paghihirap nyo kapag umakyat nako sa stage habang hawak hawak ang diploma na pinaghirapan nyong maabot ko.

A/N : Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. Pero credits sayo. Please enlighten let me know. Tysm!

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click