《Spoken Poetry》Bakit

Advertisement

Bakit hinayaan ko yung sarili ko na saktan mo ko?

Bakit hindi ko pinrotektahan yung puso ko laban sayo?

Bakit nasasaktan kahit hindi naman dapat?

Ilan ba ko dapat para maging sapat?

Ilang beses kong pinaulet-ulet sa sarili ko na wala ka na,

Pero bakit kahit masakit hinahanap hanap pa din kita?

Ikaw yung sakit na hanap hanap ko,

Yung pinakapaborito ko sa lahat ng sakit,

Pangalan mong paulet-ulet nag eecho saken,

Pangako mo na ilang beses kong inaalala,

Pangako mo na hangang ngayon hindi ko nakakalimutan.

Paano ako lalaban, kung umpisa pa lang talo na ako?

Paano pa pa ako susugal, kung pinaglaruan mo na ako?

paano ako babangon kung ikaw yung kalaban ko?

ikaw!

Oo, ikaw. Ikaw na minahal ko ng sobra.

Ikaw na paborito ko sa lahat,

Bakit ang sakit ng sinabi mong "ayoko na."

Pitong letra pero libo libong sakit, ilang pumatak na luha ang lumabas, pero bakit hindi mo maagapan yung sakit na nararamdaman ko?

Bakit para kang isang delubyo?

Para kang isang malakas na alon na rumaragasa kasama ako?

Bakit ang sakit, sakit?

Sakit? Na hirap pigilan?

Sakit na para kang ilang beses pinalo ng ako'y musmos pa lamang!

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!!!

Hindi ko pinagsisihan lahat, mahal? Mahal na mahal kita.

-Mcxene

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click