《Spoken Poetry》Hugutin mo na

Advertisement

Kapag may ibinaon kailangang hugutin

Nang sa gayon 'di na masaktan ang damdamin

Kahit man masakit kailangan mong gawin

Hugutin at mga naibaon ay 'wag ng isipin

Sapagkat bago ka niya nilisan

Siguradong may ibinaon siya sa'yong isipan

Ibinaon na mahirap takasan

Mga ibinaon niyang mahirap kaligtaan

Mga ibinaon sa'yong mga alaala

Masasayang pangyayari noong kayo pa

Ang mga ngiti sa iyong labi't mukha

'Yan ang mga bagay na saiyo'y ibinaon niya

Mga ibinaon saiyong puso't isipan

Ang inyong masasayang pinagsamahan

Ala-ala ng inyong mga nakaraan

Nakaraang napakahirap kalimutan

Batid kong ngayon ito na ang simula

Simula upang hugutin mo na

Hugutin sa iyong puso at gunita

Hugutin ang ibinaon niya sa'yo sinta

Hugutin mo sa'yong puso ang ibinaon niya

Hugutin mo ng puso mo ay malinis na

Hugutin mo lahat ng naibaon niyang alaala

Hugutin mo at simulang palayain s'ya.

-Antipatiko

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click