《Spoken Poetry》Tulang walang pamagat

Advertisement

Mahal, naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya pa?

Yung bawat ngiti sa kulitan nating dalawa na nakikita sa mapupungay nating mga mata

Ito pa ba'y iyong naaalala?

Dahil ako, oo kasi miss na kita

Miss kita di dahil gusto kitang makita

Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin na para bang isang prinsesa

Miss ko na

Miss ko na dahil lahat nagbago na

Mahal, may tayo nga pero parang wala

Ano ba kasi ang dahilan kung bat parati kana lang wala?

"Mahal, busy ako"

Busy? busy sa iyong ipapalit?

Ay mali, mali ako.

Dahil meron ng pumalit, meron ng pumalit sa pwesto ko sayo.

Pero mali talaga eh.

Mahal, maling mali.

Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan, ano pa nga ba ako?

Isang TANGA na naghihintay ng oras at pagmamahal?

Naghihintay sa taong wala namang pakialam sa'king nararamdaman?

Sa sakit na aking dinaramdam?

Ano? Ano ako sa mundo mo?

Mundo mong parang walang ikaw at ako

Mundo mong walang tayo

Tayo na ako lang ang bumubuo

Pagod na ako.

Pagod na 'ko sa lahat ng sakripisyong dinanas ko

Sakripisyong ginawa ko na para sayo wala lang lahat ng ito

Lahat ng sakit na nararamdaman ko

Na mas lalong sumakit ng nalaman kong habang sinisigaw ko sa buong mundo na ikaw ang taong mahal ko,

Isinisigaw mo naman sa kaparehong mundo ang pangalan ng taong mahal mo

Na akala ko ay ako,

Pero yung bagong nagpapatibok ng puso mo

Minsan, naiisip ko na bat di ko magawang isuko?

Isuko ang labang ito kahit na durog na ang puso ko

Durog na durog na sa pinanggagagawa mo?

Pero mahal, alam kong alam mo

Na nasasaktan na ako

Kaya mas pipiling kong maging masaya ka sa piling nya

Kahit kaakibat nito ay ang pagkadurog ng durog kong puso

Dito ko tatapusin ang tulang ito

Tulang hanggang ngayon, di ko lubos maisip kung ano ang pamagat

Tulang parang isang librong nakapaloob ang ikaw at ako

Pero sa mundo mo, walang nabuong tayo

-Czarina

A/N : Kindly search for Tagalog Spoken Word Poetry on Facebook dahil yung credited siya with name but without surname ay doon ko nakukuha ang mga works.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click