《Spoken Poetry》Ang pag-ibig ay isang ilusyon

Advertisement

Darating ang panahon na lilisanin ko ang mundong ito

Subalit ang iyong mukha ay hindi mawawala sa mga mata ko

Kahit na maibaon na ako sa hukay mananatili kapa rin sa 'king puso

Dahil sa buong pagkatao ko mayroong alaala'ng naiwan mo.

Sapagkat ang pagmamahal ko sa 'yo ay magtatapos

Sa pagsigaw ng iyong pangalan ako ay mapapaos

Matatamis na salitang aking bibitawan ay titigil din sa pag-agos

Sa pagkawala ko sa buhay mo ito ay magsisilbing unos.

Sapagkat ang pag-ibig ay isa lamang ilusyon

Darating sa puntong sa alaala ikaw ay mababaon

At patuloy na magdurusa sa bawat paglipas ng panahon

Lalo kang malulugmok at sa sakit ay hindi makababangon.

Kung hindi mo ito matatakasan ang laro ng kaparalan

Patuloy kang malulugmok at kakandiliin ng kalungkutan

Mawawala ako subalit tatatak padin sa 'yong puso't isipan

At patuloy mong babalik-balikan ang mga nakaraan.

Sa oras na dumating ang panahon na 'yan at mawalan na 'ko ng pakiramdam

Ang mga matatamis kong mga salitang iyong inaasam-asam

Na tanging bumubusog sa t'wing puso mo ay kumakalam

Wala na akong huling babanggitin kundi ang katagang PAALAM.

-Juanito Alfonso

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click