《Spoken Poetry》Juanito Alfonso

Advertisement

Simulan mo na s'yang kalimutan

At ibaon mo na sa limot ang nakaraan

Halika rito at hihilumin ko puso mong sugatan

Nang sa gayon kaligayahan ay muli mong makamtan

Dito sa aking tabi pwede kang magpahinga

Maaari mong gawing unan ang aking bisig kapag pagod kana

Pwede kitang kwentuhan nang pagod mo ay mawala

O tutulaan hanggang sa makatulog ka

Nakahanda rin akong makinig sa mga kwento mo

Kahit paulit-ulit pa 'yan makikinig pa din ako

Kahit gaano pa 'yan kahaba, 'yan ay walang kaso

Pakikinggan kita hanggat malinaw pa ang pandinig ko

Sa bawat kapilyahan mo ikaw'y aking sasabayan

Ang mahalaga ikaw ay nasisiyahan

Sapagkat makita lang kitang masaya 'yan ay akin ding kaligayahan

At sa pakiramdam ko 'yan ay nakagagaan

Sa lahat ng oras handa akong ikaw'y pakinggan

Kahit sa mga biro mong wala namang katuturan

Binibini 'yan ay akin pa ring tatawanan

Sapagkat gagawin ko ang lahat para sa iyong kaligayahan

Kahit na hindi ko man maibigay at mabili lahat ng gusto mo

Subalit kaya ko namang ibuhos ang nararamdamang pag-ibig ko

Sapagkat ikaw lang ang nagi-isang magmamay-ari ng aking puso

Ikaw lang ang magmamay-ari kahit na walang titulo.

-Juanito Alfonso.

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click