《Spoken Poetry》Sana ako na lang

Advertisement

Oo Gusto kita

Kaya sana gustuhin mo din ako

Alam kong hindi ako gwapo

Na pwede mong maipagmalaki

Sa mga kaibigan mo

Alam ko ding hindi mo ako magugustuhan

Dahil wala sa akin ang katangiang hinahanap mo

Pero ito lang masasabi ko

Ang Pagmamahal ko ay totoo

Hindi gaya sa mga nakaraan mong nobyo

Na sinaktan ka lang at niloko

Ipinapangako ko sayo

Kapag ako ang nagustuhan mo

Hindi ko hahayaang may lumabas na luha galing sa mga mata mo

Dahil tatratuhin kitang prinsesa ko

Kahit na Maliit lang ang palasyo ko

Dahil mahirap lang ang prinsipeng kagaya ko.

Pero nais ko lang na malaman mo

Na kahit ganito ako

Marunong naman akong rumespeto

Kaya kung magmamahal ka, huwag na yung gwapo

Kung nandito lang naman ako

Naghihintay sayo

Kaya sana ako nalang ang gustuhin mo.

-Joshua

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click