《Spoken Poetry》Walang Pamagat
Advertisement
Kaysarap balikan ang mga panahong ikaw ay kausap
Mga sandaling ako ang lagi mong hinahanap
Sa bawat oras na tayo ay naging masaya
Sa sarili nating mundo na tayo lang ang may gawa
Kaysarap pakinggan ang mga kantang alay mo sakin
Bawat salita ay ramdam ko ang ibig sabihin
Sa bawat mensahe na nais mong iparating
Agad sayo, ako ay nahumaling
Pinilit nating ikubli sa isa't isa ang ating damdamin
Dahil alam nating ito ay hindi nararapat para sa atin
Ngunit anong magagawa natin sa ating pusong patuloy na humihiyaw
Na ang bawat nais ikaw at ako ay magtampisaw
Ilang beses tayong nagpaalaman
Pero hindi pa rin nag-iwanan
Dahil bawat paalam laging may iyakan
Kaya naman akala natin wala nang hanggan
Sa bawat araw na tayo lang ang magkausap na para bang wala nang bukas
Patuloy na lumalim ang pag-ibig na akala natin ay wagas
Sa bawat imahinasyon na tayo lang ang may likha
Walang batid ang ating tuwa na ikaw at ako ay parang magkasama
Dumating ang araw na ang lahat ay nagkatotoo
Halik at yakap mo ay damang-dama ko
Bigla na lang tumigil ang ating mundo
Tanging maririnig mo lang tibok ng ating puso
Ngunit biglang sumapit ang araw na kailangan nating magkalayo
Ikaw at ako ay hindi na muling magtatagpo
Dahil ito ang hatol sa atin ng mga tao na hindi alam ang puno't dulo
Ikaw at ako ay kailangang matuto
Umpisa pa lang alam na nating mangyayari ito
Pero bakit hindi natin napaghandaan ang dulo
Dahil ba ito ang gusto ng mapaglarong mundo
Na ang luha natin ay hayaang tumulo
Ang sakit.. sobrang sakit..
Buong katawan ko ramdam ang sakit
Di ko alam kung kanino kakapit
Dahil kahit anong pilit hindi maalis ang lahat ng pait
Buong katawan ko manhid na sa sakit
Para na nga akong mawawalan ng bait
Advertisement
Di ko alam kung kanino lalapit
Dahil sa lahat ng sinapit, ito ang pinakamalupit
Ang tanong ko lang sa sarili
Bakit ako naiwang mag-isa sa ere
Ako lang ba may gusto sa lahat nang nangyari
Bakit wala man lang pasabi na ako pala ay isasantabi
Hindi naman ako bingi
Pakikinggan ko ang bawat mamumutawi
Sa labi mong nakakawili
Sana man lang ikaw ay nagsabi
Bawat araw pilit akong lumalaban
Dahil pag-ibig natin ay di mo pinaglaban
Ang nais ko lang ay kaligayan
Na sana man lang ay muling maramdaman
Kelan ba ako makakabangon
Sa mundong mapanghamon
Durog-durog na ang aking puso
Kelan nga ba ito mabubuo
Hiling ko lang ay malaman ang katotohanan
Na ako talaga ay hindi mo pinaglaruan
Upang makalaya na ako sa ginawa nating mundo
At mamuhay sa lugar na kung saan lahat ay totoo
Wag mong ipagkait ang nais kong makamit
Hayaan mo akong maging malaya
Kagaya ng ginawa mong paglimot
Nang ako ay hayaang mawala.
-Ann Lorraine T. Juan
05/03/2018
Advertisement
- In Serial13 Chapters
Don't Put All Of Your Short Stories In One Basket
A collection of stories about everything. This and that.
8 63 - In Serial8 Chapters
Siame (Mass Effect fanfic)
(Asari Language: Siame: “one who is all” - a loved one cherished above all others) Everything could seem so right, yet go so wrong in just an instant...don’t ever take anything you have for granted, because it can all be taken away from you...
8 156 - In Serial60 Chapters
Breaking the Chains
Aegon Silver, a young man on an epic, danger-filled journey to... well, apart from money, power and fame there isn't much more that interests our protagonist. Nevertheless, witness him as he attempts to reach his goals, preferably without suffering too much, though as we all know... reality is often disappointing. What does the future have in store for this shameless young man? Not even a god knows.
8 490 - In Serial23 Chapters
A Liliful World
Think about it, what were to happen if you were reincarnated to the virtual world you wanted to create; what a dream right, being able to live peacefully with no limitations... That was what I thought; the experiment failed...?! And to make it worse, I met a Yuri-fanatic Goddess who wishes to reincarnate me to the world I attempted to create but in exchange... I had to entertain her with yuri?! "What is going to happen to me?!!!!" Awards: ScribbleHub Anniversary 2 (3rd Place)Warning: This story is not meant to be taken seriously as it is a seriously not serious story, absolute fluff as always, additionally, this story is Girls' Love.
8 296 - In Serial14 Chapters
Game of the Mad God
Jason Delacroix is many things. A sarcastic bastard. A gambler(who might be just a little TOO good, if you catch the meaning). But mostly, he was an anime freak, with traces of chuunibyou(. He spent his days simply, watching huge amounts of anime by day, gambling to pay for his habits by night. This was his routine, until one night something claiming to be a god wrenched him from his world...*warning(because apparently the mature tag just isn't enough)* This story will contain violent, sometimes graphic scenes. people will be eaten. you've been warned
8 215 - In Serial11 Chapters
The Best Way To Use A Clone
A.K.A. I am a hundred dudes, what you gon' do? Might eventually become completely different from its original premise.
8 125

