《Spoken Poetry》Nang minsa'y umibig ang isang Makata

Advertisement

Mahal naalala mo pa ba yung may ikaw at ako pa?

Oo yung kwento pa nating dalawa,

yung di pa sya dumating sa mundo natin sa isa't isa.

Mahal napasaya ba talaga kita?

Masaya kaba pag tayo'y mag kasama?

Kasi mahal nakapagtataka

Halos araw-araw ginagawan kita ng Tula para mapasaya ka,

ginagawan kita ng kanta sabay tugtog ng gitara at wala pa sa tono ang aking pag kanta mahal...

Mahal napasaya ba talaga kita?

Patawad mahal umibig ka sa isang makata

yung di tulad ng ibang lalaki may patsokolate't bulaklak pa silang dala kasi dun alam nila mapasaya yung babaeng mahal nila. Patawad

Patawad mahal di ako tulad nila

Halos ang mabigay ko lang sayo ay yung gagawan ka ng tula

ipaparinig ko sayo sabay tingin sa iyong mga mata.

Mga mata na Naka focus lang sa iba, naka focus lang sa kanya

Mahal naman wag ka namang ganyan

Nung mga panahong wala kang oras sakin ikaw bay aking sinukuan? Mahal ano mo ba sya? bakit tuwing magkasama tayo sa recess at sya'y napadaan nag papaganda ka?

Dati naman di ka ganyan tapos ngayong may lipstick kanang dala?

Bago lang kayo nagkakilala sobrang lapit nyo na sa isa't isa.

Mahal wag mong sabihin sakin kaibigan mo lang sya,

Mahal Makata lang ako pero di Ako Tanga.

Siguro nga Tama ka mahirap mahalin yung isang makata,

Yung gagawan kalang ng tula at kinukomposan kalang ng kanta,

Isang makata malungkot na kasama yung sa tula kalang pinapakilig di sa tsokolate't bulaklak tulad ng iba.

Kaya sige mahal, atleast napatunayan ko sayo na hindi ako ang Ex B para hayaan ka, pero idolo ko si Moira kaya malaya ka na.

-Alfitri Sajili

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click