《Spoken Poetry》Mahal pa rin kita

Advertisement

Alam mo ba,

Alam mo ba na mahal pa din kita?

Oo, tama ang iyong narinig,

Yun nga ang mga salitang aking isinambit

Mahal pa din kita.

Ako man hindi ko maintindihan,

Hindi ko maintindihan,

Kung puso ko'y sa iyo tumitibok pa man.

O baka ito'y guni-guni ko lamang,

Pero hindi,

Habang tumatagal

Mas nagiging malinaw ang aking

mga nararamdaman,

Ang aking nararamdaman

Na dati'y walang kasiguraduhan

Na ngayo'y alam ko ng ikaw parin

ang laman.

Minsan mas nanaisin ko nalang,

Mas nanaisin ko nalang na

hindi ko pa nalaman,

Na hindi ko pa nalaman na ikaw

parin ang puso ko'y laman.

Minsan akin ngang naitatanong,

Ano nga ba ang dahilan?

Tuwing ako sa iyo'y titingin,

Di maiwasang kikirot ang aking damdamin.

Ang aking pusong dati ay puno ng pagmamahal,

Na ngayon ay puno na lamang ng

mga ala-ala natin.

Mga ala-ala ng dating tayo,

Sa dating tayo

Sa dating tayo na masaya

Sa dating tayo na walang

ka proble-problema

At higit sa lahat,

Sa dating tayo na wala na,

Na hindi ko na maibabalik pa.

Akala ko noong una magiging maayos din.

Magiging maayos din ang

pakikipagturingan natin,

Pagkatapos ng tuluyang paghihiwalay

ng tadhana sa atin,

Akala ko lamang pala,

Dahil sa tuwing ako'y lumalapit sa iyo

Hindi mo na ako pinupuna

Tinuturing mo na akong hangin kumbaga,

Ang sakit hindi ba?

Pero siguro iyon ang tama,

Ako naman talaga ang nagkasala,

Ako ang nagbigay wakas sa ating dalawa.

Ngunit,

Kahit ganyan na ang pakikitungo mo sa akin

Yang ganyan na parang nawala lahat ng pinagsamahan natin,

Nais kong marinig mong muli

Ang aking mga sasambitin,

Mahal pa rin kita,

Mahal pa rin kita,

Mahal pa rin kita,

Kahit wala ng pag asa

Kahit puso mo'y di na akin pa.

-Nichola

    people are reading<Spoken Poetry>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click