《DarLentina One Shots (NarGina)》NV stands for?
Advertisement
Wherein, 16 years old Noah is courting Narda and daydreams for her to be his wife 10 years after.
But then may ibang plano yata si destiny.
.
Kinikilig pa si Noah habang sinusulat pangalan ni Narda sa notebook niya. Sa sobrang pagka crush ba naman niya dito eh kahit d siya pumapasok sa school, ginagawa na niya makita lang 'to.
Ang dami din niyang kaagaw sa atensyon nito, pinakamahigpit dun is mismong best friend ni Narda na si Brian Robles.
Ano nga bang lamang niya dun eh mag best friend 'yung dalawa?
Well, sa tingin niya, bukod sa mas gwapo siya dun eh mas mukha siyang naliligo at mabango.
Pogi points kumbaga.
Naka ngiti pa din siya habang hinihintay na pumasok sa klase nila si Narda, may ibibigay din kasi siya dito.
Three red roses para daw I love you.
Tumayo naman siya agad ng makitang papasok na si Narda sa classroom nila.
"Narda, good morning." nakangiting bati niya dito sabay nawala naman agad kasi kasunod nitong pumasok si Brian, na may dala ding three red roses.
loko-loko 'tong Brian na'to ah.
"oy Narda! kanina pa kita tinatawag noh!" sabi naman ni Brian na nasa likod na ni Narda.
"para sa'yo." sabay na sabi nila Brian at Noah.
tangena? patay ba ako?
"ah--" anong gagawin ko?!
"salamat."
Sabi ko nalang matapos kong kunin yung mga roses at ilagay sa gilid ng bag ko. Pang-ilan na ba 'to this week? Puno na vase namin sa bahay eh.
Tinignan ko yung dalawa at kitang-kita ko naman pano nila titigan isa't-isa, parang magsasapakan na eh.
Bakit ba kailangan ako maipit sa ganito?
"sige, opo na ako ha." sabi ko sabay alis na agad papunta sa upuan namin ni Mara.
"bes, haba ng hair..dalawang campus crush pa nanliligaw sa'yo ha." sabi nito sakin ng makaupo na ako.
Napa eyeroll nalang ako, pakialam ko ba kung campus crush yung dalawa? Hindi naman ako yung campus.
"alam mo ikaw, kaka ganyan mo sa'kin pag d ko matansya tutusukin kita ng ballpen."
Tumawa naman si Mara sa sinabi ko. Mukha ba akong nagbibiro?
"ito naman, pero ano nga kasi, wala ka bang nagugustuhan sa kanilang dalawa?" tanong nito sa'kin.
Tinignan ko naman kung nasan na 'yung dalawa at natawa nalang ako dahil nagtititigan yung dalawa at halatang pinanggigigilan ang isa't-isa, ba't kasi magkatabi eh.
"oh, anong tawa yan? so may gusto ka nga?" sabat naman ni Mara kaya hinarap ko ulit siya.
"hoy, wala. ewan ko ba jan sa dalawang 'yan, sinabi ko ng ayuko magpaligaw pero ayan pa din." inis na sabi ko.
"yieee.. ganyan talaga bes, isa sa kanila for sure magugustuhan mo.." sabi nito sa'kin at napa eyeroll na naman ako.
As if naman need ko ng lalaki sa buhay noh.
"never talaga." sabi ko naman.
"hala bes!" biglang sabi niya, buti nalang d ga'non kalakas.
"ano?"
"baka babae gusto mo ha?" ano daw?
"siraulo ka talaga." sabi ko nalang at umiling.
Sakto namang papasok na teacher namin kaya nagsiayos na kami lahat sa pag-upo.
"hello class." bati nito samin kaya as a respect, binati din namin si sir.
"may humabol sa school year ngayon, may bago kayong kaklase." sabi nito kasabay ng pag signal niya ng kamay niya sa may pinto kaya sinundan ko din ng tingin 'yun.
Advertisement
putek. ang ganda!!!
Daig pa movies sa slow-mo ng pagpasok niya or ako lang ba yung ganun tingin sa kanya?
Parang nag slow-mo talaga eh, side profile palang ha, pano kaya kung huma-
"pakilala mo sarili mo, ija." sabi ni sir ng makaharap na yung babae.
bakla talaga ako, tangena.
"hi everyone! I'm Regina Vanguardia. It's nice to meet you all." naka ngiting sabi nito sabay napatingin sa'kin.
Putek! Tangena! Yung ngiti!! Yung tingin!!
"oy bes, okay ka lang?" siko ni Mara sa'kin.
"Miss Custodio, kinakausap kita."
"bes!" mas malakas pang siko sakin ni Mara kaya natigil na ako kakatitig kay Regina.
takte ang ganda din ng pangalan.
"Miss Custodio, since kanina ka pa tulo-laway kakatitig kay Regina..ikaw na magturo sa kanya ng past lessons natin for preparation sa prelims natin in two weeks time ha?" sabi naman ni sir.
"s-sir?" nakakahiya! kailangan talaga sabihing nakatitig ako at tulo-laway pa?
"you heard me, study buddy ka na ni Regina. I expect her to catch up sa lessons natin and sa other subjects with your help, okay?" itong si sir, porke't matalino ako ginagawa na akong utusan.
Pero sino ba ako para umayaw, ang ganda-ganda kaya ng study buddy ko pag nagkataon.
"okay sir, copy po." sabi ko dito at tinignan ulit si Regina na nakatingin na din sa'kin ng naka ngiti.
I am not that strong Lord.
"confirm bes." rinig kong sabi ni Mara sa tabi ko.
Sinusundan ko na ng tingin si Regina, pinaupo kasi ito ni sir sa harap dahil bakante daw.
"huh?" tanong ko nalang kay Mara kahit sa likod ako ni Regina naka tingin.
Amoy ko hanggang dito sa kinauupuan ko 'yung pabango niya.
"babae nga gusto mo..at si Regina 'yun. kaya pala d mo bet sila Brian at Noah ha." rinig ko pang sabi ni Mara kaya hinarap ko siya agad at tinakpan ang bibig.
"tangek! marinig ka ni Regina!" bulong ko sa kanya, inaalis naman niya kamay ko kaya tinanggal ko na 'yun.
"bwesit ka bes, papatayin mo yata ako.." bulong niya din sa'kin.
"sorry, ikaw kasi eh." sabi ko nalang.
"dumating lang si Regina nawala na angas mo." natatawang biro niya pero mahina pa din ang boses.
"shut up ka na nga jan." sabi ko nalang at nag concentrate na kay Regina.
ay tanga. sa lesson pala dapat.
"Narda." halos mabali naman ang leeg ni Narda ng marinig niyang tinatawag siya ni Regina.
Weekend na ngayon at may tatlong araw nalang sila bago ang prelims exam nila.
Sa halos dalawang linggo na dumaan, mabilis niyang nakasundo si Regina.
Marami naman pala kasi silang pagkakapareho at kahit sa mga bagay na hindi sila pareho, nagkakasundo pa din sila at nire-respeto opinyon ng isa't-isa.
Sa ilang araw din na 'yun, nakumpirma ni Narda na crush nga niya si Regina.
Sino ba naman kasing tangang hindi magkakagusto dito?
tama, sila Mara, Brian at Noah pala yung mga tanga. sabi nito sa isip niya.
Halos lahat sa school nila, mapalalaki o babae, crush si Regina.
Sumali din kasi 'to sa sports event nila at piniling sport ang badminton. Pati music at theater club sinalihan. Edi lahat na kilala siya.
Advertisement
Pakiramdam tuloy ni Narda madami siyang makakaagaw pag nanligaw siya kay Regina.
ay tangek. crush lang naman ah? bakit may ligaw na akong iniisip?! saway niya sa sarili niya.
"Narda, you're spacing out again." rinig niyang sabi ni Regina sabay hawak sa noo niya.
"okay ka lang?" tanong nito sa kanya.
Takte..magkaka heart attack ba ako? wala naman akong sakit sa puso!
"Narda, hey." biglang ramdam naman niya yung palad ni Regina sa pisngi niya.
"what's wrong? gusto mo ba wag na muna tayo mag session ng review ngayon? pahinga ka muna." tanong nito sa kanya.
ito na ba 'yung mafu-fall ako sa straight kong kaibigan? ito ba talaga yung first ever love story ko? unrequited?
Isip niya.
"that's it, you're sleeping." biglang bitaw ni Regina sa pisngi niya sabay hablot sa kamay niya at tumayo.
"teka lang Regina, hoy." tawag niya dito.
Nasa salas kasi sila kanina pero ngayon parang papunta sila sa kwarto nito.
kwarto?! halos nagpa panic niyang sabi sa isip niya sabay bawi sa kamay niya.
"Regina." tawag niya dito ng huminto sila sa hallway.
Hinarap naman siya ni Regina, halata sa itsura nitong nag-aalala.
She feels guilty dahil dun, nagdi-daydream at space out lang naman siya eh.
"Regina, okay lang ako. sorry kung pinag-alala kita." sabi niya dito at napakamot sa batok niya.
Rinig niya naman ang malalim na paghinga ni Regina bago siya nito nilapitan.
"what were you thinking?" tanong nito sa kanya, nakatitig ito sa mga mata niya.
takteng mata yan, binabasa ba nito kaluluwa ko?
"i-ikaw."
pakshet! bobo! anong IKAW?!
"me?" takang tanong naman ni Regina sa kanya.
bwesit, sabihin ko na nga lang.. para naman open na ako agad, kung ere-reject edi okay, kaysa magtagal pa tsaka lumalim 'tong feelings ko.. crush lang naman dapat kasi pero parang arrgh! ewan!
"I like you Regina." sabi nito.
Tinitigan ni Narda ang magiging reaksyon ni Regina.
Hindi naman kasi araw-araw may nagko confess kay Regina na babae kahit na maraming nagkakagusto sa kanya eh.
Pero ito siya ngayon, siya pa nga yata kauna-unahang babae na nag confess dito.
Nagulat naman siya ng nakita niyang ngumiti si Regina sa kanya.
"I like you too Narda." sabi nito sa kanya.
weh? teka, baka akala niya as a friend! wait, linawin ko nga.
"h-hindi as a friend..ano, ahm, more than a friend..r-romantically, ganun." mahabang paliwanag niya dito, halos nagpa panic na siya, yung actions ng kamay niya daig pa sumali sa rap battle.
Pero ganun pa din tingin ni Regina sa kanya, mas ngumiti nga lang ngayon.
"silly, I know what you meant the first time Narda..and it's true, I like you too, romantically." sabi nito sa kanya.
Para namang nakalimutan ni Narda na huminga.
teka, wait, stop the car..mutual?! hindi ito yung I fell for a straight friend type of confession?
"hindi Narda, hindi ito yung I fell for a straight friend type of confession kasi mutual tayo ng feelings." naka ngising sabi ni Regina sa kanya.
Nahihiya siya lalo, malay niya bang bulong pala yung pagkakasabi niya, akala niya sa utak niya lang eh.
"so, ano..ahm, we both like each other." sabi niya nalang para kunwari hindi siya parang kamatis sa sobrang pamumula.
"yep, we both like each other." pagkumpirma naman ni Regina.
"so, ahm..ano tayo?" tanong niya dito.
"well..liligawan kita, don't worry." sabi ni Regina sa kanya sabay pisil sa magkabilang pisngi nito.
"aray! aray! mashakit!" tumawa naman si Regina bago tumigil at tumakbo pababa ng hagdan.
"pag ikaw nahuli ko Regina!" sigaw niya dito at hinabol na.
in love ako tangena.
Nang dumaan sila sa sala kung nasan sila kanina, hindi nila napansin na nahulog na pala ang notebook ni Regina habang naghahabulan sila.
Buti nalang din hindi, baka kasi mamula din si Regina pag nakita ni Narda nakasulat sa notebook niya.
Narda Vanguardia.
"oy Narda, para sa'yo."
"for you Narda."
tangena ano 'to? deja vu?
May pa red roses na naman 'tong dalawa, ano bang gagawin ko dito?
"ano, ahm..sorry, pero d ko matatanggap yan Brian, Noah." sabi ko nalang sa kanila.
Para naman silang pinagsakluban ng langit at lupa.
takte, ano bang sasabihin ko? nililigawan ako ni Regina na sure akong sasagutin ko kaya tsupi na kayo?
"ano kasi--" d ko pa natatapos sasabihin ko ng pumasok na si Regina sa classroom na may dalang chocolate milk drink.
"hi Narda, good morning." sabi nito sakin at kiniss ako sa pisngi.
takte. isa paaaaa
"for you, your favorite." nakangiting sabi niya sabay bigay sakin ng drink na tinanggap ko naman agad.
"thank you Regina." nakangiti ko ring sabi sa kanya.
"anything for you. oh, also, Noah, Brian..sorry to disappoint pero hindi na nagpapaligaw sa iba si Narda, sa akin lang." sabi naman niya sa dalawa na kanina pa naka tingin samin.
"sabi ko na eh, kaya d ako gusto ni Narda." rinig ko namang reklamo ni Brian sabay suntok ng mahina sa braso ni Noah.
"tangek, kahit wala si Regina, d ka talaga magugustuhan ni Narda.. mukha kang dugyot." sabi naman ni Noah dito sabay pinunasan ang braso niya.
"ugok! ikaw mukhang unggoy." sagot naman ni Brian sa kanya.
"ano?!" napailing nalang ako sa kanilang dalawa.
Konti nalang talaga iisipin kong bagay sila.
"Narda, I saw sir kanina, papunta na dito..let's go to our upuan na?" sabi naman sakin ni Regina na tinanguan ko.
Hinatid niya pa ako sa upuan ko kahit na magkalapit lang naman kami. Napailing nalang ako, wala lang, feel ko ang sweet lang.
Dumating na si sir at agad na nagbigay ng mga test papers after namin siyang batiin. Mukhang excited si sir na matapos ang araw eh.
Lumingon naman sakin si Regina at nagsalita, "good luck love." sabi niya ng nakangiti bago humarap ulit.
putek, love daw?! kinikilig ako wait! stop the exam! ay putek, d pala pwede.
"yun oh, tinapos ni Regina ang mahabang pila ng manliligaw mo bes." rinig kong bulong ni Mara sa tabi ko.
Hindi na ako kumontra pa.
Kahit na sa simula palang naman, wala naman talagang pila.
Si Regina lang.
Advertisement
- In Serial6 Chapters
Reincarnate in Anime world
What would happen if you die and reincarnate in the anime world? A world which you dream of. A waifu that you dream of!!
8 130 - In Serial32 Chapters
M-chan Wars: Rise and Fall of the Cat Tyrant
Welcome to M-chan, the place where individuals called denizens fight over any little thing with incredulous powers or sheer tenacity. This time, the Cat Tyrant has unleashed a deadly virus, taking over M-chan for itself. Read about how the other denizens fight back to reclaim M-chan, along with all the crazy antics and atrocities that occurs in the process! Warning: Disturbing content ahead. Some LN, manga, anime knowledge required.
8 104 - In Serial16 Chapters
Cursed child
Youkai, Japanese spirits and monsters there all around us, you just can't see them. And trust me you wouldn't want to.
8 158 - In Serial54 Chapters
Mito's Sister. (Uchiha Madara)
Uzumaki Asami finally joins her sister in Konoha after looking for fellow clan members after the destruction of Uzushiogakure, and she meets Madara there. Their relationship doesn't start very well, but as time passes, they understand each other more and more. Highest in Fanfiction: #159 Second place NWA 2016
8 103 - In Serial9 Chapters
The Odds are Definitely Not in My Favor
Hatake Kakashi gets reborn as Katniss Everdeen's younger sister. When Katniss volunteered for Prim, Kakashi volunteered for Katniss. A Naruto and Hunger Games crossover story. AU.
8 74 - In Serial37 Chapters
Living With My Bully
(Original Version, New Version in Progress that I suggest waiting for if you'd like) "I'm sorry for your loss." I hear and look over to see Oliver, "I've been in a similar situation, I may not have lost someone this way, but I definitely did lose someone. My family and I will be here for you and will help you get through this." He says biting his lip. I smile a bit. "Thank you Oliver, hearing you say that really means a lot to me." I tell him. I can barely see Oliver look back through my tear-filled eyes but then I feel two arms wrap around me. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Meet Iris Mitchell, she's known as the nerd in school with her best friend, Kayla. Iris is also extremely stubborn and doesn't know when to shut her mouth. She also likes to watch Netflix 25/8 with Kayla. But in school, Iris is bullied by Addison Meyer and the one and only, Oliver Sullivan. Meet Oliver Sullivan, he's known as the bad boy in school but also the bully of many students in the school, and Iris is one of them. All the girls want him, except Iris and Kayla, they fantasize about famous actors and fictional characters. Oliver is mostly found hanging out with his friends Adam, Lucas, and Ross. But outside of school, Oliver is an extremely different person and no one knows. Well until Iris moves in with him, of course. Iris' father, Christopher Mitchell, dies in a fire, at his job, saving people on the top floors. With no mother or relatives to go live with, Iris needs to move in with a family, and her dad knew the Sullivan family pretty well. What's going to happen when Iris moves in with her bully? Read to find out!7-9-19//#18 in bully8-3-20//#4 in teenfiction
8 149

