《DarLentina One Shots (NarGina)》Migraine

Advertisement

Wherein Regina and Narda are very close friends.

Nah, more like Regina and Narda are too close to be just friends.

-----

"Ali, si Narda?" Regina asks after she finished reviewing the cases na kailangan niyang e-handle.

Inayos naman ni Ali ang damit niya at tumayo mula sa kinauupuan nito.

"puntahan ko lang siya Regina." sabi nito at naglakad na papunta sa may pinto ng office ni Regina.

"no, it's fine Ali. ako nalang, I'll visit her myself." pagpigil nito sa kanya na tinanguan niya.

He could only smirk as he watched Regina stood from her seat at inayos ang sarili nito bago naglakad palabas ng office.

Narda yawned on her seat, antok na antok siya at gutom. Hindi kasi siya nakakain kaninang umaga dahil nagmadali na siya para makapasok sa trabaho.

Napatingin siya sa phone screen niya ng tumunog ito signalling na may nag text dito.

Brian

Naiisip niya palang mga pang-aasar ng mga kaibigan niya ay naiinis na siya, kaya hindi siya papayag kahit libre pa. Magre-reply palang sana siya dito ng biglang may humawak sa kaliwang balikat niya.

"ay bading!" napatakip naman agad siya ng bibig niya ng masabi niya yun.

Pinagtinginan na siya ng mga kasama niya at malamang pagchi-chismisan na naman siya ng mga ito.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng isang pamilyar na boses.

"Regina." tawag niya dito.

"sorry, I didn't mean to startle you. gusto lang sana kitang tanungin kung nag lunch ka na?" sabi nito matapos humarap sa kanya.

Napangiti naman si Narda bago nagsalita, "okay lang, hindi pa..bakit?" tanong nito sa kanya.

"let's eat lunch together?" tanong nito sa kanya and she smiled.

"sige." Regina gave her a smile in return at sabay na nga silang lumabas ng office.

Tumunog naman ang phone niya at nakitang d pa pala siya nakaka reply kay Brian na nag text pala ulit.

Brian

Narda? So?

"ay, wait lang Regina ha? reply'an ko lang 'tong si Brian." sabi niya dito.

"Brian?" rinig niyang tanong ni Regina, boses may halong pagtataka.

"oo, inaya kasi ako ng lunch, libre niya daw.." sagot niya dito habang nagta-type ng reply kay Brian.

Brian

salamat nalang Brian, kaya ko naman bumili ng own lunch ko.. tsaka kakain ako with Regina. ingat ka nalang :)

"tara na." sabi nito matapos e-send ang message niya kay Brian.

"Narda." tawag ni Regina dito.

Nasa restaurant sila ngayon, pinagdrive sila ni Ali. For some reason na hindi alam nila Narda at Regina ay sa ibang table kumain si Ali, hinayaan nalang nila kasi yun yung gusto daw nito.

"hmm?"

"nililigawan ka ba ni Brian?" napasobra reaction ni Narda sa tanong ni Regina, napasok ba naman sa ilong niya yung iniinom niyang tubig.

"sorry, sorry." sabi ni Regina sabay alalay kay Narda, tumayo pa ito at tinapik tapik nito sa likod tapos binigyan pa ng tissue.

"okay lang.." sagot niya dito.

"sorry, nagulat lang ako sa tanong mo eh." sabi nito.

"it's fine, ako nga yung nagso sorry dapat eh."

"okay lang Regina..ahm, ano, bakit mo natanong?" tanong nito kay Regina.

The girl just shrug her shoulders bago sumagot, "para kasing nililigawan ka nito..kung hindi kasi kita natatanong na mag lunch tayo, baka nakasabay ka na sa kanya." sabi nito.

"I feel like hindrance pa ako sa ligawan niyo." sabi pa nito na kinatawa ni Narda.

Regina looked at her na nakataas ang isang kilay.

"what? seryoso ako." sabi nito.

"ang cute mo Regina." sabi naman ni Narda na nagpataas pa lalo ng kilay ni Regina.

Advertisement

"baba mo na yang kilay mo, baka maalis na yan sa mukha mo Regina." nang-aasar na sabi nito sa kanya.

"eh! d nga Narda, is Brian courting you?" tanong pa nito.

"what if sabihin kong oo?" biglang balik niya dito.

"edi wow." sagot naman ni Regina sa kanya na bumalik sa pagkain nito.

"okay lang sa'yo if nililigawan nga ako ni Brian?" tanong ni Narda.

Regina held tighter sa kutsarang hawak niya bago nagsalita, hindi naman din yun napansin ni Narda at mas lalong hindi niya alam bakit ganun ang naging reaksyon niya.

"ahm, yeah? it's not like may something tayo diba?" she said.

Now it's Narda's turn to look at her puzzled. Pwede namang sabihin ni Regina na 'it's not like I like Brian' bakit yung 'it's not like may something tayo diba?' yung sinabi niya? Naguguluhan tuloy siya kung ano ba talaga.

Ali can only just laugh silently mula sa kabilang table.

sino ba kasing magsasabi sa kanilang bading sila pareho at yung isa't-isa gusto nila? sa isip-isip niya habang umiiling.

"Regina." tawag ni Ali dito.

Nakatingin lang siya sa screen niya na para bang sobrang abala niya, nakakunot pa ang mga noo.

"ano namang nagustuhan niya dun kay Brian?" tanong bigla nito.

"ha?" maang-maangang tanong ni Ali.

"ha? ah, nothing Ali." sabi niya sabay type ng kung ano-ano sa laptop niya.

Halos lumuwa yung mata ni Regina ng makita ano yung sinulat niya.

"Ali." she called.

"hmm?"

"I think I like Narda." she said still staring at her screen.

"like lang talaga?" tanong nito sa kanya.

Ali sounded more concerned sa part na like lang ba daw talaga rather than the fact na confuse siya about what she feels. And that got her thinking.

"what do you mean?" she asks, now looking at Ali.

Tinignan naman siya nito bago nagsalita.

"Regina, araw-araw hinahanap mo si Narda. Bawat lunch gusto mo siyang kasabay. Tuwing uuwi gusto mong ihatid siya, muntik na nga ako mawalang ng trabaho dahil gusto mong ikaw nalang gumamit ng kotse eh. Napapadalas na sleepover mo sa kanila, tapos nung siya pumunta sa bahay mo halos paalisin mo na ako makasama mo lang siya na mag movie marathon. Dito na nga yun tumatambay madalas eh. Wallpaper mo pa nga yung naka wink siya tapos name niya sa contacts mo is My Narda ❤ with heart pa yan ha. Kinausap mo pa si doc Ava tungkol sa pag mentor sa kanya tsaka you did consider na ikaw na mag sponsor sa pag me-med niya kaso sabi niya sayong huwag na kasi nahihiya siya tsaka d mo siya responsibilidad tapos sabi mo sa kanya why? can't I help my special person? tapos nung sinabi niyang okay lang Regina, makakapag-aral din ako ulit you agreed nalang agad kasi alam mong ayaw niyang kinukulit siya at pinipilit lalo na kung about her personal life. Tapos nag-aral ka pang magluto one sleepover night niyo para malutuan mo siya ng kwekwek kahit ang basic lang naman nun. And then you even punched Noah sa mukha nung nalaman mong stalker siya ni Narda, ikaw pa nga nanguna na kasohan eh. And sinusundo mo pa kahit madadaanan natin yung office at foundation bago makarating sa kanila, again muntik ako mawalan ng trabaho dahil ikaw lagi gumagamit ng kotse. And kanina, halatang selos na selos ka dun kay Brian and you are going to tell me in your confuse gay ass na baka like mo si Narda? Regina boss kita ha pero slow ka alam mo yun? hindi mo siya gusto, mahal mo si Narda..and yes, bading ka." mahabang sabi nito sa kanya.

Advertisement

She digested everything she heard and she feared for her life.

"bading ako?" she asked.

"oo at alam na namin ng dad mo, ikaw lang hindi." sabi pa nito.

"wait alam ni dad?!" gulat na sabi nito.

She then had a sudden flashback nung moment na nakilala ng dad niya si Narda.

Flashback

"Regina." Regina's dad, Rex called as soon as nakita na niya ang anak niya.

"dad." Regina replied at lumapit dito.

"what brings you here dad?" takang tanong niya dito.

Napansin din ni Regina na nililibot ng dad niya ang tingin sa buong area.

Ano nga bang ginagawa niya dito?

"visit a friend? here?" tanong nito sa kanya.

Tumango ito bago nagsalita, "asan yang si Narda?" to say na kinakabahan siya is an understatement.. sobra sobra ang kaba niya, bakit gusto malaman ng dad niya asan si Narda? strikto pa naman ito, baka bawalan siya nitong makipagkaibigan kung kani-kanino. But then, Narda is not just somebody. She's her friend na special for her.

"yes po sir?" rinig niyang sagot ni Narda. Just when did this girl came this close them????

"my daughter said aayain ka niyang mag lunch, I want you to join us instead." sabi nito na nagpabali halos ng leeg ni Regina.

"dad."

"okay lang naman sayo yun diba Narda?" tanong ng dad niya dito.

End of flashback

After nung lunch na yun she remembered her dad's exact words.

"I like that Narda Custodio for you, keep her, wag mo ng pakawalan." and her stupid self nodded with a wide smile.

"now I understand what he meant by keep her and wag pakawalan." she then finally say.

"well, now, anong gagawin mo jan sa bagong kaalaman mo Regina?" tanong ni Ali sa kanya.

She then had a deep thought bago sumagot.

"wala, straight si Narda nagpapaligaw nga kay Brian eh." sabi niya dito na nagpatawa kay Ali.

"what?" takang tanong niya.

"wala, sige, support kita sa walang plan mo." sabi nito sa kanya ng nakangisi.

sabi ni Narda kanina, what if nga na nanliligaw nga si Brian..itong si Regina bingi minsan.. tignan nalang natin kung kaya mong friend ka lang.. natatawa nalang talaga si Ali sa pagiging clueless ni Regina.

"Narda." nagulat naman si Narda ng marinig ang boses ni Brian mula sa likuran niya.

"o Brian, ano kailangan mo?" tanong nito sa kaibigan.

"sinusundo kita, actually napadaan lang ako tapos naisip ko na baka d ka pa umuuwi, hatid sana kita sa inyo." sabi ni Brian sa kanya.

Hindi alam nila Narda at Brian na malapit na si Regina sa kung nasan sila kaya nagulat sila pareho ng marinig boses nito.

"Narda." tawag ni Regina kay Narda.

"hi Regina." bati ni Brian kay Regina. Tumango lang ito sa kanya.

dati abot langit ngiti nito makita lang si Brian, tapos ngayon parang galit sa isip ni Narda.

"tara na Narda?" tanong ni Regina sa kanya.

Naguguluhan siya kaya tinanong niya ito, "ha? saan?" takang tanong niya.

"ngayon yung sabi ni lola Berta na ipagluluto niya ako nung sinigang na baboy, pupunta ako kaya sabay na tayo umuwi. tsaka mag e-sleepover pa ako sa inyo ngayon diba?" Regina answered.

"ay! oo nga! sige sige, saglit lang." sabi nito at agad inayos ang gamit.

"what brings you here Brian, masyadong malayo ang police station dito sa foundation ko." sabi naman ni Regina kay Brian.

"ah, napadaan lang ako, on the way din naman tung foundation pauwi sa bahay kaya naisip kong sunduin nalang sana si Narda." sabi nito.

"okay, well, sorry Brian, Narda's mine." sabi ni Regina.

She feels herself blush sa sinabi niya before clearing her throat, "I mean, sakin siya sasabay." pag-uulit niya.

"okay lang, sige Regina, alis na ako ha? paalam muna ako kay Narda." sabi naman ni Brian.

"hmm? uwi ka na Brian?" tanong ni Narda ng makalapit na siya sa dalawa, tapos na din siyang iligpit mga gamit niya.

"oo, ikamusta mo nalang ako kina lola at Ding ha?" sabi nito sa kanya.

"sige sige. ingat Brian." sabi ni Narda dito and Regina rolled her eyes at that.

"buti naman at pumunta ka dito apo..alam mo ba, yang si Narda, ilang gabing nag-aabang, pano ba naman, nasanay na kapag weekends eh bumibisita ka tapos nung nakaraan hindi ka man lang pumasok nung hinatid mo siya." sabi ng lola ni Narda sa kanya that made her smile.

"grabe ka naman sa nag-aabang lola, napatingin lang po ako sa may pinto at bintana." sabi naman ni Narda.

"may napatingin pala ate noh na halos minu-minuto chine-check." sabi naman ni Ding.

"Diiing!" reklamo ni Narda.

why didn't I realize that I am in love with you? huli na ako, nanliligaw na si Brian sa'yo ..tsaka yung pagkakaibigan natin

"ate Regina, crush mo ba si ate?" biglang tanong ni Ding sa kanya.

"hoy Ding! ano ba!" saway ni Narda.

"sorry naman, kanina pa kasi nakatitig si ate Regina sa'yo eh." sabi nito na nagpapula ng pisngi ni Regina.

"sorry Regina ha." sabi ni Narda sa kanya na nahihiya.

now or never.

"ano Ding, lola Berta..." tawag niya bigla sa dalawa.

Tumingin naman sina lola Berta at Ding sa kanya.

"I know this is so sudden, but I just recently realized something..and ahm, I do not do random actions or rushed decisions but I know I have to do this now, so ahm..I realized I'mgayandIloveNarda." she said in a rush.

She can feel Narda looking at her from her peripheral vision.

"teka lang apo, mahal mo ang apo ko?" tanong ni lola Berta sa kanya.

"opo."

"aba! walang problema, manliligaw ka na ba sa kanya?" nagulat siya sa sinabi ni lola Berta.

"po? hindi po kayo galit sa akin?" tanong niya dito.

"aba hindi apo noh! ang tagal ko ng hinihintay na manligaw ka sa apo ko, tagal tagal niyo ng nagpapakiramdaman eh." sabi nito sa kanya.

"lola namannnn" saway ni Narda.

"ako ate Regina boto ako sa'yo." sabi ni Ding.

"ako din apo, ligawan mo na ha." sabi naman ni lola Berta.

"teka nga lang..Regina, hali ka muna." biglang sabi ni Narda at tumayo na.

Sinundan naman niya ito na kinakabahan siya.

"anong pinagsasasabi mo?" tanong nito sa kanya.

"I just realized it earlier Narda, apparently, hindi lang pala 'like' yung nararamdaman ko sayo, it's more than that.. it's love. I feel stupid kasi d ko agad nalaman." sabi niya dito.

"but I understand if si Brian gusto mo---"

"hindi ko gusto si Brian." pagputol nito sa kanya.

"pero nililigawan ka niya."

"sabi ko kanina, what if nililigawan nga niya ako. what if." inulit nito and Regina's mouth went wide.

"oh, akala ko.."

"akala mo nililigawan ako.. ikaw talaga Regina." sabi pa nito.

"well, I know we're friends but sana e-consider mo yung plan kong ligawan ka, please?" she asked. She's never one to beg but Narda, she's a different story.

"kaya nga Regina, magkaibigan tayo.. hanggang dun lang sana." sabi nito sa kanya.

d pa nga ako pinayagan manligaw, basted agad. why did I even confess? sabi ko wala akong gagawin eh

"Regina, pasensya na." sabi pa nito sa kanya.

"it's okay Narda, I understand." pilit na sinabi ni Regina habang nakangiti, but she knows her smile is not genuine at all.

Like, she respects Narda's decision but her heart aches because of the rejection from the person she's ever fallen for.

"I-I have to go muna, I told dad I'll go home sa amin eh." she said, lying and Narda nodded.

"hatid na kita sa labas Regina." sabi nito na tinanguan niya.

everything will surely change from now on.

"apo, bakit naman umalis na si Regina?" tanong ni lola Berta kay Narda.

"sabi niya uuwi daw siya sa bahay nila ng dad niya eh." sagot naman nito habang nililigpit ang mga pinagkainan nila.

"eh ate, diba dito dapat siya mag e-sleepover?" tanong ni Ding kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

Pano niya nakalimutan yun?!

"so umalis lang siya kasi--"

"binasted mo ba si ate Regina, ate?" putol ni Ding sa kanya.

Tinignan niya ang kapatid niya at tumango.

"magkaibigan naman kasi kami Ding eh." sagot niya dito.

"apo, may magkaibigan bang sobrang dikit? laging naka hawak-kamay kung d pa namin makikita d kayo bibitaw, natutulog sa bahay ng isa't-isa, nagtitinginan na para bang may mga sariling mundo?" tanong ng lola niya na naging dahilan para mag-isip siya.

"oo nga ate, tsaka diba, sobrang protective mo kay ate Regina, hinihintay mo nga siya na matapos sa inaaral niyang kaso tapos ihahatid ka niya dito tapos magluluto ka ng dinner niyo tsaka susuotin niya damit mo tapos tabi kayo matulog.. magkaibigan ba yun?" tanong naman ni Ding.

"tsaka apo, minsan nga sinusubuan ka pa ni Regina tapos namumula ka pa, magkaibigan ba yung ganun?"

"isang oras ka ding naghahanap ng damit mo pag inaaya ka ni ate Regina na gumala kayo ate, eh kahit kami kasama mo kahit ano naman suot mo, kahit nga nung pumunta dito yung stalker mo palang si Noah wala kang pakialam ano itsura mo eh pero pag si ate Regina....."

"oo nga apo, naalala mo yung nagkasakit si Regina tapos tulog ka tapos dumating dito si Ali para sabihing gusto kang makita ni Regina, kahit hating gabi na nun pero narinig mo lang na may sakit si Regina deretso kuha ka agad ng mga gamit mo, nagpaalam samin ni Ding tsaka sumakay sa kotse..sabi mo ikaw mag-aalaga kay Regina. tapos halos isang linggo kayong magkasama, yun pala nagkasakit ka din kaya siya naman nag-alaga sa'yo nung gumaling siya." mahabang sabi pa ng lola niya.

"ate, sabi nga ni kuya Ali.. you both are too close to be just friends. at agree naman kami ni lola dun." dagdag pa ni Ding.

"kaya isipin mong mabuti apo, kaibigan lang ba talaga si Regina para sa'yo? kasi apo, sa tingin namin mahal mo siya."

Hindi alam ni Narda kung paano niya hindi napansin lahat ng mga yun.

Oo, aaminin niyang may paghanga siya kay Regina, pero yung mahal niya ito?

Naiinis siya sa sarili niya ngayon dahil hindi niya agad na realize yun.

"salamat lola, Ding. puntahan ko si Regina sa bahay niya, dun ako matutulog!" sabi nito sabay takbo sa kwarto at bihis.

Matapos ang limang minuto ay nasa labas na siya ng bahay niya, tinatawagan si Brian.

"Brian! pakisundo naman ako dito oh, punta ako kina Regina, please."

"ano? aamin ka na kay Regina?" tanong nito sa kanya na natatawa pa.

"ano?" takang tanong niya.

"sabi ko, aamin ka na ba kay Regina na mahal mo siya?"

"pano mo nalaman?"

"alam naming lahat Narda, kayo lang ni Regina ang walang alam..mga clueless kayong mga vadeng kayo." sabi nito at tumawa.

"lingon ka, kanina pa ako nandito, makikikain sana ako kaso mas importante kayo ni Regina. tara na." sabi pa nito kaya lumingon si Narda at nakita nga niya si Brian.

Agad naman niyang pinatay ang tawag at tumakbo palapit dito.

"salamat Brian ha."

"ano pa nga ba, siguro naman d na ako papatayin ni Regina.. konti nalang mamamatay na ako sa mga titig niya pag kasama kita eh." natatawang sabi nito.

Napailing nalang si Narda.

Regina.

Umiinom si Regina ngayon, pinauwi muna niya si Ali sa bahay nito, she bought him his own place ever since natutulog na si Narda sa place niya eh.

"bakit pa kasi ako umamin?" tanong niya sa sarili niya.

*doorbell*

Napataas naman ang kilay niya, bakit kailangan pang mag doorbell ni Ali eh may susi naman ito.

    people are reading<DarLentina One Shots (NarGina)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click