《DarLentina One Shots (NarGina)》Separate Ways

Advertisement

Wherein Regina looks at the dark night sky and wished she can turn back time.

-----

"mahal? kamusta ka na? miss na kita" she says as quietly as she can.

Nasa balcony kasi siya ng kwarto niya hawak-hawak ang wine glass niyang paubos na ang laman.

"ang daya mo mahal, ang daya-daya mo." she says as she closes her eyes, tears falling.

"sabi mo, d mo ako iiwan, sabi mo you'll always be where I am..pero asan ka ngayon?" bakas ang lungkot sa boses nito.

Pano nga bang ang taong nangakong hindi siya iiwan ay wala na sa tabi niya?

She remembers how the person she loves so much makes her feel.

"Narda." she calls.

Flashback

"Regina, anong nangyari sa'yo?" rinig niyang tanong ng matalik niyang kaibigan.

Pinahiran niya ang mga luha niya at humarap dito, "wala Narda. napuwing lang ako." pagsisinungaling niya dito.

Nasa rooftop sila ng school, dito siya madalas na tumambay kasama ito.

Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino, kahit pa sa best friend niyang walang ibang ginawa kundi maging sandigan niya at kakampi.

Kaya umalis siya at nilagpasan ito pero agad naman siya nitong hinawakan sa kamay.

"kilala kita Regina." the girl told her.

"hindi naman kailangang sabihin mo sa'kin ang problema mo, hayaan mo lang akong samahan ka dito." sabi pa nito.

Mas umiyak pa siya lalo dahil sa sinabi nito. Nag-iisa lang ang Narda Custodio sa mundo at swerte siya kasi kilala niya ito.

Niyakap siya nito at hinayaang umiyak sa balikat nito.

Matapos ang walang tigil niyang iyak ay umupo sila, parehong naka sandal ang likod sa pinto. Isinandal niya naman ang ulo niya sa balikat ni Narda at naramdaman niya ang paghawak nito sa buhok niya.

"nalaman kasi ni dad ang isang bagay tungkol sa'kin." sabi niya, ramdam niya ang pagtigil ni Narda sa ginagawa nito.

Advertisement

"ano ba yun? bakit ka umiiyak dahil dun?" tanong nito sa kanya.

"I'm gay and hindi yun tanggap ni dad." she finally said it.

Parehong simoy lang ng hangin ang naramdaman nila, rinig nila ang bilis ng tibok ng puso nilang dalawa.

"matatanggap ka din ng dad mo, Regina." sabi nito sa kanya.

Siguro sa tamang panahon matatanggap nga siya nito. Binuga niya naman ang sama ng loob na nararamdaman niya at umalis sa pagkakasandal kay Narda.

"eh ikaw, Narda?" tanong niya dito.

Hindi ito agad sumagot, hindi niya malaman kung ano ang ibig sabihin nito pero the way on how the girl stares at her, nakaramdam siya ng saya.

"oo naman." naka ngiting sagot nito sa kanya.

End of flashback

"gusto kong ibalik ang panahong andito ka pa Narda." sabi niya sa hangin.

"Nardaaaaaaaaaa" tawag niya sa pangalan nito na umiiyak na.

Nagulat naman siya ng may yumakap sa kanya mula sa likod.

"mahal, lasing ka na talaga." sabi nito in the softest voice na para lang sa kanya.

"Nardaaa, you're hereeeeee~" sabi nya sabay sandal sa babaeng mahal na mahal niya.

Sa mga taon na lumipas simula ng araw na yun sa rooftop, mas lalo pa silang naging close ni Narda.

Natanggap na din siya ng dad niya at naging dahilan iyon para maging magkasundo sila.

Sa mga panahong yun, mas nakilala niya si Narda at unti-unting nahulog siya dito.

Akala niya hindi siya nito sasaluhin pero mali pala siya. Kasi simula pala nung una ay mahal na siya nito.

"mahal, tama na muna pag-inom natin okay?" malambing na sabi nito.

"umalis ka ehhhh." umiiyak pa din na sabi niya.

"mahal, kumuha lang ako ng wine kasi inutusan mo ako.. tapos pagbalik ko, ayan na, umiiyak ka na." sabi nito sabay bitaw sa pagyakap nito.

Advertisement

Pinaharap siya nito at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"why are you crying love?" tanong nito habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya.

"iniwan mo ako." parang batang sumbong niya dito.

Narinig niya ang mahinang pag chuckle ni Narda dahil dito and she can't help but roll her eyes bago niya ito niyakap.

"d ka nakakatawa Narda." sabi niya dito.

"ang cute mo talaga lalo pag lasing ka mahal.. parang hindi ikaw si Regina Vanguardia na palaban sa korte." sabi nito sa kanya.

"pero mahal, wag ka ng umiyak please? hindi naman ako nawala at mas lalong hindi ako mawawala." dagdag nito.

"I'll always be with you Regina, pangako." sabi nito sabay naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito. Yung tipo ng yakap na mahigpit pero ramdam niyang hindi nakakaputol ng paghinga niya, yakap na ramdam niyang mahal na mahal siya nito.

Even in her drunk state, alam niyang nagsasabi si Narda ng totoo. Ni minsan, hindi naman talaga ito nawala sa tabi niya.

Sadyang ma-drama lang talaga siya pag lasing.

"I love you asawa ko." sabi ni Narda sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"I love you too asawa ko."

For 18 years kilala niya ito, 6 years as girlfriends and 7 years as a married couple and yet she's still so in love with this woman. Hindi siya lugi kasi ramdam niya ding ganun din ito sa kanya.

    people are reading<DarLentina One Shots (NarGina)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click