《Line without a hook || Darlentina》Chapter 25

Advertisement

⚠️TW❗❗⚠️

Itong araw na ito ay isang nakakakabang araw para kay Narda. Mamayang gabi, malalaman na nya kung ano ang magiging sagot ni Regina. Kung may nararamdaman na ba si Regina.

"Narda, later na diba?" Tanong ni Regina.

"Yes, mamayang gabi po."

Regina smiled, alam nya na ang kanyang isasagot nung first day palang. Pero gusto nya ng thrill, gusto nya munang pakabahin si Narda.

"Basta, mamayang gabi, tatawagin kita. Just ask me the golden question."

Tumango si Narda at ngumiti. Ngayon ay naisipan nya na dalhin ang tatlo sa bahay ng lola nya, kasama syempre ang kapatid nya at ang girlfriend nito.

"Ding, sunduin ka namin dyan, ihanda nyo na ang mga gamit nyo." Sabi ni Narda kay ding.

"Sige ate." Sagot naman ni Ding at pinatay na ang tawag.

"Is your lola's house far?" Tanong ni Regina.

"Medyo, bakit?"

"Just asking. I'm worried for them." Sabi ni Regina sabay turo sa kambal.

"Bakit naman?"

"I think they will vomit later eh." Sabi ni Regina.

"Tulog lang yan sila habang nasa byahe mamaya. Kulitin ko nalang kapag nagising."

Regina just nodded and placed her head on Narda's shoulder.

"Inaantok ka?" Tanong ni Narda.

Regina looked at her. "Yes, I didn't get enough sleep."

"Tulog ka muna, ako ang bahala sa kambal." Nakangiting sabi ni Narda.

Nilagay nya ang maleta nila sa harapan ng upuang hihigaan ni Regina para hindi ito mahulog. Gusto nya kase na sa pinakalikod sila ng kambal para walang mangyaring kung ano dito dahil may upuan na nakaharang.

"Di ka na mahuhulog dyan, may nakaharang na. Hayaan mong sa dalawang magkahiwalay na upuan umupo ang magjowa." Sabi ni Narda at ibinigay ang unan kay Regina.

Naghum nalang si Regina at mabilis na nakatulog.

"Dada!" Tawag ni Maxine.

Napangiti naman si Narda. "Bakit baby?"

"Ashxidnishdhzbxjdbxjdhdudus." Sabi ni Maxine at tumawa.

Tumawa nalang din si Narda. "Ahh oo, masarap yung ice cream na kinain mo kahapon."

"Kapekapekape?" Tanong naman ni Florence.

"Opo." Nakangiting sabi ni Narda.

Nakarating naman sila sa bahay ni Ding at tumigim ito sa harap nila.

"Hi ate-" Biglang putol ni Ding sa pagbati nya nang makitang tulog si Regina. "Hi ate Regina at Ate."

Kumaway naman si Narda nang nakangiti. Ganun din si Carmela dahil hindi nila gustong maabala pa ang tulog ni Regina.

Advertisement

"Ding, yung gamit nyo pakilagay nalang dyan sa tabi ng maleta namin para di mahulog si ate Regina mo."

Tumango naman si Ding at sinunod si Narda.

"Dada!" Tawag ni Florence at nagpabuhat. "Mamam."

"Ahh, mamam naman pala ang gusto." Sabi ni Narda at kinuha ang bag nila Florence at Maxine.

Habang si Florence ay umiinom na ng kanyang gatas, binuhat ito ni Narda at unti unti nang nakatulog. Si Maxine naman ay tutok na tutok sa pinapanood nyang tom and jerry.

Sabi ni Regina ay tahimik lang daw talaga yan si Maxine, pero nagiging maingay kapag si Narda na ang kasama nya.

Nang makatulog si Florence ay ibinigay nya ito kay Carmela habanag nakared pa ang traffic light.

"Wag tayo maingay, tulog si Mimi at si Florence." Sabi nya kay Maxine at umarteng pinapatahimik ang bata, pero tinawanan lang sya ng malakas.

"Baby!" Sabi ni Narda at kunwari umiyak kaya tumawa ulit si Maxine.

"Hmm, tawa ng tawa baby Max ah? Eto ang sayo." Kiniliti naman ni Narda si Maxine dahilan para matawa ito at mapairit.

Nang masyado nang maraming tawa si Maxine ay tumigil na si Narda. "Ayoko na nga, baka mapaihi ka pa."

Hiniga naman nya si Maxine at inunan nya ang tyan nito. Hinipan ni Narda ang tyan ni Maxine at tumunog ito na nagpatawa nanaman kay Maxine.

"Maxine, yung tyan mo tumutunog." Pabirong sabi ni Narda at natawa nanaman si Maxine.

"Sleep ka na nga, baka magalit nanaman mommy mo."

"Mimi?"

"Opo." Sabi naman ni Narda at hinalikan ang noo ni Maxine. "Mamam?"

"Mamam!!" Sigaw ni Maxine.

Kinuha na ni Narda ang gatas nito at ibinigay sa kanya.

"Sleep kana ah?" Malambing na sabi ni Narda at iniupo si Maxine sa lap nya.

Ipinatong naman ni Maxine ang ulo nya sa dibdib ni Narda atsaka doon ininom ang gatas nya. Naghum naman si Narda ng kanta at maya maya lang ay nakatulog na agad ni Maxine.

Nagtiktok nalang muna si Narda habang nasa byahe. Isang oras ang nakalipas at nagising na si Regina, sakto namang malapit na sila.

"Goodmorning, Regina." Nakangiting sabi ni Narda.

Nginitian naman sya ni Regina. "Are we still far from your lola's house?"

"Actually, andito na tayo." Sabi ni Narda nang tumigil na ang sasakyan.

Advertisement

Paglabas nila ng van ay nakita nila Narda ang lola nila.

"La!" Sigaw ni Ding at Narda at agad na niyakap ang lola nila.

"Mga apo ko! Buti naman at naisipan nyong dalawin ako dito." Masayang sabi ng lola nila at nakita ang dalawang babaeng nakangiting nanonood sa kanila. "Teka, mga kasama nyo ba ang mga iyan?"

"Ah, la, eto po pala si Carmela. Girlfriend ko po." Masayang pagpapakilala ni Ding.

"Hello po! Magandang umaga po." Nahihiyang sabi ni Carmela at nagmano sa lola ni Ding.

"Ang ganda mo naman apo, nababanggit ka sa akin ni Ding." Pagcompliment ng lola nila Narda.

"Talaga po? Salamat po."

Inayos naman ni Narda ang sarili nya at nginitian si Regina, pero, kinuha na muna nya si Maxine kay Regina para hindi ito mahirapan.

"La, si Regina nga po pala. Asaw- este sya po yung icing sa ibabaw ng cupcake ko." Nakangiting sabi ni Narda at natawa naman silang apat.

"I'm Regina po, it's nice meeting you po." sabi ni Regina at nagmano sa lola nila Narda.

"Nako, lagi ka din bukang bibig netong ni Narda. Parehas kayo ng kasintahan ni Ding." Tumatawang sabi ng lola nila Narda. "Aba! Ang cucute naman ng mga batang ire."

Napangiti naman si Regina at Narda.

"Ano ang mga pangalan nyo mga bata?" Masayang tanong ng lola nila.

"Dada!" Sigaw ni Florence. "Mimi!"

"Ahh, dada at mimi ang pangalan nila?"

Tumawa naman si Narda. "Hindi po la, yun ho ang tawag nila saamin, pero ang pangalan po ng hawak ko ay si Maxine."

"This is Florence naman po." Sabi ni Regina at ikinaway ang kamay ni Florence.

"Ako eh nalilito naman sa mga batang iyan. Magkamukha eh! Ano ba yan kambal ba ang mga iyan o ano?"

"They are twins po." Nakangiting sabi ni Regina.

"Aba'y kaya naman pala, eh halina kayo at pumasok baka naiinitan na ang mga iyan." Sabi ng lola nila Narda at agad naman silang pumasok.

Itinuro ni Ding ang kwarto nya at ganun din naman si Narda.

"Your room looks good. It's simple but still beautiful."

"Salamat, mahilig kasi ako sa mga simple lang." Sabi naman ni Narda.

Nilibot ni Regina ang kanyang mga mata sa kwarto ni Narda at may nakitang dalawang picture frame sa lamesang katabi ng higaan nito.

Ang unang nakita nya ay family picture at napasmile naman sya nang makita ang isa pang picture.

"This is us!" Masayang sabi ni Regina.

"Uy! Uh.. Dati pa yan, dati ko pa sya nilagay dyan."

"We're cute here."

"True, pwede na kayong humiga dito. Mainit ba? Buksan ko electric fan." Sabi ni Narda at bubuksan na sana ang electric fan pero pinigilan sya ni Regina.

"Let's stay at the couch nalang."

"Sigurado ka?" Tanong ni Narda.

"Ofcourse!"

Nang lumabas na sila ay masayang nakipaglaro ang apat sa kambal. Tuwang tuwa namang nanonood ang lola nila.

Masaya lang sila buong maghapon. Naglaro, nagkuwentuhan, nagbiruan, nagfoodtrip, nagkantahan at marami pang iba. Basta ang alam lang nila ay masaya silang lahat ngayong araw.

Nang sumapit ang gabi at tulog na ang lahat, napagpasyahan ni Narda at Regina na tumambay sa labas.

"Today is one of the most happiest day of my life." Nakangiting sabi ni Regina.

"Mine too."

"Lola is so cute noh?" Masayang sabi ni Regina.

"Oo, ang cute nya. Kanina tuwang tuwa sya sa kambal."

"I'm glad that I met your lola. And you also. You changed my life, Narda. I have never been this happy."

Nginitian naman sya ni Narda at kitang kita nanaman ni Regina ang pagningning ng mga mata nito.

"Thank you so much, Narda." Regina sincerely said.

And finally, Narda saw how Regina's eyes are sparkling. It immediately made her smile so wide.

"Regina, I love you. And I am willing to take the risk, na kahit magtrending pa ako sa buong mundo dahil nagmahal ako ng kapwa ko babae, I don't care kase nagmamahal ako, may feelings ako at normal iyon." Narda said, at naisip nya na oras na para itanong kay Regina. "So, Regina Vanguardua, Will you let me court you?"

Sasagot na sana si Regina nang biglang may narinig syang malakas na pagsabog.

Lahat ng kasiyahan na nararamdaman nya kanina ay naglaho lahat.

"N-narda." Nanghihinang sabi nya. "N-no, t-this can't be happening."

"Ding! Ding!!" Sigaw nya at nakarinig sya ng tunog mula sa labas.

Nakakita sya ng lalaki, natandaan nya ang mukha, pero naisip nya na mas mahalaga si Narda ngayon.

"Ding!!" Ngayon ay naguunahan na ang kanyang mga luha sa pag-agos.

"Ate Regina baki-" Naputol ang sasabihin ni Ding. "Ate!! Anong nangyari kay ate?"

Nanghihinang sinagot ni Regina si Ding. "Nabaril sya."

    people are reading<Line without a hook || Darlentina>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click