《Line without a hook || Darlentina》Chapter 5

Advertisement

Hinabol ito ni Narda at binilisan ang kanyang pagtakbo.

"Regina!!"

"Help!!" Sigaw ni Regina.

Binilisan pa ni Narda ang pagtakbo nya, ang mga mata nya ay nakafocus lang kung nasaan si Regina kaya hindi na nya napansin ang sasakyan na mabilis din ang takbo.

Naramdaman nalang ni Narda ang malakas na pagbangga ng sasakyan sa kanyang tagiliran. Tinignan nya ang kanyang braso at ito ay puno ng dugo, at parang may nakabaon dito.

Bigla namang umatras ang sasakyan, at nakaramdam ng sobrang sakit si Narda lalo na sa kanyang braso. Ang sunod na alam nya nalang ay biglang nagdilim ang paligid.

Pinipilit naman makawala ni Regina sa dalawang lalaki pero di nya magawa dahil mahigpit ng kapit neto sa mga braso nya.

Nakita nya naman na biglang may humarang na sasakyan sa harap nila. Biglang lumabas ang taong nagmamaneho, gulat na gulat si Regina nang makita si Brian.

"Bitawan nyo sya!" Sabi ni Brian at tinutukan ang dalawa ng baril.

Agad namang binitawan ng isa si Regina, pero si Kevin, hindi nya ito binitawan.

"Anong ginagawa mo?!" Mahinang tanong ni Kevin sa kasama nyang lalaki.

"Kevin?" Napatingin naman si Regina dito at sinampal ito. "Walanghiya ka! Bitawan mo ako!"

Ayaw parin bitawan ni Kevin si Regina kaya naman mas lumapit ito at tinutok ang baril sa kanya.

Natigilan naman si Kevin at nilagyan na ito ng posas ng kasamahan ni Brian.

"Nakatakas pala ang lalaking yon." Seryosong sabi ni Brian.

"Brian, si Narda. Narinig kong tinawag nya ako kanina, tara hanapin natin sya." Nag-aalalang sabi ni Regina.

Sinabihan nman ni Brian ang ksama nya na sila na ang bahala dahil may kailangan pa syang gawin.

Habang sila ay naglalakad, tinatawagan ni Regina ang phone ni Narda. Pero hindi ito sumasagot, hindi naman titigil si Regina hangga't hindi sumasagot si Narda.

Maya maya pa ay nakarinig sila ng ingay at mula ito sa gilid nila. Tumulo ang luha ni Regina nang makita nya si Narda na nakahandusay sa sahig.

Advertisement

"Narda!" Umiiyak na tawag ni Regina.

"Nasa iyo ba ang susi ng kotse mo?" Tanong ni Brian.

Binigay ni Regina ang susi ng kotse nya at tumakbo ng mabilis si Brian.

"Narda, please don't leave me." Regina said while cupping Narda's cheeks.

"Narda."

"Narda."

"Miss Regina! Tara isakay na natin sya." Sigaw ni Brian at binuhat si Narda.

Inihiga nila ito sa likod habang sinuggest ni Regina na dun sya sa likod uupo kasama ni Narda.

Dahan dahan nyang ipinatong ang ulo ni Narda sa lap nya at saka nila ito dinala sa Ospital.

Inihiga si Narda sa stretcher at doon na unti-unting bumukas ang kanyang mga mata.

Ang taong unang nakita nya ay walang iba kundi si Regina. She can see how worried and sad her eyes is.

Hinawakan nya ang kamay ni Regina ngunit bigla syang nakaramdam ng matinding sakit sa braso nya.

"Narda! Thank God you're awake!" Regina said in relief.

"Nasaan ako?"

"Nasa ospital ka, Narda." Sagot ni Brian.

Nakarating na sila sa isang room at agad na hinarang si Brian at Regina.

Umupo si Brian pero hindi naman mapakali si Regina sa kinatatayuan nya.

"Miss Regina, kalma kalang. Magiging okay rin si Narda." Brian said.

Nginitian ni Regina si Brian at umupo sa tabi nya.

"Thank you Brian ah? Salamat sa pagligtas sakin kanina and also for helping me bring Narda here. I honestly don't know what to do without you."

Bigla naman namula ang buong mukha ni Brian sa sinabi ni Regina. Lagi na syang nakakarinig ng mga ganyan pero kay Regina lang sya nagreact ng kakaiba.

"Nako wala yun, miss Regina. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

Nag-ngitian naman silang dalawa at napatahimik.

"A-ah kailangan ko nang umalis miss Regina." Pagpapaalam ni Brian.

"Sige, ingat." Nakangiting sabi ni Regina ibinalik naman ni Brian ang ngiti.

Maya maya pa ay nakita nya ba inilipat na ng room si Narda, kaya dali dali syang pumunta ron.

Advertisement

"Ikaw po ba ang pamilya ni Narda Custodio?" Tanong ng doctor.

"Opo doc."

"She's now fine, malalim na sugat lang ang natamo nya. Kailangan parin i-treat ng maayos ang sugat nya dahil kung hindi ay baka ma-infection ito. Yun lang naman, have a great day!"

"Salamat po."

Ngumiti naman ang doctor sa kanya at agad syang pumasok sa kwarto nito.

"Narda!!" She hugged Narda carefully. "I'm glad that you're okay now. The doctor said that you need to treat it well dahil kung hindi baka daw ma-infection ka."

"Okay madam. Kamusta ka? Wala ka naman sugat?" Tanong ni Narda.

"Wala naman, buti nga at nakita ako ni Brian." Nakangiting sabi ni Regina.

Ngumiti naman si Narda dito, pero hindi ito abot sa kanyang mga mata. "Talaga? Yun din ang dahilan kung bakit ka nakaligtas?"

"Yes! Buti nalang talaga." Nakangiti paring sabi ni Regina.

"Crush mo noh?"

"Hindi ah!"

"Sus, ayaw pang aminin." Pang-aasar nito, pero deep inside may kakaiba na syang nararamdaman.

"Hindi naman talaga eh!"

"Tss."

Tumingin si Regina kay Narda. "Selos ka lang eh."

"Huh? Hindi noh! Bat naman ako magseselos?"

Bigla naman nagpakawala ng malakas na tawa si Regina. "Joke lang eh, ito naman serious."

"Ikaw kasi eh, inaaway mo ako." Narda pouts.

"At inaano naman kita?" Tumaas ang isang kilay ni Regina. "Wag ka ngang magpout, di bagay."

"Kase mas bagay ako sayo. Sheeeeessshh!" Nakangiting sabi ni Narda.

Bumuntong hininga naman si Regina. "Hays, alam mo parang ang sarap makasakal ng tao ngayon noh?"

Napakagat ng labi si Regina nang makita nyang lumunok si Narda.

"Hala nakakatakot ka naman. Papahuli kita kay Brian at nang magsama kayo sa station."

Regina smirked. "Pwede naman, why don't you do it?"

"Makakasama ka ng magaling mong ex kaya ayoko gawin."

Nakarinig sila ng katok at agad na bumukas ang pinto. Biglang napangiti si Narda nang makita nya si Ding, ang kapatid nya.

"Ate!" Masayang tawag ni Ding at niyakap si Narda.

"Aray aray aray!"

"Ay sorry ate, namiss kita ng sobra." Nakangiting sabi ni Ding.

"Narda? I'll be outside." Sabi ni Regina at umalis.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Narda.

"Okay lang kami, ikaw ba? Mukhang may lovelife kana ah?" Pang-aasar ni Ding.

Hinampas ni Narda ang braso ni Ding. "Loko ka talagang bata ka! Baka ikaw may girlfriend kana."

"Meron na nga, kaso ayoko ipakita sayo baka agawin mo eh."

Sinamaan naman ng tingin ni Narda si Ding.

"Joke lang! Eto oh wait tignan mo." Kinuha ni Ding ang phone nya at pinakita ang picture ng girlfriend nya.

"Ay grabe, iba ka talaga. Grabehan ang taste mo tol."

Nagpapogi naman si Ding. "Syempre, mana sayo noh! Nga pala, sino yung babaeng kasama mo? Yun na ba ang ice cream sa ibabaw ng cupcake mo?"

"Sira! Icing yon, anyways mukhang malabo nga eh." Napabuntong hininga nalang si Narda.

"Okay lang yan, malay mo may nakatadhana talaga para sayo. Tapos sya pala."

"Oo nga, talino mo talaga."

Pumasok naman sa loob si Regina at nakitang nagtatawanan ang magkapatid.

"Ah Regina, si Ding nga pala, kapatid ko."

Ngumiti si Ding dito. "Hello po, ako po si Ding."

"Regina." Ngumiti din si Regina.

"Gutom na po ba kayo? Tamang tama, may dala ako." Masayang sabi ni Ding at inilabas ang paper bag.

"Ano naman ang dala mo?" Tanong ni Regina.

"Sama ng loob po."

Napuno ng tawa ang kwarto sa kabila nang nakakabiglang pangyayari na kung saan, napuno ng pag-aalala at kalungkutan.

    people are reading<Line without a hook || Darlentina>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click