《Line without a hook || Darlentina》Chapter 1
Advertisement
Gabi na at madilim na. Wala na masyadong taong naglalakad lakad. Ang paligid ay tahimik lang, dinadama ang hangin na yumayakap sa kanya-kanyang mga balat.
Kung marami ang gustong pumunta sa baywalk ng hapon, meron parin naman sa gabi. Hindi nga lang masyadong marami, kumbaga, bilang lang.
Habang naglalakad si Narda ay may nakita syang babae at lalaking nagaaway. Mukhang lasing ang lalaki, samantalang iyak lang ng iyak ang babae.
Tumakbo sya ng mabilis ng nakita nya na sinasaktan ng lasing na lalaki ang babae, kaya naman pinuntahan nya agad ito.
Nagtago sya sa puno ng saglit para makahanap ng tyempo kung susugod na ba sya o hindi.
Paglingon nya ay akmang sasampalin na sana nang tumakbo sya ng mabilis at pinigilan ang kamay ng lalaki. Sinipa nya ito, dahilan ng pagkabagsak nito.
Hinawakan nya ng marahan ang babae at hinila ito kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa.
Lumingon si Narda sa likod at nakita nyang sumusunod ang lalaki sa kanila.
"Sumusunod sya sa atin Miss, kaya mo pa bang bilisan ang takbo mo?" Tanong ni Narda sa babae.
"Nanghihina na ang mga paa ko. I don't think kaya ko pa."
Nagisip ng paraan si Narda. Lumingon sya sa paligid at nakita ang bike nya.
"Yung bike ko! Punta tayo dun, tapos umangkas ka okay?" Sabi ni Narda.
"Okay!"
Malapit na silang makarating kung nasaan ang bike nang biglang madapa ang babae.
Lumingon si Narda at agad na tinulungan ang babae. "Miss! Sakay ka sa likod ko."
Sumunod na lamang ang babae at dali daling sumakay sa likod ni Narda. Ngunit, pag lingon nila ay malapit na ang lalake sa kanila at nakangiti na parang walang bukas.
Dali daling inupo ni Narda ang babae sa angkas at inilagay ang maliit na bag ng babae sa basket ng bike nya habang natataranta dahil sobrang lapit na ng lalaki sa kanila.
"Heto na ako!" Sigaw ng lalaki at hahablutin na sana ang buhok ng babae nang paandarin na ni Narda ang bike.
Advertisement
Nang makalayo layo na sila ay hindi na nila nakita ang lalaki na sinusundan sila. Kaya naman, medyo nakahinga na ng maluwag si Narda. Naisip nyang, gamutin muna ang babaeng nasa likod nya sa condo na tinitirhan nya ngayon.
"Miss, kaya mo ba maglakad?" Tanong ni Narda bago nya pababain ang babae.
"Yes, kaya ko."
Kahit na sinabi ng babae na kaya nya ay kailangan parin ni Narda alalayan ito dahil for sure masakit ang paa nito.
Pagbaba ng babae ay napagroan ito, kaya hinawakan nya ang kamay nito at nakita nya na hindi maituon ng babae ang paa nito.
"Halika, sumakay ka sa likod ko."
Sumunod na lang ang babae at pumunta sa condo ni Narda. Binaba nya ang babae sa malambot nyang kama at binigyan ng tubig.
"Gamutin natin ang mga sugat mo." Sabi ni Narda at kinuha ang kit.
Tumango nalang ang babae at kumuha na ng bulak si Narda.
"Ikaw lang ang nakatira dito?" Tanong ng babae.
"Hmm, yeah."
Pagkatapos non ay binalot na sila ng katahimikan.
"Ayan, tapos na." Sabi ni Narda at ibinalik na ang kit.
"Salamat ah? Salamat kase tinulungan mo ako makatakas sa boyfriend ko, at dito sa pag gamot ng sugat ko."
"Walang anuman. I'm glad na matulungan ka." Sabi ni Narda at nag-ngitian sila.
"Ano nga pala ang name mo?"
"Narda, Narda Custodio." Pagpapakilala nya at nagoffer ng handshake.
"Regina, Regina Vanguardia." Pagpapakilala nya at nakipagkamay.
Pakiramdam ni Narda ay bumagal ang paligid nang titigan nya si Regina habang magkahawak ang kanilang kamay.
"Uh, Narda?" Pagtawag ni Regina dahil nakatulala ito. "Narda? My hand."
Bigla namang natauhan si Narda. "Ay, sorry." Binawi nya ang kamay nya at nagtanong. "Nagugutom ka ba?"
"Hindi eh." Pagkasabi na pagkasabi nya palang ay biglang kumulo ang tyan nya.
Napatawa naman silang dalawa, at napansin ni Regina na nakakaattract ang mga ngiti at tawa ni Narda.
"Hindi marunong makipagparticipate ang tyan mo, Ma'am." Pagbibiro ni Narda.
Advertisement
Napatawa nalang si Regina. "Oh please, just call me Regina."
"Osige, anyways, anong gusto mong kainin R-regina?"
"Kung anong meron dyan." She simply said.
Narda sighed. "Walang meron dito eh, hindi pa pala ako nakakapag-grocery."
Nagkatinginan sila ng matagal at walang gustong sumira ng eye contact. Suddenly, Regina's phone vibrated, at doon lang nasira ang eye contact nila.
"Smart lang naman pala ang nagtext." Regina sighed habang tawang tawa naman si Narda.
"Happy?" Regina rolled her eyes.
Narda gave her a wide smile. "Ang cute mo kasi."
Nanlaki ang mata ni Narda nang marealize nya ang sinabi nya. Habang ang pisngi naman ni Regina ay sobrang pula.
"Uh, bibili muna ako ng pagkain natin." Sabi nya at mabilis na nagsuot ng hoodie.
Ipipihit nya na sana ang door knob nang magsalita bigla si Regina.
"Please don't leave me, Narda."
Napatigil si Narda habang tinititigan ang door knob. Bumuntong hininga ulit sya at ngumiti.
"Okay, order nalang tayo online."
Agad namang tumango si Regina at ngumiti. She's starting to feel comfortable to the person who saved her earlier.
"Anong gusto mo? Order kana, eto phone ko." Binigay ni Narda ang cellphone nya at hinayaang pumili si Regina ng kakain nila.
After a few minutes, nakapagdecide na si Regina ng kakainin nila.
"Narda, I ordered us a pizza."
Nginitian sya ni Narda. "Okay! Magkano yun?"
"Ako na ang magbabayad."
"Pero—"
"No buts, you have done enough. Let me pay for this one, please?"
Again, bumuntong hininga ulit si Narda. Hindi na nga nya alam kung pang ilan na yun sa maghapon eh.
"Alright, hindi na ako makikipagtalo, gutom kana eh." Sabi ni Narda, dahilan para matawa nanaman silang dalawa.
Humiga si Narda sa tabi ni Regina. Medyo umusod sya habang pinapanood lang sya ng isa.
"Saan ka ba nakatira, Regina?"
"I am living with my boyfriend."
Tumaas ang isang kilay ni Narda sa narinig nya. "Hindi kayo magkaayos ng boyfriend mo ngayon. Paano yan? Saan ka tutuloy?"
"Hindi ko nga alam eh."
"Wala ka bang kakilala or kaibigan na pwedeng mong matuluyan na pansamantala lang?" Tanong ni Narda.
Kita sa mata nito ang pag-aalala kay Regina.
"Wala eh, wala ako masyadong kaibigan because I don't trust people that much."
"So, hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan?"
"I trust you, but still, not fully. Mamaya kase baka may ipainom ka sakin—"
"Ay grabe ka teh, mabait akong tao oh. Bait bata." Bigla namang nagpacute si Narda.
"Wait! Wag ka gagalaw, just stay in that position and your pose." Dahan dahang kinuha ni Regina ang phone nya at pinicturan si Narda.
Napakunot naman ang noo nito nang marealize na pinipicturan na pala sya.
Pinakita ni Regina ang picture nya. "Ang cute mo dito!"
"Dyan lang?"
"Huh—"
"A-ako na." Dali daling binuksan ni Narda ang pinto at kinuha ang nangangamoy na pizza. Binigay nya ang bayad at nagpasalamat sa rider.
Kumuha sya ng plato at naglagay ng dalawang pizza para kay Regina.
"Here is your order, Miss."
Regina smiled. "Thank you so much."
"You're welcome."
"I have never been comfortable with someone na kakakilala ko palang. Ikaw palang." Regina sincerely said.
"Eh parehas pala tayo eh. Ikaw palang din yung taong komportable akong kasama kahit kanina lang tayo nagkakilala."
"Trinanslate mo naman yung sinabi ko eh." They laughed.
"Sabi mo, wala kang pansamantalang matutuluyan? So, you can stay here for a while." Narda said while taking a bite.
Nanlaki naman ang mga mata ni Regina. Hindi sya makapaniwala dahil sa sinabi ni Narda.
"Nako Narda, but—"
"No buts, Regina." She smirked.
"Alright, but let me pay your bills for this month."
"Eh—"
Dinilaan na lang ni Regina si Narda na walang choice kundi umoo nalang.
Bago sila matulog ay nagpost muna si Regina sa instagram ng picture nila ni Narda.
Thank you bebe girl, for saving me
Advertisement
- In Serial35 Chapters
Aylee
"I have gravely underestimated the cleverness of evil to adapt with lies..." [NEW EDITION WITH A LOT OF CHANGES! Thanks to Sea Change for a lot of really good input.] Though she does not quite realize it, Aylee Hembry doesn't fit into her simple, provincial world. Raised as an independent thinker, with little patience for injustice, she fights within the confines of her bucolic town to right wrongs and help the weak. At least, until she becomes one of the weak. She had never before concerned herself about danger, but when the local bully is handed power, he decides that he will finally put Aylee in her place. Fortunately for Aylee, a stranger happens through town just in time to wrench her from the grasp of her enemy. Aylee soon realizes, however, that her unknown rescuer might prove equally as dangerous as the local bully. Before she can establish her safety, she must determine exactly who is her friend and who is her foe. More importantly, she has to figure out how not to be her own worst enemy. IF YOU LIKE AYLEE, READ THE OTHER FINISHED BOOKS IN THE EPIPHANIES SERIES: MARISSA AND PIPER. OR COME READ THE COUNTERSIGN SERIES: NIGHTENGALE, [email protected], AND ALTAR EGO.
8 220 - In Serial20 Chapters
Reclusive Mage
Vikir, while a capable mage, can barely stand going outside and interacting with others without magical help. He wishes to peacefully stay inside and improve his spell-craft, but in the few times he's forced to go outside, concerning events continue to occur. When the reclusive life is threatened he must search for the villain who keeps on making him leave his apartment.
8 94 - In Serial8 Chapters
Cymurai
In a dark future, something ancient and immeasurably powerful walks the mutant wastelands...Kensuke is a lowly ashigaru footsoldier in the Tachiyama Clan, one of the few remaining human settlements in a dark, post-apocalyptic future. Thousands of years in the past, deadly nanomutagens were released across Asia, killing hundreds of millions and transforming billions more over subsequent generations. Those who remained immune soon moved into enclaves. In Japan, the feudal system revolving around the samurai class was revived, and resource wars became common.In the present, the Tachiyama Clan is under attack by the brutal Sasagawa Clan whose goal is nothing less than the total subjegation of all remaining human enclaves. Both sides take to the battlefield with human soldiers, robots, and the powerful Augmented Samurai -- cyborg warriors who do battle by plugging into six-meter-tall mecha.Hard sci-fi samuraipunk action!Posting schedule will be slightly faster in the early chapters as I have most of them ready to go. Later chapters will take more time. That said, the outline is written and finished. I imagine the full work will top 50,000 words.Please note: The first 9000 words of this work were posted recently on Patreon (free) as part of a 30-day writing challenge. The work that will appear here will be complete and may differ in editing and chapter order. IMAGE SOURCE: Illustration 171244302 © Grandfailure | Dreamstime.com (Paid)
8 202 - In Serial19 Chapters
Wolf and Lamb [NaNoWriMo] Volume 1
This is a NaNoWriMo written story with 25k words, excluding the Afterword. The story follows a young man, plunged into an apocalypse, who made contact with an unusual angel. He has to go through many troubles as he fights demons of many kinds. Disclaimer: All names, places, incidents, characters, beliefs and relations are mere imagination of the author or are used fictitiously. Any relation or resemblance to people, names, places, incidents or relations are pure coincidence and are not to be confused with our reality. Country names are used as a geographical information only.
8 111 - In Serial39 Chapters
Savior University
Ishikawa Akira, a young brash teenager, has always dreamt and aspired to be a superhero, just like those fantasy stories he used to watch. Unfortunately, this is an impossible dream with society's current standing. One day, a series of events led to a very tragic incident at the train he rode. What would happen next when he realizes the things society deem as impossible, suddenly stood right in front of him?(Inspired by anime like Boku no Hero Academia and Dungeon ni Deai)
8 74 - In Serial23 Chapters
Dragon mating season
Natsu, Laxus, Sting and Rogue are going through mating season. Luckily Wendy is to young to experience mating season as for Gajeel and Cobra they have already found there mates. Follow these four dragon slayers as they attempt to find love.
8 100