《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THIRTY SIX: ESCAPE

Advertisement

A/N: Finally nakapag-update din! Pasensya ng marami kung natagalan ako sa pag-update. I needed to read this story again for me to make it consistent. Sorry na ulit :( Enjoy reading!

***

Hinintay kong makaalis si Ricci bago ako pumasok sa loob even though he insisted that I'll go first.

I was about to get inside when I noticed someone approaching me.

"Hi." Harris greeted me and I just smiled to him.

"Bakit narito ka sa labas? Kakauwe mo lang?" He asked.

"Yeah. May pinuntahan lang. Ikaw, bakit napadpad ka dito sa Village namin?" I asked curiously.

"Galing ako sa pinsan ko. Just a few walk from here." He said as he looks at tito Lenard's car.

Seryoso siyang nakatitig sa sasakyan na tila nalimutan na niya ang presensya ko.

"Ahmm, is there a problem?" His gaze was change from the car then to me.

"Nothing." He murmured enough for me to hear him. "Nagandahan lang ako sa kulay." He smiled in a sudden but it seems so insincere.

Binaliwala ko na lamang 'yun. Bad mood siguro siya kaya ganyan siya.

"Maganda nga. I prefer dark shades too like that." pertaining to the black-shaded avanza.

He nods in response.

"Sa mama mo iyang car?" He asked.

"Nope. That's tito Lenard, mom's friend." I answered.

"Ah, palagi ko kasing nakikita 'yan dito everytime I went to my cousin's place. Kaya akala sa inyo." he's being serious again.

Salubong ang mga kilay niya habang binibigyan muli ng tingin ang sasakyan. He suddenly smirked and chuckled a bit. His head is turning from left to right, side to side.

He has a problem but I don't know if it's the car or what so ever. Ano naman ang magiging problema niya sa sasakyan di ba? So baka nataon lang na bad mood ngayon 'to.

"Okay ka lang?" I asked.

Ang kaninang seryosong mukha ay agad na nawala. He's looking at me with a smile, a genuine one.

"Yeah. Nakita na kita. Thanks to you." sa sobrang sinsero ng ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon ay parang may kumalabog sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang kinakabahan ako. Gusto kong magtanong pero tila natatakot ako at pinili ko na lamang ang manahimik.

"Ahmm... you should go. Gabi na t-tapos... wala ka pang dalang sasakyan." I mumbled.

I'm thinking of the right words to say para hindi ko siya maoffend na pinapaalis ko siya. Kaya medyo nautal ako. Gusto ko na rin kasing magpahinga. Saka masyadong gabi na, delikado sa labas ng village kapag ganitong oras na.

"I can handle myself. Don't worry too much." He's eyeing me with amused look on his face.

Pinipigilan niyang mapangiti and that made my right brow scrunched up.

"Huwag kang assuming diyan. Hindi ako nag-aalala sayo. Gusto ko na kasing pumasok na at matulog." I said straight.

"Haha! Your face isn't telling me that. You look worried." He chuckled.

"Ewan ko sayo Mr. Harris Lazaro slash feelingero! Diyan ka na nga. Papasok na ako."

I walk away from him and left him laughing alone. He's being crazy now. Once in a blue moon ko lang makitang tumawa si Harris. At kahit gustuhin kong matuwa, naiinis ako sa kanya.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Nadaanan ko sa dining room sina mama at tito Lenard pero hindi ko na sila pinansin.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong sumilip sa bintana to check kung umalis na si Harris.

Naroon pa rin siya. Titig na titig sa sasakyan. Tinapik niya iyon ng dalawang beses bago tuluyang umalis.

Advertisement

What's wrong with him? Ano bang problema niya sa sasakyan na 'yan?

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may pasok kami. Sa tuwing may makakakilala sa akin sa school ay patay malisya na lamang ako. Sa ilang linggong nagdaan simula ng malaman ng mga tagahanga ni Ricci ang tungkol sa relasyon namin, hindi na bago sa akin ang laging tapunan ng atensyon.

I actually hate attention. That's why I don't like being in a crowded place where people talk about me. But the relationship I had with Ricci changed me. Okay lang na pag-usapan nila ako. Because at the end of the day, its my life after all. Whatever they say or for worse, negative words, I'll just ignore it. Pasok sa kanang tainga at labas naman sa kaliwa.

But the good thing is that I have my supporters too. I mean my friends and classmates as well and some of my schoolmates that were happy for me. Huwag ko lang daw intindihan 'yung mga pagpaparinig ng iba na hindi daw kami magtatagal ni Ricci kasi hindi kami bagay. Sikat daw siya at ako feelingera lang, na ang taas-taas daw ni Ricci at ordinaryong tao lang ako.

Marami akong naririnig na ganyan pero mas marami akong nababasa sa social media. I'll just take them as a compliment kasi kung hindi kami bagay ni Ricci then why we are together? Why I am with him now? That's it. That's how their hate ends. Just ignore them at ayun nga ang ginagawa ko. I'm too busy to think of them. Focus na lang sa school works and of course kay Ricci.

Three months had passed since Ricci and I had this relationship and nothing was changed. Masaya kami ni Ricci. Napapadalas ang dalaw niya sa bahay dahil bihira kaming lumabas. Sa sobrang busy ko sa school works ay siya na ang nag-aadjust and I find it really sweet.

One time nag-yaya si Brent, birthday daw ng pinsan niya na kaibigan din ni naman Ricci. Pinilit ako ni Brent na pumayag para daw sumama si Ricci dahil ayaw daw ng loko at busy.

'Oo na sige na. Pupunta kami ni Ricci.' I replied to his message.

Ricci on the other hand said yes as if he had something to do. I mean, um-oo na daw kasi ako so wala na siyang magagawa.

"Its a house party. You sure you wanted to go?" Ricci asked while driving.

We're now heading to that birthday party.

"Ikaw kasi ang imbitado hindi ako. Brent just asked if I could attend para pumunta ka raw. And I said yes." kibit balikat kong sagot habang pinagmamasdan siyang magdrive.

God knows how I missed this man. Its been a week since we last saw each other. Kaya nga napapayag ako ni Brent ay dahil gusto ko ng makita si Ricci and this is my chance to be with him.

"Fine. Then let's enjoy this night." He said as he parked his car in front of an elegant house.

We walked inside the house as I looked around the place. Wealthy life was evident in the whole place. It was really big. I wonder what is inside in this big and elegant house.

Isang pamilyar na babae ang sumalubong sa amin ni Ricci.

"Glad you came Cci!" Bernice hugs Ricci as she greeted him.

I step back a little trying to ignore what she did.

Ricci holds my hand when Bernice released him. Doon lang yata ako nakita ni Bernice at hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon. I noticed her na parang tinaasan niya ako ng kilay pero nawala din agad so I just ignore it.

Advertisement

"Yeah. My girlfriend told me to come kaya sinama ko siya." His right hand was now holding my back.

Napansin kong napatingin si Bernice sa kamay ni Ricci at nagkibit-balikat lamang.

"Well then. Enjoy the party. Kuya's there by the way." She pointed out the group of men talking behind the gazebo and then she left.

Ricci had a great night catching up with his friends. Mga athletes din kaya naman ang iba ay pamilyar na sa akin. Bawat kaibigan niya na makakausap niya ay ipinapakilala niya ako. Ilan sa kanila ay sina Thirdy Ravena, Isaac Go, Kenneth Tuffins, maging sina Juan at Javi GDL from UP ay naroon rin. I'm a UP fight fan so I'm happy and lucky to meet them in person.

Syempre naroon din sina Andrei at Aljun, maging ang iba pang green archers at kumpleto din ang TMT. Nakakwentuhan ko sila. They were asking me about sa issue na lilipat na daw ng school si Ricci. I told them to ask Ricci instead.

Yes, Ricci is planning to transfer to another school for I don't know why. Hindi ako nagtatanong tungkol roon. I'm giving him time na siya mismo ang magsabi sa akin once na sigurado na siya sa desisyon niya.

I enjoyed that night just like how Ricci enjoyed it to. It s feel like I'm one of the boys. Ayoko naman makipagkwentuhan kay Bernice. Feeling close lang? In fact I felt like ako yung pinag-uusapan nila ng mga kaibigan niya. Panay kasi ang tingin nila sa akin but I just ignore them. I had fun talking and laughing with the green archers and of course Ricci was just beside me.

Lumipas ang mga araw, same routine everyday. School sa umaga, sa bahay naman kapag gabi na. Ricci and I barely talked to each other. Pakiramdam ko tuloy we had a long distance relationship.

"How's your day? What are you doing?" Ricci asked over the phone.

"Katatapos lang mag-dinner. Ikaw, nakakain ka na ba?"

"Yeah, kanina pa. Aren't you sleepy? You're busy the whole day that you didn't even text me---" I cut him off.

"Ikaw na ang may sabi na I'm busy." Medyo inis na tugon ko and he just answered me with a heavy sigh.

He's not even talking. We're both silent for like ten seconds until he finally talk.

"I think we should rest na... We're both tired... I'll call you tomorrow when I got home." I smirked by how cold he talked to me but I didn't bother about it.

"You don't have a class tomorrow so where are you going?" I asked as a matter of fact.

"What's with that voice Lynn? I can feel your eyes rolling." Madiin na pagkakasabi niya.

Ano daw? Did he mean na umiirap ako? And what's with that Lynn? He never calls me Lynn.

"And I can feel na magkasalubong ang mga kilay mo." I answered back and laughed sarcastically.

"I'm not joking Lynn!" Inis na sambit niya mula sa kabilang linya.

"And so I am Rivero." Seryosong tugon ko. "Saan ka ba kasi pupunta bukas? Sana naman may balak kang iinform ako. O baka naman may date ka kaya---"

"Date? Huh! That's enough Lynn. I'm not going to a date!" He shouted over the phone and it makes me shut my mouth.

A tear escaped from my eyes. That's the first time he raised his voice to me. Bakit ba hindi na lang niya sabihin kung saan siya pupunta bukas? Hindi yung sisigawan niya ako dahil naiinis na siya sa akin.

Mas pinili ko na lang na tapusin na ang pag-uusap na ito kahit na gusto kong magtanong muli. Agad kong pinunasan ang ilang patak ng mga luha sa aking mukha at huminga ng malalim bago magsalitang muli.

"Well uhmm... then let's call it a night. Enjoy your day tomorrow whoever you are to be with. Good---"

"Lynn---"

"Good night Rivero."

I hate it when he calls me Lynn. Nasanay ako na Khaira ang itinatawag niya sa akin kaya naman lalo akong nainis. Why he calls me Lynn in a sudden? Why did he shout all of a sudden?

I heard him cussed before I ended our conversation and it keeps on playing back in my mind. Nahirapan akong makatulog gayong imahe ni Ricci ang nakikita ko kahit na nakapikit na ang mga mata ko.

Have I'd done a mistake? Ako ba ang may mali? Yes I provoke him with that date thing but it doesn't mean that he'll shout at me. Pwede naman niya akong sagutin ng maayos, hindi yung sisigawan niya ako.

Ayaw ko sa lahat ng bagay ay yung sumisigaw. I hate people shouting at me when they are mad. Binabalik lamang nito ang mga ala-ala ko noong araw na nawala si papa sa amin. I really hate it.

"Good morning Lynn! C'mon, let's have a breakfast." Salubong sa akin ni mama.

Naupo ako sa upuang katapat ni tito Lenard. He also greeted me a good morning so I greeted him back and my mom as well.

Inisa-isa ko ang mga pagkaing nasa hapag. Marami ang nakahain gayong tatlo lang naman kaming kakain. Bukod kasi sa usual na breakfast namin sa araw-araw na hotdog, omelet, sandwiches and milk or coffee ay may nadagdag na kanin at ulam na adobong manok. What a heavy breakfast.

"By the way Lynn do you have class around twelve noon onwards until two or three o'clock?" Mom asked as we were eating together like a happy family.

Hoping that we really are.

"That's my vacant. I'll have my last subject at three-thirty o'clock. Why did you asked ma?" tanong without glancing at her.

Pakiramdam ko gutom na gutom ako ngayong umaga.

"Well your tito Lenard is planning to go out on a lunch later. We'll take a half day in our work and he wants you to come with us. I think its time for you to get to know him. What do you think?" Naibaba ko ng dahan-dahan ang kutsara at tinidor na hawak ko.

I slowly lifted my eyes to my mom. I glanced at tito Lenard who quickly avoid his eyes on me. Their silence is telling me they were nervous.

"Uhmm... You know Lynn, if w-we don't give it a try then this thing doesn't really work." Mom tried not to stutter.

I look straight to her eyes. Ang mga mata niya'y malalamlam. She's nervous and scared just like how frightened she was back then when my father collapse in front of us.

'Have you ever love my father?' I wanted to ask her that but it didn't came out. And instead of that I said yes to her and my mom looks happy of course.

"Thank you Lynn for this chance." Tito Lenard muttered.

"But don't assume that this day will work." Walang gana kong tugon sa kanya. "I'll go now ma."

"Mabuti pa at sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita." Anyaya sa akin ni tito Lenard na tumayo na rin sa hapag.

"Hindi na po. Magdyidyip na lang ako." Pagbabalewala ko sa kanya at naglakad na palabas.

"Sige na Lynn. Sumabay kna sa tito mo. Madadaanan naman niya yung school niyo." Sinundan ako ni mama sa labas at gayon din si tito Lenard na pinagbuksan na pala ako ng pintuan sa sasakyan niya.

"Sakay na Lynn" aniya.

"Lynn." Mom is eyeing me now to get in the car. My scared mother a while ago was now my lovely strict mama.

Wala na akong nagawa at sumakay na sa kotse ni tito Lenard.

Ten minutes. Napakaikling minuto lang ngunit tila kay tagal natapos. Pinagbuksan ako ng pintuan ni tito Lenard nang makarating kami sa school ko. Wala ni isa sa amin ang nagsalita sa gitna ng byahe. And I'm thankful for that dahil wala akong gana na makipag-usap.

"See you later. Saan mo ba gustong maglunch mamaya?" Tito Lenard asked before I turn my back on him.

"Kayo na pong bahala kayo naman ang nagyaya eh." kibit-balikat kong sagot sa kanya. "Pasok na po ako. Salamat po." I thanked him emotionless.

I don't feel any energy today. Haaays.

"Sige mauna na rin ako. Aral mabuti ha. Bye." Paalam niya ngunit eksaktong pagtalikod niya sa akin ay may nakabangga siya dahilan para matumba kung sino man iyon. Agad niya namang inalalayan ito patayo.

"Sorry iho. Pasensya na hindi kita naki---" natigilan si tito Lenard at napatitig sa nakabangga niya. Hindi ko iyon makita dahil nahaharangan siya ni tito kaya naman gumilid ako ng kaunti para makita ko ang nangyayari.

"P-pasensya na ulit. N-nasaktan ka b-ba?" Mautal-utal na sambit ni tito sa nakabangga niya.

It's him. It was Harris and he looks so serious and cold. His eyes darted fiercely to tito Lenard. Siguro ay nasaktan siya sa pagkatumba niya.

"Harris are you okay?" I asked since he's not answering tito Lenard.

Nalipat ang mga mata niya sa akin. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang matatalim na mga mata niya'y nagulat ng bahagya nang makita ako ngunit agad iyong naglaho. Lumamlam iyon kalaunan at binigyan ako ng pilit na ngiti.

"Ikaw pala yan Lynn. Oo okay lang ako." He tried to smiled at me when its really obvious that he's not okay.

"Sigurado ka? Walang masakit sayo?" Tanong kong muli.

"Wala talaga. Huwag ka ng mag-alala." He playfull smiled and chuckled.

Wtf?

"I'm not!" Tinaasan ko siya ng kilay.

Anong akala niya na nag-aalala ako sa kanya? No way! Why would I?

"Woah! Don't shout. You look guilty." He smirked and tried not to laugh.

"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" I turned my back and leave him.

I totally forgot about tito Lenard. Sinulyapan ko siya habang naglalakad ako. He's saying something to Harris who's now rolling his eyes as if he's mad. Baka nga nasaktan talaga siya kanina at ayaw niya ipahalata sa akin. Nahihiya siguro.

Umupo ako sa unahang upuan gaya ng dati. Narito na ang mga bag nina Dallia, Aliya at Jenny. Marahil ay nasa cafeteria ang mga iyon.

I checked my phone and only to remember my last night conversation with Ricci. What did I do wrong last night that he didn't text me now. Not even a good morning.

"Hello! Earth to Lynn." Dallia, Aliya and Jenny pops out in front of me.

"Kanina pa kayo diyan?" I asked as a matter of fact.

"Oo kaya! Ayan na nga si sir oh!" Sabay turo sa center table na sinundan ko naman agad.

They all laughed together with Charlotte na kararating lang. Naupo sila ng tawa ng tawa at ako naman ay todo irap sa kanila.

"Mga buwisit kayo." I glared at them.

"Ano ba kasing problema mo ha? Kanina ka pa namin kinakausap eh." si Jenny na nagpipigil ng tumawa.

"Wala!" Pagtataray ko.

"Sungit! Meron ka te?" Singit ni baks.

Natigil lang sila sa pangungulit nang dumating na si sir. Kasunod niyang pumasok si Harris na naupo sa likuran. Hindi man lang niya binati pabalik ang mga kaibigan kong naghello sa kanya.

"Sungit. Problema nun?" Pasimpleng bulong sa akin ni Jenny na binaliwala ko lamang.

Natapos ang klase na para bang wala akong natutunan. Lutang at tulala lamang ako sa tatlong subject na dumaan. Ni hindi ko namalayang malapit na pa lang mag-alas dose.

"Tara Lynn saan tayo kakain?" Tanong ni Dallia habang palabas kami sa eskwelahan.

"Sa Terraces na lang. Mahaba naman ang vacant time natin eh." suhestyon ni Jenny.

"Ay sama ako dyan! Tara dali!" excited na singit ni Charlotte.

"Kayo na lang muna. Next time na ako." saad ko.

"Bakit? May lakad kayo ni Ricci ano?" tanong ni Aliya na tila kinikilig pa.

Ngumiwi naman ako at napailing.

"Hindi, wala. Nagyaya kasi si mama na kumain kami sa labas ngayong araw kaya hindi muna ako makakasama sa inyo." paliwanag ko.

"Ganon ba? Kasama ba si tito?" nag-aalalang tanong ni Dallia.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Kaya pala. Oh siya sige. Next time sasama ka na ha! Tapos isama mo rin si Ricci." Jenny giggles as well as Aliya and Charlotte while Dallia looks worried.

I assured her that I'll be okay. Wala lang ako sa mood kaya ganito ako katamlay ngayon. Pumara na ako ng jeep papuntang SM Fairview pagkaalis nila. Doon napili nila mama na kumain at mamasyal. Dapat pala ay sumabay na ako kina Dallia.

Tahimik lang ako buong tanghalian habang si mama at tito Lenard ay pilit na nagkukwento ng kung ano-ano. Nakikinig naman ako. Wala lang talaga ako sa huwisyo.

Kasalukuyan kaming nag-iikot sa department store. Nahiwalay ako sa kanila dahil narito ako ngayon sa women's section habang sila ay nasa men's. Habang naglilibot ako ay may napansin akong mga basketball jersey na pambabae, UAAP inspired jersies.

Inisa-isa ko yun at nakakita ako ng pang-La Salle, number six at syempre Rivero yung nakaprint na surname. Kahit na naiinis kay Ricci ngayon ay bibilhin ko ito. Walang price na nakalagay sa tag ganon din sa iba kaya naghanap ako ng sales lady para magtanong.

Sa kahahanap ko ay natanaw ko si Harris na parang may kausap. Natatakpan ito ng mga damit kaya hindi ko makita ang kausap niya. Naglakad ako papalapit para batiin siya ngunit natigil at napatago ako sa mga damit nang makilala ko yung kausap niya.

"Don't call me son! I'm not your son anymore since the day you left us." pigil na sigaw ni Harris kay tito Lenard.

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click