《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THIRTY FOUR: CHERISH
Advertisement
Kulay kahel ang langit dahil sa papalubog na ang araw. Bukod sa umaga, ito ang oras na tila ba napakaaliwalas ng paligid. Marahil dahil sa kulay kahel na bumabalot sa kapaligiran na unti-unting binabalot ng kulay itim, hudyat na maggagabi na.
Parang kailan lang ay tahimik kong binabagtas ang daan pauwi galing sa aking paaralan tuwing ganitong oras. Pero marami na ang nagbago. May mga taong nginingitian ako kapag nakakasalubong nila ako. Ang iba'y bumabati o di kaya'y makikipagkaibigan. Hindi ko sila kilala pero pilit kong sinuksuklian ang mga ngiting iyon dahil mga schoolmates ko naman ang karamihan sa kanila.
Mabilis lumipas ang mga araw. Paulit-ulit ang ganoong eksena, sa loob o labas man ng paaralan. Mula noong napabalita sa social media ang tungkol sa mystery girl ni Ricci, naging usap-usapan ako sa school. Hindi ako kilala noon gaya ng mga opisyal na estudyante dito sa aming unibersidad ngunit sa isang iglap lang ay biglang umingay ang pangalan ko.
Matapos pag-usapan ang tungkol sa amin ni Ricci sa social media ay napagkasunduan naming baliwalain na lamang ang mga iyon. Kinausap ako ni Tita Abi. Wala naman daw masama kung aamin kami sa relasyong mayroon kami ng anak niya. Hindi ako nakasagot ng mga oras na iyon. Maraming pumapasok sa isipan ko na baka magalit sa akin iyong mga tagahanga ni Ricci.
"Wala naman silang magagawa. Saka walang dahilan para pag-initan at kagalitan ka nila. Maiintindihan nila tayo. They support me in everything I do and that means they will support our relationship too. Don't worry. Kung mayroong mang-bash sayo then ignore it. Not until they hurt you. Hindi ko hahayaan iyon. Pero hindi mangyayari iyon because I assure you, they won't hate you." Ricci said sincerely, trying to reassure me.
"Hmm..." Tumango lamang ako at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
Mahigpit niyang hawak-hawak ang aking kamay which I find it sweet. Ilang linggo kaming hindi nagkita. At heto kami ngayon nasa bahay nila. Katatapos lang namin mananghalian kasama ang pamilya niya.
Umalis sina tita Abi para maggrocery kasama si Gelo at Allen. Si tito Paolo naman ay nasa gym, gayon din sina Prince at Rash. Si Ashton at Riley ay naiwan dito kasama namin ngunit napagod sa kalalaro at nakatulog din agad.
Kaming dalawa lang ang nasa sala ni Ricci. At kung makahawak siya sa mga kamay ko ngayon ay para bang tatakasan ko siya, hindi niya ako binibitiwan o hinahayaan man lang na magkaroon ng pagitan sa aming dalawa. Nakaupo ako sa dulo ng sofa at siya naman ay pilit na sumisiksik sa akin.
"Anong hmm...? Sa haba ng sinabi ko iyan lang ang sasabihin mo?" His brow furrows.
Tinitigan ko ang seryoso niyang mukha. Kunot noo niyang hinihintay na magsalita akong muli.
"Uh... I'm not yet r-ready. Give me m-more time please?" Yumuko muli ako. I can't stand at his stares.
Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Pero tama naman siya. Wala naman silang magagawa. Its our lives after all. Kinakabahan lang talaga ako. Because from a point of view of a fan, masasaktan ako, magseselos maybe. Ang mga katulad ko kasing fangirl ay sobra magmahal. Kaya naman kung malalaman kong may girlfriend na iyong iniidolo ko, syempre masasaktan ako without a valid reason. I'm just a fan. Hanggang doon lang iyon pero masakit pa rin iyon.
But now it happens na I'm not just his fan anymore. I am more than that. And its killing me to think what would other fangirls will feel if they'll know that their idol is taken? Will they accept me? Will they like me? Rather, will they still support Ricci?
Advertisement
I don't need their acceptance though. But I only think of Ricci. I'm hoping they will understand. I'm wishing they wouldn't hate me.
Kaya naman ganoon nga ang nangyari. Kapag may kakilala, kaibigan o kamag-anak ang nagtatanong sa akin ay sinasabi kong magkaibigan lang kami ni Ricci. Hindi man kumbinsido ang ilan ay hinayaan ko na lang. Bahala na kung anong isipan nila. Sa ngayon ay nakapokus ako sa pag-aaral ko.
Eksaktong isang buwan na ang nakakaraan mula noong nagbagong taon. Pormal ko nang naipakilala si Ricci sa pamilya ko gaya ng gustong mangyari ni mama noon. Hindi man kita sa hitsura ni mama na tanggap niya si Ricci, nagpapasalamat pa din ako dahil pinatunguhan niya na ito ng maayos unlike noong una nilang pagkikita sa ospital noon.
"Kapag pinaiyak mo iyang anak ko huwag kang magkakamaling magpakita sa akin. Kung hindi---"
"Ma..." Pigil ko may mama.
Ako tuloy itong nahihiya kay Ricci. Pinapairal na naman ni mama ang kasungitan niya.
"Magtigil ka Lynn. Binabalaan ko lang iyang boyfriend mo" aniya.
"Huwag po kayong mag-aalala. I'll take care of her po. Hindi ko po siya sasaktan." Seryosong sagot ni Ricci kay mama ngunit ang mata ay sa akin nakatitig.
Hindi niya inaalis ang kanyang mga tingin sa akin. Tila ba inaasure niya akong totoo lahat ng mga sinasabi niya.
Sana nga Ricci. Sana hindi ako masaktan nang dahil sayo. Sana ay huwag mo akong lokohin dahil hindi ko alam kung kakayanin kong mawala ka sa akin.
Napaiwas ako ng tingin at itinuon ko na lamang sa pagkaing nasa harap ko. Hanggang ngayon ay naiilang pa din ako kapag nasa akin ang atensyon niya. Nagwawala ang sistema ko sa tuwing tinititigan niya ako.
"Kasama sa relasyon ang masaktan."
Bumalik muli ang atensyon ko kay mama at alam kong gayon din si Ricci maging ang iba pa naming kasama sa hapag kainan.
"May masasaktan at may iiyak. Hindi mawawala iyon." Seryosong dagdag pa ni mama.
"Hmm... Tama 'yon." Pagsang-ayon ni kuya Drew.
"Pero ang siguraduhin mo lang ay hindi iiyak ang anak ko dahil sa ibang babae. Kapag nagloko ka..." Napatigil si mama na tila iniisip ang idudugtong.
"Kami ang makakalaban mo." Seryosong singit ni kuya Drei.
Ngayon ko lang napansin na lahat ng mga kapatid ko ay na kay Ricci ang mga mata. They were looking at him intently . Seems like they're examining my boyfriend's reactions.
Sumulyap ako kay Ricci na ngayon ay sa akin na naman nakatingin. Kumabog ang puso ko dahil sa halo-halong emosyon na mababasa sa kanyang mga mata. Kaba at pag-aalinlangan ngunit sinsero at mapupungay iyon.
Hinanap ng kanang kamay ko ang kamay niyang nasa ilalim ng mesa. Nang mahawakan ko iyon ay agad niyang pinagsiklop ang aming mga daliri. Sobrang higpit na ramdam kong hinding-hindi niya ako pakakawalan.
Siya ang unang pumutol ng aming titigan at bumaling sa mga kuya ko, kay ate, kay mama, at muling bumalik sa akin.
"Like what I've said, I will never hurt her intentionally. I won't let her cry because of me. Mas lalong hindi ako magloloko. Kuntento na po ako kay Khaira. In fact I am so blessed to have her and I thank God for giving me a precious gift..." He paused for a while. Habang patagal ng patagal ang aming titigan, mas lalong nagwawala ang puso. Ang mga mata niya ay mas lalong pumupungay. Kunot ang kanyang mga noo na parang tinitimbang at pinag-iisipan niyang mabuti ang sasabihin niya.
"Pero..." Umigting ang panga niya. Ang kaninang mapupungay na mga mata ay naglahong bigla. Mapanuring tingin ang ibinibigay niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw ko nang marinig pa siyang magsalita. Kinakabahan ako.
Advertisement
"Pero... Kung sakali mang dumating ang araw na masasaktan... ko si Khaira... Na sobrang nasasaktan na siya..." Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ako na po ang susuko. Kung anong gusto ni Khaira, susunod ako... Kung sobrang nasasaktan na siya dahil sa akin ay ako na mismo ang lalayo." Umiwas na siya ng tingin sa akin at bumaling na lamang sa pagkaing nasa harap niya. Napangiti ito ng bahagya. "Hindi ko po maaatim na iiyak siya nang dahil sa akin. Kung mangyayari man iyon ay iiwanan ko na lang siya... kaysa patuloy lamang siyang nasasaktan."
Tahimik. Sa sobrang tahimik ng lahat ay tunog lamang ng mga kutsara, tinidor at plato ang tanging ingay na maririnig.
Natapos ang gabing iyon na para bang may masamang nangyari. Hindi ko alam kung ako lang ang nakadarama noon pero ramdam kong maging ang mga kapatid ko at pati na rin si mama ay apektado sa mga binitiwang salita ni Ricci.
Hanggang sa pagtulog ay hindi mawala-wala iyon sa isipan ko.
'Kung mangyayari man iyon ay iiwanan ko na lang siya.'
Bakit kailangan niya pang sabihin iyon? Okay na nga iyong nauna e. Dinugtungan pa niya. At ano daw? Iiwanan niya ako? Wtf!
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Natapos man ang mga reports at projects ko sa school ay naging abala pa rin ako dahil sa field study namin. Kaya naman imbes na wala akong klase ng martes at huwebes ay nag-oobserba naman kami sa isang pribadong paaralan.
Bago ko pa man siya maipakilala sa aking pamilya ay sinorpresa ako ni Ricci sa aming first monthsary. Noong umaga na nagkita kami ay nakasimangot siya, malamig ang kanyang pakikitungo sa akin. Huli ko na lamang naalala na isang buwan na pala kaming magkarelasyon at iyon at ikinaiinis niya dahil nakalimutan ko iyon.
"I never thought na makakalimutan mo ang ganito kaespesyal na araw natin." Seryosong saad ni Ricci habang nakatingin sa kawalan.
Narito kami ngayon sa isang mamahaling kainan sa BGC. Minsan na akong nakapunta rito pero namamangha pa din ako sa mga nagtataasang gusali. Buong araw kaming namasyal at nanuod din ng sine pero ngayon ko lang napagtanto na ang laki ng agwat namin ni Ricci.
Sa edad niyang iyan ay maraming na siyang achievements. Nag-aaral pa lang siya pero napakalaki na ng kinikita niya. Wala na siyang poproblemahin. He has a secured future unlike me, nagsisimula pa lamang. Mayaman siya or should I say nakakaangat sa buhay. Hindi gaya namin na hindi mayaman pero hindi naman ganoon kahirap.
Pakiramdam ko tuloy hindi ako bagay dito sa lugar na 'to. Pakiramdam ko'y kailangan ko munang magsikap para maging karapat-dapat na umapak sa ganitong kasosyal na lugar.
Napakalapit ni Ricci sa akin ngunit pakiramdam ko'y napakalayo ng agwat namin.
Napayuko lamang ako sa binitiwang salita ni Ricci. He's right. How could I forget this day? This special day of ours? I'm so stupid.
"Sorry." Mahina kong saad na sapat lang upang marinig niya
"Sorry na naman? The last time you said that word was just yesterday. Akala ko pa naman babawi ka ngayong araw." His gaze was now on mine.
He looks serious but his eyes showed pain that even his eye glasses cannot hide it. I hurt him again. Stupid Khaira.
(FLASHBACK)
"Sige na Lynn. Pumayag ka na. Minsan lang ito! Baka magbago pa ang isip ni Harris. Please..." Pagmamakaawa ni Dallia.
Maaga kaming pinauwe sa klase kaya nagkayayaan na mamasyal saglit. Nagsawa na sila sa SM Fairview maging sa SM North at Trinoma kaya para maiba ay sa UP Town Center namin napagkasunduang mamasyal at tumambay saglit.
Saktong nakasabay namin palabas ng school si Harris at mukhang narinig niya ang usapan namin. Dedma lang siya ngunit itong si Dallia ay inaya siyang sumama. Agad naman akong kumontra. Baka mamaya ay busy 'yung tao. Ngunit hindi nakisama sa akin ang ihip ng hangin. Madaling napapayag nila Dallia at iba ko pang mga kaibigan si Harris.
"Sigurado ka bang hindi ka busy?" Tanong ko kay Harris.
"Yeah, I'm not busy." Seryoso ang naging sagot niya sa akin.
Sa lumipas na mga araw ay iniwasan ko siya gaya ng sabi ni Ricci. Ayokong may pinagseselosan siya kaya naman kahit na kaibigan ko si Harris ay sinunod ko pa din si Ricci. Siguro ay ramdam ni Harris na iniiwasan ko siya kaya naging seryoso muli ang pakikitungo niya sa akin, sa amin. Bumalik ang tahimik at supladong Harris Lazaro na kaklase namin noon at hindi na iyong kaibigan namin na nag-eeffort na makisama sa amin.
"Oh iyon naman pala eh! Tara na guys! Makakalibre tayo ng pamasahe!" Masiglang hiyaw ni Charlotte na nauna nang sumakay sa sasakyan ni Harris.
Nakarating kami sa UP makalipas lamang ang ilang minuto. Bago kami tumambay sa UPTC ay inikot muna namin ang University of the Philippines. Masaya ako sa tuwing nakakarating ako rito. Ito kasi ang pangarap kong eskwelahan. Dapat ay dito ako mag-aaral.
Nakapasa ako noon sa UPCAT at nakakuha ng scholarship ngunit nang dahil sa nangyari kay ate Khaila noon ay pinili ko ang mas malapit na eskwelahan sa amin. Kinailangan ni ate ng kasama sa bahay at ako lang ang pwede dahil nagtatrabaho si mama at kuya Drew. Si kuya Drei naman ay may pamilya na nang mga oras na iyon.
"Tara na sa UPTC Harris. Baka maiyak pa si Lynn kapag nasulyapan ulit ang oblation." Si Jenny iyon.
Alam nila ang naging sitwasyon ko noon. Naikuwento ko na sa kanila.
Napasulyap ako kay Harris na nasa gilid ko lamang. Ako kasi ang pinaupo nila sa front seat. Sina Dallia, Jenny, Charlotte at Aliya naman ang sa likuran.
Napabaling din siya sa akin na may bakas ng pagtataka ngunit hindi ko na lang pinansin iyon.
Napili naming kumain sa Ramen Nagi, isang Japanese Restaurant. Gusto daw nila ng mainit na sabaw at matikman ang Japanese version ng ramen. Matagal na nilang plano ito at mukhang pinaghandaan nila iyon dahil walang tumanggi ni isa sa kanila kahit na mahal ang ramen doon.
Napuno ng tawanan ang aming mesa. Tuwang-tuwa sila lalo na dahil kay masayahing Charlotte. Napapangiti na lamang ako nang mapansin kong seryoso pa din ang katabi ko, si Harris. Minsan ay napapatingin ako sa kanya. Hindi ko alam na nakatingin na din pala siya sa akin. Naiilang tuloy ako lalo sa tuwing magkakatinginan kami.
Hindi ko alam kung ang pag-iwas ko sa kanya ang dahilan ng pagiging seryoso niya. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. Nakahinga lang ako ng maayos nang magkayayaan ng umuwi. Ngunit bago pa man ako makasakay sa kotse ni Harris ay dumako ang mga mata sa hindi kalayuan sa pwesto namin.
Seryosong siyang nanunuod sa amin mula sa pwesto niya. Nakasandal siya sa sasakyan niya at kunot-noong nakamasid sa akin. He wears a black hoodie and a white jeans paired with a signature sneakers.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko o dahil na naman sa presensya niya.
"Lynn ano pang hinihintay mo? Sakay na!"
Sumulyap ako kay Aliya na ngayon ay nakasilip sa bintana ng kotse. Tiningnan ko din ang iba ko pang kasama. Lahat sila'y sa akin nakatuon ang atensyon. Ako na lang pala ang hindi pa nakakasakay sa loob ng sasakyan.
Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone. He texted me.
From: Lodi ko
'Let's talk.'
Pagkabasa ko noon ay agad akong sumulyap sa kanya. May kausap siyang babae na tingin ko'y nakita ko na kung saan. Matapos ang ilang tawanan ay humalik sa pisnge ni Ricci' yung babae. Iniwan din siya nito agad kaya napabaling muli sa akin ang tingin. Napayuko ako bigla at huminga ng malalim. That girl kissed him. Wtf!
"Sorry guys. May nakalimutan ako. Mauna na lang kayo. Magkokomyut na lang ako." Kunwari'y napakamot na lang ako sa ulo.
"Edi hihintayin ka na lang namin." Si Charlotte.
"Hindi na. Medyo matatagalan ako. Nagtext kasi si ate, may ipinapabili." Mabilis kong palusot.
Mukha namang bumenta iyon dahil agad din nila akong iniwan matapos ang ilan pang pagkukumbinsi sa akin na hintayin ako.
I grip my phone tightly trying to calm down myself. I knew it. I've done a mistake today.
Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya dahil sa dami ng tao ay baka maagaw ko ang atensyon nila. Pero hindi pa man ako nakakapagdesisyon ay nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko na pala si Ricci.
He holds my hand and drag me to his car. People who noticed us seems to gasped and whispered something to whoever they were with.
We leave that place and he parked somewhere quite far from the crowd.
"Care to explain why you were with that man again?" Supladong tanong niya habang titig na titig sa akin.
Hindi ko matagalan ang mga titig niya kaya ako na ang unang kumalas. I looked outside the car trying to relax but I can't help it but to feel more tensed because of his cold treatment.
"You don't even told me about it huh?" He added sarcastically.
Now I'm doomed. I failed him again.
"Sorry..." I muttered as I glance at him.
He's still looking at me intently with his jaw clench a bit.
"Sorry? Pang-ilan na ba yan?" Sa sobrang lamig ng boses ay hindi ko na malaman kung si Ricci nga ba talaga ang kaharap ko.
I didn't know na may ganitong personality pala siya. Serious, cold, brusque and screams authority. I didn't know what I am feeling right now. But there's something different about me knowing this side of him. Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya.
I tried to hide my anxious. I feel a sudden fear. I didn't know if it was towards him or about this situation we had. Or maybe both. I really don't know.
"I don't mean to hide this to you but---"
"But you still do." He said straight without breaking our eye contact.
"I planned to tell you about this when I'll get home. I didn't know you're here too." Pahina ng pahina ang boses ko.
Gusto kong magtanong kung bakit siya nandito. Kung bakit kagaya ko ay hindi rin niya sinabi ang tungkol dito. Sino ang babaeng iyon at bakit siya hinalikan at hinayaan niya lamang?
Advertisement
An Outcast In Another World (Subtitle: Is 'Insanity' A Racial Trait?)
On the first day, he almost died.On the second day, he almost died.On the third, he began to notice a worrying trend. And almost died.Crushing loneliness? Danger around every corner? All of that has become part of his daily routine.That's fine. He'll carve out a place in this world with his bare hands if necessary. He'll survive, and then he'll thrive.Whether anyone wants him to or not. -- Author's Warning: This story addresses some heavy subjects, and can be dark at times. Fair warning. -- Chapters 1-123 have been taken down in preparation for the Kindle Unlimited release, which you can find by clicking here. I am currently trying to add Book 3, consisting of Chapter 74-123, as a paperback on Amazon. I am Brett Finnicum.
8 209The Clockwork Sea
Everything that breathes is slowly turning into machines. A boy yet to fully turn sets out to sea to find the man responsible for it, the Mad Tinker. Enter the world of the Twelve Seas where clockships fly on invisible timelines and the color of your wizard hat determines your profession. The Twelve Seas are governed by the three fundamental laws of Chronodynamics. Whether it be through magic or technology these laws must be adhered to: Time is a parabolic entity. It must always move forward. Timelines cannot be created or destroyed. The slowing or acceleration of time will result in an opposite and equal reaction.
8 86Death God's Adventure in Another World [Dropped]
Feeling tired of the continuous and repetitive work of reaping souls and sending them to be reincarnated for countless millenias, the Death God decided to take a vacation for a few centuries. "We never knew when did his legacy start, nor how it ended, but one thing is for sure, he was regarded as a hero, a saint, a demon lord, and death incarnate." - Excerpt from 'Biology of Unforgotten Existences' A/N: Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped Dropped
8 64Crafter's Heart (Preview)
(LitRPG) A young man has gotten a job with Ludo, the AI who runs the video game Thousand Tales. That means he gets to move to a sea-surface colony off the coast of Cuba, working at a VR center with unlimited time to use the hardware himself. He also gets to watch what goes on in the building's lower floor, where rich customers use "brain uploading" technology to enter the game world permanently. As he grows in rank in Ludo's organization and within the game, will he end up as the cultist of a game-obsessed god? Or will the three brilliant women he meets help him become something more? This is a preview of a book, which can be found at https://www.royalroad.com/amazon/B07JJCC5QL . It's a direct sequel to "Crafter's Passion" AKA "Gleaners' Guild", a version of which is on this site at https://www.royalroad.com/fiction/14593/gleaners-guild . You can understand this story without having read the first one. (Several chapters are coming here.)
8 105ThE wRoNG nUmbER ||Taekook||
It all starts when Tae just wanted to text his best friend aka. soulmate Jimin if he wanted to go out to get some boba.. Will the number be correct? Will they ever find out about each others secrets?Will there there be any smut, fluff or angst? And the last question :Will I ever finish this fanfic😂😂Let's see 😬Started-22 Aug 2020DISCONTINUED .
8 68Paper Airplanes||Xu Minghao
Paper Airplanes with written feelings.(Book 1)© 2016All rights reserved
8 224