《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THIRTY THREE: MYSTERY GIRL

Advertisement

"Hello." Malamig na bati ni Ricci mula sa kabilang linya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. I miss him so much.

"Hi." Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi.

Kinakabahan ako sa patutunguhan ng tawag na ito.

"Ang sabi ni mom tatawagan mo ako..." He paused for a while and continue. "But you didn't." He's still mad. I can feel it.

"Sorry. After I'd talked to your mom dumating sina Dallia maging iyong mga kapatid ko. Naging busy ako so hindi ako nakatawag agad sayo."

Pansin kong patingin-tingin sina kuya at ate Khaila sa akin na para bang ako ang pinag-uusapan nila. Napailing na lamang ako at binaligtad ko ang liempong iniihaw ko.

"I see. Mukhang nag-eenjoy ka na kumpleto ang family mo." Walang emosyong saad ni Ricci.

"Hmmm. Ikaw din. I hope you're enjoying your vacation."

"Of course I am and I will." Mabilis niyang sagot. "Basta ba ipapangako mong hindi ka na babalik doon sa bahay noong Harris na 'yon. Never." Madiin ang pagkakabanggit niya sa 'never'.

"Okay fine. I promised. Hindi na ako pupunta sa bahay nila. Ayon lang ba Cci? Ano pang gusto mo?" Mahinahon kong tugon pero ramdam kong nainis siya sa sinabi ko dahil narinig kong himinga siya ng malalim.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi siya nagsasalita at gayon din ako. Ano pa bang gusto niya para alam ko kung anong pa ang bawal kong gawin.

"Sh*t! A-aray!" Bigla akong napasigaw nang makita kong sunog na iyong iniihaw ko.

Ngunit nang dahil sa gulat ko ay napaso ako nang tangkain kong hawakan iyong liempo. Naitapon ko tuloy kung saan iyon.

"Khaira what happened?" Tanong ni Ricci na may himig ng pag-aalala.

Hindi ako nakasagot agad nang makalapit agad sa akin sina kuya at ate.

"Anong nangyari Lynn?" Tanong ni kuya Drei.

"Wala ito kuya. Pasensya na nasunog ko 'yung liempo." Napayuko ako at naibaba ang cellphone ko.

I ended the call. Tatawagan ko na lang siya mamaya.

"Napaso ka ba? Maupo ka na nga lang doon. Ako na dito." Nag-aalalang sambit ni ate Khaila.

"Sige na Lynn. Maupo ka na doon. Okay lang 'to. Pahiran mo ng ointment iyang paso mo." Saad ni kuya Drei habang inilalagay sa bukod na lalagyan 'yung mga nasunog kong inihaw.

"Sorry talaga, nasayang tuloy." Bulong ko at umalis na roon.

Pumunta ako sa kusina para kunin ang ointment sa first aid kit. Pinapahiran ko na ng gamot ang dalawa sa daliri kong napaso nang pumasok si mama sa kusina.

Advertisement

"Masakit ba?" Biglang tanong niya.

"Hindi po ma. Paso lang na---"

"Hindi iyan ang tinutukoy ko." Nag-angat ako ng tingin kay mama. "Si Ricci iyong kausap mo sa cellphone kanina ano? Sinaktan ka ba niya kaya lutang ka kanina habang nag-iihaw?"

Sa mga nagdaang araw pansin kong ang sungit ni mama sa akin, nakakapanibago. Samantalang dati ay ako ang palagi niyang kasundo.

"Opo si Ricci nga po. Pero hindi niya po ako sinaktan ma." I laugh a little. Imbento itong si mama. "May pinagtalunan lang kami nitong nakaraan at kanina lang po ulit kami nagkausap. Wala po siyang ginawang mali." Dagdag ko pa habang inaayos ang first aid kit at ibinalik iyon sa kabinet.

"At anong pinagtalunan ninyo?" Seryosong tanong niya at umupo pa sa counter.

She's eyeing me and even raised her left eyebrow. I was about to talk when my phone rings. I look at it and showed Ricci's picture.

Sinulyapan ko si mama na ngayon ay nakatingin sa hawak kong cellphone.

"Sagutin mo na. Baka magalit 'yan sige ka baka iwan ka niyan. Haha!" Mama laughs at her not so good joke. "C'mon! Answer the call Lynn. I won't mind." Aniya.

Nag-aalinlangan man ay sinagot ko ang tawag ni Ricci. Hindi na ako lumabas ng kusina dahil pakiramdam ko ay mababastos ko si mama.

"Hello." Bati ko kay Ricci.

"Why did you end the call? What happened to you?" Mahinahong saad niya ngunit mahihimigan ang inis sa kanyang boses.

"I'm sorry I need to end that call. Napaso kasi ako sa iniihaw ko." Nakatitig lang ako sa sahig habang kausap siya.

Siguro ay galit na naman siya.

"Why didn't you tell me na may ginagawa ka pala kanina?" Inis niyang tanong. "Napaso ka tuloy dahil sa akin."

"Baka kasi sabihin mo iniiwasan kita... Saka hindi mo kasalanan iyon. I'm careless... That's why." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Masakit ba? Saan ka ba napaso?" He sounds concerned and that made my heart melt.

How I miss the sweet side of him. Sana lang ay narito siya.

"Don't worry. Sa daliri lang naman saka napahiran ko na din ng gamot. Gagaling din agad 'to." I smiled between my words.

I look at somewhere else only to realize that I'm still with my mom. She's just there sitting in front of me and looking at me intently. Bigla tuloy akong nanlamig dahil sa presensya ni mama.

"Good to hear that. What are you doing right now then?" Ricci asked.

"Ahmm... I'm with my mom."

Advertisement

"Ba't hindi mo na naman sinabi? I can call you later. Baka magalit pa 'yung mama mo." Nag-aalang sambit niya.

"No, its okay. Pero sige mamaya na lang. I'll text you."

"Hmm. Sige. Text me when you're not busy. Take your time. I can wait." He sincerely said.

"Okay. Thanks. I'm gonna end this call na."

"Sige sige. Bye."

"Bye." I said and ended the call.

Now I feel glad. Nakapag-usap kami ng maayos kahit papaano. At least I know he still care for me kahit na galit siya sa akin.

"Happy?" Mom asked when I finally look at her.

I nodded and smiled at my mom.

"Thank you for letting me answer that call." I sincerely said to her.

"Ahuh. Mukhang hindi na kita mailalayo doon sa Ricci na iyon. But it doesn't mean na tinatanggap ko na siya. Syempre sa umpisa masaya pero after a month, I don't think so." Pailing-iling na sambit ni mama.

Humigop siya ng kape na tinimpla niya kanina at bumaling muli sa akin.

"Papuntahin mo siya rito after a month and we'll see." Aniya at nilagay ang mug sa lababo at naglakad papalabas ng kusina.

Sinundan ko ng tingin si mama hanggang sa makalabas siya. Saka lamang ako nakahinga ng maayos nang ni anino niya ay wala na.

Mahigpit ang pagkakawak ko sa cellphone ko. I stare at my wallpaper. Nitong nakaraan ay pinalitan ko iyon. Ricci and I had a photo that night when he first went here during my birthday.

It was a hard for me to act normal at that moment after we kissed. We didn't had a casual talk for almost fifteen minutes. That was my first kiss. I have no regrets that I gave it to Ricci but somehow I felt awkward at that time. At maging siya ay tahimik din at nakikiramdam sa paligid.

I left him to take a breath. When I went back to the backyard, he was doing something with his phone.

()

"You okay?" Ricci stands as I walked towards him.

"Yeah." I gave him a smile and glanced at his phone.

He noticed me staring on his phone so he wave it a little.

"Momma texted me. Kinakamusta ka niya. She also asked for your contact number. Ibibigay ko ba?" He smiled at me trying to loosen up the tension between us.

"O-okay. You can. Tell her that I'm good now." I answered as I walked near the table. "Can I open this one?" I pointed out one of the two covered plates.

He walks nearer and stands beside me.

"Sure. That's for you." He looked at me and smiled.

I nod and slowly open the covered plate. It reveals a small blue rectangle box. I hold the box and glanced at Ricci.

"Open it." He smiled.

I have an idea what is inside the box but still, my heart beats fast when I open it and saw a silver necklace with heart-shaped pendant.

"I hope you like my gift." He's looking down on the floor.

"Hey chin up! I like it." That made his eyes stare back on me. "Though I don't need an expensive gift like this but I like it. I love it." I smiled and snaked my arms on his waist.

I placed my head on his chest as I hug him tight. The tension between us earlier fades away.

"You deserved a gift even if you don't need it. Do you really like it?" He asked again as he hug me back.

"Of course! Ilang beses ko pa bang sasabihin na nagustuhan ko nga iyong kwintas? I super duper mega hyper like it! Haha!" I chuckled and move back from him.

He pinched my nose.

"Why you're so pretty Khaira?"

"Tss. Why you're so handsome Mr. Rivero?" I asked him back that made us both laughing.

"Akin na 'yan. Isusuot ko sayo."

Binigay ko ang kwintas sa kanya at pumwesto siya sa likuran ko. Hinawi ko ang aking buhok pakaliwa upang maisuot niya ng maayos ang kwintas sa akin.

Nang maisuot na niya ang kwintas sa akin ay agad kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ko. I click on the camera. I want to take a picture of mine with this lovely necklace.

Saglit muna akong nanalamin sa camera ng phone.

"Ang ganda." Ricci whispered in my ears.

Nasa likuran ko pa rin siya at sobrang lapit niya sa akin.

"Yeah. Ang ganda ng kwintas na bigay mo. Thanks." I said as I smiled at the camera and captured a picture of myself.

"Ang ganda nga. Ang ganda mo talaga." He enveloped his arms on my body.

He's hugging me my from back again. He lean on my shoulder and whispered something to my ears.

"I love you my Khaira." I can feel his breath on my skin.

Butterflies were pouring my stomach again.

"Wala bang I love you too diyan?" He whispered again that made me gulp.

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click