《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THIRTY TWO: TOPLESS

Advertisement

One week had passed and yet it feels like a hell for me. Doing my case study was so stressful. I always went to the house of my chosen subject, Levi. He is a five years old kid who diagnosed with an ADHD, Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Pinili ko ang ADHD para sa case study ko dahil likas sa mga bata na maging makulit at mahirap kunin ang kanilang atensyon. Pero hindi lahat ng mga batang makukulit ay masasabing may ADHD. Kaya naman sa case study na pinapagawa sa amin ay kailangan naming pag-aralan at ipaliwanag kung paanong masasabi na mayroon nga ba o walang sakit ang bata.

Its just a simple case study compare to others but in the past week I felt so tired. I spent my days in Levi's place to observe and record everything about him, his doings, even his family and community as well. Of course I had my consent from his parents.

I'm almost done with my case study but I need to talk to Levi's doctor before I come up with my conclusion. The problem is I can't talk to his doctor because his on vacation since its Christmas and New Year's break. Good thing that Levi's parents helped me to contact him so I can able to meet with the doctor right after his come back from vacation. So probably that would be next year, first week as possible before schooling continues.

"Tama na yan Lynn. Kumain ka muna." ate Khaila said while entering my room.

"I'm almost done ate. Konti na lang." Sagot ko nang hindi siya nililingon. Nakapokus ako sa tinatype ko.

"Sabi mo eh." Umupo siya sa kama ko paharap sa akin. "Alin dito sa stuffed toys mo yung binigay ni Ricci?" Tanong ni ate. Napatingin ako sa hawak-hawak niyang small and medium-sized na teddy bear.

"Yan! Diyan ka mabilis. Kapag binabanggit ko si Ricci saka ko lang makukuha ang atensyon mo." ngumuso si ate at may pagkunot pa ng noo. Haha ang cute niya magtampo.

"Tss. Kasi naman eh, busy ako tapos eeksena ka." Pagtataray ko kunwari.

"Sungit mo ah! Miss mo na ano?" Panunukso niya dahilan para irapan ko siya. "Ay guilty. Haha!"

"Kung mang-aasar ka lang please huwag ako te."

"At sino? Eh tayo lang ang tao dito. Nagtatampo na nga ako sayo eh. Hindi mo pa kinukwento sa akin kung anong nangyari noong birthday mo."

"Wow ha. As if naman na hindi mo alam. Eh ikaw nga itong nag-ayos ng lahat. Yung mesa, yung mga kandila at petals na nagkalat. Sinabi sa akin lahat ni Ricci kung paano mo siya tinulungan."

"Syempre tinulungan ko yung tao. Sa tingin mo ba magagawa niya iyon lahat sa mismong araw ng birthday mo? Noong sinabi ko sa kanya na magbibirthday ka nakipagkita siya sa akin."

"Hmm... naikwento nga niya sa akin."

Noong dumalaw siya sa akin noon sa hospital after siyang paalisin ni mama, tinawagan daw niya ulit si ate Khaila. Saktong papunta si ate noon sa hospital kaya hinintay siya ni Ricci at nagkita sila that day. Ang cute nga ni Ricci noon habang kinukwento niya sa akin iyon. Tili daw ng tili si ate. Hindi daw tuloy niya malaman kung paanong iaapproach si ate.

"Siya lahat may ideya ng pasurprise niyang iyon para sa kaarawan mo. Ako lang ang nag-organize. Alam mo na, korte ko 'yun." ate Khaila giggles. She loves designing kasi. Actually isa siyang event organizer. Iyan ang trabaho niya ngayon. "Kaya naman tinulungan ko siya. Ang sabi ko ako nang bahala basta ang kailangan niya lang gawin ay sumipot sa kaarawan mo at ihanda yung gift niya syempre para sayo. Pero mapilit yung boyfriend mo. Nagbigay siya ng cash sa akin pang-gastos daw. Ilang beses kong tinanggihan pero makulit kaya tinanggap ko na. Nakakaselos nga eh. Ang sweet ng boyfriend mo at ang gwapo pa!" Kunwari'y kinikilig pa si ate habang nagkukwento.

Advertisement

Napangiti ako sa kwento ni ate. That day noong kaarawan ko, Ricci gave me a silver necklace. Iyon ang laman ng plato na nakatakip noon. Imbes na pagkain ay regalo pala ang laman noon. Sa kabilang plato naman ay 'yung small-sized na teddy bear ang nakatago. Iyan 'yung isang hawak ni ate ngayon.

Iyong medium-sized naman na teddy bear ay sa kanya din galing. Nakita daw niya 'yun sa isang mall noong araw na nakilala niya ako noong muntik nang manakaw iyong bag ni tita Abi. Agaw pansin daw kasi 'yung teddy bear, nakasuot ng white jersey printed with number 6 at may hawak na bola. Binili daw niya 'yun pero hindi niya alam kung bakit.

When we became friends, he planned to give that teddy bear to me. Ibibigay daw niya iyon sa araw ng championship nila pero hindi niya naibigay dahil nga iniiwasan ko daw siya noon. Kaya naman tinago na lang niya iyon at nang nalaman niyang magbibirthday ako, naisip niyang ibigay na nang tuluyan sa akin iyon. Iyon daw ang magsisilbing Ricci Rivero kapag hindi kami magkasama.

Sa araw ding iyon ng birthday ko ay tumungo sila sa Isabela. Magninight trip daw sila kaya sinulit niya na ang araw na iyon na kasama ako dahil mga dalawang linggo din silang magbabakasyon.

Sa bawat araw na lumipas ay lagi siyang nagtetext, nagchachat at tumatawag. Minsan nga ay nagtatampo yun kapag hindi ako nakakapagreply o hindi ko nasasagot yung ibang mga tawag niya. Paulit-ulit akong nagpapaliwanag sa kanya na busy ako sa case study ko. He asked for proof so I always sent him some pictures of mine when I'm in Levi's place.

Madalas din kaming mag-video call. Kaya minsan pinupuyat ako dahil imbes na unahin ko 'yung project ko ay minsan siya ang inuuna ko dahil magtatampo na naman siya.

Natapos na ang Pasko at heto na naman ang isang linggong nakakapagod. Naging abala naman kami ni Harris na tapusin na yung nursery rhyme na proyekto namin sa isa pang subject. Malapit na rin namang matapos iyon kaya sa loob ng dalawang araw ay natapos namin iyon. Nakakaguilty lang kasi halos siya lahat ang gumawa. Ako lang itong taga-sketch niya and more on suggestions lang ang naitulong ko.

"Ako na ang magpapa-CD Burn neto ha. Huwag ka ng kumontra kasi feeling ko wala akong naitulong eh." Sabi ko kay Harris sabay kamot sa ulo.

Narito ulit ako ngayon sa kanila at katatapos lang naming gawin ang aming proyekto.

"Anong wala? Hindi ko naman magagawa iyan kung wala 'yung mga sketch na ginawa mo. Saka naging creative itong project natin because of your ideas so don't think that way." He gave me a sincere smile.

Napaiwas ako ng tingin. I felt something different and I don't know why and what is it.

"Dito ka na magdinner. Ihahatid na lang kita sa inyo."

"Hindi na. Thanks pero... hindi ako pwedeng gabihin ng uwe." pagtanggi ko sa alok niya habang nagliligpit ako ng gamit ko.

"Actually I already message your mom asking her permission and she said yes. Basta ihatid daw kita agad after ng dinner."

"Huh? What? How?" Kunot-noong tanong ko. Hindi ko gets. Nakausap niya si mama?

"Well ahmm... nakausap ko siya through messenger. P-pinaalam kita kung pwedeng dito ka na magdinner at um-oo naman siya." Alanganin niyang sagot na tila tinitimbang niya ang magiging reaksyon ko.

Isn't that rude? Asking my mom without letting me know it first. I don't know. Pakiramdam ko hindi ko iyon nagustuhan. Paano na lang kung nagalit si mama? Bakit kaya siya pumayag agad? At paano niya napapayag si mama?

Advertisement

Natapos ang gabing iyon sa isang dinner kasama ang pamilya ni Harris. I felt so awkward at that time dahil likas na sa mama ni Harris na asarin kaming dalawa sa tuwing magkasama kami. She even took a picture. Family picture daw pero take note, kasama ako. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa sobrang bait ni tita Rosie at ng pamilya ni Harris.

But I didn't know that tita Rosie posted it and tagged me on IG with a caption of 'Welcome to the family my dear Lynn. Hihi!'. At iyan ang problema ko ngayon. Kung ako nagulat, mas lalo na si Ricci. Sa katunayan sa kanya ko nalaman yung about sa post na iyon.

He asked me about that photo. I explained it to him but I guess jealous eats him.

"I told you everything about it. Sadyang mapagbiro lang si tita Rosie." I almost shouted it.

"Huh! As if that was a joke. Claiming you to be a part of his family? Baka naman kasi pinopormahan ka noong Harris na yan kaya umaasa yung mom niya." Inis na sagot ni Ricci.

"Ricci naman, sinabi ko na dati pa na magkaibigan lang kami ni Harris. Ano bang mahirap intindihin doon? What's your problem?" Hindi ko na napigilang mapasigaw.

"Problema? Ikaw! I told you na ayokong makita kang kasama siya and you said yes. Pero ano yun? Nandoon ka ulit sa kanila at nagdinner ka pa talaga with his family huh. Akala ko ba bawal kang magpagabi?" Mapakla niyang sagot.

Kahit anong sabihin ko sa kanya ayaw niyang maniwala. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong ipaliwanag para lang maintindihan niya.

"Saka na lang natin pag-usapan ito ka---"

"No Khaira Lynn. We'll talk about it now." Malamig niyang saad.

Napakagat ako sa labi ko, pilit kong pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mata. Huminga muna ako ng malalim bago siyang kausapin muli.

"Uulitin ko Ricci. Joker lang talaga si tita Rosie. Siguro nga, pwede din, baka gusto niya ako para kay Harris. Pero hindi eh, hindi naman ako gusto ng anak niya. Hindi nanliligaw si Harris o ano man... Pagod na ko Cci. I'm tired explaining my point. I want to rest. You too, please take a rest. Don't mind me for now. Enjoy your vacation. Let's talk when you're back. Bye. Night."

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Binaba ko na agad ang aking telepono. Tuluyan na ring bumagsak ang aking mga luha. Hindi ko na din namalayang nakatulog ako nang umiiyak.

Sa mga sumunod na araw ay walang ni-hi or hello man lang akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko na din pinangunahang itext o tawagan siya dahil baka mabigo lang akong hindi niya ako sagutin.

Bisperas na ng bagong taon. Lahat ng tao dito sa lugar namin ay kanya-kanya ang paghahanda na ginagawa para salubungin ang bagong taon. Gayon din naman kami dito sa bahay. Gaya ng nakasanayan ay kumpleto kami tuwing sasapit ang bagong taon.

Nandito ang aking mga kapatid at ang isa kong pamangkin na sobra sa kakulitan. Dalawang taon pa lang kasi. Nagtatawanan ang aking pamilya sa harap ng hapagkainan habang kami'y nanananghalian. Hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila. Pekeng mga tawa ang isinusukli ko sa kanila.

Masaya ako, oo. Pero may kulang at alam kong si Ricci yun. Ilang araw na din kaming hindi nagkakausap. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Mukha namang masaya siya dahil ang huling post na nakita ko sa IG kung saan naka-tag siya ay nakatawa siya kasama ang buong pamilya Rivero at iba pang mga kamag-anak nila na karamihan ay sa side ni tita Abi.

Naghuhugas ako ng mga plato nang tumunog ang aking telepono. Mabilis ko iyong kinuha, umaasang si Ricci na iyon. Ngunit agad din akong nanlumo nang makitang si Charlotte pala iyon. Nangangamusta lang at nagpasabi na pupunta sila mamaya dito at makikikain.

Sumunod na tumawag si Dallia upang bumati ng Happy New Year at baka makalimutan daw niya mamaya haha. Tinapos ko ang aking gawain. Tumungo ako sa sala upang magpahinga. Naabutan ko doon si kuya Drew.

"Ikaw Lynn ha. Hindi mo man lang nakwento na kaibigan mo pala si Ricci Rivero. Tapos boyfriend mo na pala. Parang kailan lang nagtatanong ka about sa kanya ha. Ang bilis naman yata?" Bigla naman akong kinabahan. Bihira lang kasi magseryoso sa usapan itong kuya ko. At kapag seryoso, dapat seryoso lang talaga.

"Ah... ahmm... o-opo kuya. Kami na nga ni Ricci. Mahabang kwento kuya. Pero after kong mameet iyong family niya sa isang mall noon doon na nagsimula lahat."

Ikinuwento ko kay kuya Drei at kuya Drew kung paanong naging magkaibigan kami ni Ricci. Hindi siya makapaniwala. Pero hindi naman siya tutol. Malaki na daw ako at alam ko na ang ginagawa ko. In fact, gusto niyang mameet si Ricci para makapagpapicture daw haha.

Alas-singko na ng hapon ng magising ako. Nakatulog kasi ako kanina. Sa dami kasi ng niluto ni mama kaninang umaga ay sobrang nakakapagod iyon. Wala naman kasi kaming katulong. Kami-kami lang nila ate at hipag ko ang katulong ni mama. Idagdag mo pa si Charlotte na naghakot ng mga kaibigan niyang kalahi niya. Nakakapagod makipagkwentuhan sa kanila. Walang tigil ang tawanan namin kanina.

Hinanap ko agad ang aking telepono. Nalimutan ko kung saan ko naitabi kanina. Bumaba ako sa sala ngunit wala roon. Nakitang palabas ng kusina si mama at may hawak na telepono. Titig na titig siya roon.

"Ma, akin po iyan." Turo ko sa cellphone kong hawak niya.

"Alam ko. Sa laki ba naman ng wallpaper mo kasama iyang Ricci na yan hindi ko malalaman kung kanino ito?" She raised my phone up then gave it to me.

"Anong mayroon dito? Ma? Lynn?" Si kuya Drew na galing sa labas.

"Wala ito ku---"

"Anong wala? Aba Drew pagsabihan mo iyang kapatid mo. Magboboyfriend boyfriend eh nag-aaral pa." Napayuko ako sa sinabi ni mama.

"Ano ka ba mama. Hayaan mo na si Lynn. Malaki na iyan. Saka dati di ba hinahanapan niyo siya ng boyfriend? Anong problema ngayon? Ayan na meron na." Pagtatanggol sa akin ni kuya.

"Sus. Okay lang sana kung ibang tao iyang boyfriend mo eh. Alam mo naman kung anong nangyari sa---"

"Ma tama na. Marinig ka ni Khaila. Huwag mo ng ungkatin yung nangyari dati. Iba yun sa ngayon. Iba si Ricci kay Marcus okay?" Pilit na pinapakalma ni kuya si mama.

"I understand naman ma. You're afraid that what ate Khaila suffered before might also happen to me. But don't worry ma. Hindi ko pa mang lubusan na kilala si Ricci, I'm sure na I won't regret this. If this relationship I had with him won't work after weeks, months or years, I promise I won't take su---"

"Okay na Lynn. Sige na." kuya Drew cut me off.

"Doon muna po ako sa kwarto." I smiled at kuya Drew then leaving him with mama.

Napansin kong lumamlam ang mga mata ni mama kanina bago ko sila iwan sa baba. Sana lang nakumbinsi ko siyang tanggapin na si Ricci.

I checked my phone. I had four missed calls from kuya Prince. Bakit kaya siya tumawag? I tried to call him back pero hindi naman din niya sinasagot. And for the last time nagtry pa din akong tawagan siya at hindi ako nabigo dahil sinagot niya na iyon.

"Finally Lynn, you call!" masiglang sagot ni kuya Prince mula sa kabilang linya.

"Yeah. Sorry kuya Prince. Nakatulog kasi ako. Ngayon ko lang nacheck yung phone ko."

"That's fine. Huwag mo na akong ikuya diyan. Prince na lang. Hindi naman masyadong malayo ang edad natin haha!"

"Ganon ba? Pasensya na. Ahmm.... yung kuya ko kasi kaedad mo kaya mahihirapan ako na hindi kita tawaging k-kuya." alanganin kong saad.

"Oh really? Sige ganito na lang. Tawagin mo na lang din akong Ahia. Mas okay 'yun Lynn."

"That's better A-ahia."

"Haha! Masasanay ka din niyan."

"Ahia! Si Lynn na ba iyan?" sigaw ng isang babae mula sa kabilang linya.

I guess si tita Abi iyon.

"Yes mom its Lynn." tugon ni Ahia. "Hey Lynn, momma wants to talk to you. Here ma." dagdag pa ni Ahia.

"Hello Lynn ija?" bati ni tita Abi.

"Hello po tita. Kamusta po ang bakasyon niyo?" panimula ko.

"Masaya naman. Nag-eenjoy kami rito. Ikaw kamusta ka?" balik na tanong ni tita.

"Okay naman po. I'm with my family po. Masaya din po dahil kumpleto kami liban kay papa." how I wish na sana nandito si papa.

"I'm sure kasama niyo rin siya ngayon at binabantayan kayo. Don't worry Lynn. Pamilya mo na rin kami. Kapag malungkot ka o may problema ka, don't hesitate na lumapit sa amin if you need help or comfort." malambing na saad ni tita Abi.

"Thank you po tita. Thank you for welcoming me to your family." sinsero kong tugon.

"You're always welcome ija. Pero masaya ka nga ba Lynn? Sa tono ng boses mo ay parang hindi. Dahil ba yan kay Ricci?" tanong ni tita na ikinatahimik ko.

That's it. Tita Abi knows. That's why she wants to talk with me.

"Prince told me na ang sabi nitong si Sahia ay hindi mo daw siya kinakausap? Napansin kasi namin na kahit nakikitawa si Sahia sa amin ay minsan parang napapatulala. O kaya biglang magwawalk out. Ano ba talagang nangyari Lynn?"

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click