《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THIRTY: HANDSOME VISITOR

Advertisement

Paggising ko bumungad ang puting kisame at dingding sa loob ng isang kwartong binabalutan ng puro kulay puti na kagamitan.

Isang lalaki ang natutulog habang nakaupo sa sofa sa may gilid ng kama ko, ang pumukaw sa aking mga mata. Saktong nagising na din siya nang mapagtanto kong si tito Lenard pala iyon.

"Gising ka na pala. Khaira Lynn tama ba?" Tanong ni tito Lenard habang may inaayos sa mesa.

Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Hindi naman ako bastos para tawagin lang siyang Lenard.

"Lynn na lang po." Malamig kong sagot.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong muli niya ngunit hindi agad ako nakasagot. "Kaninang umaga, tumawag ang mama mo dahil ang taas daw ng lagnat mo. Kaya naman nandito ako ngayon. Pabalik na din siguro ang mama mo. Nagbihis lang sa inyo. Heto kumain ka muna. Meron ditong kanin at ulam, carbonara, ham sandwich, at burger. Ano bang gusto mo? May prutas din."

Nakakagutom yung mga sinabi niya pero nakakailang. I feel awkward around him. Normal naman siguro ito since stranger pa din siya para sa akin although I call him tito na.

"Anong oras na po ba?" Tanong ko habang tinatanaw ang inihahanda niyang pagkain sa side table ko.

"Past twelve noon na. Kaya kumain ka na muna."

Lunch na pala. I felt something strange with the word lunch. Bakit kaya?

"Kain ka na. Ano bang gusto mo?" Alok ni tito Lenard.

"Po? Ahmm.." Inisa-isa ko ang pagkain. Tumigil ang mata ko sa carbonara. "Okay na po ako sa carbonara. Kayo din po, kain na." Pag-aalok ko habang inaabot ang carbonara sa mesa sa gilid ko.

"Sige lang, hintayin ko na lang muna ang mama mo. Mauna ka ng kumain." ani ni tito Lenard at naupo nang muli sa sofa. "Paborito mo ba yan? Ayaw mo ng kanin? Tanghali na." Dagdag niya pa.

"I prefer carbonara po. And yes po, favorite ko po kasi." I tried to sound polite. He's kind after all but that's not mean na I like him na for mama.

"Really huh?" He smiled genuinely. "So he knows your favorite food. That's cute."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino daw?

"Haha! Kanina kasi may bumisita dito. Kaibigan mo daw, Ricci ang pangalan."

"Talaga po? Nagpunta siya dito?" Naku naman. Paano niya nalaman?

"Oo. Kaso pinaalis agad ng mama mo eh. Nakakaawa nga yung bata. Kaya nga sabi ko kunin ko na lang yung dala-dala niya at ibibigay ko na lang sa'yo paggising mo. At 'yan na nga yun. Iyang carbonara na kinakain mo." Masiglang saad ni tito.

Nagsalubong ang kilay ko sa mga narinig ko. The fact na pinaalis ni mama si Ricci, I feel up set. I feel somehow regret being polite toward tito Lenard while my mom didn't bother to do with Ricci. I wonder what is he doing now. I don't have my phone here to call him. Grrr! I suddenly miss him.

Eksaktong katatapos ko lang kumain nang dumating na sa wakas si mama.

"Oh ija, mabuti at gising ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Mama asked as she placed her palm on my forehead. "Hindi ka na ganoon kainit gaya kanina. Ang sabi daw ng doctor epekto daw yan ng overfatigue. Naku Lynn! Maganda yang nag-aaral ng mabuti pero sana pahinga-pahinga din ha? Kita mong kagagaling mo lang sa sakit tapos heto ka na naman? Sa mga susunod na araw ipahinga mo muna yang sarili mo. Huwag mo munang intindihin yang school works mo. Magpagaling ka muna ng maigi!"

Advertisement

Nakabibingi ang mahabang sermon ni mama. Pero ni isa sa sinabi niya ay walang pumasok sa utak ko. Ang tanging iniisip ko lang ay kung kamusta na kaya si Ricci?

"Bakit niyo po pinaalis si Ricci?" I blurted out.

"Huh! Aba't di ba binawalan na kitang makipagkaibigan sa lalaking yun aber?" Taas kilay na saad ni mama.

"Sorry ma hindi ko po kaya. K-kami na po ni Ricci." I looked down at my lap trying to hide giggling about it. This is it. Nasabi ko din siya sa wakas.

"A-ano? Lynn naman! Hindi ka ba natuto? Lolokohin ka lang niyan!" Pigil na sigaw ni mama.

"Lolokohin ma?" I paused for a while. "Gaya ba ng panlolokong ginawa niyo kay papa no---"

*PAAAAK!

A tear escaped from my eyes as my mom slapped me on my face. Oo masakit siya physically pero mas masakit sa feeling na for the first time sinaktan ako ni mama.

"How dare you to say that! Oo tama ka, nagloko ako. Pero may pagkukulang din ang papa mo. At alam mong pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon! Paano mo nasasabi yan ha! Lynn?" Tuluyan ng sigaw ni mama. Nagpupuyos na siya sa galit habang ako punas ng punas sa walang tigil na luhang dumadaloy sa mukha ko.

"Alam mo m-ma... aminado akong ayaw ko kay tito Lenard dahil n-nangako ka sa amin na hindi ka na papasok sa isang relasyon. Pero sana ma, konting r-respeto naman po kay Ricci... Ah-I tried to be polite to tito because I still respect him as a person. Sana ma ikaw din... Don't judge Ricci because he's a basketball player like ate Khaila's ex-boyfriend. He's different." I tried to stop myself from crying and wiped out my tears.

Mama was about to talk again when we heard a knock and the door opens. It was ate Khaila.

"Lynn, are you okay? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ni ate Khaila nang makalapit sa akin.

"I'm okay na ate. Konting pahinga lang to."

"Sigurado ka?" She paused. I felt like she's checking me out. "Did you cry?"

"No. Why would I? By the way ate, can I borrow your phone? May tatawagan lang ako."

"Si Ricci?" I look up to ate and nod, ignoring the presence of mama and tito Lenard.

Pumasok ako sa comfort room when I dialled Ricci's number but he's not answering my call. The second time I call him, he finally answered.

"Hello?" malamig na bati ni Ricci mula sa kabilang linya. I badly miss him na.

"R-Ricci hello... Its me, Khaira." Dahan-dahan kong sagot.

"Khaira! How are you feeling? Are you okay? Did you take your med? What's the doctor said?" Sunod-sunod na tanong niya ngunit mababakas pa din ang lambing at pag-aalala sa boses niya.

Hearing his voice makes me want to leave this place and go over to him. Its been three days since the day that we got together. I really miss him so much.

"Hey Khaira, still there?"

"Yeah yeah. Sorry. I j-just, ahmm.. Kinda miss you." I bit my lip. I still feel awkward about the thought that I am finally in a relationship with Ricci Rivero, my idol!

Advertisement

"I miss you too... So much..." Malambing na tugon niya.

"Hindi ka galit sa akin?" I asked as I remember how I ended our convo last night.

"Not really... but you owe me an explanation." He sounded demanding. And I can't blame him for that. "So how are you?" He asked.

"Don't worry, I'm okay now. Ikaw? I heard na bumisita ka kanina dito. Sorry kung pinaalis ka ni mama."

"Okay lang yun. I just don't get it. Feeling ko galit sa akin yung mama mo." He sounds so hurt and I hate hearing him like that.

"Of course she's... ahmmm, she's not. Siguro pagod lang yun." Ayaw ko sanang magsinungaling pero I don't want to hurt his feelings. "Sorry talaga ha? What time ka ba pumunta dito?"

"Mga 10 am. Tulog ka pa kaya hindi na kita inistorbo. Saka wala pang dalawang minuto nang dumating yung mama. Ayun, pinaalis naman ako agad nung nagpakilala ako sa kanya." Malungkot na kwento ni Ricci. Naiimagine ko tuloy na nakanguso siya ngayon. Haaays.

"Sorry talaga. So ibig sabihin pala, nakapasok ka pa dito sa kwarto ko? Nakita mo pala ako. Ang daya. Ako, hindi man lang kita nakita." I look at my reflection on the mirror in front of me. Shocks! I look haggard.

"Good thing that your tito Lenard let me in. Siya yung naabutan kong nagbabantay sayo."

"Pinapasok ka ni tito Lenard?"

"Yep. Sabi ko kaibigan mo ko and I just want to check on you so he let me in. Sinabi din niyang kaninang umaga daw ang taas ng lagnat mo. He seems so worried. Mabuti na lang daw bumaba na yung temperature mo." Ricci said over the phone.

I don't get it. Tito Lenard gets worried about me? Why? Nagpapagood-shot ba siya para pumayag ako at hindi na ako tumutol sa kanila ni mama? Huh. No. Hindi pwede.

"Ganon ba? Then I should thank him pala for accomodating you?"

"Yeah, you should. But why you sounded that you don't want to?"

Shookt! Nahimigan niya yatang naiinis ako.

"Why would I?" Kunwaring tanong ko. "Sige na Ricci. Mamaya na lang ulit. I'll text you kapag na-discharge na ako."

"Ang bilis naman. Miss na kita. Nag-eenjoy pa 'kong kausap ka." Malungkot na saad ni Ricci.

"Ako din naman eh, miss na kita. Pero nandito kasi ako sa c.r., I only borrowed ate's phone. Later na lang ulit. Okay?" Paglalambing ko.

"As if I have a choice. Fine fine. Text me when you got home. Text me your address too. I'll visit you tomorrow. Sige na babye na. Sabi ni mom pagaling ka. Next time ka na lang daw maglunch dito kapag okay ka na." Dadalaw siya? Sa bahay? Aish, never mind. Saka ko na poproblemahin yan.

Kaya pala I felt something strange 'bout lunch kasi ngayon pala nag-aya yung family niya na mag-lunch ako sa kanila.

"And one last thing Khai, take your med on time, okay?"

"Yes po itay. Magpapagaling po ako." I smiled feeling relieve because of him.

"Haha! Magaling anak, tama yan." Ricci chuckles which makes my heart bounces in joy.

"Okay po. Sige na Cci. Babye na. Miss you!"

"I miss you too... And I love you. Only you." I can feel that he's smiling. Ako naman heto, kinikilig.

"Hmmm.. Good to hear that. I love you too Cci. I'll hang up na. Bye!"

"Love you Khaiii. Bye!"

After that sweet conversation I had with Ricci, nadischarge na din agad ko. So it's only seven hours na na-admit ako sa hospital. Good thing nawala agad yung sakit ko. Pero I'm still feeling dizzy when I made a heavy move. So mama insisted na sa kwarto lang muna daw ako.

I texted Ricci and we had a short conversation. Matapos noon nakatulog muli ako. Gabi na nang magising ako. I need to take my medicine so I ate dinner. Nagpunta daw sina Dallia at Jenny dito kanina. Pero since natutulog ako hindi na daw nila ako inistorbo kaya umalis din sila agad. Maghapon akong tulog pero feeling ko pagod na pagod ako. Kaya naman nakatulog din kaagad ako after a little rest pagkakain ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pero tamad na tamad akong bumangon. Dinalhan ako ng almusal ni mama bago siya pumasok sa trabaho at ganon din si ate Khaila. Mag-isa na naman ako dito sa bahay like the usual. I texted Ricci a good morning but I don't get a reply from him. Past eight o'clock na. I wonder if he's already awake.

Pagkatapos kong mag-almusal, naligo agad ako. Feeling ko kasi ang baho ko na. Hindi ba naman ako nakaligo kahapon eh. I wear an oversized t'shirt and a mid-thigh short.

Tumunog ang aking telepono, agad ko itong tiningnan, umaasang may text na si Ricci. Ngunit nabigo ako. Bumagsak ang balikat ko nang makitang si mama ang nagtext.

Mag-aalas nuwebe na. Imposible namang tulog pa siya? Ano kayang ginagawa niya? Baka naman busy. Sa huli, binagsak ko ang telepono ko sa sofa. Tila nawalan na naman ako ng gana.

Kakaupo ko lang nang tumunog ang door bell. Matamlay akong tumayo muli at lumabas ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaking kanina lang ay nasa isipan ko lamang.

Titig na titig siya sa akin. Na para bang sabik na sabik siyang makita ako. Hindi siya kumikilos sa kinatatayuan niya at ganoon din ako. Pakiramdam ko nawala na nang tuluyan ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nabuhayan muli ako na tila ba maayos na muling dumadaloy ang dugo sa buong katawan ko.

"Ricci." I whispered as my eyes never leave his. He's wearing a red sweater paired with a black jagger pants and with sneakers and eye glasses on. Sh*t! What a handsome visitor I'm having now.

"Done staring on me? Can I come in?" He smirks while his eyes still on me.

I blushed in a sudden and I don't know why I'm feeling nervous right now.

"Ahmmm... Y-yeah, sorry. Come in!" Why the hell I stutter? Goodness! Its Ricci, my boyfriend.

,

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click