《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#TWENTY NINE: CRY HARD
Advertisement
"Bakit ba kasi ayaw mo?" Iritableng tanong ni Ricci habang nasa loob kami ng sasakyan niya.
"Hindi sa ayaw ko. Hindi pa kasi ako ready." Malungkot kong sagot sa kanya.
He was asking me kung bakit ayaw kong magpahatid sa bahay para maipakilala ko siya sa pamilya ko. At hindi niya nagustuhan ang naging sagot.
"Noon pa man Khaira, gustong-gusto kitang ihatid sa bahay niyo kasi I want to formally ask your hands from your family. Its not like I am proposing a marriage agad. Ang gusto ko lang maging legal tayo at mapakita ko sa kanila how serious I am to you." Sinserong saad niya.
Masyado akong natutunaw sa mga titig. Magkaharapan kami at hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Alam ko naman, ramdam ko na sinsero siya sa nais niya. Pero natatakot kasi talaga ako. Paano kung magalit si mama? Paano na lang kung paghiwalayin niya kami? Hindi pwede. Hindi ko kakayanin na iwasan ulit si Ricci, na iwanan ko siya at mahiwalay sa kanya.
"Khaira please?" Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang kamay niya.
"Ricci no." Pailing-iling kong sagot. "Hindi pwede. P-paano kung magalit si m-mama? B-baka bawalan ka niyang m-makipagkita sa akin. Baka m-mamaya..."
"Baka ano? Khaira paano kung hindi? Paano kung imbes na magalit siya, matuwa pa siya kasi nakikita ka niyang masaya? Di ba masaya ka naman sa akin? Ipakita natin sa mama mo na mahal natin ang isa't-isa. Huwag kang magsalita ng tapos Khaira. Sabi mo noon strikto ang mama mo pero mabait naman. So maiintindihan niya tayo." Pagpapalakas niya ng loob ko at niyakap ako ng mahigpit.
Bakit ganon? Baligtad yata. Dapat ako itong nagpapalakas sa kanya ng loob. Dapat siya yung kinakabahan na humarap kay mama imbes na ako.
This is my first time. I don't know how to handle this thing. I know mabait si mama. Pero hindi eh, natatakot talaga ako. I have my reason.
"Khaira." Humiwalay ako sa yakap niya. He faced me again and cupped my cheeks.
"Hey, why are you crying?" He asked in a sudden.
Kahit ako nagulat. Umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan. Pinunasan ko kaagad ang mga luhang trumaydor sa akin. Nakakahiya ka Khaira Lynn.
"Wala lang 'to. Huwag mo na lang pansinin." I chuckled habang umiiling.
"Wala lang? Khaira you're crying. I'm sorry." Why he's now apologizing? Sh*t lang, ang drama ko kasi eh.
"Don't be sorry. Ako dapat magsabi niyan. Sorry, hindi pa talaga pwede Ricci. Hindi pa ako ready. I'm sorry." I looked down at my lap.
Kung alam mo lang Ricci, kung alam mo lang.
"Fine. Hindi na kita pipilitin. I can wait. Expert naman ako sa paghihintay eh." He smiled gently.
"Thank you Cci." I said as I hugged him tight. "I... l-love you." Nahihiya ko pang dugtong.
"You should be used in saying those magic words because I love it when its coming from you." He's hugging me back. His arms were wrapping me up so tight. "I love you too. I really do."
Lumipas ang isang araw heto ako ngayon inuumpisan ang case study ko. Halos kada oras nagtetext si Ricci. Kinakamusta ako. Tinatanong kung kumain na daw ba ako, kung mahirap daw ba yung ginagawa kong project. Baka kailangan ko daw ng tulong niya. Huwag ko daw papagurin ang sarili ko at magpahinga from time to time. Haha, paano kaya ako matatapos noon?
Ganito pala ang feeling ng may boyfriend. Dati I was wondering about how does it feel to have one. Pero I keep telling myself na I don't need it because I have to focus on my study. But then I realized that having a boyfriend depends on how you deal with it and how you live with a special someone just like Ricci as mine. He's an inspiration that I wish will lasts forever.
Advertisement
"Ganyan nga Lynn. Tama yan. Mag-aral ka. Kung ayaw mong matulad sa ate mo, layuan mo yang si Ricci." Mama says as she entered in my room. May nilapag siyang pera sa table, allowance ko.
"Hindi ko naman po pinababayaan yung pag-aaral ko ma. Hindi magiging hindrance si Ricci ma. Hindi ako matutulad kay ate." Walang emosyon kong sabi kay mama.
"Naku Lynn! Umayos ka! Layuan mo yang lalaki na yan. Ganyan din yung sinabi ng ate mo noon. Na ano? Hindi pababayaan ang pag-aaral? Jusme! Nakita mo ang nangyari, nasaksihan mo Lynn. Sinasabi ko sayo!" Mama shouted at me then walked out of my room.
Ayokong madisappoint muli si mama. Ayokong maulit sa akin yung nangyari sa ate ko. Pero paano? Mahal ko si Ricci. Hindi ko kayang iwan siya. Ngayon pa na sinagot ko na siya, na kami na.
Ano ba ang dapat kong gawin? I never imagine myself na magtago ng sikreto kay mama. Yung suwayin 'yung utos niya? This is my first time. Nangako ako na hindi mauulit sa akin yung nangyari sa ate ko pero heto ako ngayon nakikipaglaro sa laro ng pag-ibig.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?"
Napatingin ako sa taong nakatayo sa pintuan ng kwarto ko, si ate Khaila.
"Huh? Wala to. About sa... c-case study." Alanganin kong sagot.
"Spill it Lynn. I heard mama before I went here. So tell me what's the problem?" Nakatitig si ate sa akin habang nag-aabang na magsalita ako. Tila ba binabasa niya ang ang nasa isipin ko.
Umiwas ako ng tingin. Paano ko ikukwento sa kanya ang problema ko? Okay na ang kondisyon ni ate. Magaling na siya at ayoko ng ipaalala sa kanya ang mga nangyari noon sa kanya.
"Tungkol ba yan sa inyo ni Ricci?" Napabalik ang tingin ko sa kanya na seryosong nakatitig sa akin.
"Ate." Bulong ko.
"Kung mahal mo, go! Huwag kang mag-alala. Magkaiba tayo ng kapalaran. Nabigo man ako sa pag-ibig, hindi ibig sabihin noon ganon din ang sayo." Seryoso si ate Khaila. Nakalimot na ba siya? Its been only three months since that incident happened.
"Matalino ka naman eh. Alam mo na kung ano ang tama at mali." Umupo at tumabi si ate sa akin sa kama.
"Matalino ka din naman ate. Pero---" I hesitated. I might hurt her feelings. I don't want to see her break down again.
"Tama ka. Matalino ako pero naging tanga ako." She let out a chuckle." Gaano man katalino ang isang tao pero kapag nagmahal nagiging bobo kagaya ko. Pero ang naging mali ko naman kasi Lynn ay wala akong itinira para sa sarili ko." Yumuko si ate. Hindi na maganda ito. Baka bumigay na naman siya.
"Ate tama na. Okay na---'
"Hindi Lynn. Okay lang ako. Haha!" Tumawa siya ng mapakla, pinipilit na huwag maluha.
"Kaya ikaw hindi ibig sabihin na huwag mo akong tularan eh hindi ka na magmamahal. Masarap magmahal Lynn. Pero masarap nga kung sa tamang tao ka iibig. At syempre hindi mo malalaman kung siya na ba si Mr. right ng basta basta lang. Take your time. Kilalanin mo siya, yung family niya. Lahat. Lahat-lahat. Ang pakatatandaan mo lang, magtira ka para sa sarili mo. Hindi lang dapat sa kanya iikot ang mundo mo dahil kapag nabigo ka, sa huli ikaw ang talo. Feeling mo ubos na ang lahat ang sayo. Wala ng natira. At yun ay mali. Maling-mali yung pakiramdam na yun. Dahil may pamilya at mga kaibigan ka pa na una mong minahal kaysa sa lalaki."
Tumatango lang ako habang nagpapayo si ate Khaila. Magaling na nga ba talaga siya? Wala na ba siyang sakit na nararamdaman? I wonder paano kung matulad ako sa kanya na nabigo sa pag-ibig? Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang mawala si Ricci sa akin?
Advertisement
Sa buong araw na to wala akong nagawang matino. Hindi nagfufunction ang utak ko. Hindi ko tuloy matapos-tapos yung case study ko. Wala pa yata ako sa one-fourth nun.
Maghapon lang akong walang magawa rather ginawa. Tamad na tamad ako kumilos. Nakaupo lang ako sa sala kaharap ang mga chips, cookies, juice at syempre tv. Ito ang paborito kong routine kapag walang pasok at hindi ako busy.
Text ng text sila Dallia, Aliya, Jenny at Charlotte. Nangangamusta at nagungulit sa akin na magkwento ako tungkol sa amin ni Ricci. Ano na daw ba ang status namin? Hindi ko pa nasasabi sa kanila na sinagot ko na si Ricci. Gusto ko sana family first pero ayun nga, ayaw ni mama so paano ko sasabihin?
Ang sabi ni Ricci nasabi na daw niya sa family niya na kami na. And they want to meet me again as Ricci's girl daw. They were happy na sinagot ko na si Ricci. Kaya naman they invited me for a family lunch tomorrow since hindi naman ako pwede ng dinner. Hindi ako makatanggi kaya um-oo agad ako.
My problem is paano ako magpapaalam kay mama. Nauubusan na ako ng dahilan eh.
"Sabihin mo may bibilhin ka lang sa book store." Ricci said over the phone. Ganito ang usual routine namin every night bago matulog, ang magtawagan sa telepono.
"Ilang beses na akong pumunta ng book store this past few days. Baka magtaka na si mama." Malamya kong tugon sa kanya.
Bumangon ako sa kama para kunin ang laptop ko na naiwan ko sa baba.
"What if kunwari bibili ka ng bagong damit." Suhestyon ulit ni Ricci.
"Hindi pwede, alam niyang nagtitipid ako ngayon eh. Alam mo na ang daming school works and that means may gastos." Kibit balikat kong sagot sa kanya habang pababa ng hagdan. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko sa takot na mahulog ako dito.
"Ako naman ang gagastos sa damit mo."
Hindi agad ako nakasagot ng makita ko si mama na pumasok sa bahay at papalapit sa direksyon ko. Nakababa na ako ng tuluyan nang makalapit si mama.
"Hello Lynn, nandyan ka pa ba?"
Hindi ko na pinansin pa ang kausap ko sa kabilang linya. Ang buong atensyon ko ay na kay mama at sa lalaking kasama niya.
"Sino yang kausap mo? Gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?" Ani ni Mama habang nilalapag ang bag niya sa mesang katabi ko na nasa gilid ng hagdan.
"Ah, si Dallia po ma. May kinaklaro lang about doon sa project namin." Sabi ko habang nakatanaw sa lalaking iginiya ni mama sa salas. Nginitian niya ako ng bahagya at ganoon din ang ginawa ko.
Pinagmasdan ko silang mabuti ng tanungin ni mama kung anong gusto nitong inumin.
"Lynn, ipagtimpla mo nga muna ng kape itong si tito Lenard mo. Dali na nang maipakilala kita." Utos ni mama sa akin at umupo sa siya sa tabi nung lalaking sinasabi niyang Lenard daw ang ngalan.
Ako naman ay mabilis na kumilos. Tila hindi ko mawari ang nangyayari. Mayroon na akong ideya pero hindi iyon pumapasok sa isip ko. Pagkatapos kong magtimpla ng kape, napabalikwas ako sa gulat ng tumunog ang aking telepono na inilapag ko sa mesa kanina.
Shookt! I forgot that I am talking with Ricci just a while ago! Did I ended the call? I'm too occupied by the presence of Mom and that Lenard. I answered the call quickly.
"H-hello? R-Ricci..." Shit naman bakit ako nauutal?
"Binabaan mo ako ng telepono." Napapikit ako dahil sa malamig at seryoso niyang boses.
"Sorry." Ang naging tanging tugon ko.
"Lynn! Bakit ang tagal mo naman!" Dinig kong sigaw ni mama mula sa salas.
"Heto na po!" Inipit ko ang telepono ko sa pagitan ng aking tainga at balikat para hindi ito malaglag.
"Ricci mamaya na tayo mag-usap. Kailangan ko muna ibaba ito. Bye." Mabilis kong saad habang kumukuha ng platito at inayos dito ang mug na may kape. Hindi ko na hinintay ang tugon ni Ricci. Binulsa ko ang aking telepono at inihatid na ang kape sa bisita ni mama.
"Pasensya na po natagalan." Nilapag ko ang kape sa mesa at akmang aalis na ako nang pigilan ako ni mama.
"Lynn maupo ka muna, may pag-uusapan tayo." Napatigil ako bigla sa sinabi ni mama. Bigla akong kinabahan sa posibleng kahinatnatan ng pag-uusap na ito.
Sa huli, umupo ako sa katapat nilang sofa at kyuryosong tumitig kay mama at dun sa lalaki. Papalit-palit ang aking mga tingin. Si mama ay bumuntong-hininga bago magsimulang magsalita.
"Lyyn, hindi ka na bata. Alam kong hindi ko na kailangan ipaliwanag ito. Alam mo na ang ibig sabihin---" pinutol ko si mama sa pagsasalita at mabilis na nagsalita.
"Hindi ko alam ma. Hindi ko pa alam. Hindi ko maintindihan." madiin kong anas.
Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at binaling na lang iyon sa sahig. At pinagsisihan kong ginawa ko iyon dahil tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama. Hindi ko pa din lubos maisip ang nangyari kanina. Dumating si ate at naabutan niya kami doon sa salas. Hindi naging maganda ang aming pag-uusap dahil nauwi iyon sa isang pagtatalo hanggang sa atakihin si ate ng sakit niya. Mabuti na lang at napakalma agad siya ng kanyang gamot.
As what my Mama expected, alam niyang hindi namin matatanggap na makipagrelasyon siyang muli kaya inilihim niya sa amin ito. Pero dahil may dalawang buwan na rin daw na silang magkarelasyon, minabuti na nilang ipaalam ito sa amin.
Pero nakabuti nga ba? Hindi. Nangako siya na babawi siya amin, na hindi niya itutuon ang atensyon niya sa ibang tao maliban sa amin na mga anak niya. Napatawad na namin siya noon. Pero bakit ngayon ginagawa niya ulit ito sa amin? Hindi man lamang niya naisip ang mararamdaman namin, ni papa. Si papa na namatay nang may sama ng loob.
Buong gabi akong iyak ng iyak. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.
"Papa!" Sigaw ni ate Khaila na biglang umagapay kay papa nang muntik na itong matumba.
Takot na takot akong nakaupo sa sulok ng sala. Iyak ako ng iyak. Nag-aaway sila papa at mama.
"Lumayas ka dito! Hindi ka namin kailangan ng mga anak mo!" Sigaw ni papa kay mama na umiiyak habang nag-iimpake ng damit.
"Oo! Lalayas talaga ako! Hindi ko na kayang magpanggap sa harap ng mga anak natin na masaya tayo!" Sigaw naman ni mama.
Tinakpan ko ang aking mga tainga. Ayaw ko ng sigawan. Masakit sa pandinig. Napakaingay.
"Sige! Walang pipigil sayo, lumayas ka!" Patuloy na hiyaw ni papa. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Tila ba hirap na hirap siyang huminga.
"Papa! Anong nangyayari? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni ate. Umiiyak na rin siya.
Hindi sumagot si papa. Hirap na hirap siya sa paghahabol ng kanyang hininga. Bumuhos ang luha ko nang bumagsak siya bigla sa sahig.
"Papa! Papa! Papa!" Hagulgol ni ate habang niyuyogyog si papa.
"Dan!" Humaripas ng takbo si mama papunta kay papa.
Iyak ako ng iyak habang nakatanaw ako sa kanila. Maging si ate ay nawalan ng malay. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Papa... Papa... Papa..."
"Lynn! Gising!"
"Papa..."
"Lynn!"
"Papa!" Sigaw ko nang bigla akong magising.
"Lynn okay ka lang? Sobrang init mo! Tara sa hospital!" Napatingin ako kay ate na nasa tabi ko. Tumakas na naman ang mga luha sa aking mga mata.
"A-ate..." I breakdown. I cry hard as ate Khaila hugs me.
"Ssh... Tahan na. Everything will be okay. I'm here. Don't worry."
Advertisement
Endless Stars
Stars are all Kinri has. Exiled from the noble heights of the sky, the dragon scrapes by in the backwater crags of the land of glass and secrets. It’s a chance to make friends and live a simple life away from her family — that’s all she wants. She’s different now, and she’ll prove it. But can she even convince herself?Meanwhile, in the long shadow of her legendary alchemist grandfather, Hinte struggles to find something to call her own. Out in the depths of the town’s volcanic lake, she sifts for mysterious stones, and it seems she’s found it — but her new sense of purpose doesn’t escape those around her.United by circumstance, the pair struggle to find common ground. When Kinri finally convinces Hinte to bring her along on a sifting expedition, she’s curious then baffled as the mysteries pile up, and her new companion remains tight-lipped and distant. Is this just sifting, or something more?If you're enjoying the story, don't forget to vote for it on topwebfiction! There's no registration: it's just two clicks and every single vote helps.And there's a Discord if you'd like to chat with me or other readers(Oh, and this story does have a glossary, which I am told makes it easier to follow.)
8 223Game Dungeon
A recently deceased man finds himself imprisoned in a prismatic gem, confused and missing pieces of his memory he wishes to play video games, but to his horror, he is stuck in a world of sword and magic. Hello! I am the writer of Game Dungeon thanks for your feedback! Although my intentions were not to insult the reader I can see how someone would think that way. I have no plans to change it as of now and it's better to put it out there as a warning that I use a lot of words with similar meanings but are used very irregularly. Honestly speaking my English teacher was weird and a lot of words I use are more complicated than they need to be, but again something I was drilled into was not reusing words apart from "I".
8 169The Immortal Cultivator Is An Otaku
The age of cultivation has finally descended unto the world. It was a bloody era, brutal for everyone; one to revere for the weak, one to oppress for the strong.In this new era, the forsaken scrap for food while the talentless put their hopes in the next generation.In this new era, the dauntless awaken through countless tortures while the gifted ascend through sheer enlightenment.In this new era, the rich eat medicinal pills like candy and repress those who possess solid foundations...Bloodlines, classes, skills, perks, and mana pool:Those were the five determinants for assessing the potential of young cultivators.Hibari, who was born in a prominent clan of exorcists, didn't show attunement for any of those.For seven years, he who was recognized as "trash" by his contemporaries, has lived the path of a recluse, spending his days watching anime or playing video games.Like any hot-blooded kid, the young man had dreamed of a golden finger.But a prayer he made on his fifteenth birthday would compromise the majesty of the heavens for eternity.The second: "I must have heard you wrong."Heaven's Dao:"The first Immortal Emperor was an Otaku..."The third: "..."The fourth: "..."
8 272The Female
Nobody quite knows why women stopped being born, but as the numbers began to dwindle it didn't take long for men of all breeds to grow restless and aggressive, stealing any women they could find and claiming them as their own.Parents began to hide their daughters from the Seekers, stowing their females underground in an attempt to keep them safe.Charlotte, despite her desire to leave, has accepted that she will live out her adult life in the basement of her parent's house. Tucked away and hidden from the men that would tear her family and house apart to get her.When the Seekers show up for a surprise raid, Charlotte is one of the unlucky women who are found. Forced out of her home and thrown into a world that she has only experienced through stories from her parents, Charlotte must learn how to stay alive and serve the three powerful demons that purchased her._____Note: Charlotte is a grown adult (despite having spent her life in her parent's basement) and isn't going to portray any childlike, oblivious tendencies that similar stories in this genre (sheltered female) sometimes do.⚠️THIS BOOK CONTAINS MATURE AND TRIGGERING THEMES⚠️_____
8 112The Undead Multiwalker
So another player transferred, but not to the same world, but the Multiverse. Quickly hired, with NO FORCE OF ACTION, by an ancient primordial being, to hunt down and eliminate anomalies around the multiverse. Of course, he'll encounter various kinds of challenges he will ever face. . . (X-Overs between other Worlds/Dimensions) To give details this is a story about an OC that travels around through random universes; the Multiverse at hand. I may need some ideas and suggestions to where next this OC will hop upon, and what would be the objectives would he get. Although, usually the missions would be "dealing with the anomalies". I'll let the story explain that one for me. . I do not own anything in relevance nor anything mentioned in this story.
8 251Fallen Stars
Aren't you tired of following the heroes for once?! Imagine if we followed the villains from beginning to end. But the real question is, will they win in the end...? M5 will decide that! Draco, Vega, Wrath... wait, who are these people...?
8 100