《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#TWENTY EIGHT: LIKE A MOVIE
Advertisement
Nakaramdam ng gutom si Ricci nang makalabas kami sa QCPL kaya naman nag-aya siyang maglunch. I told him na may malapit na fast food eatery akong alam para hindi na kami lumayo. Pumayag naman siya agad sa offer ko.
Nang makarating kami dito sa eatery agad kaming umorder. Ricci ordered a grilled pork, Hawaiian pizza and a frappe.
"Akala ko gutom ka?" I asked.
"Ha? Oo nga. That's why I ordered two, pero syempre share tayo sa pizza."
"Okay na yun sayo? Walang kanin?" Kunot noo kong tanong.
"Ah yun ba? no rice muna ako today. Hindi kasi ako nakapag-work out this past few days." Medyo natatawa niyang sagot.
"Psh. You should eat rice. Kahit medyo heavy yang pork, mahalaga ang kanin. But fine, I understand." Nagkibit-balikat na lang ako.
"Ikaw nga carbonara lang inorder mo eh?" He asked.
"Hindi pa naman ako gutom." I said while looking at the waiter who was serving us a soup and water.
I took a sip of water when I noticed Ricci staring at me.
"Why?"
"Ahmm, about yesterday you said you left your phone." Sumeryoso yung mukha niya.
I nodded. "Naiwan ko sa pagmamadali. Ten o'clock in the morning ang usapan namin nung kapartner ko sa project. Eh naglaba pa nga kasi ako di ba? Remember nung magkatext pa tayo? Ayun, mga nine thirty kasi ako natapos kaya naman madaling-madali ako at nalimutan ko yung phone ko."
"Ah okay I get it. Kaya pala pakner ang nasa caption niya. Partner pala kayo." May diin yung pagkakasabi niya ng pakner pero hindi ko na lang pinansin nang dumating na yung waitress dala-dala yung order namin.
"So kailan pa kayo magpartner?" Walang ganang tanong niya pagkaalis ng waitress.
"Huh? Nung last last week pa. The time we were assigned a school project." Alinlangan kong sagot. "By partner yun." Dagdag ko pa.
Anong bang problema niya? Kanina lang todo siya makangiti tapos ngayon nakakunot ang noo o kaya naman ngingisi bigla.
"Bagay kayo sa picture na magpartner." He smirked.
Tss. That's it. Galit nga pala siya sa akin. Naalala ko tuloy yung text niya.
"Akala ko ang issue dito is about sa hindi ko pagreply sa mga messages mo. Pero ano na naman ba yang sinasabi mo?" Mahinahon pero kunot noo kong tanong.
"Baka naman kasi hindi mo talaga naiwan yung phone mo. Ang totoo siguro nalibang ka lang kasi may kasama kang iba. And Harris is the name right?" He glance at me then focus on his food.
"So pinapalabas mong nagsisinungaling ako ganon? Ricci naman, I told you, naiwan ko yung phone ko. I'm busy with him oo! Pero we're busy in our project at hindi tulad ng iniisip mo!" Mahina pero may diin ang bawat salitang binibitawan ko.
Hindi siya agad sumagot. I took that time para basahin ang iniisip niya. Its obvious na naiinis siya dahil nakakunot ang noo pero mababasa mo sa mga mata ang lungkot at sakit.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya dahil inunahan ko na siya.
"Kung ayaw mong maniwala eh di wag. Kumain muna tayo."
Binalot kami ng katahimikan sa buong oras na kumain kami. Si Ricci ang nagbayad nito dahil mapilit siya. Pagkalabas namin ng eatery dumiretso at pumasok siya sa sasakyan at ako naman nakasunod lang at pumasok na rin.
Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula sa pagsasalita. Sa sobrang tahimik niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang minuto pa ang lumipas ng magsalita na siya.
"Next time na may kasama kang ibang lalaki sabihin mo agad sa akin." Seryosong sabi niya.
Advertisement
"Hindi naman iba si Harris. Oo classmate ko siya pero we're friends naman. Mabait yung taong yun Cci, ano bang problema mo?"
"Ayoko ko lang na nakikita kang may kasamang iba." Magkasalubong na naman ang mga kilay niya habang nagtatagis ang kanyang panga.
"Gaya ng sabi ko Cci, kaibigan ko siya. Imposibleng hindi kami magkasama nung tao lalo na sa school." Kalmado kong saad. I gave up. Ayokong makipagtalo. "Believe me or not, I left my phone and we've been busy working on our project. That's it. If that picture was a big deal for then fine, I won't do it next time. Happy?" I said trying to sound convincing.
"I believe you. Naniniwala na ako." He moves closer to me and held my cheeks with his hands. "I'm sorry if I'm being rude. I'm really sorry. Nagselos lang talaga ko. Hindi ko kasi alam na lalaki pala yung kasama mo tapos kayong dalawa ang magkasama. Sa iisang kwarto pa." Hurt was written on his face as he moved back and looked down.
"You don't need to feel jealous over him. You're the one that I like and not him. He's just a friend to me. But you? You're very special. You are." I assured him.
"If you like me then why won't you say yes to me?"
"Huh?" Nabigla ako sa tanong niya. "What are you---"
"Nothing. Forget it." He cuts me off. "So you're not mad at me right?"
"No I'm not." Umiiling-iling kong sagot. "Ang alam ko kasi ikaw ang galit na galit kanina." Dagdag ko pa.
"Naiinis lang hindi galit." Paglilinaw niya. "Hindi ko naman kayang magalit sayo. It's just that I don't trust him. That Harris." Sumeryoso na naman ang mukha niya.
Jusko naman, hindi pa ba siya matatapos about him?
"He's kind Ricci. He always assists me everytime I needed help on my school works these past few days."
"So lagi pala kayong magkasama?"
"Ricci naman, syempre kapag may pasok kami oo. Classmates kami. Saka noong magkasakit ako siya yung sumalba sa akin. Yung sunod-sunod na report ko tinulungan niya ako. Don't over think Cci. Please." Pagsusumamo ko sa kanya.
"Sorry. Pasensya na kung napakakulit ko." He pouted his lips. Bakit ba ang cute niya? "Sorry talaga."
"Hmm. Its okay." I nod. "Since its settled na, what to do now?"
"Yeah. We are going to have some fun para makabawi naman ako." He smiled to me and I smiled back.
"Aba dapat lang. Haha?" Pagbibiro ko. "So do you have plans for today huh?" Kyuryoso kong tanong sa kanya.
"You know how to draw right?" Tanong niya habang may kinakalikot sa phone niya.
"A little. Paano mo nalaman?"
"Here." He lend me his phone and I saw a portrait of my fave Harry Potter. "Its you who sketched that right? I saw it in your IG." He said as I gave back his phone.
I nod as if I'm amused. "So you stalked me? As far as I can recall that was two years ago."
"Ganon na nga. Haha! Ganito talaga kapag tinamaan Khaira. Hahalungkatin ko ng hahalungkatin lahat ng information na pwede kong malaman about sayo." Sabi niya sabay kindat.
"Tss! Dami mong alam. So anong kinalaman ng skills ko in drawing diyan sa plano mo ngayon?" Tanong ko.
"Secret!" He smirked. "I'm sure you'll enjoy. Trust me." He started the engine and drive going somewhere that I don't even know.
Advertisement
Kalahating oras ang lumipas nang iparada niya ang kanyang sasakyan. Bumaba siya at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Thanks." I smiled at him.
"Tara?" He offered me his hand and I accept it. He intertwined his hands with mine. Kinikilig ako shems!
"Saan ba kasi tayo?" Tanong ko habang naglalakad kami at pilit na kinakalma ang nagwawala kong puso.
"Here." We stopped in front of a shop I guess.
Tingnan ko ang pangalan ng shop na nasa harapan namin.
Studio pala at hindi lang basta shop. Pero ano to? Painting studio?
"Bakit nakukunot yang noo mo? Hindi mo ba nagustuhan?" Malungkot niyang tanong.
"Huh? Hindi ah, ano lang. Ahmm, anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Magpe-paint. You like arts di ba?"
"Ah, pero ano kasi, I haven't tried painting. Drawing pa lang." Nakangiwi kong sagot.
"Ako din naman eh. Hindi nga ako marunong magdrawing eh. Haha! Pero don't worry. A friend of mine who told me about this painting studio said that this will be a session wherein they will help us and teach us how to paint. Hindi naman daw kailangan ang marunong mag-paint basta willing matuto at the same time mag-enjoy. Akala ko kasi magugustuhan mo kaya dito kita dinala." He pouted. Naku, ang cute niya talaga.
"I like it naman. I like here." I smiled. "Oo I'm sure mag-eenjoy ako dito ng bongga pero ikaw, mag-eenjoy ka ba?" Alinlangan kong tanong.
"Oo naman!" He exclaimed. "I will. Basta masaya ka, masaya na din ako." He winked at me again.
"Baliw! Huwag ka ngang mambola diyan. Walang bola dito." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Haha! I'm just stating the fact. Tara na nga!"
Pagkapasok namin sa loob, literal na napanganga ako. Sobrang namamangha ako sa mga nasisilayan ko.
"Happy?" Ricci asked.
"Super!" I exclaimed as I roamed my eyes around at the wonderful and spectacular paintings that are surrounding us.
"Good to here that. Maiwan muna kita. I'll just inquire there." May tinuro si Ricci sa gilid na parang information desk yata. I nod in response to him.
This is my first time to go in a place like this na mayroong maraming paintings. Its like a little museum. Ang kaibahan lang, halos lahat ng paintings na nakadisplay ay likha ng mga naging customers nila. May mga pictures din kasi ng customers nila habang nagpepaint.
Nakakamangha ang mga artwork nila. Mayroong nagpaint ng mga famous tourist spot like Eifle Tower and Nami Island. Meron ding mga different scenery like mountains, hills and even ocean. Napakarami at sobrang nakakainspire. How they made such incredible artworks?
Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami ni Ricci sa mismong loob ng studio. Gaya ng sa entrance, ang mga dingding dito ay may mga nakadisplay ding paintings na kamangha-mangha talaga.
Medyo marami rin ang tao. Nakahilera at nakaupo sila katapat ang kani-kanilang canvas at mga coloring materials na kailangan sa papepaint. May bata at may mga matatanda. Pansin ko na ang karamihan ay foreigner at may mangilan-ngilan din namang Filipinos.
Pinapwesto ako sa ikalimang row sa may corner at sa kabila si Ricci na mismong katapat ko lang din. Nang magsimula ang session, nagbigay ng mga tips yung mga resident artists nila kung paano ba ang tamang pagsisimula na magpinta. Tinuruan kami ng mga step-by-step procedures which are really helpful para mapalawak ang ang imahinasyon namin sa pagpipinta.
Sa sobrang pokus ko sa pagpipinta, hindi ko na namalayang may kasama ako. Sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon. Hindi ko nga din nagalaw yung crackers and cold cuts that they served except sa cheese and drinks. Now I know why Sip and Gogh, because aside from those foods kasi they also serve wine.
Touching na lang ginagawa ko nang wala akong masilip na Ricci sa tapat ko. Saan nagpunta yun? Baka nag-cr lang siguro. Hays, tapusin ko muna tong pinepaint ko.
Guess what anong pinepainting ko?
"Nice one girl. That wa' awesome! Yow' bo'friend wou' be happy if he'll see that." Nagulat ako ng magsalita ang katabi kong babae na foreigner. Ang cute ng accent niya. Buti na lang medyo malinaw.
"Thank you. But I don't have a boyfriend." I tried to smile to her. She seems kind.
"Really? So who's that?" She asked.
I looked at my painting. I painted a man on his back wearing a green jersey with number six on it. Nakatayo siya sa ilalim ng basketball ring at nakatanaw sa hindi mabilang niyang fans. Pero sa dami nila, may isang babae na tila kapansin-pansin na kapwa sumusuporta sa basketbolista.
I don't really know why I'd painted it. I just found myself painting him.
"You're inlove girl!" The foreigner exclaimed which makes me chuckle.
"There. Tha' girl from the audience was you! And this, you like tha' man. You a' in love with him." I flushed by what she said.
Manghuhula ba to? Haha. Yes, I'm really in love with that man in my painting. I'm in love with Ricci Rivero.
And speaking of him, nasaan na ba yun? I stand trying to look around and search for him. He appeared from a door holding a canvas. Was that his painting? Ano kayang subject niya? Hindi ko kasi makita from my view.
Naglalakad siya papalapit sa pwesto. Nakatingin siya sa akin ng diretso at hindi iyon inaalis. I hide my painting from him by covering it using my body. Tumigil siya sa harapan ko, kalahating yarda mula sa kinatatayuan ko.
Pansin kong nakasunod sa kanya yung artist na nagturo sa amin kanina at nakatingin ang karamihan sa amin. Okay, anong ganap to? Bakit sila nakatingin?
"Saan ka nanggaling?" Kunot noo kong tanong at patay malisya na lang sa mga matang nakamasid sa amin. "Tapos na yang iyo? Patingin nga ng pininta mo pwede?" Nakatalikod kasi mula sa pwesto ko yung hawak niyang canvas.
"Gusto mong makita?" Tanong niya at tumango-tango ako.
Dahan-dahan niyang inikot ang canvas niya at iniharap ito sa akin. Tinitigan ko itong maigi. Napakakulay nito at napakahusay ng pagkakapinta. Ngunit sobrang pamilyar ng nasa painting. Nilibot ko ang tingin sa buong istudyo at bumaling muli sa painting. Hindi man isandaang porsyentong magkapareho pero sa husay ng pagkakapinta, hawig na hawig nito ang lugar na kinatatayuan.
Pero ang sadyang kapansin-pansin sa painting ay ang babaing nakaharap sa isamg lalaki na mayroong hawak na bagay na gaya ng hawak-hawak ni Ricci ngayon. Pabilis-bilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Para akong hinihingal sa kaba. Bakit feeling ko, ako at Ricci ang nasa loob ng painting na iyon.
Napansin kong pumalibot sa amin ang mga kapwa naming customer dito. Nakangiti sila at tila nag-aabang sa susunod na senaryo. Ano ba talaga ang nangyayari?
Tumingin ako kay Ricci. Nakangiti lang ito sa akin. Medyo inangat niya ng kaunti ang hawak niyang painting kaya bumalik na naman ang tingin ko roon. Doon ko lamang napansin na may nakasulat sa canvas na hawak ng lalaki. Naningkit ang mga mata ko sa liit ng mga letra at pinilit na mabasa ko iyon.
Will you be my girlfriend?
Doon ko narealize kung ano ba talaga ang nangyayari. So proposal pala to. Shocks I'm speechless! Its like I'm in a movie.
"Khaira Lynn Amaro..." Napabalik ang tingin ko kay Ricci nang magsalita siya. Nakakatunaw ang mga titig niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nawawala na naman ako sa pokus. "Will... y-you be my girl...friend?"
"H-huh?" I bit my lips. I'm not used to this kind of scenario.
"I'm asking you if can you be my girlfriend?... Will you be my girl... and mine only?" Dahan-dahang saad ni Ricci. He tried to smile looking a bit scared I guess.
Should I say yes? Sasagutin ko na ba siya? Magwa-one month pa lang siyang nanliligaw. Hindi ba masyadong mabilis? Haays bahala na. Basta ang alam ko mahal ko siya, matagal na.
"Girl say yes!"
"Your lucky sister! You should say yes!"
"Gwapo naman eh. Yes na dali. Haha!"
I chuckled as others were teasing me. Bumalik tuloy ako sa sarili ko. Thanks for them.
I look shyly at Ricci. I bit my lip again. I inhaled deeply trying to regain myself. "You're asking me now?" I said and he nods.
"Kapag ba sinagot kita..." I paused for a while.
"What?" He smiled.
"Kapag ba sinagot kita ibibigay mo sa akin yang painting?" I asked.
"Its yours anyway. And even this." He placed his one hand on his left chest, onto his heart.
"Ayieeee!" All eyes on us as I feel under pressure so I response quickly to him.
"Fine.. Then its a yes!" I'm nodding as I answered him and he lifted up his painting and shouted, "Yes! Thank you Lord!" I laughed at his reaction as the crowd around us were clapping in joy.
Nilapag niya sa mesa na nasa gilid namin yung painting. He closed the gap between us and hugged me tight.
"Thank you Khaira. I won't promise you anything I can't do. Pero one thing is for sure..." He paused as he released me from his hug to face me. "I love you. I love you my Khaira."
"I love you too Ricci." He hugs me again and I hug him back.
Advertisement
Dungeon Predator
[Class changing to the hidden class, Demonic Swordsman.][You are the first one to discover the hidden dungeon.][You are the first one to discover the hidden...][You are the first one...][You are...]I'm a gamer who uses ESP.I'll take it all!
8 909The Mask Maker
[participant in the Royal Road Writathon challenge] Brought to a new world of superheroes and high-tech gadgets through unknown forces Jason is forced to adapt to this new world. In the jump to this new world, he gains no superpowers, no OP system, no helpful memories. Only the business of his old self. In a world where superheroes have been around for hundreds of years and regardless of the times they need someone to repair their suits, make gadgets, and help them save the world. Jason must step into the role of a mechanic, engineer, a Mask Maker. In between this all the history of his past self becomes apparent to him as Jason tries to adapt to his new life and make new friends that might be able to save him from the threats from a history he wasn’t a part of. This story is largely a slow mystery story with a mix of action every once and a while as other characters are explored, and the events unfold. Chapters are 3000 words updating weekly at 7PM EST. Book 1 is done and Book 2 has started
8 145Chronicles of Ard : The Silver Demi-Dragon
"Wielders", or those born with ability to change the physical world around them through runes and a mystical force known as Ard. The world changed over a millennium ago when the High Mage split Ard. It stopped a rebellion but changed the way magic worked. Two people are now required to wield Ard, the ConArd and the WizArd. The ConArd acts as the source for the Ard that the WizArd wields. In the days of old there were those that bonded to miniature Dragons, Demi-Dragons, to increase their power. The demi-dragons have long since disappeared from the world but they are returning and with them they bring change. Book 1 is the journey of discovery of a young man as he makes an amazing discovery that will change his life forever. A bond will be formed that will lead him to leave his home and journey across the country to try to fulfill a destiny he is not sure he wants. This is my first attempt at writing and this book has been in kicking around in my head for over 5 years. Let me know what you think.
8 146Craft Code: Traversing Throughout the Underworld
In Atelier City, a place filled with technological marvels, lies an underworld where monsters dwell. These monsters embody the dreams of humanity, their greatest hopes and worst fears. Stumbling into this underworld by accident, Allen Lee encounters a young woman said to be a potential inheritor of the title, "Grim Reaper". With her scythe that can reap dreams and his newfound ability to use the power of dreams, the two struggle through the two sides of the city as part-time adventurers.
8 119First Love (YoonMin)
Deaf piano prodigy, Min Yoongi, meets blind ballerino, Park Jimin.
8 99Andy and Sam takes place during Kevin fords manhunt. No marlo and no nick. andy and sam have been dating the whole time.I don't own Rookie Blue or any of the characters
8 86