《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#NINETEEN: AHIA NI CCI

Advertisement

Third Person's P.O.V

Halos hindi maistorbo nila Dallia, Aliyah, Jenny at maging si Charlotte ang kanilang kaibigang si Khaira. Tutok na tutok at seryosong nagbabasa ito. Naghahanda siya para sa tatlong magkakasabay na report niya dahil sa pagliban niya sa klase sa nagdaang araw. Dulot ito nang mahimatay siya nung isang araw at tuluyang siyang nagkasakit.

Kaya naman hindi niya alintana ang tulong na inalok sa kanya ni Lazaro. Kanina lamang ay magkausap sila tungkol sa report niya at kung titignan ay para bang close na sila. Sobrang pasasalamat ni Khaira kay Lazaro, sapagkat kung hindi dahil sa kanya, maaaring naging masama ang pagkakabagsak niya noong araw na nahimatay siya. Si Lazaro ang lalaking sumalo sa kanya.

Nang araw kasing yun, pansin na ng lalaki na tila ba may problema si Khaira. Pansin din niyang umiiyak siya noon. Kaya naman nang nagpaalam si Khaira sa mga kaibigan slash classmate nila, natagpuan na lang niya ang kanyang mga paa na nakasunod sa tumatakbong si Khaira. At laking pasasalamat niya dahil kung wala siya, baka kung ano na ang nangyari kay Khaira.

Sa ikatlong pagkakataon, kasalukuyang nagrereport sa harapan ng klase si Khaira. Tahimik ang lahat. Walang makapagsalita. Ganito lagi ang atmosphere sa loob ng kanilang silid-aralan sa tuwing nag-uulat si Khaira. Walang labis, walang kulang. Sapat lang. Iyan ang laging reaksyon sa kanya ng kanyang mga kamag-aral niya. Ang tanging nagsasalita lang sa mga oras na ito ay si Khaira. At kung minsan ay ang kanilang propesor.

Paghanga ang mababasa sa mga mata ng mga nakikinig. Samantalang si Lazaro naman ay hindi mawala ang mga ngiti sa labi. Marahil tuwang-tuwa siya dahil hindi alintana ni Khaira ang sakit na nararamdaman niya.

Oo, may sakit pa siya. Nilalagnat pa si Khaira na kahit anong gawin niya, hindi niya ito maitatanggi. Namumutla pa siya pero pinili pa din niyang pumasok dahil kapag pinalampas pa niya ang araw na ito, mahuhuli siya sa klase.

Advertisement

Nagpalakpakan ang lahat matapos niyang mag-ulat.

"Job well done Ms. Amaro. You never fail us to be amazed. Knowing your condition? Just wow! Congrats!" Pagpupuri sa kanya ng kanyang propesor.

Napangiti lang si Khaira at nagpasalamat. Bakas sa mukha niya ang tagumpay. Tagumpay dahil nairaos niya ang araw na ito. Tumingin siya sa bandang likuran at ngumiti sa nakaupo roon, si Lazaro. Nag-thumbs up naman ang lalaki.

"Okay, that's all for today. Class dismissed." Sabi ng kanilang propesor at saka lumabas ng silid.

"Grabe Lynn, iba ka talaga! Biruin mo yun, kanina mo lang pinag-aralan yang report mo pero halos lahat yata ng nasa module natin, nabanggit mo! Ikaw na!" Pagpupuri sa kanya ni Aliyah.

"Baks di lang yun. May pa trivia pa si bes! Daming knows!" Pagdadagdag ni Charlotte.

"Magaling kasi yung tutor ko." Masayang tugon ni Khaira.

"Ayun tayo eh! May kapalit agad si Ricci! AH! ARAY NAMAN DAL!" Biglang binatukan ni Dallia si Charlotte.

Natahimik ang lahat. Sa lumipas na araw at sa maghapong magkakasama sila, hindi nila napag-uusapan ang tungkol kay Ricci. Alam na nilang nahulog na nang tuluyan si Khaira kay Ricci. Kaya naman hangga't maaari, ayaw na nilang pag-usapan pa ito. Ayaw na ni Khaira. Naiintindihan naman ito ng magkakaibigan, sadyang nadulas lang ang dila nitong si Charlotte.

Khaira's P.O.V

"Ayun tayo eh! May kapalit agad si Ricci! AH! ARAY NAMAN DAL!"

Ricci... Narinig ko naman ang pangalan niya. Pinipilit kong kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaya naman ayoko ng pag-usapan siya. Ayokong naririnig ang pangalan niya. Pero nangako ako sa sarili ko na pagkatapos ng UAAP, doon ko pa lamang siya tuluyang iiwasan.

Pero anong magagawa ko? Noong araw na mahimatay ako. Nagkasakit ako. Isang buong araw hindi ako nakabangon sa kama ko. Tumatayo lang ako kung kinakailangan kong magbanyo. Hindi ako makakain ng maayos. Masakit ang ulo at buong katawan ko. Marahil dahil sa pagod at puyat. Minsan din kasi, nalilipasan ako ng gutom. Pero bukod doon, masakit ang puso. Nakiramay lang siguro ang katawan ko kaya hindi ko na kinaya nung mga oras na iyon.

Advertisement

Blessing in disguise din yung nangyari sa akin. Nadagdagan kasi yung friends ko. Si Lazaro. Yeah, we're friends na. Nakakapagtaka di ba? Kahit anong iwas ko sa kanya, ang ending pala magiging kaibigan ko siya. Aminado ako na kapag kasama ko siya, I still feel uncomfortable. Because hindi mawawala yung katotohanang nagkagusto ako sa kanya dati. Pero as much as possible, tinatry kong maging komportable kapag nandyan siya. Pero ayokong humantong sa puntong mapapalapit ako sa kanya gaya ng kay Ricci. Baka kasi magkakatotoo yung sinabi ni Charlotte na may kapalit agad si Ricci.

Walang makakapalit sa kanya. Si Ricci ay Ricci. Siya ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Okay, ang corny ko na.

Kasalukuyan kong binabrowse itong cellphone ko. Ngayon ko lang kasi siya nahawakan. Ang daming texts and missed calls, karamihan galing sa friends ko. Yung iba, unknown number. Inuna kong buksan yung unknown number. Sino kaya ito?

'Hi Lynn! It's me Prince. I want to talk to you.'

'Sorry if I sneak your number from my brother's phone.'

'Lynn, answer my call please."

'It's about Ricci. I hope you spare an ample of time to talk with me.'

'Brent told me about you and Cci.'

'Call me when you're not busy.'

Ano kayang problema? Hindi na naman ba makapagfocus ni Ricci kaya si kuya Prince na yung nagtext sa akin? Pero anong magagawa ko? Baka lalong ko lang masira yung mood niya.

Bigla ko na naman naalala yung huling sinabi niya;

I can handle myself.

Kaya naman niya eh, sino ba ako para icheer up siya? Eh friend lang naman niya ako.

Pero half of me keeps on telling me that I need to talk to him. I need to support him for the last time. Yeah, I should.

I texted kuya Prince back.

'Sorry kuya Prince. I've been very busy this past few days. Sorry talaga.'

I save his number. I named it Ahia ni Cci.

After a minute, he replied.

'It's okay Lynn. Just wanted to talk about Cci. Sobrang work out at training kasi yung ginagawa niya lately. Natural naman na yun. Pero I know, he has a problem. Did you & Sahia had a fight?'

What will I say to him.

'I don't really know. Just a little misunderstanding. I know Cci will endure it. He will do everything for the team. He will.'

Little misunderstanding? For real? I don't know.

'Yeah, we trust him. We trust the team. But can you still talk to him? Kahit sa game day lang. Can you please watch the game?'

Game day na naman. Tapos ano? Magagalit na naman siya sa akin. Tapos matatalo sila? No. Ayoko.

'I'm sorry kuya Prince. I can't promise you to watch the game. I'm not sure. I'll message him na lang. Don't worry, I'll try to talk to him. I will.'

Manunuod ba ako ng game nila sa Sunday ng live? I want to but I don't think I can't. Bahala na. I'll take first my unfinished business in other subjects I'd missed. After that, I will try to talk to him. Of course, over the phone.

I can do it. Fighting!

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click