《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#EIGHT: GAME DAY

Advertisement

Haaaaaaay. Nakahinga din sa wakas.

"Congrats! Ang galing mo kanina." - Lazaro

Pabigla-bigla namang sumusulpot to. Pero tlaga ba? Nginitian niya ko? Kinakausap niya na ako ngayon ha? Bihira lang kasing magsalita yan eh. Gwapo naman pala siya eh. Matangkad. Matalino. Masungit nga lang. Pero bakit parang ibang tao yung kaharap ko ngayon?

"Are you done checking on me?"

"Ha? A-ah, Waeyo? Why would I?"

"Tss. Kanina pa kita kinakausap pero nakatitig ka lang sakin. Haha!"

"Andwae! I'm not! I'm just speechless. Nagsasalita pala ang alien. Haha!"

"Alien? Who?" Lazaro asks. He seems annoyed.

Argg! Lynn umayos ka nga!

"Whatever. I'll go now."

Then he left. And I was left dumbfounded.

Shocks Lynn! What did you do. You seems to hurt him. He looked offended.

"Aaish!"

"BOOOOOH!"

"AY BAKLA!"

"Makabakla to! Aminado ako te! Problema mo?"

Sus, si Charlotte lang pala.

"Huwag ka kasi manggugulat. Bad trip ka kaya!"

"Oh teka teka teka! Inabutan kita ditong nakabusangot. Huwag mo sa'kin ibaling yang problema mo! Anyare ba?"

"Wala to. May nakabangga lang ako."

"Huh! Don't me Lynn. I know you! Hindi ka naman naiinis ng ganyan kapag may nakakabangga ka o whatever. Ikaw pa ba? Iwas na iwas ka kaya sa mga gulo. And by how you look right now, para kang may nakaaway?"

Lakas talaga ng pang-amoy neto eh. Haays!

"Wala akong nakaaway. Nakakainis lang, nasabihan kong alien si Lazaro. And he looks offended."

And then kinuwento ko yung buong pangyayari. So heto, nasabon na naman ako ng bakla kong bff. Haish. Stupid Lynn!

"Loka ka talaga, you should say sorry. Naku Lynn! Ang bait nung taong yun no."

"Oo na, magsosorry ako kapag nakita ko siya."

"Good girl! Nga pala, remember Bryan? Friend ni Harris. Nabanggit nya sakin na wala daw palang nililigawan si Harris. Kasi nga ikaw daw ang gusto. Natotorpe lang daw talaga."

Advertisement

"Kapag talaga tsismis ang dami mong alam eh no? Tsk! And so what?"

"And so what ka dyan! Hindi yun tsismis, reliable ang source ko so totoo yun. Ang swerte mo kaya girl kay Harris. Matangkad, matangos ang ilong, ang gwapo niya te! Plus matalino pa. San ka pa?"

Syempre alam ko yun. May mata kaya ko. The truth is naging crush ko si Lazaro. And no one knows except myself. Kaso ang sungit nyan eh. Hindi sa naturned-off ako, nagfocus lang talaga ko sa study ko. 3rd year na ko and ni minsan hindi man lang siya nagpakita ng signs na gusto niya nga ako like what others are saying. So I stopped crushing him. Ayokong umasa. Tapos ngayon... ay ewan. Ayoko na sa kanya.

"Uy te, anyare na naman sayo? Ang lalim ng iniisip, kinakausap kaya kita. Hello!"

"Ha?? Ano, ahmm... naalala ko, ngayon na pala yung start ng Semi Finals. May game yung La Salle. So I need to go na."

"Ay oo nga! Buti pinaalala mo girl. Oh siya sige una na ko ah. Babye!"

Aba't kita mo yun, nauna pa sakin!

I was about to leave the classroom ng may humarang sa pinto. Dalawang babae. I know the other one, si Shaya, siya yung balitang nililigawan ni Lazaro.

"Excuse me Miss. Makikiraan."

"Ikaw si Khaira Lynn di ba?"

Kilala niya ko? Haha, sa bagay kilala ko din naman siya.

"Yes, ako nga. Bakit?"

"Wala naman. I just check who you are." - Shaya

"And why?"

"I have a question. Do you and Harris are dating?" With matching taas ng kilay pa. Taray!

Okay Lynn, relax lang. Don't mind her.

"No. We're not even friends. So don't worry about me."

"Well, that's good. Tsaka I don't think so na magugustuhan ka nya. I'm prettier than you."

Advertisement

Ang taas din ng tingin neto sa sarili eh. Beauty nga, without brains naman. Char! Narinig ko lang yun sa iba ha.

"Yeah, you're prettier than me. If you're finish now with me, I'll excuse myself na. Bye."

And I walked out. Buti nga walang sumpong yun. War freak daw kasi yun eh. Good thing, nagmamadali din ako. Dahil kapag ako ininis niya, di ko siya uurong. Tahimik ako, oo. Pero may boundary din. Don't me.

I am walking sa hallway ng school namin. Malapit na ko sa gate when someone called out my name.

"Lynn! Wait!"

Si Milan pala, block mate ko.

"Uy, kamusta?"

"Okay lang. Ikaw? Tapos na klase nyo? Congrats ah, napabilib mo na naman daw si Ma'am Borri kanina! The best ka talaga."

"Wala yun. Ang talino kaya ng partner ko. Si Lazaro. Kaya success yung reporting namin. Pauwe na ko eh. Wala si Sir Chava kaya maaga kami ngayon."

"Lagi na lang wala si Sir Taba. Haha. Joke lang. Uuwe ka na ba talaga? Patulong naman sa assignment ko oh. Hindi ko kasi mukuha yung correct answer. Okay lang ba?"

"Hindi okay. Haha. Sige tara, hanap tayo vacant room."

"Yey! Thank you Lynn! Tara dito."

Haish! Siguro nagsisimula na yung game ngayon. Sino kaya lamang.

"Uy Lynn, pano to? Cancel na ba to?"

"Hmm, yeah. Automatic na yan."

"Kaya pala eh. Yun lang pala yun. Sige I'll answer this all. Then check mo later."

"Okay. Sige."

Teka, tignan ko nga sa twitter yung score. Pag open ko ng data ko, walang tigil sa pag-vibrate yung phone ko. Daming notifs. Mula kaninang umaga kasi, di pa ko nag-oonline.

I checked the scores first sa abscbnsports. 2nd quarter na, lamang ang kalaban. Haist. I tweeted; 'Go Green Archers! Fighting! #Animo' tapos minention si Cci.

And speaking oh Ricci. I have a dm from him ulit. Seryoso ba talaga siyang maging friends kami?

'Good Morning Boss Khaira!'

Good luck on your report later.'

'Ako? wala bang good luck for me?'

'Busy?'

'How's your report?"

'Can I get your contact number so I can call you na lang?'

'Fine, sorry sa istorbo.'

Sh*t! Six messages. Hala, bakit ba kasi di ako nag-online! Haish. Galit kaya siya? Wait, di naman siguro. Sino ba ko sa kanya?

Haaay, oo nga pala, friends na kami. I hope hindi siya galit sakin. I replied him.

'Hey! Lodi, sorry po. Ngayon lang ako nakapag-online. Busy kasi sa report. Sorry talaga. You must be playing in your game right now, so it's late to say good luck pero good luck pa din. I'll pray for your win today.'

'09********* here. That's my number.'

I just hope, they will win the game. Go Ricci! Go La Salle! Aja! Haha.

"Uy Lynn, I'm done. Check mo na."

"Okay, lend me that."

She got eight out of ten. Not bad.

"Here, you got eight. Just check the value of interval sa number five and eight."

"Wow, thank you Lynn. The best ka talaga. Sige na, uwe ka na. Babawi na lang ako sayo next time, libre kita."

"Kahit huwag na. Sige na. Alis na ko ha. Babye!"

"Okay, thank you ulit. Ingat ka."

Aish! Patapos na yata yung 3rd quarter. Sana maabutan ko pang magsimula yung 4th quarter ng game.

***

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click