《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#FOUR: DINNER

Advertisement

"Sige na ija, dinner lang naman. Very thankful lang talaga kami at nabalik 'yung bag ng asawa ko." Daddy naman niya ngayon.

Haaays. Ano na Lynn?

"Ano po kasi, aaah... eeeh---"

"Iiih, oooh, uuuh. Haha, joke lang." Ricci laughs sabay nagpeace sign.

Haha! Loko 'tong si Ricci, lakas mangtrip! Gusto pa lang mag-joke.

"Ano ija? Tara?" Mommy niya.

"Ahmm, okay lang po ba? Nakakahiya po kasi family dinner niyo tapos may extra."

Nakakahiya naman kasi talaga, baka ma-out of place lang ako doon eh.

"Okay lang 'yan Miss, don't worry nandiyan naman si Sahia oh. Siya ang bahala sayo." Prince Rivero, ang kuya niya na may pagkindat pa kay Cci.

"Loko! Haha. Tara na nga, gutom na ako. Tara na Miss?" Ricci asks.

"Ha? Ah... Okay."

Shocks, oo na lang basta si Cci na ang nag-aya!

(at restaurant)

Awkward.

Ikaw ba naman makatabi mo si Ricci Rivero. Tapos kasabay mong mag-dinner 'yung family niya. I should be happy pero ang awkward talaga. Feeling ko epal lang ako dito.

Bale ganito kasi 'yung pwesto namin. Iyong table na parectangle with 8 chairs. Tig-isang upuan sa magkabilang dulo, then tig-tatlong upuan naman sa sides ng table.

Yung daddy ni Cci sa dulo, then sa kanan niya ay iyong mommy niya. Katabi ng mommy niya 'yung isang bata then ako. Sunod naman si Ricci na nakaupo sa kabilang dulo, bale harapan sila ng Dad nya. Tapos nasa kanan ni Cci iyong kuya Prince niya na siya namang katapat ko. Katabi naman ni Prince yung dalawa pang bata.

Gets niyo ba? Basta ayon na 'yun. Hindi sila kumpleto eh. Wala si Rash at Gelo yata. I'm not sure, basta si Cci at kuya Prince then tatlong bata 'yung nandito.

"By the way ija, ano nga pala ang name mo?" Tanong noong mom ni Ricci.

"Lynn po."

"Lynn lang talaga? Ang ikli naman." Prince chuckled.

"Ah, Khaira Lynn po. Lynn 'yung nickname ko." I bit my lips.

Pakiramdam ko ay ako ang magiging topic nila ngayon.

"Okay. So Lynn, thank you talaga ah. Nandito kasi sa bag ko 'yung wallet ko, cellphone, ID's ko and even 'yung cellphone ni Sahia."

"Yeah, thank you ha, nabalik 'yung phone ko." Ricci smiled at me.

Myghaad! Nginitian ako ni Ricci! Actually kanina pa siya nakangiti, ngayon ko lang napansin kasi this time, sobrang lapit niya talaga.

Advertisement

"Hmm. Wala 'yun." Diretso kong sabi ng di tumitingin kay Cci.

"Paano mo nagawa iyon?" Prince asked.

"Huh? A-ang alin po?" Kuryoso kong tanong.

"Iyong sa snatcher. Anong nangyari kanina?" aniya.

"Ah... Hindi ko din alam eh. N-nagulat na lang ako nang malapit na iyong magnanakaw, sinipa ko kaagad sa paa." Kabado kong sagot. Feeling ko ay iniinterrogate ako ngayon.

"Haha! Ang galing. Ang tapang mo naman." Prince continued laughing. That made my tension somehow fade away.

Ang cute niya. Laging nakatawa at nakangiti. Nagiguilty tuloy ako. Hinusgahan ko agad ang mga greem archers noon na mayabang pero nagkamali ako.

"Hindi ka naman ba nasaktan doon sa pagsipa mo?" Ricci sincerely asked. He sounds a bit concern but why? Who I am?

Doon ako tuluyang napatingin sa kanya. Nagulat ako dahil nakatingin pala siya sa akin kaya napaiwas agad ako.

"Uy! Concern siya." Prince

Haaays, hindi ko na kaya pang magstay dito. I glance at Ricci again. Nag-aasaran sila ni kuya Prince at hindi ko maintindihan iyong topic nila. Then suddenly, nahuli na naman ako ni Cci na nakatingin sa kanya

Nginitian niya ako kaya I smiled at him too.

"Nice one Cci!" Si kuya Prince sabay siko kay Ricci who keeps on frowning to his brother.

"Oo nga Lynn ija, hindi ba masakit iyong paa mo?" Daddy naman niya.

"Hindi naman po, okay lang po ako."

"Mabuti naman. Ilang taon kana pala, do you study ba?" Tanong muli ng daddy niya.

"Ah yes po. 18 na po ako."

"Hmm.. so college ka na? Anong year mo na?" Prince asked again.

"3rd year na."

"Saang school?" si Prince ulit. Dami niyang tanong. -_-'

"Ha? Hindi naman po kilala 'yun eh." Alanganin kong sagot.

"Ano naman ija? Sige, anong course mo na lang if you don't mind?" Mommy naman niya habang sinusubuan ng pagkain iyong bata na nasa pagitan namin.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong bunso nila na si Riley. Ang cute niya.

"Education po."

"Oh! So you want to be a teacher? That's nice!" Ricci's mom smiled at me.

"Yes po Ma'am. Thank you po."

"Naku huwag mo akong tatawaging Ma'am, Tita Abi na lang if you want. Teka di pa pala kami nagpapakilala sayo."

"Ah, iyon po ba? No need na po Ma'am, kilala ko na po kayo."

Advertisement

"Huh? Paano?" Her eyebrow furrowed.

"I'm a fan of some UAAP teams and players po."

"Kaya pala, so kilala mo na pala kami? Then what team are you supporting?" Prince asked while smirking.

"A-ahmm... I'm a UP fan po but after maeliminate ng men's basketball team sa season I'm cheering for your team La Salle." Tugon ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Prince.

"Talaga? So fave team mo iyong UP?" Tanong muli ni Prince.

"Sa volleyball, yes. Sa basketball kasi, ngayong year lang ako nakapanuod. Kaya UP din 'yung chineer ko."

"So ngayong semis La Salle na? Bakit hindi Ateneo?"

"Uy Ahia anong klaseng tanong yan?" Wow, sa wakas nagsalita din si Ricci.

"Bakit ba? Para di siya ma-OP, ikaw kasi ayaw mong magsalita diyan eh. Hiya-hiya pa kasi eh. Hindi ka niya magugustuhan sa patingin-tingin lang." Prince gave his brother a smirk.

"Loko!" Ricci chuckled.

Okay, awkward! Hindi ko sila gets. Sobrang naiilang na ako dito. Gusto ko ng umuwe. Huhu.

"So bakit hindi nga Ateneo Lynn? Siguro fan ka ni Ricci ano?" Ang galinga manghula netong si Prince. Bravo.

"Kuya!" Saway ni Ricci sa kapatid niya.

Ang daldal talaga ng kuya ni Ricci! -_-'

"Hindi ko din alam, hindi ko lang feel 'yung Blue Eagles. And y-yes, ahmm... I'm a fan of... Ricci." Pahina ng pahina ang boses ko.

And with that, tinignan na naman ako ni Cci. Bakit ko ba kasi sinabi iyon?

"Ayon! Sabi na eh!" Patuloy pa rin sa pagtawa si Prince.

Ano bang problema niya? Tawa ng tawa.

"Tigilan niyo na iyan. Kumain na muna kayo. Kain na ija." Ngayon ko lang naalalang may iba pa pala kaming kasama.

At mukhang naeenjoy naman ng mga magulang ni Ricci ang kadaldalan ni Prince dahil pansin kong natatawa din sila.

"Sige po Ma'am. Kain na din po kayo."

"Tita Abi na lang, huwag ng Ma'am."

"Ah... S-sige po, Tita Abi."

Biglang tumahimik, hindi ako makakain ng maayos, feeling ko ay nakatingin na naman si Ricci sa akin. Feelingera din talaga kasi ako eh.

Hindi ko maubos 'yung Carbonara, di ako makapagfocus sa pagkain, masarap pa naman. Paborito ko ito eh.

I glanced at Ricci. Huli na nang mapagtanto kong nakatingin din siya sa akin. May dumi ba ko sa mukha. Nginitian ko na lang siya ng bahagya then sabay tingin kunwari sa plato ko.

Awkward na naman. Bigla namang nagtawanan sila ng magsalita ang batang katabi. Hindi ko naman naintindihan iyon kaya hindi ako makatawa.

"Ubusin mo muna iyang nasa bibig mo Riley. Haha hindi ka namin maintidihan." Tita said to the kid. So siya nga si Riley. Ang cute niya. Tabachingching haha.

"Riley puputok na iyang pisnge mo oh. Haha!" Biro ni Ricci na ngayon ay tawang-tawa kay Riley.

Pati tuloy ako ay napatawa na din. Pinipilit kasing magsalita ni Riley kahit puno ng pagkain ang bibig niya. Sobrang cute talaga.

I checked my watch. Ang bilis ng oras. Its seven thirthy o'clock na pala. Naku naman, anong oras na ko makakauwe nito?

I composed myself. I need to go.

"Excuse me po. Kung okay lang po mauuna na po ako. Malayo pa po kasi ang uuwian ko."

"Ha? Ganon ba? Eh kokonti pa lang nakakain mo oh." Tita Abi glanced at my plate.

"Pasensya na po pero gabi na din po kasi. Kailangan ko na po talagang umuwe."

"Saan ka ba nakatira?" si Dad, este Tito pala. Haha.

"Sa Fairview pa po Sir."

"Tito Paolo na lang ija. Medyo malayo nga. Bakit ba napasyal ka dito sa Cubao?

"Ano po kasi, may binili po akong workbook. Nagkaubusan po kasi sa book store malapit sa amin kaya dito na lang po sa main store may available." Tugon ko.

"Ganon ba, oh sige salamat ulit Lynn. Nice meeting you. I hope we'll meet again." Tita Abi smiled at me.

Ang ganda ni tita Abi. Napaka-genuine ng mga ngiti niya. I'm really lucky to meet them. What a cute family.

"Sure 'yun ma, magkikita pa kayo. Trust Sahia. Di ba Cci? Haha. Nice to meet you din Lynn." Baling sa akin ni Prince nang baliwalain lang siya ng kapatid niya.

"Nice meeting you all din po. Thank you po sa dinner." I glanced on each of them except Ricci.

"Sige ija, ingat sa byahe." Tito Paulo.

"Sige po, salamat po. Mauuna na po ako."

Tumayo ako at isinukbit ko na sa aking balikat ang dala kong shoulder bag. Tatalikod na sana nang ako nang magsalita pa si Ricci.

"Hey, wait. Mom, Dad, hatid ko po muna siya sa labas. Okay lang po ba?" Ricci asked his parents.

Pero teka nga. Tama ba ang narinig ko? Ihahatid ako ni Ricci? Oh my! Bakit pa?

***

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click