《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#THREE: I AM MELTING!

Advertisement

I need my Field Study book tomorrow, ang kaso naubusan ako sa school namin. Wala na din sa Bookstore malapit sa amin, nagkaubusan daw.

Kaya naman di ako pumasok ng afternoon class ko. Heto ako ngayon nasa Cubao, baka meron sa main store ng National Bookstore.

Nakakapagod bumyahe, ang layo ko kasi sa Cubao. Kaso no choice. Kailangan ko talaga ng workbook. Nagpasabay na din sina Dallia, Jenny at Aliya. Hindi na sila sumama dahil may report sila. Bawal silang magleave ng klase.

So eto na nga, nakabili na ako ng book na hinahanap ko. Malapit na ring dumilim so I decided na umuwe na. Pero nagdadalawang isip ako. Nagugutom na din kasi ako eh.

Sa huli napagdesisyunan kong umuwe na lamang. Papalabas na ako ng mall nang mapansin ko na ang daming tao ngayon. Haha! Syempre nasa mall pala ako.

But something caught my attention. May parang ingay at may naaaninag akong tumatakbo di kalayuan sa akin. And then I realize, papunta sa direksyon ko iyong tumatakbo. Someone shouted;

"MAGNANAKAW! GUARD MAGNANAKAW!"

Pakiramdam ko tumigil ang mundo. May nagbubulungan na tila pinag-iisipan kung anong gagawin. 'Yung iba naman ay nagpapanic. At ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Tanaw na tanaw ko na 'yung hinahabol ng guard. Nagulat na lamang ako ng kinausap ko iyong isang lalaking nakatayo malapit sa akin.

"Kuya patulong naman. Papatirin ko 'yung magnanakaw, tapos tulungan mo ko hampasin mo siya, tadyakan, o kahit ano maharang lang siya. Okay lang ba kuya? Hala! Malapit na sya!?" Ano ba tong pumasok sa isip ko?

Hindi ko alam kung saan ko napulot iyang ideya na iyan. Delikado man ay nadala na lang din ako sa pagkakataranta lalo na nang papalapit na iyong magnanakaw sa direksyon namin.

"Hah? Ano? Hala! Sige sige! Ayan na siya!" Nagulat man si manong ay um-oo na lang din siya.

Advertisement

Nang malapit na iyong magnanakaw ay hinanda ko na 'yung paa ko. Sabi ko sa sarili ko bahala na. Sa sobrang bilis niya tumakbo, siguradong mababangga ka. Kaya imbes na tumabi ako ay inantay ko siya. Pagkatapat na pagkatapat niya sa akin, sa halip na patirin ko siya ay tinodo ko na, sinipa ko na lang siya sa paa ng buong lakas ko. Tumumba at sumubsob siya bigla matapos ng ginawa kong pagsipa sa kanya.

Akmang tatayo siya ay mabilis na inapakan ni kuyang nakausap ko kanina ang likuran ng magnanakaw upang hindi na ito makakilos at makatas. Hanggang sa dumating na din 'yung guard ng mall at hinuli na iyong magnanakaw.

Ang bata lang niya, siguro ay nasa bente anyos pa lamang siya sa tantiya ko. Wala talaga silang pinipiling lugar.

"Akala mo makakatakas ka ha! Tsk! Tsk! Pinagod mo kami! Akin na iyang bag!" si Manong Guard, sabay kuha doon sa ninakaw na bag.

Then may lumapit na magandang babae, siguro mga nasa edad 30 to 40, I'm not sure basta siya yata iyong nanakawan. May kasama siyang lalaki, asawa niya siguro. They look familiar nga eh. Pakiramdam ko nakita ko na sila.

"Thank you. Salamat po. Naku may sentimental value pa naman itong bag na ito." Sabi noong babae sa guwardiyang may hawak sa magnanakaw na ngayon ay mangiyak-ngiyak.

Hindi ko lubos maisip iyong nagawa ko sa kanya. Sinaktan ko lang naman siy. Nakakakonsensya pero may mali din siya. Hindi niya dapat ginawa iyon.

"Ay wala po 'yun Ma'am." tugon ng guwardya. "Mabuti na lang at tumulong po sila, sila 'yung humarang dito sa magnanakaw." Sabay turo ng guard kay kuya na tumulong sa akin.

I noticed na may dumating na dalawang lalaking may kasamang mga bata. Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Dahil siguro sa kanya, kay Ricci Rivero ang iniidolo.

Advertisement

Isa si Ricci sa dalawang binatang may kasamang bata ang lumapit sa mag-asawang nanakawan. Kaya pala pamilyar sila, parents niya pala iyon. Napatitig ako sa kanya, ang lapit niya kasi, as in mga 2 and 1/2 feet ang pagitan namin.

Bigla na lang akong napaiwas ng tingin nang napatingin siya sa akin, napansin niya yatang nakatitig ako sa kanya. Nanlalamig ako at naiilang sa presensya niya. Baka mamaya namumula na pala yung mukha ko. Minsan ko ng naramdaman ang ganitong pakiramdam na para kang kinakabahan. Noong nakita ko dati ang Ginebra players na mga idolo. At ngayon naman ay si Ricci Rivero, ang UAAP Basketball heartthrob.

Napatingin ako bigla sa aking relo, 6:15 pm. na, I need to go at gagabihin na ako.

I glance at Ricci for the last time but I am caught in the act. Nahuli niya na naman ako. Ang gwapo niya talaga. Gusto kong magpapicture kaso nakakahiya. Ewan ko ba. Sobrang saya ko. Gusto kong tumili pero hindi sa ganitong sitwasyon.

So I decided na um-exit na sa eksena.

Akmang tatalikod na ako nang may pumigil sa braso ko, si manong, iyong tumulong mahuli iyong magnanakaw.

"Ay Ma'am, di po namin magagawang pigilan 'yang snatcher kundi po dahil sa kanya." Aniya sabay turo sakin ni kuya. "Siya po kasi talaga 'yung naglakas-loob na harangin iyang snatcher, bale tumulong na lang ako."

Sh*t si kuya, paalis na ako eh. Huhu. Kinakabahan ako, siguro dahil kay Ricci. Nakatingin ulit siya sa'kin eh. Ano bang problema niya?

"Talaga? Naku ija, thank you ah!" Sabi noong mom ni Ricci.

"Ah, wala po 'yun, ginaya ko lang 'yung napapanuod ko sa t.v." I laugh between my words.

Kinakabahan talaga ako, I don't know why.

"Sige po Ma'am, Sir. Mauna na po ako. Dadalhin ko na po ito sa prisinto." Paalam ng guwardya.

"Sige boss, ikaw na ang bahala diyan." daddy ni Ricci.

"Ahmm... Ma'am, excuse me po, mauuna na din po ako sa inyo." Singit ko.

Yari ako neto, gabi na.

"Huh? Ganon ba, hindi ba pwedeng samahan mo na lang kami mag-dinner, I owe you a lot so okay lang ba na itreat ka namin? Sige na, para kahit papaano masuklian namin iyong naitulong mo."

Sh*t, anong gagawin ko?

"Pero, ano po kasi---"

"Sige na Miss. Dinner lang. Saglit lang naman 'yun. Pagbigyan mo na kami." Ricci says while trying to smile at me. Sheez, ang gwapo niya.

Pero ohmygad! Totoo ba to? Si Ricci na 'yung nag-aayaya. Nakatingin siya sa akin ng diretso and I feel like I am melting by his stares.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naiilang ako sa hindi malamang dahilan. Paano ako makakauwe neto? Gabi na.

***

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click