《Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic》#ONE: KHAIRA LYNN AMARO

Advertisement

"Haaaaaaay.... Ugh! Inaantok pa ko. -_-"

May pasok na naman. 5:45 a.m. na so kailangan ko ng kumilos, seven o'clock kasi ang klase ko. Fifteen minutes for breakfast, twenty-five minutes sa pagligo, fifteen minutes for preparing myself and putting a light make up. Yung super light lang talaga.

And then, 10 minutes for going to school, malapit lang kasi.

Third year college na ako taking up a degree of Bachelor in Elementary Education. Yes, I want to be a teacher someday. That's why I am in this field of education. Nang makarating ako sa room ay sinalubong agad ako ng classmates slash friends ko.

"Uy Lynn hello! Wala si Ma'am. Di na naman tayo makakapagreport." Bati sa akin ni Jenny, ang kaibigan kong maka-kpop.

"Bakit? Sure ka? Buti na lang, hindi kasi ako ready." Hindi ko masyadong naaral iyong report ko.

"Oo, sure yun. Traffic daw sa bayan. Tingnan mo ang konti pa lang ng estudyante." Singit ni Dallia na siyang daldalita sa aming lahat.

Yeah. Pansin ko ngang wala pang masyadong estudyante ang pumapasok.

"Uy te, baka may bago kang korean novela jan, papasa naman!" Jenny asked.

"Haynaku Jenny! Tigilan mo yan, pahinga muna si Lynn diyan di ba?" Dallia says.

"Ha? Oo eh, tsaka di pa pinapalabas iyong inaabangan ko. Basta pag meron na pasahan kita."

"Ay sige sige! Thankie!" Jenny giggles.

Haaay, ang boring na naman. These days medyo tinatamad ako mag-aral. Ewan ko ba. Umupo ako sa dulo ng row namin sa tabi ng bintana, manunuod na lang muna ako.

"Uy te, ano iyang pinapanuod mo?" Dallia asked.

"Ano pa ba, eh 'di volleyball game na naman. Di ka ba nagsasawa diyan Lynn? Paulit-ulit na lang yan. Puro UP naman lagi pinapanuod mo." Jenny said.

"Tss. Bakit ba? Eh kasi nga di ba 'yung final games lang napanuod ko noong UAAP Season 79, DLSU versus ADMU iyon. Eh after noon, PVL na pinanuod ko, tapos napanuod ko doon si Carlos ng UP then naging idol ko siya kaya heto, pinapanuod ko 'yung games nila noong elimination round."

Advertisement

"Ay sus! Idol lang ba talaga? Di ba Les 'yan? Lakas pumalo niyan eh. Ilang games nila 'yung napanuod ko noon." Sabi ni Dallia at kunwari'y umispike pa sa hangin.

"I don't know kung lesbian siya. Ang ganda niyang lesbian if ever." I chuckled between my words.

"Haynaku, may tinamaan na naman." Pailing-iling na saad ni Jenny.

Nagkibit balikat na lamang ako at nanuod na sa aking telepono.

Ang daldal talaga ng dalawang iyon. Sina Dallia at Jenny ay mga kaibigan ko. And aside from them ay si Aliya kaso absent yata. Makukulit iyong mga 'yun, ako kasi medyo shy type. Pero kapag oras na ng klase ay lahat kami seryoso.

Month of September na, nagstart na din 'yung UAAP Season 80. Next year pa yung volleyball. Kaya ayun, since I idolize Tots Carlos of UPWVT kapag may time ako manuod ng UAAP basketball, I cheered for UP Mens Basketball team kahit wala akong kilala sa kanila. Haha.

Huli na din ng malaman kong may beach volleyball pala. Kaso walang live telecast kaya naman nakikibalita na lang ako sa twitter. Syempre sina Tots Carlos, Ayel Estrañero at Isa Molde ang pambato ng UP. Nandoon si idol kaya I always checked my twitter kahit busy ako sa school.

Days, weeks and a month had passed. Naging normal naman ang mga araw ko. Estudyante sa umaga, fan girl naman sa hapon at gabi. Haha!

So heto na nga, everytime I open my twitter account, I've always seen the name of RICCI RIVERO from DLSU MBT in my wall. Curiosity is killing me so I searched his account. When I viewed his profile napangiti ako. Ang cute niya pala. Kaya siguro sikat.

I browsed more information about him and there I had read some tweets saying he was really good in basketball and he can do amazing dunks. And then I was shookt. I have an idol kasi na magaling mag-dunk which his moves resemble Ricci's.

But anyway, sa La Salle siya eh, UP pa din ang ichicheer ko. Haha.

And then the day has come. Its UP vs. DLSU of the UAAP second elimination round.

***

    people are reading<Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero Fanfic>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click