《Questionable Love》1
Advertisement
Class Dismissed!Sabi ng prof. namin na labis naming ikina-saya.
Pagka-labas na pagka-labas ni Prof. agad na nagsitayu-an ang mga kaklase ko.Ang kaninang silid-aralan ay nagmistula ng sabongan,real quick.
Sigawan dito,sigawan doon.Tawanan dito,tawanan doon.Ang mga naka ayos na upu-an ay kung saan sa'n na napunta.Napa-iling na lang ako sa mga kaklase na kung maka-asta ay mga high school students.
Sara!Naka-ngiting tawag ni Samantha na halatang may balak na naman.
"Kung inuman 'yan pass ako".Sagot ko sa kanya.Na tinawanan niya lang.
"Aba,aba marunong ka nang tumanggi ah."
"May project tsaka may quiz bukas.Mag aaral na muna ako.Kaya pass ako sa ayaw at sa gusto mo!"
"Hoy Sara!Masamang tumanggi sa grasya".Sigaw ni Rye sa akin.Grabe talaga ang pan-dinig nito basta inuman ang usapan.
"Kayong dalawa ang mag-sama.Palibhasa di niyo ini-isip atay nyo".Sabi ko habang bitbit ko na ang bag ko
"Sara naman eh,minsan lang kami mag-aya eh".Malungkot na tugon sa akin ni Samantha na para bang totoo ang sinabi.
Tumawa ako ng malakas at hinampas siya sa balikat."Ang kapal ha,Anong minsan? Halos araw araw na tayong ando'n".
"Bagong club ang pupuntahan natin,gaga.Madaming pogi do'n" naka-ngising sambit ni Rye sa akin.
Sasagot pa sana ako ng mapansin kong may nag aaway na naman sa gilid ng isang room.
Hindi ko na sana papansinin.Kase lalaki naman ang nag-aaway.Napansin ko din kase na kaya niya na 'yung kalaban niya.
Pero sa 'di malamang dahilan,kusa na lang gumalaw ang mga paa ko patungo sa lugar kung saan may nag aaway.
Sisilip na lang sana ako kaso saktong nata-maan siya sa mukha .Kaya kwenil-yuhan ko agad ang nanuntok.
"Nagpapaka-hero ka naman Sara ah.Pake-alamera talaga"Natatawang sabi ni Robin sa akin habang umi-iling.
"Nakikipag-suntukan ka naman sa mga mahihina Bin ah,Mahina lang kaya?"Ma angas na tanong ko habang naka taas ang isa kong kilay.
Akma na akong susugurin ng isa niyang kasamahan.Buti na lang at dumating ang guard.Kaya agad ko s'yang binitawan.
Advertisement
Inihatad na ng guard si Robin sa tambayan niya,walang iba kundi ang Guidance Office.Suki na 'yon eh.
"Salamat kahit hindi na man na kailangan miss".Saad ng lalaking sinuntok kanina habang pinagpagpagan niya ang sout niyang slacks.
'Di ko man lang nakita ng ma ayos ang mukha dahil pinag-kaguluhan agad s'ya ng mga babae.
Tumalikod na lang ako mula sa pinang-yarihan para maka-uwi na
"Ang gwapo talaga"Manghang mangha wika ni Samantha.
"Ha?Sino?"Di maka-paniwalang tanong ko sa kanya.Habang nagpa-linga linga.
"Gaga!Si Daddy Bong.'Yong tinulungan mo!"
"Ha sino yan?"Sagot ko sa kanya
totoo namang di ko kilala 'yang tinatawag niyang daddy Bong.
"Sara,kilalang kilala kaya si Bongbong dito sa paraalan."Sambit naman ni Rye.
"Ah basta di ko kilala 'yan.Umuwi na tayo."
"Kung makikila mo 'yon sigurado ako isa ka na sa pipila, Gwapo na matalino pa.Kaso nga lang pa iba-iba ng girlfriend"Pag kwe-kwento pa na si Samantha kahit 'di naman ako interesado.
"Pumunta na tayo do'n Inday,balita ko ay pupunta din sina Bong".Pangungulit pa ni Rye.
"Sge basta libre to ah"Sumang-ayon na lang ako sa huli kase alam ko namang hanggang sa condo nila ako kukulitin.
"Sus,nalaman lang na pupunta si Bong pumayag na,Intereresado ang Inday"Natatawang pahayag ni Rye.
"Di ko nga yan kilala eh"Sabi ko sa kanya habang inirapan.
'Yan ang kilala naming Sara."Nag apir pa ang dalawa na parang mga bata.
Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.Pagka-dating namin sa condo ay nag-ayos na kami ka agad.Nasa iisa lang kaming condo .Ayaw kase nilang humiwalay sa akin.
"Rye!Ang bagal mo talaga kumilos."Sigaw ni Samantha habang nagli-lipstick.
Naka white polo Shirt lang ako at pants.Habang si Samantha ay naka Crop top at high waist pareho lang sila ng sout ni Rye kase twinning daw.Pero ayaw ko corny.
"Tara na".Masiglang aya ni Rye.Agad naman kaming lumabas at nag-lakad na papuntang parking lot.
Mabilis lang naman ang byahe maliban sa malapit lang ang sinasabi nilang lugar,ang bilis din mag-patakbo ni Rye!
Advertisement
Pagka-pasok pa lang namin ay agad bumungad ang halikan sa gitna,tawanan si gilid at lasing sa bawat table.
'Yon do'n tayo Inday".Sabi ni Samantha ng mamakita pa siya ng bakanteng table.
Pagka-upo pa lang namin ni Samantha si couch ay agad na nag-order si Rye ng alak.
"Sara,kita mo 'yong sa gilid na table?"Tanong ni Samantha habang kina-kalabit ako.
"Oo, bakit?"
"Pinsan ni Bong yang isa,si Martin."
"Oh tapos?"
"Mag-hintay ka lang at makikita mo din si Daddy Bong,bantayan mo lang d'yan.Dadating din 'yon maya-maya"Mahabang litanya ni Samantha.
"Let's Start?"Aya sa amin ni Rye na para bang mag-lalaro lang kami ng habol-habulan.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-bigay ng shot glass sa akin ni Sam.Na agad ko namang tinaggap.
Makalipas ang ilang minuto ay ubos agad ang isang bote ng alak.Pa'no ba naman kase kung maka-salin si Sam ay parang wala ng bukas!
"Sam,and'yan na ang Daddy Bong mo oh"Sabi ni Rye habang naka-nguso para ibigay ang direksyon kung sa'n si Bong.
"Inday,ano ka ngayon?Ma arteng tugon si Sam na para bang boyfriend n'ya si Bong.
"Okay lang"'Yon lang ang tangi kong nasabi.Habang tumango tango
"Sus,nagkukunwaring di n'ya type si Bong"Tawang tawa sabi ni Rye.
Pogi naman talaga si Bong ayaw ko lang aminin.Medyo may katang-karan,chinito ang mata,sakto lang ang katawan bagay na bagay din sa kanya ang nga ngiti niya.
"Sus,wag na tayong mag-lokohan Inday gan'yan na gan'yan ang mga type mo.Tsk."Pamimilit pa ni Sam.
"Landiin mo 'yan para makalimutan mo na si Mans"Sabi ni Rye habang nanunukso ang mata.
"Naka-limot na ko dun noh.Tska,Okay sana siya,kaso sabi mo pa iba-iba ng girlfriend eh.Hard Pass"Pagtanggi ko ulit.
"Wag na tayong mag-lokohan Inday"Tawang tawang saad ni Sam habang umi-inom
"Hayaan mo na yan.Sumayaw na lang tayo"Aya ni Rye na kanina pa gustong gusto sumayaw.
"Ayaw ko,kayo na lang muna"Pagtanggi ko agad
"Tara na Inday,para magka-boyfriend ka na"
"Masakit ang paa ko,sumayaw na kayo do'n.Wag n'yo na akong aalalahanin"
"Baka magalit pa si Tito Rody sa 'min pag iniwan ka namin.Kaya tara na,plsss."Pangungulit pa ni Sam.
"Wow ha,ngayon n'yo pa talaga ina-lala si Tatay ha.Kung kailan andito na tayo".natatawang sabi ko sa kanila.
"Ah tara na nga Sam,basta wag kang umalis jan ha."Sabi ni Rye sa 'kin habang hinahatak si Sam sa dance floor.
Naka-ilang shots pa ako bago nag-desisyon na pumunta muna sa open space para suminghap ng sariwang hangin.
Nadaanan ko pa ang table nila Bong.May nakakapit na kay Bong,habang si Bong naman ay pa ngisi ngisi.Si Martin naman ay napapalagit naan ng babae.At may tig-iisang akbay din ang kanilang barkada.
Bago pa man ako maka-hakbang ulit ay nag-tama pa ang aming mga mata.Nginiti-an ko lang siya at ga'non din ang ginawa niya.
Ng makarating na ako sa balkonahe ay agad akong ina-angat ang aking ulo para tignan ang malaking buwan.
Sa tuwing nakikita ko ang buwan isa lang na aalala ko,walang iba kundi ang aking Ex,si Mans.
Gwapo,matalino,sweet, at gentleman si Mans.Mag-dadalawang taon na simula no'ng nag-hiwalay kami.
"Mahal pa din kita Mans eh"Sabi ko habang naka-angat pa din ang ulo pero naka-pikit na ang mata ko.
"Swerte naman ni Mans"Sabi ng lalaking nasa likuran ko na labis kong iki-nagulat.
"Ginoo ko tabang"Gulat na sabi ko habang nililingon ang lalaking nasa likoran ko.
Tawang tawa siya nang makita ang reaksyon ko.Dito ko din nalaman kong ba't patay na patay sa kanya ang mga babae.Ang gwapo niya tumawa.
"Sorry,di ko alam na magugulatin ka pala"Pag-hingi niya ng tawad habang pinipigilan ang pag-tawa.
"Ferdinand Marcos Jr. pala"Pagpapakilala niya habang inilahad ang isang kamay."But you can call me Bongbong or Bong."
"Sara Duterte"Pagpapakilala ko din habang tinatanggap ang kamay niya.
Advertisement
- In Serial32 Chapters
Illusion/Core
Years ago magic entered our modern world and changed everything. Twenty years later, the world has Access Facilities to help budding magic users and the MDE to help manage, police, and control magic. Raven Delias is a normal teenage girl who is getting her Core magic awakened like everyone her age. She just wants to get into a good school and maybe find love in the process. But normal died years ago and everything changes for Raven when chaos erupts throughout the facility. A society already on edge doesn't want or need something like her. Raven must figure out if she is human or monster. But Raven isn't the only danger. Something is growing stronger and wants to see the world fall. Updates Thursday
8 107 - In Serial15 Chapters
The Curse Of Gods
In the world of Erza, is the nation of Tarkhel. A country where power dictates law, fists bend swords, pain bests defeat and suffering grants strength. Here lives a boy named Eren, he has a normal home, a supposedly normal school, a normal family and a normal life. But little does he know that his fate is entwined with the everpresent Evil, gnawing the world and ready to swallow it whole. Follow Eren on his journey to the realisation of the truth of his world.
8 164 - In Serial19 Chapters
Time-Leap With Certain Possibilities
This story is of a Certain Boy whose life changed drastically after an attempt of Time Travel which caused him to jump in Another Dimension and who would have thought that this boy was the one who was going to save the whole world.
8 175 - In Serial67 Chapters
Creatures of the Night
Creatures of the Night is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon purchase.Milena, an obedient teenager, has to team up with the supernatural creatures she was taught to fear in order to escape the people she once loved. *****In a world where humans must hide underground to stay safe from the creatures who roam the night, Milena's life as an outcast is hardly worth noticing. But on the day her village is attacked and her life is spared by the mysterious Elias, Milena is forced to throw everything she thought she knew about her world out the window. Because while Elias looks just as human as she is, he's actually the leader of a pack of wolf shifters, and the bond she feels with him compels her to start asking questions about the things she's been told about the creatures of the night. Because if her village was willing to lie about something like this, what other secrets might they be keeping from her?
5 164 - In Serial28 Chapters
Outlander
A story about a young, downtrodden man who suddenly ends up transported to another world. There, through a series of chance encounters, he experiences the old joys in life again and new challenges as he journeys across a fantasy world alongside new company.
8 126 - In Serial21 Chapters
Behind this mask 2.0 (Rottmnt Donnie)
!this story isn't entirely mine!Something happened to Donnie, no one knew what. One minute they were listening to Donnie yell the next they stood in the door way of horror. **Warning, may contain the following: Blood Cussing Mature scenes Self harm
8 75

