《Tulang Dedikado》Ika-labing anim na Tula

Advertisement

~

Isa...dalawa...tatlo...apat...lima,

Limang hakbang patungo sa iba

Patungo sa kung saan iiwan mo na

Iiwan mo nakong nag iisa

Tinalikuran mo lahat ng ating alaala,

Na ngayon ay lilisanin mo na

Hindi maiwasang mapaluha

At masaktan ng sobra sobra

Dahil ngayon tayo ay wala na,

At natapos na ang ating istorya

Na kung saan binuo nating masaya

At ngayon ay nasira na

Ito na nga ba ang huling sandali,

At pinutol mo na ang ating dati'y nakatali

Nakatali sa ating dalawa ngunit hindi na mananatili

Mahirap mang tanggapin na ito na ang huli

Wala na ang dating tayo,

Wala na ang dating ginoong nakilala ko

Wala na tapos na ang ating kuwento

Kuwentong sinulat at binuo mo

Na tila bang naging abo

Kusa nalang naglaho ang lahat ng pagmamahal mo

Sa ginawa mong pagtakbo,

Mas naisip ko na dapat ng sumuko

At aking buburahin lahat ng iyong mga pangako

Ito na ang huling sandali

Hindi na ako maghahabol pang muli.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click