《Tulang Dedikado》Ika-labing limang Tula

Advertisement

Ikaw ang magandang binibini

Na kahit sino ay maaaring mabighani

Hindi magsasawang sayo ay tumingin

Na tila ba isang mga bituin

Kahit pa ako ay mapapikit

Tanging ikaw lang ang ka akit akit

At handang sayo ay umawit

Kahit pa paulit ulit

At gustong sayo lang ay mapalapit

Lumipas man ang araw at panahon

Tanging sayo lamang itutuon

Ang lahat ng oras ko't panahon

Simula noon magpasa hanggang ngayon

Sa aking mga mata,

Ikaw lang ang gusto makita sinta

Kyut ka man o hindi sa paningin ng iba

Basta sa akin ikaw lang ang reyna

Kung sa paningin mo kyut ka,

Para sa akin ikaw ay isang Catriona

Husgahan ka man nila

Huwag kang mag alala

Andito ako para ipaglaban ka

Hindi ko man nabanggit lahat sinta,

Ngunit makita ko lang sa iyong mga mata

Kung gaano ka kasaya ako ay liligaya na

Ito na ang huli mong maririnig sa iyong mga tenga

At isusulat sa papel at pluma

Na 'Ikaw lamang ang kyut na mala reyna'.

    people are reading<Tulang Dedikado>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click